Khaliyah POVHapon na nang tuluyang makita ng mga tauhan namin ni Larkin sina Poge, Ipe at Uda. Matagal rin namin silang pinaghahanap. Ngayong nandito na sila, hindi kami papayag na hindi ito maayos.Dito sa sala, nakaupo ang tatlo habang may mga takip pa ang mata. Halatang kabado sila dahil pawisan at halatang tensyonado. Nakakatawa na medyo nakakakunsensya kasi alam kong na-stress ang tatlo dahil sa sapilitan naming pagdala sa kanila dito sa manisyon namin ni Larkin.“Salamat, puwede na kayong magpahinga,” sabi ko sa mga tauhan naming nagdala sa kanila rito sa bahay. Tumango lang sila at tahimik na umalis. Bayad naman na rin sila kaya wala ng problema.Pagkalis ng mga tauhan namin, lumapit ako sa mga nakapiring na mga bundol naming mga kaibigan. Una kong tinanggal ang panyo sa mata ni Poge.“Khaliyah?” gulat niyang sambit, na agad na napaatras sa pagkakaupo.Sunod kong tinanggal ang piring ni Ipe. Kumurap-kurap siya, tila sinisigurado kung totoo ba ang nakikita niya.“Ano ’to? Anong
Khaliyah POV“Tara na nga muna sa dining area,” aya ko sa kaniya. “Kumain na muna tayo, Moreya, baka wala pang laman ang tiyan mo.”Sakto naman na tapos na sina Larkin sa paghahanda ng almusal namin. “Let’s go, tara na, kumain na tayo,” sabi ng asawa ko.Maraming pagkain sa lamesa. Sinabihan na rin kasi namin ni Larkin ang kusinera na damihan ang luto ng almusal ngayong umaga dahil may darating na bisita.Habang kumakain kami, pansin na pansin namin ni Larkin kung gaano kagutom si Moreya.“Pasensya na kayo, dalawang araw na kasing puro tinapay at tubig lang ang kinakain ko. Walang-wala kasi akong pera talaga,” paliwanag pa niya.“Huwag ka na munang magsalita, Besh, kumain ka lang nang kumain,” sagot ko naman.Si Larkin, titig na titig sa pamangkin niya. Nakikita ko sa mga mata niya na tila awang-awa siya rito.“Kapag nakita ko ‘yang lalaking nanloko sa iyo, humanda siya,” sabi tuloy ni Larkin.“Dapat sa kaniya, idikdik ang mukha sa pader,” sabi ko. Hindi ko maiwasang magalit din kasi
Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, agad kong napansing wala na si Larkin sa tabi ko. Mag-isa na lang ako sa higaan namin, at tila mukhang kanina pa siya gising. Nasanay kasi ako na kapag gigising sa umaga, nakayakap pa rin siya sa akin. Ngayon, wala kaya nagtataka ako. Tumingin ako sa orasan, alas otso pa lang ng umaga. Maaga pa para sa kaniya para bumangon, lalo pa’t gabi-gabi siyang abala sa bar na business niya. Kahit sa home lang siya nagwo-work, napupuyat pa rin siya dahil naka-monitor siya sa mga cctv doon, tapos kung minsan, may ka-call siya about sa mga problemang nagaganap, lalo na kung may away at need magpadala ng pulis doon.Pagbango ko, naghikab pa ako, tila kulang na kulang palagi ang tulog ko tuwing gigising sa umaga, sanay na ako, kasi nga baka epekto ito ng pagbubuntis ko.Hindi pa ako nakakalabas ng kuwarto, pero naririnig ko na ang malakas na usapan mula sa ibaba. Doon ko na rin narinig ang asawa ko na tila may kasama sa ibaba. Hindi ako sigurado kung sino, per
Khaliyah POVKumakain kami ni Larkin ng merienda sa dining area nang mapunta ang usapan namin sa bar—ang bar na matagal na niyang pinangarap. Ngayon, ito na ang pinaka-sikat na bar sa buong Pilipinas. Lagi pang puno, laging trending, at laging pinupuntahan ng mga gustong mag-relax, mag-enjoy, o kahit ng mga curious lang pumasok sa loob para mga mag-picture.“Sabi ni Levi, may bagong celebrity na dumaan kagabi sa bar. Laking tuwa raw ng mga staff mo,” kuwento ko habang hinihimas ang tiyan ko.Si Levi kasi, madalas pumunta rito kapag may inuutos si papa sa kaniya. Dito siya nag-uubos ng oras, dito rin nag-uubos ng pagkain. Oo, inuubos niya palagi ang stock namin. Pero hindi ko naman sinisita, pagkain lang naman ‘yun, saka, malapit siyang kaibigan sa amin. Kapag gagala naman din kasi siya, palagi itong may dalang pagkain. Gaya kanina, pagdating niya ay may dala-dala siyang isang basket ng lansones, request ko rin kasi sa kaniya ‘yun nung nakaraang linggo. Wala pa kasing lansones na tanim
Khaliyah POVDalawang taon na ang lumipas mula noong huling beses kaming sumabak sa labanan. Dalawang taon na rin mula nang tuluyang naglaho sa mundo sina Amedeo at Nolan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung paano namin nalagpasan ang lahat. Pero heto ako ngayon, nakaupo sa malawak na balkonahe ng sarili naming mansiyon ni Larkin, may hawak na tasa ng mainit na tsaa, at himas-himas ang aking anim na buwang baby bump.Payapa ang manisyon. Ang ganda ng sikat ng araw at sobrang hangin sa buong paligid. Umaalingasaw tuloy ang bango ng mga bulaklak na itinanim namin ni Larkin sa paligid nung nakaraang buwam. Dati, hindi ko kayang tumambay ng matagal sa terrace, hindi ko kayang mamili ng matagal sa mga grocery at hindi ko kayang magkape ng matagal sa coffee shop, ngayon naman, nananawa na ako sa kakalabas.“Mahal, okay ka lang diyan?” tanong ni Larkin habang lumabas ng bahay dala ang mainit na pandesal na niluto pa raw mismo ni Levi sa kusina kanina.Napangiti ako habang naka
Khaliyah POVPagbaba ko ng hagdan, sinalubong ako ng dalawang rogue assassin. Alam kong magagaling ang mga ito dahil halata sa mga galaw nila. Ngunit mas mabilis ako at mas magaling ako. Umikot ako sa kanan, tinuhog ko ang unang lalaki sa tagiliran gamit ang blade ko, sabay sipa naman sa mukha ng pangalawang kalaban. Habang nawalan siya ng balanse, sinunggaban ko siya sa leeg at binaril sa sentido. Ayon, bagsak agad ang tanga.Napaisip tuloy ako, kung hindi pala ako agad nagising, baka tuluyan na akong natulog habangbuhay, kasi tiyak na papasukin din ako ng kalaban doon. Baka, habang mahimbing ang tulog ko, may bigla na lang bumaril sa ulo ko.Sa wakas, nakalabas na rin ako ng mansiyon.Pagdating ko roon, amoy na amoy ko ang pulbura sa hangin. Sa bawat sulok nakita kong may bakbakan. Sumabog ang isang granada sa ‘di kalayuan. Yumanig tuloy ang lupa. Ngunit hindi ako natigilan nun para makipaglaban.“Ate Khaliyah!” sigaw ni Yanna habang umiikot ang whip niya sa leeg ng isang kalaban, s