Share

TWO

Author: Jin
last update Last Updated: 2020-08-16 14:38:41

CELESTE

"Kanina ka pa?" tanong ko nang makitang nagluluto si Ashanti sa kusina pagkagising ko. Tumingin siya sa akin at tumango.

"Anong trip mo at sinipag ka?" tanong kong muli bago sumilip sa niluluto niya. Simpleng fried rice iyon na may lahok na gulay. Nakahain na rin sa lamesa ang pritong hotdog, ham, itlog at bacon pati na rin ang salad ni Kelly.

"Gusto ko lang," sagot niya. Tumango naman ako at umupo na sa lamesa. 

Normally, Ashanti is someone who doesn't like moving. Unlike Clio, mas pipiliin niya pang humiga sa kama at matulog na lamang sa halip na magpalakas ng katawan at mag-exercise. 

"Can you please call Clio and Kelly?" she asked. Tumango naman ako at agad na sumunod. 

Dahil iisa lamang naman ang kuwarto naming lahat ay mabilis kong nagising ang dalawa. Buti na lamang talaga at nasa mood ngayon si Kelly at hindi na nag-inarte pa. Hindi kasi siya morning person katulad naming tatlo.

Nang bumalik ako sa kusina ay nakahain na ang pagkain at nagtitimpla na si Ashanti ng iced coffee niya. 

"Hindi ba talaga sumasakit ang tiyan mo diyan?" I asked before I sat down. She just looked at me and shrugged her shoulders without uttering a single word. Palihim naman akong bumuntong hininga dahil sa reaksyon niya. She's really weird.

"Good morning pips!" Malakas na bati ni Kelly nang makalabas siya sa kuwarto namin. Nakabihis na siya at sinusuklay na ang mahaba niyang buhok na may ash brown na highlights. Buti na lamang talaga at hindi against ang Avalon High sa pagkukulay ng buhok. 

"Good mood ka yata?" tanong ko.

"Dadating na raw kasi next week yung bag na inorder ko online. OMG I'm so kilig!" Walang gana akong tumango sa kaniya. Napailing rin si Ashanti nang marinig ang sinabi ni Kelly. 

"Si Clio?" 

"Naliligo pa. Lalabas na rin 'yun mamaya. Alam mo naman 'yun, konging buhos-buhos lang." Natawa naman ako at sumang-ayon sa sinabi niya. Unlike Kelly na maraming kung ano-anong ginagamit na pampaganda, wala masyadong pakialam si Clio sa panlabas niyang anyo. Well she's still pretty but she lacks effort when it comes to beauty care. 

"Are you talking about me?" Tanong ni Clio at umupo sa aking tabi. Agad siyang kumuha ng hotdog at kinain iyon.

"You're so gross talaga. May fork oh," reklamo ni Kelly kay Clio. 

"Sinong nag-luto?" 

Hindi pinansin ni Clio si Kelly at sa halip ay humarap sa akin at nagtanong. Agad ko namang itinuro si Ashanti na umupo sa tabi ni Kelly. 

"Sipag talaga," biro nito. 

"Kumain nalang kayo," tanging sabi ni Ashanti. Napailing naman si Clio at naglagay na ng kanin sa plato niya. 

"Uy baka, masarap ba?" Tumigil sa pagkain si Kelly at sinamaan ng tingin si Clio.

"Whatever," Kelly answered. Walang gana niyang isinubo 'yung salad na ibinigay ng mommy niya. Kada-linggo kasi ay pinapadalhan siya ng mommy niya ng meal prep. Her mom used to be a beauty queen and she's one of the most famous beauty queen in our country. 

"May pageant ka ba?" I asked. 

"Yeah, next next week." 

"Oh nga pala! Your brother won the election, right? Congrats!" Napatigil ako sa pagkain at tumingin kay Kelly.

"Uhm... Yes," I answered awkwardly.

"Anong election?" takang tanong ni Ashanti.

"Her older brother was appointed as mayor yesterday. Nakita ko sa news." I nodded and smiled awkwardly. Hindi naman kasi kami close ni kuya Yvvo. He's too strict and manipulative. 

