Nakangiti ang lahat habang wini welcome nila si Ferdie. Natuwa naman ang mga magulang ni Ferdie sa achievements na mayroon siya ngayon. Nagkaroon din ng magandang buhay ang kanyang stepfather si Mang Alvin. Pinapangako niya sa kanyang sarili na kung ano man ang tagumpay na meron siya ngayon ay kasama ang kanyang mga magulang umapon sa kanya hindi man sila kompleto pero naniniwala siyang masaya ang kanyang Inay ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon.
“Kumusta sa bago mong trabaho anak?” Tanong ng kanyang ama.
“Naninibago po ako Pa, hindi ko po akalain na makakaupo ako sa magarang upuan at magkaroon ng sariling opisina na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas. Pakiramdam ko po nanaginip lamang ako, at sana hindi na ako magising, haha!” Nakangiting sabi ni Ferdie.“Deserve mo iyan anak, matagal din ang nakalipas na panahon na hindi ka namin nakasama ng iyong Mama, miss na miss ka namin anak.”
Nakangiti naman si Ricky sa kanyang anak, at nagsalita uli si Ferdie.“Pa, kumusta po si Carlos? Bisitahin po natin siya sa kulungan. Kahit marami siyang nagawang kasalanan sa atin ay parti pa rin siya ng pamilya natin.” Malungkot na sabi niya.
“Oo nga anak, tama ka! Dalawin natin bukas, isama natin ang iyong Ina.”Pagkatapos lumabas ang warrant of arrest kay Carlos, ay nakulong din siya sa patong-patong na kaso na isinampa sa kanya. Hindi na rin niya na e deny kasi maraming inilabas na ebidensiya si Divina laban sa kanya. Siyempre nasaktan din si Divina sa ginawa niya dahil naging ex-husband din niya ito, kahit papaano ay may pinagsamahan din sila. Si Divina ang naging susi sa pagkabalik ng ninaw na kompanya ni Carlos kung saan inilipat niya ang kompanya sa pangalan niya ngunit nabawi nila ito dahil sa matibay na ebidensya na pinakita nila sa korte. Na annulled na din ang kasal nila Chelsea at Carlos kaya naman malaya na rin siya.
Kinabukasan ay binisita na nila si Carlos sa kulungan.
“Carlos, kumusta ka na?” bati ni Ferdie. “Bakit pa kayo nandito? Hindi na naman ako parti ng pamilya ninyo di ba!“Huwag ka naman ganyan anak, hindi naman namin iyan iniisip dahil parti ka pa naman ng pamilya namin,” sagot ng kanyang Ina.
“Hanggang ngayon ba Carlos, mapagmataas ka pa din hindi ka ba marunong humingi ng tawad sa amin na ginawan mo na mga kasalanan? “Para sa saan pa Ferdie, hindi na naman maibabalik kung hihingi ako ng tawad sa inyo. Patay na ang anak at ama ko, nawala na sa akin ang lahat at wala na akong kakampi tanging sarili ko nalamang.” Malungkot na sabi ni Carlos.“Bakit ka ba ganyan Carlos, magpakumbaba ka naman. Wala nang ibang kakampi sa iyo kundi kami nalang. Patawarin mo na ang sarili mo, para mapatawad mo rin kami.” Payo ni Ferdie.
Natahimik si Carlos ng ilang minuto, napag isip-isip niya na may punto naman si Ferdie sa sinabi niya.
“Patawarin ninyo ako, alam kung walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. Pinagsisihan ko ang lahat ng ginawa ko sa inyo lalo na sa anak ko. Hindi ko man lang siya nakasama ng matagal dahil sa nagpakabusy ako sa ibang bagay lalo na sa kagustuhan kung maghiganti kay Papa.”
Pa, sorry po! Kasi hindi ko man lang nagawang e appreciate ang mga ginawa ninyo ni Mama sa akin. Alam kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo. Sana mapatawad ninyo ako,” sabi ni Carlos.Anak, okay lang iyon! Ako nga ang dapat humingi ng tawad sa iyo, dahil alam kung marami din akong pagkukulang sa iyo at hindi ko man lang pinadama sa iyo na mahalaga ka sa akin dahil nabalot ako ng galit sa iyong ama. Kahit wala ka naman kasalanan ay dinamay pa kita. Pinapatawad na kita anak, sana mapatawad mo rin ako.” Humingi din ng tawad ang kanyang ama sa kanya.
“ Maraming salamat Pa. Oo pinapatawad na rin kita.” Nagyakapan sialng mag ama.
