“Sino ba iyan anak? I’m sure hindi naman iyan si Carlos, kasi malusog naman ang mother niya. Eh! sino?” nagtatakang sagot ng kanyang Ina.
“Hindi pa po ninyo siya kilala pero pag may time po ipakilala ko po siya sa inyo. Kilala siya ni Emme, but I think nakita na ninyo siya. Remember 18th birthday of Emme, siya iyong guest singer ni Emme, si Ferdie po.” sagot ni Chelsea.
“Oh! talaga, so bakit ka sasama sa kanya? Hindi mo naman siya boyfriend. Chelsea, may matino bang babae na sasama sa lalaki na hindi pa niya lubusang kilala. Maybe his good in front of you pero may iba pa lang siyang agenda. His only a waiter, hindi mo alam pera lang habol niya sa iyo kaya nakipag kaibigan siya sa iyo.” mapanglait na sagot ng Papa niya.
“Wohh! Ganyan naba ang
“Oh! kaya pala niyaya mo akong sumama sa iyo, may balak ka palang e hi jack ang puso ko. Haha!” kwelang sagot ni Chelsea. “Haha! Parang ganoon na nga akala ko nga hindi ka papayag eh! nandiyan pa naman si Carlos, na nanliligaw din sa iyo.” sabi ni Carlos. “Hala siya oh! nagseselos ka ba? Hindi ko naman type si Carlos, kaibigan lang tingin ko sa kanya. At nainis ako sa kanya, niyaya niya ako sa event nila tapos hindi ko alam na e broadcast ba sa lahat ng tao na nandoon na girlfriend niya ako at maging future wife niya. Lakas din ng trip nang taong iyon.” sagot ni Chelsea. “Ha! talaga? So ano naging reaction mo? Tanong ni Ferdie. “Syempre nag walk out ako, halos lahat na nakakaalam kasi naka live iyon sa news. Hindi nga si
Nabalita sa TV ang nangyari sa na disgrasya at lumubog na barko iyon ay nabalitaan ng pamilyang Lee habang sila ay nanunood ng flash report. Agad silang pumunta sa pier para e check kung ano ang pangalan ng barkong lumubog, saan galing ang barko at sino-sino ang mga sakay na nandoon. Nanlumo si Mrs. Lee dahil kasama ang pangalan ni Chelsea sa lumubog na barko. Samantalang nabalitaan naman ng mga magulang ni Ferdie, ang nangyari sa kanila. Ganoon din ang ginawa nila, nagtanong tanong sila kung nakasakay ba sila Chelsea at Ferdie sa barko. Nahimatay naman si Aling Maria dahil andoon ang pangalan ni Ferdie at Chelse. “Sabi ko na nga ba Theresa, na dapat hindi muna pinayagan na sumama si Chelsea, sa lalaking iyon. Ano na ang nangyari? Sana mahanap nila si Chelsea na buhay. Makakatikim talaga sa akin iyong lalaki na ‘yon kung ano ang mangyayari kay Chelsea.” Galit na sabi ni Mr. Lee.
Nakatulog ang isang lalaki sa malakas na hampas ni Ferdie sa likod nito. Malakas ang sigaw at iyak ni Chelsea, nagmamakaawa siya sa lalaki na tumigil na sa ginawa nito. Agad na sinungggaban ni Ferdie, ang isang lalaki na humalay kay Chelsea. Sinuntok niya ito at nakatulog sa malakas na suntok ni Ferdie. Hindi pa rin tumigil sa kakaiyak si Chelsea, na trauma siya sa ginawa ng lalaki sa kanya. Mabuti na lamang dumating si Ferdie, kung hindi ay natuluyan na siya ng lalaki na halayin at babuyin nito. “Ferdie..Huhu! naiyak si Chelsea, na yumakap sa kanya. Nanginginig ito sa takot, niyakap naman siya ng mahigpit ni Ferdie. “Okay ka lang ba? Tahan na andito na ako. Alis na tayo dito baka kung magising pa itong dalawa. Kailangan nating makahanap ng paraan para makontak natin ang mga magulang natin kasi tiyak akong nag alala na sila.” sabi ni Ferdie kay Chelsea. Patak
Patakipsilim na at tumuloy pa rin sila sa paghahanap. Hindi nawalan ng pag asa sina Ferdie at Chelsea na makabalik sila sa pamilya nila. Nag antay pa rin sila hanggang sa gumabi na ito. Hindi pa rin dumating sina Carlos at Mateo. Nakita naman nila Carlos at Mateo, ang mga tauhan na pinapunta niya dito sa Isla. Nagalit si Carlos, sa kanila dahil paanong nakatakas si Ferdie at nagkita sila ni Chelsea. Akma na sanang babarilin ni Carlos, ang isa sa mga tauhan niya ngunit pinigilan siya ni Mateo. Sinabi ni Mateo, na marami pa silang gagawin at kailangan pa nila ang mga tauhang iyon. Pumayag naman si Carlos sa sinabi ni Mateo, nag usap silang bumalik na sa tabi ng dagat kung saan naghihintay sila Ferdie at Chelsea. Bago sila umalis sinabi muna ni Carlos, na may gagawin silang eksena para mas hahanga sa kanya si Chelsea, sinabi niya sa kanyang tauhan na kunwari nahuli namin kayo. Siyempre pag nangyari iyon pupurihin ako ni Chelsea. Nagta