"'Yung youngest mayor ba kamo?" Tumango naman si Kelly sa tanong ni Clio. 

"Nabati mo na ba?" Dagdag na tanong sa akin ni Clio. Tumigil naman ako sa pagkain at uminom ng tubig bago siya sagutin.

"Hindi pa. May dinner kami next week," I answered.

"Family dinner? Paano si Jarvis?" 

Namayani ang katahimikan sa aming apat dahil sa tanong ni Kelly. Pati si Ashanti ay napatigil rin sa pagkain at siniko si Kelly na nasa tabi niya. 

"Huh? Did I say something wrong?" Takang tanong niya. I heaved a sigh out of dissapointment. Kahit kailan talaga, walang preno ang bibig niya. Ugh!

"A-Ah mauna na ako girls. May dadaanan pa kasi ako." Tumayo si Clio mula sa kinauupuan niya at agad na isinukbit ang kaniyang bag.

"Clio..." 

"Ashanti, salamat sa pagkain. Ang sarap mong mag-luto. Sige, see you later sa classroom." Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at agad na lumabas na ng dorm.

Malakas akong bumuntong hininga at sinamaan ng tingin si Kelly na tila hindi pa rin alam ang nangyayari.

"Sa susunod kasi mag-ingat ka sa mga sasabihin mo," pangaral ko.

"Ano ba kasing sinabi kong mali?" 

"Jarvis," sagot ni Ashanti. Nanlaki ang mata ni Kelly at eksaheradang tinakpan ang bibig niya. 

"OMG! I forgot, I'm sorry!"

"Nabadtrip tuloy si Clio," paninisi ko. 

"Hindi ko nga kasi sinasadya, okay? And isa pa, why can't she move on?" Inirapan ko naman si Kelly bago ako tumayo at pumunta sa harap ng vanity table namin. 

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at kinuha ang puti kong ribbon na headband. Agad ko itong isinuot at humarap kay Kelly.

"Hindi kasi madaling mag-move on, okay? Palibhasa hindi mo pa nararanasan."

"Girls..." banta ni Ashanti nang mapansing mag-aaway na naman kami ni Kelly.

Malakas na bumuntong hininga si Kelly bago nag-sorry. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa aking sarili. 

"Tara na nga lang, baka ma-late pa tayo," aya ko.

"Mauna na kayo, liligpitin ko pa 'to," Ashanti remarked.

"Huh? Ikaw na nga ang nag-luto, ikaw pa ang mag-liligpit? Kelly, ikaw na ang magligpit." Umirap si Kelly bago tumango sa akin. Ashanti just sighed before wearing her bag. 

"Sumunod ka agad," bilin ko kay Kelly. 

Sabay kaming naglalakad ni Ashanti sa path walk nang maagaw ng atensyon ko ang nagkukumpulan na mga estudyante sa tapat ng bulletin board. I looked at Ashanti and she just shrugged. Sabay kaming lumapit at nakiusyoso. 

"Hey, what's with the commotion?" tanong ko sa isa naming kaklase. 

"May announcement na tungkol sa Rank Five," she answered. 

"What?" I exclaimed. Dali-dali kong hinila si Ashanti papunta sa bulletin board at nakipagsiksikan sa mga estudyante. 

"Clio!" Tawag ko nang makita ko si Clio sa unahan at nakatitig sa bulletin board. 

Tumingin siya sa amin at sinenyasan kaming lumapit. Agad naman kaming lumapit ni Ashanti sa kaniya. Dumako ang mata namin sa bulletin board at kapwa nanlaki ang aming mga mata.

"Bukas na agad?" I asked. 

Ang sabi kasi sa memorandum ay bukas na raw iaannounce ang Rank Five. Normally kasi ay a week after the start of new semester iniaannounce ang Rank Five at sa isang linggo pa iyon dahil noong isang araw lamang nag-simula ang klase.

"That's weird," bulong ni Ashanti.

Malakas na bumuntong hininga si Clio bago tumalikod. Bago pa man siya makaalis ay nag-salita muna siya. "Let's just hope for the best," she remarked.