“Kuya Ferdie, patawad po sa lahat ng ginawa ko sa iyo, patawad po sa pagiging gahaman ko na gusto kong agawin sa iyo ang lahat nang dapat ay sa iyo. Dahil sa kasakiman ko , madami ang nadamay sa mga kamaliang nagawa ko sa inyo. Sana mapatawad mo ako,”“Okay lang iyon Carlos, kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa iyo. Pinapatawad na kita, kung nakulong ka man dahil sa akin, iyon ay para marealize mo ang pagkakamali mong nagawa. Kapatid kita Carlos, kaya masakit din para sa akin ang ginawa ko sa iyo pero alam kung ito ang nararapat gawin para na rin mapatawad mo ang sarili mo. Alam kung naguguilty ka sa kamaliang nagawa mo sa anak mo, kaya naman leksyon mo na iyon na dapat mong matutunan.” Sagot ni Ferdie.
“Maraming salamat kuya, salamat at pinatawad mo na ako. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin dahil deserve ko naman ang lahat ng nangyari sa akin,”
Nagyakapan na silang lahat na at nagkapatawaran na rin. Payapa na ang pakiramdam ni Carlos, ngayon napatawad na siya nina Ferdie at kanyanb Papa Ricky.Makalipas ang isang buwan, busy na sa paghahanda ng kasal sila Amalia at Michael. Ito na ang araw na pinakahihintay nila, abala ang lahat sa paghahanda at masaya rin ang mga magulang nila pati na ang mga kaibigan nila.“Friend, kinakabahan ako! Ito na talaga ang araw na pinakahihintay namin ni Michael.”
“Amalia, relax ka lang! Ganyan talaga pag first time mong makaexperience na ikasal, lalo na kung ikakasal ka sa taong mahal mo, ang sarap sa feeling Amalia.” Nakangiti si Chelsea habang sinasabi niya iyon kay Amalia.“Hay naku! Nag imagine ka na naman, ano ka ba darating iyan sa iyo. Darating din ang araw na ikakasal ka sa taong mahal mo at mahal ka,” nagtatawanan na lamang sila dalawa.
“Pare, congratulations! Grabe inunahan mo pa talaga ako ah! Good luck sa new journey ninyo ni Amalia, alam kung magiging masaya din kayo! Alam mo na, ako ang magiging ninong ng anak ninyo,” bati ni Ferdie.
“Salamat Pare, hayaan mo na ikaw na din ang sunod na ikakasal. At saka ako nga ang unang maging ninong ng anak ninyo ni Chelsea, haha!” natawa na lamang silang dalawa.
“Oh tama na iyang chikahan! Maghanda na kayo ha! Magsisimula na ang seremonyas.” Sabi ng wedding coordinator.
Chelsea: Hindi natin akalain na sa buhay natin may makikila talaga tayong magpapatibok ng ating puso. Hindi man naging madali ang relasyon nila Amalia at Michael pero naging matatag pa rin sila sa huli.
Ferdie: Akala ko, wala nang pag asa na umibig muli. Gaya nila Amalia at Michael, iba-iba man ang naging karanasan nilang dalawa ngunit totoo talaga ang kasabihan na “Pilit man kayong pinaglagyo ng pagkakataon ngunit pilit ka rin paglalapitin ng tadhana.”Iyon ang nasa isip nila Chelsea at Ferdie, habang pinagmasdan sila Amalia at Michael. Masaya sila para sa kanilang mga kaibigan.
Natapos na ang seremonyas, ang lahat ay patungo na sa receiption kung saan sa restaurant ni Ferdie ginanap ang reception. Naghandog naman ng isang kanta si Ferdie para sa mga kaibigan niyang si Amalia at Michael.“Tadhana” by Up Dharma Down
Sa hindi inaasahangPagtatagpo ng mga mundoMay minsan lang na nagdugtongDamang-dama na ang ugong nito'Di pa ba sapat ang sakit at lahatNa hinding hindi ko ipararanas sa'yoIbinubunyag ka ng iyong mataSumisigaw ng pagsintaBa't 'di pa patulanAng pagsuyong nagkulangTayo'y umaasangHilaga't kanluranIkaw ang hantunganAt bilang kanlungan moAko ang sasagip sa'ýoSaan nga ba patungo?Nakayapak at nahihiwagaanAng bagyo ng tadhana ayDinadala ako sa init ng bisig moBa't 'di pa sabihinAng hindi mo maamin?Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?Huwag mong ikatakotAng bulong ng damdamin moNaririto ako't nakikinig sa’ýoHabang kinakanta iyon ni Ferdie ay nakatingin naman siya kay Chelsea. Makikita sa mga mata ni Ferdie na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya kay Chelsea..Makalipas ang tatlong buwan, kabuwanan na ni Chelsea. Napahiyaw siya sa subrang sakit ng kanyang tiyan. Sa pagkakatong iyon ay nagsama na sila Chelsea at Ferdie bilang pamilya, kasal nalang ang kulang sa kanila ngunit hinintay muna nila na manganak si Chelsea bago sila magpakasal.
