Share

Four

Author: AveryHayz
last update Last Updated: 2023-06-25 11:57:48

Matapos makausap ang kaibigan ay nakadama ng guilt si Yumi. Labag sa kalooban niya ang pumunta sa birthday party ng kuya nito because of one reason, makikita niya doon si Nancy na magiging sweet kay Jacob. Siguradong masasaktan na naman ang puso niya sa dalawa. Di ba nga't nagalit ng todo si Nancy sa kanya sa ginawa niya kay Jacob. Baka kung ano pa ang gawin ng babae sa kanya kapag nakita siya doon sa party. Pero baka magtampo naman ang bestfriend niya kapag hindi siya pumunta. Wala na siyang pagpipilian pa.

" Bahala na. " She muttered bago ipinikit ang mga mata para matulog.

Araw ng biyernes ay maaga siyang sinundo ng kaibigan kasama ang driver ng mga ito. Hindi kasama si Jacob ng mga ito.

" Wala si kuya, sinundo iyong girlfriend niya. " Nakasimangot na wika ni Jillian sa kanya. Nakadama siya ng pagkadismaya. She had prepared everything from her travel outfit to the actual beach party. Hindi na lamang siya nagkomento pa rito. Nagpasya siyang sumakay sa L-300 van na dala ng kaibigan.

" Nagugutom ka ba? " Maya-maya ay pakli sa kanya ng kaibigan sabay abot ng junk foods sa kanya. Umiling siya.

" No, thanks. I'm not hungry. " Sagot niya rito na sumandal sa sandalan ng sasakyan.

" Bru, saan pa la ang kuya Nathan mo? Bakit hindi nakasama? " Hindi tumitinging tanong nito sa kanya.

" Nakalimutan ko pa lang sabihin sa'yo na nagpunta ng Cebu kasama ni dad. Parang conference yata. "

" Ganoon ba, sayang naman hindi siya maka-attend sa birthday ng kaibigan niya." Nasa tono nito ang panghihinayang.

" Mabuti iyon dahil siguradong babantayan ako ng kuya ko sa party. Baka hindi pa tayo makapag-enjoy. " Katwiran niya.

" You've got a point there, bru. Ang kj pa naman ng kuya mo." At sabay pa silang nagkatawanan.

Tatlong oras na biyahe ang binuno nila bago nakarating sa private beach house ng mga Mercado. First time niyang nakapunta sa lugar kaya napahanga siya sa nakitang ganda ng beach.

Nang makarating sila ay marami nang mga taong nauna sa kanila. And Yumi knew that the were already there kasi nakita niya ang sports car ng binata. They are heading to the house. The house is not the typical resthouse dahil may tatlong palapag ito na gawa sa purong semento. Mas mukha pa nga itong hotel kaysa bahay.

Sinalubong sila ng dalawang kasambahay para alalayan sa kanilang mga dala.

" Amin na po ang mga ito senyorita. "

" Salamat Mary paki dala na lang din ng mga gamit ni Yumi sa katabing room ko. "

" Masusunod po senyorita. " Sagot naman ng isa.

Hindi nakapalag si Yumi nang hilahin siya ng kaibigan sa isang sulok na lugar.

" Bru, I saw kuya ang Nancy kissing. " Alalang-alala ito para sa kanya. She smiled sadly.

" Hindi yata umepekto ang ginawa ko kay Nancy. "

" Naku bru, wag kang mawalan ng pag-asa no. Hayaan mo at tutulungan kita. " Jillian winked at her na para bang nagpapalakas ng loob niya. Hindi na lamang siya nagkomento pa.

Nakita rin naman niya ang dalawa. At napakasakit sa puso niya ang nakita. Kailan kaya siya lilingunin ng binata? Titingnan na hindi gaya ng pagtinging kapatid lang. Siguro pag dumating ang panahong iyon ay magpapa-party siya dahil sa wakas sa kanya na si Jacob. Pero imagination lang naman iyon ng dalagita. She could never have him because of Nancy.

" Hey, what are you doing here? You should join them. " Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Yumi sa kasamahan ng kuya Nathan niya sa basketball.

" I'll just stay here. First time kung makapunta rito sa ini-enjoy ko lang ang moment. "

" Okay, if that's what you wanted. I'll leave you here. "

" Thanks. " Sagot niya rito. She was one meter away from the party. Gusto niyang mapag-isa muna. Wala siyang ganang umatend ng party dahil sa sakit na nadama ng puso niya. She is hurting inside. At wala siyang magawa kundi ang kayanin ito.

Dito na lang muna siya, malayo sa kasiyahan. Malapit nang ikasal ang lalaking pinakamamahal niya. Ano kaya ang maaari niyang gawin para mapigilan ito. Ano ba kasi ang rason niya kung bakit pumunta pa siya rito kung masasaktan lang din siya.