"What the freaking hell? Bakit hindi mo ako ginising?" Iritable kong tanong kay Clio na nakaligo na at nag-aayos na samantalang kakagising ko lamang.

"Ginigising kaya kita, ikaw ang ayaw magising." Napairap ako at dumiretso na sa banyo. 

Damn, kung kailan announcement na ng Rank Five, saka pa ako mal-late? Ugh! Why did I study so much last night?

Mabilis akong nakatapos sa paliligo at pagbibihis ng uniform. Nang lumabas ako ay nakahanda na rin ang tatlo. 

"Bilisan mo naman," reklamo ni Kelly. 

Hindi na ako sumagot sa kaniya at mabilis na nag-ayos ng sarili. Nakatingin lamang sila sa akin kaya't medyo naconscious ako sa kung ano mang pinaggagagawa ko. 

"Mas bagay 'tong shade na 'to oh." Iniabot sa akin ni Kelly ang isa pang lipstick na bigay sa akin ni Ashanti noong birthday ko. Tumango na lamang ako dahil alam ko namang expert siya pagdating doon. 

Nang tumayo ako ay sabay-sabay rin silang tumayo at nagsukbit na ng bag. Napailing na lamang ako at mae binilisan pa ang kilos ko. 

"Let's go?" I asked. Hindi na sila sumagot at nauna nang lumabas. 

"Five minutes pa bago i-post sa bulletin board ang Rank Five. May oras pa tayo," ani Clio. Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Huh, I'm gonna prove to those people who belittled me that I can do it. Isasampal ko sa mukha nila," rinig kong bulong ni Kelly. Napangiti na lamang ako at hindi na siya pinansin. 

Dumako naman ang mata ko kay Ashanti na prenteng umiinom ng iced coffee. Tumabi ako sa kaniya at napatigil siya sa pag-inom.

"Hindi ka ba kinakabahan?" 

"Ewan, bahala na," she answered. 

Sana katulad lang din ako ni Ashanti. Hindi katulad niya ay halos atakihin na ako dahil sa lakas ng tibok ng aking puso. This is the day that all of our hardworks for the past few years would pay off. Hindi iyon dapat mapunta lang sa wala. 

I need to be a part of the Rank Five.

"It's posted!" Malakas na sigaw ni Kelly. Sabay-sabay kaming tumingin sa bulletin board at kakaalis lamang ng lalaki na staff ng school na nag-post ng announcement.

I inhaled a large amount of air before wiping my sweaty hands on ny uniform. "Shall we see it?" I asked. 

Tumango naman ang tatlo at kapwa kami nag-martsa papunta sa tapat ng bulletin board. 

"Celeste..." Clio whispered upon seeing the rankings. 

"OMG! I made it!" Kelly exclaimed. 

"Congrats," bulong sa akin ni Ashanti.

AVALON HIGH RANK FIVE:

1). Villareal, Celeste Louisse

2). Monvale, Ashanti Wren

3). Quin, Clara Siobhan

4). Carson, Kelly Eiryne

5). Pascua, Chase Glynn

"Girls.... We made it!"

-------

:)

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Aim for Rank Five (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER: Celeste & Markus

    CELESTE"Law or leave, Celeste?"I forced a smile before turning my head towards the direction of my friends. Nakatingin sila sa akin at tila nagtataka sa kung ano mang pinag-uusapan namin ni Mommy.Muli akong nag-iwas ng tingin sa kanila. I didn't expect that I'll hear those words even after two months since I last heard it.Ganoon pa rin ang epekto. Nakakatakot."Let's just talk about that later, shall we?" I asked.I heard her sighed on the other line. "I want your answer now, Celeste Louisse. Hindi ko hawak ang oras ko," seryosong saad niya."At hindi mo rin po hawak ang oras ko.""Binabastos mo na ba ako?" tanong niya pero ramdam ko ang pagpipigil sa bawat salitang binibigkas niya.Malakas akong bumuntong hininga at marahang umiling kahit na alam ko na naman na hindi

  • Aim for Rank Five (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER: Ashanti & Dane