“Ferdie!! Nasaan ka? Ang sakit na nang tiyan ko! “Ano? Halika,..kinarga naman ni Ferdie si Chelsea papunta sa sasakyan para dalhin sa hospital. Pigilan mo muna ha! Kasi malapit na tayo sa hospital.” “Sige, arayyy! Pakibilisan mo naman Ferdie, lalabas na sila baby!” “Oo, tatlong minuto nalang makakarating na tayo sa hospital”Pagdating nila sa hospital, inasikaso kaagad ng mga nurse si Chelsea. Dinala kaagad nila sa operating room para doon na manganak. Excited naman si Ferdie dahil magiging ama na siya ilang oras na lamang.
Dumating ang mga magulang ni Chelsea pati na kay Ferdie. Andoon din sila Emme, Richard, Amalia at Michael. Kompleto ang mga mahal sa buhay nila Chelsea at Ferdie.Lumabas na ang doctor na nagpaanak kay Chelsea. “Doc, kumusta ang asawa ko?” tanong niya. “She’s fine now, puwede nyo na siyang puntahan maya-maya ihahatid na ng mga nurse ang dalawang bata. Congratulations Mr. Grande.” Nakangiting sagot ng doctor. “Maraming salamat doc,” excited na si Ferdie na makita si Chelsea at mga anak niya. “Ano pa hinihintay natin? Tara na puntahan na natin si Ate Chelsea,” sabi ni Emme.“Chelsea, anak! Okay lang ba ang panganganak mo? Tanong ng kanyang Ina.
“Yes Ma, sa awa ng Diyos okay lang naman po,”“Wala namang masakit sa iyo Babe? Tanong ni Ferdie.
“Ok lang naman Babe,” nakangiting sagot ni Chelsea.Inihatid na nang mga nurse ang dalawang cute na bata. Tuwang-tuwa silang lahat nung makita nila ang malulusog na chikiting na lalaki at babae.
“Wow, ang cute naman ng mga anak mo Chelsea. Nainggit tuloy ako sa iyo, manang-mana sa mga magulang eh! Kagwapo at maganda! Haha,” sabi ni Amalia.
“Bakit ka naman mainggit hon, gagawa din tayo ng ganyan soon haha!” asar naman ni Michael.“Hay naku! Nakakagigil ang mga pamagkin ko, kamukha talaga ni Tita,” ang sabi ni Emme.
“Anak, ano naman ang ipapangalan niyo dalawang bata?” tanong ni Mrs. Grande.“Ah! Mayroon na po Ma, napag usapan na po namin iyan ni Ferdie, ang ipapngalan po namin ay Charmaine at Fabian.”
“Wow, ang ganda naman ng pangalan Ate! I like it, “ sambat ni Emme.
“Oo nga! Good choice Chelsea at Ferdie.” Sagot ng Papa nila. Nagtawanan silang lahat.Nakauwi na si Chelsea galing sa hospital. Masaya sila Ferdie at Chelsea habang pinagmamasdan nila ang kanilang mga anak. Nagpapasalamat sila sa Diyos dahil binigyan sila ng napakagandang mga chikiting.
Makalipas naman ang isang taon, mag year old na ang kanilang mga anak. Napag isipan na nilang ituloy na ang kanilang planong pagpapakasal. Abala na naman ang lahat para sa napaka special ng araw nila Chelsea at Ferdie. Parang kailan lang na ikinasal sila Amalia at Michael. Ngyon naman ay sila naman ang ikakasal.