“Gusto mo ba si Chelsea? Puwede kung kausapin si Anthony, na magkaroon ng arrange marriage para sa inyong dalawa.” sagot ni Mr. Grande. “Magandang idea iyan Pa. Kailan mo kakausapin ang mga magulang ni Chelsea?” tanong ni Carlos. “As soon as possible hindi puwedeng bumagsak ang kompanya natin ng basta-basta nalang.” tugon ni Mr. Grande. Nagkasundo sina Mr. Grande at Carlos, sa bagay na iyon. Walang kaalam alam si Mr. Grande na ginamit lang siya ni Carlos, para sa balak niyang maghiganti rito. Hindi naman talaga nalulugi ang kompanya dahan-dahan lang niyang inilipat ang mga shares nang mga investors sa pangalan niya. Tinitira niya si Mr. Grande, ng patalikod para sa adhikain niyang pabagsakin ito. Ganoon kagahaman si Carlos, para sa mga gusto niyang mangyari sa buhay niya. “Hello Carlos, my dear! How was your day?” tanong ni Divina.
Nagtataka si Amalia sa sinabi ni Michael sa kanya, kaya naman pagkabalik niya sa opisina sinabihan kaagad niya si Chelsea, sa sinabi ni Michael sa kanya. Tinawagan naman kaagad ni Chelsea si Ferdie, nakipag usap ito sa kanya na magkita sila pagkatapos ng trabho nila. Naibsan na ang pag alala ni Ferdie, dahil nagkausap na sila ni Chelsea. Kinagabihan magkita na sana sina Chelsea at Ferdie, nang biglang nag ring ang phone niya si Divina, ang tumawag sa kanya na magkikita sila ngayon kung hindi siya papayag ipapakalat na niya ang video nilang dalawa. Natakot si Ferdie, hindi sa naging duwag siya kundi natakot siya na baka pagmakita ni Chelsea ang ginawa ni Divina, sa kanya hindi siya paniniwalaan sa maging explanasyon niya kay Chelsea. Nag message si Ferdie, kay Chelsea na hindi sila matutuloy magkita dahil busy sila at maraming gagawin sa restaurant. Nag dahilan nalang siya ngunit hindi iyon talaga ang dahilan. Nagkita sila Ferdie at Divina sa isang hotel.
“Kumusta ka na Pogi? Matagal tagal din tayong hindi nagkita ah! Nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Chelsea at Carlos? Alam mo na bang ikakasal na siya kay Carlos?” sabi ni Amalia. “Ano? Kailan daw ang kasal nila? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” gulat na tanong ni Ferdie. “Sa katapusan sa mismong kaarawan ni Chelsea. Sa May 26 gaganapin ang kasal nila kaya busy sila ngayon sa paghahanda sa kakailanganin sa kasal. Ano na! hahayaan mo nalang bang makasal siya kay Carlos? wala ka bang plano na hindi matuloy ang kasal nila?” mariing tanong ni Amalia. “Anong gusto mong gawin ko Amalia, magmakaawa ako sa kanya. Siya ang unang humiwalay sa akin. Wala akong ibang ginawa sa kanya, hindi naman tama ang hinala niya sa pagitan namin ni Divina.” pagmamataas na sagot ni Ferdie.
Hindi muna nakikipag usap si Chelsea kay Carlos dahil sa nangyari sa kanila sa restaurant. Gumawa ng paraan si Carlos, para maangkin niya si Chelsea. Tinawagan niya ang isa sa mga tauhan niya, para utusan na samahan niya makipagkita si Mateo kay Chelsea, ngunit hindi alam ni Chelsea na set up lang iyon ni Carlos. Nagkita sila sa resto bar na malapit sa lugar nila para madali lang siyang makapunta doon. Tumawag ang tauhan ni Carlos, para ipaalam na pumayag si Chelsea, na makipagkita sa kanila. Hindi na nagduda si Chelsea, dahil naging empleyado naman niya si Mateo. “Boss, within five minutes andito na si Chelsea. Maghanda ka na diyan.” sabi ng tauhan niya. “Okay! Sige, papunta na ako. Aliwin nyo lang siya, dramahan nyo lang siya. Para hindi niya mahalata na may plano tayo sa kanya.” sagot ni Carlos sa kanyang isang tauhan na kasama ni Mateo. &