Share

Three

Author: AveryHayz
last update Last Updated: 2023-06-12 19:12:36

Nagtaka ang binata kung bakit nahihilo siya. Isang bote pa lang ng beer ang nainom niya pero pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat. Doble na ang paningin sa dalawa.

" Kuya Jacob, okay ka lang? " Tinig iyon ni Jillian.

" Ano ba tong pinainom niyo na beer sa akin, ang lakas ng tama eh? "

" Beer 'yan galing sa fridge mo oi. "

" Kawawa naman ang, sweetheart ko. " Hindi na narinig ni Jacob ang sinabi ni Yumi dahil nakatulog na ito.

" Wala ka naman pa lang binatbat, kuya. " Panunudyo ni Jillian sa natutulog na kapatid.

" Ilipat na natin siya. " Suhesyon ni Yumi.

Pinagtulungan nilang ilipat ang binata sa silid nito at inihiga sa kama. Hinubad nila ang suot nitong t-shirt and shorts at itinira ang boxers nito. Naghubad rin siya ng kanyang mga damit, tanging undies lang ang iniwan niya. Saka tumabi sa binata. Nakaunan ang ulo niya sa lalaki habang nakahawak siya sa hubad na dibdib nito. Ang braso nito ay nakayakap sa bewang niya at ang isang paa nito ay nakadantay sa mga paa niya.

They looked intimate together.

Kabado siya nang makauwi ng bahay. Hindi naman siya uminom pero pakiramdam niya ay nahihilo siya.

' Nakonsensya ka ba sa ginawa mo? ' Oo. She became selfish because of love. Hindi niya lubos maisip na magawa niya iyon sa binatang naging mabait sa kanya. Napaiyak na naman siya. Kailangan niyang gawin iyon para mailigtas ang binata kay Nancy.

Magsisi man siya ay huli na. She already sent the pictures of them to Nancy. Sigurado siyang magwawala ito kapag nakita iyon.

Mabigat ang mga kilos niya habang pababa sa sasakyang naghatid sa kanya sa school nila. Nauna na ang kuya Nathan niya dahil may practice ito ng basketball. Hindi niya gustong pumasok pero napilitan siya dahil finals na nila. Patapos na rin kasi ang pasok nila sa eskwela.

Tinatahak niya ang daan papunta sa high school building pero madadaanan niya muna ang engineering building bago makarating doon. Wala siyang ideya na may biglang hahablot sa kanya.

" Ouch! " Napahiyaw siya. May sumabunot sa buhok niya.

" You little sluth! Ang landi-landi mo! " Nagsisigaw ito. Mas malaki at matangkad ang babae sa kanya kaya naman hindi siya makalaban rito. Kasama pa nito ang mga kaibigan ng babae. May nakahawak sa mga kamay niya kaya malaya siyang pinagsasampal nito.

" Tama na. Tama na. " Naiiyak na pakiusap niya sa mga ito. Tatlo sila lahat at malalaki kompara sa kanya. Para siyang kuting na nakikipaglaban sa mga tigre.

" Ang kapal ng mukha mong akitin ang fiance ko! "

" Tama na please. " Wala ni kahit isa ang umawat sa kanila. Hindi siya lumaban dahil kasalanan niya naman ang lahat. Hindi niya lang akalaing gagawin ito ni Nancy sa kanya sa loob pa mismo ng paaralan. But she prepared herself for this. Anong laban niya sa mga ito?

" Hindi ka na nahiya! Ang kapal-kapal ng mukha mo! " Pakiramdam ni Yumi ay nalamog ang mukha at mga braso niya. Ipinikit niya na lang ang mga mata. Patong-patong ang nararamdaman niya ngayon. Nasasaktan siya physically at ikinahihiya ang sarili. Her mom and dad will surely freak out. Ang unica hija nila ay nakipag-away sa loob ng paaralan. A not so like her. 

" Santa-santita ka pero may kulo sa loob! " Dagdag pa nito. Hindi siya lumaban at nakipagsigawan sa mga ito. She stay passive.

" Ang kapal! Ang liit-liit naman. " Ani ng isa.

Mabuti na lang at nakita sila ng teacher kaya naawat sila.

" Hindi pa tayo tapos, bulinggit! " Pagbabanta ni Nancy. Hindi naman siya takot sa babae. Hindi lang talaga siya lumaban dahil may kasalanan naman siya.

¤¤¤¤¤

" Wag niyo po sabihin sa parents ko, please. Hindi po ako magrereklamo ma'am. " Pakiusap niya sa discipline -in-charge ng paaralan.

" Your parents need to know, Miss Rodriguez. Hindi tama iyong pinagtulungan ka ng mga college students. Sa liit mong iyan sigurado akong talo ka sa kanila." 