“Hello Chelse! Excited ka na bang maglakad sa isle? Hmmp! Ito na iyon girl, iyong dating sinasabi mo sa akin na napakasarap isipin na ikakasal ka sa taong mahal mo,” “Oo nga Amalia, subrang sarap sa pakiramdam na ikakasala na kami ni Ferdie.” “Pare, ako naman ngayon ang mag congratulate sa iyo! Finally pare, natupad na rin ang dating pangarap mo lamang, sabi ko sa iyo walang impossible pag magtiwala ka lang. Tingnan mo ngayon ang babaeng dati ay pinagmamasdan mo lang sa malayo ngayon ay magigiing asawa mo na.” nakangiting sabi ni Michael. “Oo nga Michael eh! Dream come true talaga!”Alright! Tama na ang chikahan diyan maghanda na ang lahat. Ang sabi ng wedding coordinator. Nasa simbahan na sila, naglakad na si Chelsea sa gitna, nakatingin siya kay Ferdie habang naghihintay sa kanya. Para sa kanya iyon na ang pinakamagandang araw sa buhay niya na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya.
Exchanging of vows..
Chelsea: I promise to be everything I know you can be, to never be trapped in despair to always see in yourself what I see in you, an amazing man, my husband, for whom I will always feel the greatest pride and admiration.Ferdie: My commitment to you is one if give willingly, absolutely, and without hesitation. I am yours utterly and have been since the moment we met. We were married before this day and will always be.Nasipalakpakan ang mga umattend sa kasal nila. Tuwang-tuwa ang lahat sa kasal nila Ferdie at Chelsea. Habang nasa reception sila, naghandog naman ng kanta si Ferdie kay Chelsea.
“Ikaw at Ako” by Moira Dela Torre
Sabi nila, balang araw, daratingAng iyong tanging hinihilingAt noong dumating ang aking panalanginAy hindi na maikubliAng pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mataAt ang takot kong sakali mang ika'y mawawalaAt ngayon, nandiyan ka na'Di mapaliwanag ang nadaramaHanda ako sa walang hanggan'Di paaasahin, 'di ka sasaktanMula noon hanggang ngayonIkaw at akoAt sa wakas ay nahanap ko na rinAng aking tanging hinihilingPangako sa 'yo na ika'y uunahinAt hindi naitatanggiAng tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahalAng dudulot sa pag-ibig natin na magtatagalAt ngayon, nandiyan ka na'Di mapaliwanag ang nadaramaHanda ako sa walang hanggan'Di paaasahin, 'di ka sasaktanMula noon hanggang ngayonIkaw at akoAt ngayon, nandito naPalaging hahawakan iyong mga kamay'Di ka na mag-iisaSa hirap at ginhawa ay iibigin kaMula noon hanggang ngayonMula ngayon hanggang duloIkaw at akoNakita naman nila si Carlos sa reception. Nakalaya si Carlos dahil binigyan siya ng pardon, iniatras na rin ni Divina ang mabibigat na kaso na ipinataw sa kanya. Nagkabalikan din sila Divina at Carlos.Nagpropose naman si Richard kay Emme. Masaya na silang lahat..The End…
Nakangiti ang lahat habang wini welcome nila si Ferdie. Natuwa naman ang mga magulang ni Ferdie sa achievements na mayroon siya ngayon. Nagkaroon din ng magandang buhay ang kanyang stepfather si Mang Alvin. Pinapangako niya sa kanyang sarili na kung ano man ang tagumpay na meron siya ngayon ay kasama ang kanyang mga magulang umapon sa kanya hindi man sila kompleto pero naniniwala siyang masaya ang kanyang Inay ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. “Kumusta sa bago mong trabaho anak?” Tanong ng kanyang ama. “Naninibago po ako Pa, hindi ko po akalain na makakaupo ako sa magarang upuan at magkaroon ng sariling opisina na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas. Pakiramdam ko po nanaginip lamang ako, at sana hindi na ako magising, haha!” Nakangiting sabi ni Ferdie. “Deserve mo iyan anak, matagal din ang nakalipas na panahon na hindi ka namin nakasama ng iyong Mama, miss
“Nasaan na ba ang asawa mo Chelsea, dapat siya ang nandito kasi responsibilidad niya ang bantayan at alagaan ka, naabala pa tuloy si Ferdie. “Oh! Okay lang iyon Amalia, walang problema sa akin. Baka may importante lang ginagawa si Carlos kaya hindi siya naka attend sa engagement party mo.” Sagot ni Ferdie. “Pasensya ka na Amalia at Michael ha!, nasira ko tuloy ang engagement party nyo.” Malungkot na sabi ni Chelsea. “Asus, ano ka ba okay lang iyon kasi patapos na naman ang party, ang mahalaga ay okay ka na ngayon,” Nagpaalam naman sila Amalia at Michael na balikan muna nila ang ibang bisita. “Chelsea, okay ka lang ba?” tanong ni Ferdie. “Oo, okay na ako Ferdie. Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa hospital. Nakakahiya sa iyo dapat si Carlos ang nagdalaga sa akin dito,” mahinang sabi ni Chelsea.  
