Share

ONE

CELESTE

"No one asked for your fucking opinion, you abominable piece of trash!"

I winced upon hearing Kelly's loud voice. Ano na naman bang gulo ang ginawa ng babaeng 'yun? Damn!

I heaved a sigh when I saw her holding someone's hair. Agad akong tumakbo palapit sa kanila at pilit na inihiwalay 'yung babaeng mukhang wala namang ka-muwang muwang sa mundo.

"Kelly, what's with the commotion?" bulong ko sa kaniya habang hawak ang balikat niya. Sinamaan niya ng tingin ang babae at iwinaksi ang kamay ko sa balikat niya.

"That bitch ruined my bag! Look at this, Celeste!" Itinaas niya ang dala niyang bag na may mantsa ng orange juice.

"Kelly, bag lang 'yan..." I whispered but enough for her to hear.

"Celeste, this is not just a fucking bag! It's a limited edition for pete sake. Oh my God, what am I gonna do? Where can I buy a new piece?" she mumbled and stomped her foot. Napailing naman ako at tumingin sa babaeng nakatapon ng juice sa bag niya.

"Miss, alam mo ba kung gaanong kamahal 'yung bag na 'yun?" I asked.

Sa halip na sumagot ay yumuko lamang ito. Kita ko naman ang pag-irap ni Kelly nang makita ang reaksiyon ng babae.

"Ugh! You should pay for my bag!"

Nanlaki ang mga mata ng babae at nag-angat ng tingin na para bang humihingi ng tulong. Pansin ko rin ang panginginig ng kamay niya dahil sa takot. Bumuntong hininga naman ako. Here we go again.

"Kelly," banta ko.

"What? If she ruined my bag then she should pay for it," angal nito.

Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Do you think she can pay you? Look at her clothes, halatang scholar lang siya."

"But still, she should pay for my—" Pinanlakihan ko siya ng mata kaya wala siyang nagawa kung hindi ngumuso at tumahimik na lamang.

"Miss, you may go. Just be careful next time, alright?" Hindi na siya sumagot at tumakbo na paalis.

I sighed before looking at Kelly. "See? Walang manners 'yung bitch na 'yun! Ugh, I hate her!"

"Pero kasi Kelly—"

"Stop being too nice, Celeste! Whatever, I hate you na!" Tinalikuran niya ako at nag-martsa na paalis. I just shrugged my shoulders after she left me. Tss, she's too immature.

"You can go na, tapos na ang show!"

"Kelly, why did you do that? Alam mo namang kakasimula pa lamang ng klase."

"Oo na nga, Celeste. It's my fault, okay? Can't you just shut the fuck up? Badtrip ako ngayon." I rolled my eyes and crossed my arms.

"Alam mong hindi gagana sa akin 'yang pagiging immature mo. I'm just lecturing you, Kelly. Paano kung makaapekto pa 'yang attitude mo sa pagiging part natin ng Rank Five, ha? What are you going to do?"

"Why are you so pressed ba? I can assure you that we're going to be a part of the Rank Five, okay?" She shot a brow up and crossed her arms. Sumandal siya sa sofa at nakipag-sukatan ng tingin sa akin.

"Ang sinasabi ko lang, you should be careful of your actions. Hindi tayo nakakasiguro na tayo na talaga ang susunod na Rank Five."

"Huh? You and Ashanti got the highest score in our batch last finals, Clio was the MVP of our volleyball team plus her scores were high too. While me, I represented our school for a pageant and eventually brought home the crown. And in fact, my scores are one of the highest too. Anong ikinakatakot mo?"

Muli akong bumuntong hininga dahil sa sinabi niya. Bakit ba hindi niya maintindihan ang point ko?

"Kelly, hindi tayo puwedeng makampante. Saka ka na lamang maging bitchesa kapag kasama na tayo sa Rank Five. Wala pa tayong napapatunayan, kung makaasta ka para namang napakataas mo na." She rolled her eyes and sighed heavily.

"But she ruined my bag! That bag is too expensive, Celeste. Regalo pa sa akin ni Mommy 'yun galing London!"

Muli akong napangiwi dahil sa lakas ng boses niya. Nagpapadyak pa siya na parang bata na inagawan ng candy.

"Then buy another one. You're daddy's little girl, right?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya't natawa ako.

"Alam mo you're getting into my nerves na talaga. Kanina ka pang umaga ha," reklamo niya.

"Why? Hindi ba't lahat naman ng gusto mo ay nakukuha mo? Then call your Daddy and ask him to buy you a new bag. As simple as that, Kelly."

Inirapan niya muna ako bago siya nag-type sa kaniyang cellphone. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at malakas na bumuntong hininga. Nakaka-drain talaga ng energy na kausapin ang babaeng ito.

"Ashanti, pahingi nga muna ng tubig," utos ko kay Ashanti na kanina pa kami tahimik na pinapanood.

Tumayo siya at agad na kumuha ng tubig. Walang gana niya itong iniabot sa akin bago muling bumalik sa kama niya.

"Are you guys done fighting?" tanong niya habang nakahalumbaba at takang nakatingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Kelly at kapwa nagkibit balikat.

"Nga pala, where's Clio?" I asked.

"She said may practice sila until 5 PM," sagot ni Kelly na busy sa kaniyang cellphone.

I looked at my wrist watch and my brows immediately furrowed. "It's already five forty five, bakit wala pa siya?"

Tumigil sa pagta-type si Kelly at takang tumingin sa amin. Hindi naman nag-salita si Ashanti at sa halip ay nag-suot na ng tsinelas.