Gumagabi na ay hindi pa rin siya natinag sa kanyang kinauupuan. Wala rin siyang ganang kumain. Hindi rin alam ni Jillian kung nasaan siya. Solo flight siya sa pagliliwaliw sa lugar dahil ayaw niyang magworry sa kanya ang kaibigan. Hindi siya dapat isipin nito dahil kaarawan ito ng kuya nito.

Papalalim na ang gabi nang magpasya siyang bumalik na sa resthouse. Mas gusto niyang magpahinga kaysa makita ang paglalambingan ng dalawang magkapareha.

Pero nang makarating siya roon ay ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang nakapaskil sa mini stage ang larawan nilang dalawa ni Jacob na magkayakap sa kama habang natutulog.

Lahat ay natahimik. Ang mga tingin ay ibinaling sa kararating lang na dalagita.

Kita sa mga tingin ng mga ito ang pangungutya at panlalait. Gusto tuloy ni Yumi na bumuka ang lupa at lamunin na siya.

" You bitch! " Napaigik siya nang may biglang humila sa buhok niya. Nang lingunin niya kung sino ay nakita niyang si Nancy iyon. Umuusok ang ilong sa galit sa kanya.

" Nancy, hindi ko alam-. " Pakiusap niya na hindi lumalaban rito. Pero pinutol siya nito.

" Walang hiya ka! Ang kapal-kapal ng mukha mong sluth ka! " Sumusugat sa puso niya ang masasakit na salitang binitiwan nito sa kanya. Hindi niya makita ang kaibigan. Pakiramdam tuloy niya ay nag-iisa siya. Napaluha siya sa sakit. Kung sana'y hindi na lamang siya pumunta pa rito. At sino ang nagpakalat ng mga larawan?

" Let me go, please. " Ngunit patuloy ito sa pagsampal at pananakit sa kanya. Hindi siya lumaban dahil sa may kasalanan rin naman siya. Hindi naman niya akalaing darating sa puntong ito ang ginawa niya noon kay Jacob,  nang dahil sa kahibangan niya sa lalaking wala namang gusto sa kanya. For him,  she is just a little sister.

" Enough! Let her go, Nancy! " Tinig iyon ng taong napakapamilyar sa kanya. Napilitang bitawan siya ni Nancy. Agad naman siyang nahawakan ni Jacob at hinila palayo roon.

" But Jacob? " Pigil ni Nancy sa kanila.

" I'll talk to you later,  Nancy. " Walang nagawa ang babae kundi ang hayaan sila. 

Tumigil sila sa lugar na medyo malayo sa kasiyahan. Guilt struck her. Siya ang naging dahilan ng pagkasira ng kaarawan ng lalaking pinakamamahal  niya. At ganoon na lang ang naging pagsisisi niya nang magsalita ito.

" Paano mo nagawa iyon Yumi? " Pigil ang galit na tanong ni Jacob sa kanya. Ngunit hindi siya makapagsalita. Nanliliit siya sa sarili. Paano nga ba niya iyon nagawa? Walang salitang mamutawi sa bibig niya. Nanatili siyang nakayuko sa harapan nito.

" I've known you since you were thirteen at kahit minsan hindi pumasok sa isip ko na magagawa mo iyon. My God! You're just fifteen, paano mo nagawa lahat iyon? Tell me at wag kang tahimik diyan! " His voice was shouting.  

Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. At doon nakita niya ang galit sa mukha ng binata. Nagtatagis ang mga bagang nito. Pakiramdam pa nga niya ay dadakmain siya ng lalaki. Lumunok muna siya bago nagsalita.

" M-Mahal kita Jacob kaya nagawa ko iyon. " Ani niyang tinutukoy ang mga larawan sa stage. Napasabunot sa sariling buhok ang binata.

" Fuck! I didn't know that you are a cunning little witch, Yumi. Ang bata-bata mo pa. Damn! " Sa nakita ay nakadama ng kaunting tapang ang dalagita. 

" Ano bang nakita mo kay Nancy? Maganda rin naman ako, matalino. Bakit hindi na lang ako, Jacob. Mahal na mahal kita noong una pa lang kitang nakita na pumunta sa bahay namin ay umibig na ako sa'yo. " He laugh sarcastically.

" Naririnig mo ba ang sarili mo, Yumi? Kung nandito lang si Nathan siguradong palo ang aabutin mo sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nagawa mo iyon. Akala ko ay isa kang anghel pero nagkamali pala ako. " Napailing-iling pa ito habang si Yumi ay napaluha na ng tuluyan.

How could she change his mind gayong ang tingin sa kanya ng lalaki ay pagtinging kapatid lang. Napahawak siya sa mga kamay ng binata.