Nabalitaan ng pamilyang Lee at Grande na patay na ang tunay na ama ni Carlos na si Benito. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang bawat pamilya, tatlong araw lang binurol ang ama ni Carlos saka inilibing. Sinamahan naman ni Chelsea si Carlos sa paghatid sa kanyang ama sa libingan. Pagkatapos ng libing, nagsiuwian na ang nakilibing.. “Carlos, okay ka lang ba?” tanong ni Chelsea. Ngunit hindi sumagot si Carlos, tahimik lamang ito dinadamdam pa rin niya ang pagkamatay ng kanyang ama. “Sagutin mo naman ako Carlos, nag alala na ako sa iyo ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos. Palagi ka nalang tulala,” sabi uli ni Chelsea. “Pabayaan mo muna ako, gusto kung mapag isa. Ngayon ka pa ba, magpapakita ng concern at simpatya sa akin na kung kailan ako namatayan! Kaya huwag ka nang magpakitang tao Chelsea, ok lang ako.” Sagot niya. “Bakit ka ba nagagalit? Nagpapakita
Inutusan ni Benito si Carlos na tawagan si Ricky para papuntahin sa location na sinabi niya. “Hello! Carlos, nasaan ka ba ngayon. Hinahanap ka ng Mama mo pupunta raw kayo sa bahay ni Ferdie, hindi ka raw nagpakita kay Ferdie nakalabas na lamang siya ng hospital,” sabi ng Papa niya. “Pa, sorry! Masyado lang kasi akong busy. Inaasikaso ko din ang ipinataw na kaso ni Divina laban sa akin.” Sagot niya. “Ah! Ganoon ba, ano bang kaso na kinakaharap mo ngayon? Talagang binibigyan mo ako ng sakit ng ulo Carlos.” “Wala naman akong ginawa pa, masyado lang kasi silang paranoid at tinutulungan nila ang ex boyfriend ni Chelsea si Mateo. Siyanga pala pa, may sinend akong location sa iyo, may gustong makipagkita sa iyo,” sabi ni Carlos. “Ano ba iyan?” tanong ng kanyang Ama. Sumagot si Carlos, basta puntahan mo lang ang lugar na iyon.” Sagot ni Carlos. &
Nakita ni Carlos na hindi mapakali si Chelsea. “Chelsea, anong nangyari? Bakit hindi ko nakikita sila Mama at Papa, nag out of the country ba sila?” tanong ni Carlos. “Hindi mo ba alam na nawawala si Mama at Papa, mahigit tatlong araw na. Sa bagay masyado ka naman kasing busy sa trabaho mo o di kaya sa ibang bagay kaya hindi mo na alam kung anong nangyayari sa paligid mo,” sagot ni Chelsea. “Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” gulat na tanong ni Carlos. “Carlos, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Ni hindi na nga tayo nagkikita eh! “Sino ba ang may gusto na hindi muna tayo magkita, di ba ikaw naman! Kaya huwag mong isisi sa akin kung nagtatanong ako kasi may karapatan din naman akong malaman ang mga nangyayari sa pamilya natin dahil pamilya ko na rin sila.” “Okay na Carlos, kami nalang bahala maghanap kay Mama at
“Anthony, napapansin mo ba iyong itim na van na sumusunod sa atin?” kinakabahan na sabi na tanong ni Mrs. Lee. “Hindi naman, nasaan ba?! “Tingnan mo iyong van na itim? Itinuro ni Mrs. Lee, ang van na nakasunod sa kanila. Bigla itong nag overtake saka bumababa ang dalawang lalaki na nakamask, may dala itong baril. “Teka, anong gagawin ninyo sa amin?” takot na tanong ni Mr. Lee. “Manahimik ka huwag ka nang magtanong bumaba kayo, kung hindi pasasabugin namin ang ulo ninyo kung hindi kayo susunod sa sinasabi namin.” Sabi ng mga lalaki. Bumaba sila, pinasakay sila sa itim na van. Hindi nila alam kung saan sila dadalhin hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng warehouse. Nakablind fold sila kaya hindi pa nila nakikita ang lugar.Tinanggal na ng mga lalaki ang nakatakip sa kanilang mga mata. Pinaupo silang dala