"Are we going to find her or not?" tanong niya. Nagkatinginan kaming muli ni Kelly at sabay na tumayo.

"I thought may practice sila? Why are they not here?" takang tanong ni Kelly nang makarating kami sa court. Dito sila palaging nagpapractice kaya bakit wala sila rito?

Hindi pa man ako nakakasagot ay nauna nang naglakad sa amin si Ashanti. Napabuntong-hininga na lamang ako bago sumunod sa kaniya.

"Saan natin siya hahanapin? Mag-didilim na," muling reklamo ni Kelly.

"Uy Ashanti," tawag ko.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa amin ni Kelly. "Sa cafeteria," maikling sagot niya. Agad rin siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

"Eh?" I asked curiously when I saw a guy holding Clio's hand. Akmang sasampalin ito ni Clio pero napigilan siya ng lalaki.

Hindi pa man ako muling nakakapag-salita nang makita kong tumatakbo na palapit sa kanila si Kelly. I heaved a sigh before running towards them.

Gulo na naman.

"Hey, why are you holding Clio's hand?" malakas na tanong ni Kelly sa lalaki. Napatingin naman sa amin si Clio.

"Oh, Kelly, right? Sige, ikaw na lamang ang idadate ko. Mukha kasing napaka-choosy ng kaibigan mo." Napangiwi ako dahil sa sinabi ng lalaki. Ugh, men and their trashy attitude.

"What? Are you asking me out for a date? OMG!" eksaheradang saad ni Kelly. Nagliwanag naman ang mukha ng lalaki dahil sa sinabi nito.

"Ye—"

"You're so kadiri! Why would I go out with you? Sino ka ba? Do you have some properties outside Avalon? Does your family owns a company? Or are your grades high enough? If not, then you can't date me." Mahina akong natawa dahil mukhang pinagbaksakan ng langit at lupa 'yung lalaki.

"Tss, iba talaga kapag running for Rank Five, ano? Ang lakas ng confidence sa sarili." Binitiwan niya ang kamay ni Clio na dali-dali namang tumakbo palapit sa amin matapos makawala.

"Who is he?" I asked.

"Christian Anderson, isa sa bully ng school," sagot ni Ashanti. Napatango naman ako at muling tumingin kina Kelly at Christian.

"Celeste patigilin mo na sila," bulong ni Clio. I shrugged my shoulders before walking towards them.

"Kelly, let's go."

"What? This expired coupon messed up with me and Clio!" angal niya. And what? Expired coupon?

"What are you going to do with him?" tanong ko. Tumingin lamang sa akin si Kelly at malapad na ngumiti.

"Watch."

Muli siyang lumapit sa lalaki at akmang hahalikan ito pero sa halip na halikan ay tinuhod niya 'yung 'ano' ng lalaki. Mariin akong pumikit dahil sa ginawa niya.

"No means no, asshole. It does not mean that you should convince us."

"Akala mo naman kung sinong maganda," bulong lalaki.

"Excuse me mister but I know that I'm pretty. Hindi mo na kailangang sabihin. Ikaw? Do you think you're handsome? Eew! Before flirting with girls out of nowhere, try to fix your face and manners first," mataray na sagot ni Kelly. Hinawakan ko ang braso niya tanda na tumigil na kaya sinamaan niya akong muli ng tingin.

"Let's go," muling banta ko. Sa huli ay walang nagawa si Kelly kundi tumigil. Akmang aalis na kami nang muling mag-salita ang lalaki.

"Why are you so full of yourself? Do you really think you can be a part of the Rank Five?"

"That jerk! Gusto ko siyang tirisin!" iritableng reklamo ni Kelly nang makabalik kami sa dorm.

"Tss, kumalma ka nalang Kelly," ani Clio. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng tubig.

"How can I calm down? Ang sabi niya hindi raw tayo nakakasiguro na magiging part tayo ng Rank Five. Huh! Kapag talaga naging part ako ng Rank Five, isasampal ko 'yun sa face niya!"

"Whatever, Kelly. Matulog na nga lang tayo." Tamad na humiga si Clio sa kama niya at akmang matutulog na nang batuhin siya ng unan ni Kelly.

"Hindi ka ba mag-shoshower? Yuck you're so gross!"

Umirap si Clio at bumangon sa kama. "I'm too tired, okay?" pagdadahilan niya at akmang hihiga na ulit pero hinila siya ni Kelly at pinabangon.

"No, you can't sleep! Kadiri ka ha, maligo ka muna. Amoy pawis ka, eew!" maarteng utos nito.

"Fine, fine! Stop nagging at me, please." Tumayo na muli si Clio mula sa kama niya at pupunta na sana sa banyo ngunit bago pa man siya makapasok sa loob ay tumingin siya sa amin at sumandal sa pader.

"But he's right though..." My brows furrowed and looked at her confusedly.

"Hindi talaga tayo dapat makampante na makakasama tayo sa Rank Five," dagdag niya.

"How many times do I have to tell you na makakasama nga tayo? Wala ng ibang candidates maliban sa atin, duh!" Kelly exclaimed.

"But still, we should expect the unexpected, girls." Clio remarked before she went inside the bathroom.

"She's really weird," bulong ni Kelly at humiga na sa kama niya. Pati si Ashanti ay hindi na rin pinansin ang sinabi ni Clio.

Napailing na lamang ako at humiga na rin sa aking kama. I bit my lower lip and inhaled a large amount of air. Wala dapat maging hadlang sa kung ano mang gusto ko.

I'll be a part of The Rank Five. I'll claim it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status