    ASHANTI"Let's talk."I swallowed the lump on my throat before looking at Dane. "Bibili muna ako ng kape."He was taken aback at first but he just sighed. Nakibit-balikat naman ako. Coffee is a must lalo pa't mukhang seryoso ang pag-uusapan namin."Gusto mo bang samahan kita?" tanong niya."Bahala ka."Tumayo ako at agad naman siyang sumunod. Para siyang tuta na ayaw mahiwalay sa amo. Mahina akong tumawa at napailing dahil sa naisip ko.Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at dumiretso sa cafeteria. Kakaunti na ang tao roon kaya't mabilis kaming nakapasok."Bibili ka rin ba?" tanong ko kay Dane."Ako na ang bibili. Iced coffee pa rin ba?"Tumango ako at umupo na sa pinakamalapit na upuang nakita ko. I propped

  • Aim for Rank Five (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER: Kelly & Zev

    KELLY"So, what are we doing here?" I asked as I roamed my eyes around the restaurant."To eat?" he asked sarcastically.I rolled my eyes and glared at him. "Puwede bang umayos ka kahit for today lang?"He chuckled. "I'm just stating a fact, sweetheart.""As far as I know, I never agreed to be your sweetheart.""You don't like it? Alright, babe."Muli kong iniikot ang mga mata ko. "Can you just stop flirting at me? Hindi ka funny.""Sigurado kang hindi ka natutuwa?"Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang magsalita siya ng Tagalog. He's still sounds awkward speaking it but he improved."Hindi," sagot ko.He let out a soft chuckle. "Suit yourself, sweetheart.""I'm not your sweetheart nga, okay? Hindi ba magagal

  • Aim for Rank Five (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER: Clio & Jarvis

    CLIO"Does your Mom already knew that you stole Celeste's spot?"He chuckled. "Siyempre hindi.""Why didn't you tell her?""Maybe because at some point, I wanted her to be proud of me. Even though I grew up apart from her, I still love her. Just like every other child, I want to feel loved by her just like how I love her."I let out a harsh breath. "You did well," I uttered.He looked at me confusedly. "Bakit naman? I broke your trust, right?""But atleast you did your best to make up from your mistake. That's enough."The corner of his lips quirked up. "Gusto mo talaga ako eh, ano?"Napailing naman ako at sinamaan siya ng tingin. "Gago," bulong ko."Pero kung hindi mo ako gusto..."Taka akong tumingin sa kaniya. "Ano?"

  • Aim for Rank Five (Tagalog)   EPILOGUE

    EPILOGUE CELESTE "You really bad mouthed Markus on National TV a while ago, huh?" I leaned against my chair and crossed my arms. "Nagsabi lamang ako ng totoo," giit ko. "Why are you like that ba? You looked so grumpy," tanong ni Kelly at uminom sa binili niyang frappe. "Try mo kayang tumingin sa labas. Nakakatakot 'yung mga fans mo," reklamo ko. She chuckled. "Hindi naman sila makakapasok dito sa loob. Don't worry," she said and smiled on the camera outside. Napailing naman ako. She's really fond of cameras now. Parang dati, papageant-pageant lang siya sa mga school. Tapos ngayon, artista na. Kelly Eiryne Carson, one of the highest paid actress in the country. "Balita ko you'll join Binibining Pilipinas. Is that true?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at ng

  • Aim for Rank Five (Tagalog)   THIRTY FIVE

    CELESTEI let out a harsh breath as a sign of relief while walking at the corridor together with my friends. The news of the removal of The Rank Five system spread like a wild fire not only in Avalon High but also outside.As usual, some of the students are already gossiping things about us— which I don't mind at all. Everyone have a different opinion and I respect that.However, I stand tall and firm on my belief. The removal of The Rank Five system may not benefit the school like the previous school years but it would surely benefit the mental health of the students.A school is a place to learn and discover new things. It should not be a place for competitions that may affect the well-being of the student inside and outside the school premises. A school is a place to earn new friends that might last a lifetime and it shouldn't be a place for rivalry."I think some people are cursing us on their minds," Kelly whi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status