" Kaya ko siyang higitan sa puso mo, Jacob. Kaya kung gawin ang mga ginagawa niya sa'yo, just please be mine.  Akin  ka na lang, please? " Sa nagsusumamong tinig na turan ni Yumi. Ngunit hindi niya inaasahan ang magiging sagot nito sa kanya. Marahas na tinanggal ng binata ang mga kamay niya na nakahawak sa mga kamay nito.

" You will never be like her, Yumi. You can't even compete to her because you're nothing and I don't  even like you. Kung hindi lang sa pagkakaibigan namin ni Nathan nunkang lalapitan kita. " Natigilan siya sa pag-iyak. Agad kumalat ang pag-iinit sa mukha at buong katawan. His words are like double edged swords that cut her heart to pieces. She swallowed the lump from her throat. She tried her best not to look hurt in front of him. She dried the tears from her wet eyes. Ayaw niyang magsalita pa. She wanted just to leave that forsaken place, to be away from him. Realization hit her. Gusto niyang tumakbo at magpakalayo-layo.

Her heart bleed because of his words. Buong akala niya ay totoo sa lalaki ang mga ipinakitang kabutihan nito sa kanya but she was wrong. He played with her heart all along. May bumangong sakit sa kaibuturan niya. Wala sa sariling napaatras siya. Akmang tatalikod ngunit nagsalitang muli ang binata.

" And please stay out of my life forever! " Iyon lang at nagtatakbong umalis si Yumi.

Ang araw na iyon ay isinumpa ng dalagita. She traveled  back to Manila and return home safely. Hindi na siya umattend ng recognition. She pleaded to her parents that she wanted to stay at her mother's province dahil  gusto niya ng ibang ambiance. Lahat ng pagsusumamo sa mga magulang ay ginawa niya para lamang pumayag ang mga ito.

She never dared contacted the Mercado siblings. Ang mga nangyari ay ibinaon niya sa limot. She started her new life in Tagum City.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Akin Ka Na Lang, Please   Thirty

    She woke up feeling refresh kahit na ba pagod siya sa nakaraang gabi dahil sa pinaggagawa nila ng asawa. 'Asawa?' She loved the thought of it. Sa wakas natupad na rin ang matagal na niyang pinangarap. Ang maangkin ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng bata niyang puso noon. May ngiti sa labing nilingon ang katabi. Tulog pa ito, katulad niya ay pagod din sigurado ito dahil ito naman ang gumawa ng lahat upang paluguran siya. How she loved the man beside her and will continue loving him. Awtomatikong bumaba ang mukha niya sa asawa para gawaran ito ng halik sa labi. Akmang dadampi na ang kanyang labi rito nang bigla na lang itong magmulat ng mga mata. Huling-huli siya sa akto. Pilyo itong ngumisi sa kanya. "Good morning, wife." nanlalaki ang mga mata habang awang ang labi ni Yumi dahil sa pagkapahiya. "Aren't you going to kiss your husband, wife?" patuloy pa nito. Lalayo sana si Yumi rito nang mabilis siya nitong kabigin sa batok at mapusok na halikan sa kanyang labi. Wala siyang naga

  • Akin Ka Na Lang, Please   Twenty Nine

    It's their wedding night. Sa Pearl farm Samal nila naisipang gawin iyon. Umupa sila ng villa na tanging sila lang ang naroroon. Habang ang anak nilang si Jabez ay naiwan pansamantala sa mga magulang niya. They will stay for one week in that resort para ganapin ang kanilang honeymoon. Nasa puso ni Yumi ang panalangin na sana'y mahalin rin siya ni Jacob at hindi dahil sa obligasyon nito sa ipinagbubuntis niya."A penny for your thoughts" napaigtad si Yumi nang marinig ang tinig ng asawa. Naramdaman pa niya ang pagpatong ng mga kamay nito sa kanyang mga balikat. Agad niya itong nilingon."J-Jacob." nauutal niyang saad sa lalaki. Her one hell of a hot husband. Hindi nagbago ang pag-ibig niya rito lumipas man ang mga taon. Masuyong hinaplos ni Jacob ang pisngi ni Yumi bago ito gawaran ng marahang halik sa labi."Hmm." hindi maiwasan ni Yumi ang mapaungol dahil pinalalim ng asawa ang halik nito bago nito pinutol iyon. Namumungay ang mga matang tinitigan ito."Such a beautiful face." ani Ja