" Please po ma'am, okay lang po talaga ako. Ayoko pong magka-record sa paaralan, ma'am. Please po." Halos mangiyak-ngiyak niyang pakiusap sa matandang babae.

Mukhang naawa naman ito sa kanya kaya pinaalis na siya. Nagrequest na lang siya na kukuha ng special exam para makahabol sa finals nila at umuwi na lang siya.

Nagmamadali siyang umakyat ng hagdan para maitago ang itsura sa ina. Mahirap na at baka mabuko pa siya sa itinatago niyang sekreto. Nakahinga siya ng malalim nang makapasok sa silid niya. Tinungo niya ang vanity mirror niya para tingnan ang sarili. Napaawang ang labi niya nang makita ang itsura. Namamaga ang mga pisngi niya maging ang mga braso niyang naka-expose. Napapikit siya, paano siya papasok bukas kung ganito ang mukha niya? 

Nang may maalala. Agad niyang binuksan ang drawer doon at kinuha ang make up kit na regalo ni Jillian sa kanya noong pasko. Naghanap siya ng concealer para maitago ang mga pasa. Mamaya iko-cold compress niya ang mga ito.

Nagpahatid na lang siya ng pagkain sa katulong dahil hindi niya pa kayang humarap sa mga magulang at kapatid sa ayos niyang iyon. Halatang-halata kasi ang mga marka dahil sa kaputian niya. Ayaw niyang magpaliwanang sa mga ito sa sandaling makita ang itsura niya dahil siguradong pagagalitan siya ng mga ito.

" Bru, bakit wala ka kanina sa exam natin? " Ito agad ang ibinungad na tanong ni Jillian sa kanya. 

" Ah wala, medyo masama lang ang pakiramdam ko kanina. Pero bukas papasok na ako."

" Siguraduhin mo lang bru. Alam mo bang may kumakalat na tsismis sa high school department natin? " Hindi siya makasagot. Nakadama siya ng kaba. Paniguradong siya ang tinutukoy nito. Nakakahiya naman kasi ang ginawa niyang kabaliwan sa kapatid nito.

" Hoy bru, hindi ka na makapagsalita riyan. " Untag nito sa kanya. Kailangan niyang iwasan ang kinukwento ng kaibigan.

" Bru, medyo sumasakit na naman ang ulo ko, pwede ko na bang ibaba ang phone? " Nagkunwari siyang may sakit. Ang dami na niyang kasinungalingan sa mga taong malalapit sa kanya.

" Oo naman, bru, Sige na magpahinga ka na. " She inhaled and exhaled matapos maibaba ang cellphone niya. Ang totoo ay iniiwasan niyang magkwento rito sa nangyari sa kanya kanina. 

Kinabukasan. Matagumpay niyang naitago ang mga pasa sa mukha at mga braso sa pamamagitan ng concealer. Mabuti at hindi napansin ng pamilya niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating sa paaralan. Huling araw ng exam nila ngayon kaya kailangang bumawi siya.

Nakangiting sinalubong siya ni Jillian sa entrance gate ng University. Napadaing siya nang bigla na lang hilahin nito ang braso niya. Napabitaw naman agad ito.

" Sorry, bru. Okay ka lang? May masakit ba sa'yo? " Sunod-sunod na tanong nito sa nakangiwing si Yumi. Gusto namang batukan ni Yumi ang sarili, baka mahalata pa ng kaibigan ang iniinda niyang sakit.

" O-Okay lang, pasok na tayo sa room. " Yaya niya rito para ilihis ang paksa.  Everything went well sa pagsusulit nila. Wala ring nagtangkang manakit sa kanya. Salamat sa Diyos at naging payapa ang mga huling araw ng klase sa kanya.

*****

" Darating ka ba sa birthday ng kuya Jacob ko? " Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Mahigit isang buwan na rin nang huli silang magkita ng binata. Hindi na rin kasi ito tumatambay sa bahay nila. Grumadweyt na ito kagaya ng kuya niya. And they were currently reviewing for the civil engineering board exam kaya maging si Nathan ay hindi niya madalas makita. 

" H-Hindi ako sigurado, bru. " Kailangan niyang maghanap ng maidadahilan. Hindi pwedeg makita niya si Nancy at Jacob at baka komprontahin siya ng dalawa.

" Iniiwasan mo ba ang kuya? " Mabilis makatunog si Jillian sa kanya. " Napapansin ko kasi na hindi ka na madalas nagpupunta sa bahay lalo na kapag sinasabi kong nandirito si kuya Jacob. May problema ba kayo ng kapatid ko? " Umiral na naman ang pagiging pakialamera nito sa buhay ng ibang tao. Pilit siyang tumawa sa kabilang linya.