  • Akin Ka Na Lang, Please   Twenty Eight

    Umalingawngaw ng paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni James sa kanya. Hindi siya makapaniwala na nagbunga sa ikalawang pagkakataon ang pagtatalik nila ng dalaga. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? May tila saya siyang nakapa sa kailaliman ng puso niya. May nararamdaman na ba siya sa dalaga? Sunod-sunod na buntong-hininga ang ginawa niya bago kumatok sa pinto na nasa harap niya.Bumukas iyon at iniluwa ang isang may edad na babae. Kilala niya ito."Ikaw pala, hijo. Tuloy ka." may ngiti sa labi nitong saad sa kanya."Magandang umaga po, manang." sagot niya at pumasok na ng bahay. Hinanap agad ng mga mata niya ang dalaga. Alam niyang nasa paaralan pa ang anak nila kaya hindi na niya ito hinanap pa."Nasa silid si Yumi, nagpapahinga. Puntahan mo na lang doon, hijo." tumango siya rito."Salamat po." at saka tinahak ang daan papasok sa silid ng dalaga. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago marahang pinihit ang seradura."Aling Pacing! Patulong po." narinig niya ang tinig na nagmumula

  • Akin Ka Na Lang, Please   Twenty Seven

    Mabilis na lumipas ang isang linggo. At ngayon nga ay nagpapaalam ang lalaki sa kanilang mag-ina."Pangako, babalikan ko kayo." iyon ang huling sinabi sa kanya ni Jacob. Hindi naman niya lubos akalain na iyon na rin ang huli nilang pagkikita dahil lumipas na ang dalawang buwan ay hindi man lang ito nagparamdam. Hinahanap na rin ito ng anak nila. At ang lubos na mas masakit ay nagdadalang-tao na naman siya. Nagbunga ang ilang beses na pagtatalik nila ng binata. Pinipilit niyang magpakatatag ngayon para kay Jabez at sa sanggol na nasa sinapupunan niya."Ang tanga mo lang friend. Nagpabuntis ka na naman sa gagong iyon." it was James. Pinagagalitan siya nito dahil sa ikalawang pagkakataon ay naging tanga na naman siya."Oo na naging tanga na naman ako sa pagmamahal ko sa kanya." malungkot niyang amin sa kaibigan. Hanggang kailan ba siya magiging tanga? Ginagawa lang naman siyang palahian ng binata. Ni wala itong inaamin na pag-ibig sa kanya. He just used her body for his own pleasure. Kah

  • Akin Ka Na Lang, Please   Twenty Six

    " Jabez, don't wake your mom." " But it's already late, dad." Katwiran nito sa ama. Ang mga tinig ng dalawa ang nagpagising sa dalaga. Pupungas-pungas itong nagmulat ng mga mata para lamang mabungaran ang dalawang nakatunghay sa kanya. Agad siyang napabalikwas ng bangon at iginala ang paningin sa paligid. Kumunot naman ang noo ni Yumi nang maisip na nasa silid na siya. " Good morning mommy!" Masiglang bati ng anak na agad humalik sa pisngi ng dalaga. Dumako naman ang paningin niya sa binata na nakatitig sa kanya. " Good morning, sweetheart." Saad nito sa dalaga Ngunit hindi niya inasahan ang gagawin nito. Bumaba ang mukha nito patungo sa kanya at sinakop ang labi niya ng labi nito. Nanlalaki ang mga mata at napaawang ang labi ni Yumi sa ginawa nito. Dahilan para mas lumalim pa ang halik ng binata sa kanya. She absentmindedly gripped the bedsheet para doon umamot ng lakas. Hanggang sa marinig nila ang pagtsi-cheer ng anak sa kanila. Doon lamang sila naghiwalay. " Yeheey!" Ani Jabez

  • Akin Ka Na Lang, Please   Twenty Five

    "We're going with you to the shop." Pinal na wika ni Jacob sa kanya. " Hindi nga pwede di ba. Makulit si Jabez at ayokong naglalaro siya ng mga bulaklak doon. Mas mabuting dito lang kayo." Katwiran naman ng dalaga rito. " Bakit ba ayaw mo kaming makasama? May gagawin ba kayo ni James doon?" Nagsalubong ang mga kilay ni Yumi sa narinig. " What? Wala kaming gagawin ni James sa shop. Ano ba 'yang iniisip mo. Trabaho ang pupuntahan ko doon." Napakadumi naman ng isip nito. Naisip ng dalaga. " Basta sasama kami sa ayaw at sa gusto mo." Parang sasakit ang ulong napahawak doon ang dalaga. Napakatigas din ng ulo nito. Humigit pa sa kaartehan ng anak nila. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Yumi ang di pamulahan ng mukha dahil buong akala ng mga taga-roon ay asawa niya si Jacob, Ngiting-ngiti naman ito sa tuwing binabati ng mga taong nakakasalubong nila. Enjoy na enjoy din si Jabez na ipakilala ang ama sa mga kapit-bahay nila. "

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status