" Bakit ko naman siya iiwasan? May mga bagay lang akong inaasikaso, bru. Wag ka nga mag-isip ng ganyan. At isa pa, baka makita ko pa si Nancy sa party ni Jacob. " Napalatak si Jillian.

" Kaya ba hindi ka sigurado dahil natatakot ka kay Nancy? Mukhang wala namang problema sila kuya, na i-set na nga ang date ng kasal nila, bru. " 

" What?! " Gulat niyang bulalas.

" Oo eh, mukhang hindi umobra ang plano natin. " Nalungkot ang boses ng kaibigan sa kabilang linya.

Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa sobrang sakit ng puso niya. 

" Kaya nga pumunta ka sa party ng  kuya para hindi matuloy ang  kasal nila. "

" Anong connect doon? " Pasuplada niyang sagot.

" Ipapakita mo kay kuya ang picture perfect niyong dalawa  at baka magbago pa ang isip. Kasi si girl wala namang pakialam. Ang kapal pa ng mukhang tawaging mommy si mommy, the nerve! " Natawa siya sa kabilang linya.

" Bet kitang maging ate, bru kaya dapat  pumunta ka ha? " Ano ba kasing inaarte niya? 

" Sige na nga pupunta ako. " Napabilis niyang saad sa kaibigan. Napahiyaw ito.

" Yes! Salamat naman at pumayag ka na, bru. Siyanga pala, beach party ang pupuntahan natin ha three days and two nights. Wag kang mag-alala ipagpapaalam kita kina tito at tita." 

" Okay. " Wala na siyang pagpipilian pa kundi ang pumayag na lang sa kaibigan pero kailangan niyang maghanda. Wala pa siyang isusuot na damit gayong sa makalawa na ang beach party na dadaluhan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Six (Ending)

    Maaga pa, pero gising na si Jacob.Nakayakap siya kay Yumi habang natutulog pa ito — payapa ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo na para bang nananaginip pa. Ang buhok nitong nakakalat sa unan, at ang hininga nito’y marahan, tuloy-tuloy.He smiled to himself. Hindi niya inakalang darating ang araw na ganito — ang paggising na may yakap, hindi ng pangarap, kundi ng katotohanan.Mula sa ibaba, narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ng mga bata."Mom! Dad!" Napangiti si Jacob. Si Jabez. "I'm coming in!" patuloy pa nito.“Uh-oh,” bulong niya, sabay halik sa noo ni Yumi. “The little bosses are awake.” Dinig niya din ang iyak ng sanggol.Napadilat si Yumi, at bago pa man siya makareact, bumukas na ang pinto ng kwarto nila.“Mom! Dad!” Masiglang tumakbo si Jabez papunta sa kama. “We’re hungry!”Nagkatinginan sina Jacob at Yumi — parehong puyat pero nakangiti.“Okay, okay,” tawa ni Jacob. “Let me cook something. Pancakes sound good?”“Yeaaaah!” sigaw ni Jabez.Bumangon si Jacob at humal

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Five

    Mainit ang hapon pero mas mainit ang ulo ni Jacob nang dumating siya sa harap ng opisina kung saan pansamantalang nagwo-work si Nancy. Hindi na niya kayang palipasin pa. Hindi na siya makakatulog nang payapa hangga’t hindi niya ito kinakausap ng harapan.Bakas sa mukha niya ang seryosong determinasyon — wala na ang dating malambot na Jacob kapag si Nancy ang kaharap.Pagkapasok niya sa lobby, natanaw niya agad ang babae. Nasa isang table sa café area ng gusali, may hawak na tablet habang nakatingin sa screen. Tahimik. Maayos ang bihis. Pero paglapit ni Jacob, agad itong tumingin — na parang alam na nitong darating siya.Ngumiti si Nancy. Mapait. Malandi. Malamig.“Wow. Hindi pa ba sapat na iniwan mo ako? Sisiraan mo pa ako ngayon?”Hindi ngumiti si Jacob. Diretso ang titig.“Ano’ng sinabi mo kay Yumi?”Diretso. Walang paligoy.Pumikit si Nancy sandali, saka ngumiti nang sarkastiko.“Wala naman akong sinabing masama. Sinabi ko lang ang totoo.”Tumagilid ang ulo niya, parang inaasar.“N

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Four

    Napatingin si Yumi sa kanya. “Bakit ako? Anong kailangan mo sa akin?”“Dahil gusto kong maintindihan mo,” sagot ni Nancy, may bakas ng pagkapagod sa tinig. “Na hindi ko balak sirain ang pamilya mo… pero hindi ko rin mapigilang umasang may natitira pa sa amin ni Jacob.”Hindi sumagot agad si Yumi. Umupo siya sa harap ng maliit na mesa sa terrace at tumango kay Nancy. “Umupo ka kung gusto mo.”Tahimik silang dalawa. Ilang segundo lang, pero parang ang bigat ng hangin.“Hindi kita kaaway, Nancy,” mahinang sabi ni Yumi. “Pero hindi rin ako titigil para protektahan ang pamilya ko.”“Gano’n mo ba siya kamahal?” tanong ni Nancy, halos pabulong. “Kahit alam mong minahal niya rin ako noon?”Tumingin si Yumi sa kanya, diretso.“Minahal ka niya, oo. Hindi ko ‘yan kailanman ipinagkaila. Pero ako ang pinili niya. Hindi ko siya pinilit kusa niyang pinanindagan ang mga anak ko."Napayuko si Nancy. Itinago ang biglang pagtalim ng mga mata. 'Hindi maaari. Hindi siya makakapayag!'“Nancy,” patuloy ni Y

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Three

    Mainit ang hapon. Nakapambahay lang si Yumi habang nag-aayos ng mga laruan sa sala. Katatapos lang matulog ng bunso, at si Jabez ay nasa likod-bahay kasama si Jacob, abala sa pagtuturo ng pagtanggal ng damo sa paso.Tahimik ang bahay. Payapa.Hanggang sa may marinig si Yumi na humintong sasakyan sa tapat ng gate.Inilapit niya ang sarili sa bintana, bahagyang sinilip kung sino ang dumating. Doon niya nakita ang isang babaeng pamilyar — naka-ayos, may dating. Si Nancy.Napakurap si Yumi. Hindi niya inaasahang darating ito. Mas lalong hindi sa ganitong biglaan, at hindi sa mismong pintuan nila.Ilang segundo lang, narinig na niya ang katok. Isa. Dalawa. Malumanay, pero may bigat.Dahan-dahang binuksan ni Yumi ang pinto.“Nancy?” mahina niyang tanong, may halong pagkalito.“Hi,” maikling sagot ng babae, nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. “Sorry kung biglaan. Galing ako ng Davao. Naisip kong dumaan.”Napahawak si Yumi sa gilid ng pinto. “Anong sadya mo?”Hindi kaagad sumagot si Na

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Two

    Hapon na. Ang araw ay unti-unting lumulubog sa likod ng mga ulap, at ang liwanag nito'y pumapasok sa sala ng bahay nina Jacob at Yumi, nagbibigay ng ginintuang glow sa buong paligid.Sa sahig ng sala, nakalatag ang makapal na playmat. Doon nakaupo si Jacob, naka-short at t-shirt, nakasandal sa sofa habang hawak ang kanyang sanggol na nakabalot sa malambot na kumot. Sa tabi niya, nakasalampak si Jabez, abala sa pagsasalansan ng mga laruan. Nakakatuwa ito dahil natutoto na itong magsalita ng tagalog.“Daddy, tingnan mo oh!” masiglang sabi ni Jabez habang pinapakita ang ginawa niyang tower gamit ang mga blocks. “Itong part na ‘to, kwarto ni baby! Tapos dito ako, may slide papunta sa kwarto niya.”Jacob chuckled, pinisil ang pisngi ng panganay.“Wow. May slide pa talaga si baby ha. Sigurado akong matutuwa siya diyan.”Pagkatapos ay tumingin siya sa munting sanggol na mahimbing pa rin ang tulog. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito gamit ang hintuturo. Napangiti siya.“Anak, ito ang kuy

  • Akin Ka Na Lang, Please   Thirty One

    Matapos ang honeymoon, mas naging malambing si Jacob kay Yumi — mas maingat, mas mapag-alala, mas tahimik pero naroon lagi. Hindi niya sinasabi ang "mahal kita," pero ramdam ni Yumi sa bawat haplos, sa bawat kilos, na unti-unti, may namumuong lalim sa pagitan nila.Isang umaga, maaga pa lang ay gising na si Yumi. Naka-upo siya sa may bintana, may hawak na baso ng gatas habang pinakikiramdaman ang marahang paggalaw ng sanggol sa sinapupunan niya. Tahimik ang paligid. Ang liwanag ng araw unti-unting pumapasok sa loob ng bahay.Pagkalipas ng ilang minuto, narinig niya ang mga hakbang ni Jacob. Gising na rin ito. Habang tulog pa ang panganay nilang anak na si Jabez.May dala itong kumot at vitamins niya. “Maaga ka na namang nagising,” aniya habang marahang isinapin sa mga binti niya ang kumot.“Hindi na rin kasi ako makatulog,” sagot ni Yumi, bahagyang ngumiti. “Minsan si baby, minsan naiisip ko lang… ang bilis ng mga nangyayari.”Lumuhod si Jacob sa harap niya at marahang hinawi ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status