Khaliyah POVKanina pa ako nakaupo sa wheelchair ko, nakaabang sa labas ng terrace ng ikalawang palapag ng mansyon. Mula rito, tanaw na tanaw ko ang ginagawa nilang lahat. Kita ko ang training field, na kung saan ay doon nagaganap ang araw-araw na pagsasanay ng mga tauhan ng papa Yanu ko. Kahit na masakit pa rin ang kaliwang balikat ko, kahit hirap pa rin akong itayo ang kanang paa, gustong-gusto ko pa ring manood. May kung anong sigla sa dibdib ko tuwing makikita kong gumagalaw nang sabay-sabay ang mga katawan nila, bawat kilos na eksaktong-eksato na halos walang sablay. Ang gagaling. Kung hindi lang sana ako na-operahan, baka kasama ako nila Yanna at Rafe doon.Naalala ko, dati, kapag nanonood ako ng ganito, nanginginig ang mga kamay ko. Para bang may gustong kumawala mula sa loob ko. Halo-halo ‘yun, takot, kaba, at minsan galit na rin, lalo na nung mga raw na sina Bok at Bak ang nagte-train sa akin nung inakala kong patay at wala na si Larkin. Inaamin ko, malaki rin ang naging tulo
Khaliyah POVIyon ang unang gabing matutulog ako sa tabi ni Larkin mula nang magbalik ang mga alaala ko.Tahimik na ang kuwarto kasi anong oras na rin. Maliwanag ang ilaw sa lampshade sa tabi ng kama ko, ewan ko ba, simula nung magka-amnesia ako, ayoko na ng madilim ang kuwarto, nasanay na akong ganito.Ramdam ko ang lamig ng aircon sa balat ko, pero mas ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. Hindi kami magkadikit, pero sapat na ang lapit niya para maramdaman kong totoo siyang nariyan. Totoong kasama ko na talaga ngayon.Nakahiga ako, nakatingala sa kisame, habang siya naman ay nakatagilid, nakatingin lang sa akin, ‘yung parang ayaw niyang ipikit ang mga mata niya, baka mawala ulit ako.“Okay ka lang?” mahina niyang tanong.Tumango ako. “Okay lang,” bulong ko. “Kahit pa paano ay kalmado na.”Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “You don’t have to pretend.”Napatingin ako sa kaniya. Doon ko na napansin, may konting luha na pala sa gilid ng mata ko. Hindi ko na
Khaliyah POVPagkababa ko mula sa van at nakita ko ang mansiyon, lalo akong nalungkot, dapat kasi ay kasama ko nang uuwi ang mga kaibigan ko, pero hindi, ako ang umuwi, sila naman ang pumalit sa ospital.Imbis na masaya, malungkot pa rin. Hindi matigil-tigil sina Amedeo sa paggawa ng masama, walang pahinga, walang palya. Mukhang hindi siya titigil hanggang hindi kami nauubos.Nasa gate pa lang kami nang makita ko si Larkin.Napatigil ako. Nakatayo siya sa may hagdan ng mansiyon, maputla, puno ng band aid sa mukha, may benda din sa noo, at balot ng gauze ang isang braso niya. Pero kahit ganoon ang ayos niya, kahit halatang galing pa siya sa malalang pangyayari, nandoon pa rin ‘yung ngiti sa labi niya. Malamlam na ngiti. Halatang pagod. At mukhang sawang-sawa na rin sa mga problema. Mabuti na lang at pogi siya, kahit pa paano, hindi halatang stress.Napatulo agad ang luha ko paglapit ko sa kaniya. Wala pa akong nasasabi, wala pa akong nagagawa. Basta’t nakita ko lang siya, parang nabun
Khaliyah POVDalawang araw matapos ang operasyon ko, pinayagan na rin akong makauwi. Pero hindi pa ako puwedeng tumayo, kaya’t naka-wheelchair muna ako. Sa totoo lang, hindi pa rin ganap na komportable ang katawan ko, pero hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang marinig ko kay Papa na uuwi na ako ngayong araw. Parang gusto ko nang makita ang lahat, marinig ulit ang ingay sa mansiyon, at higit sa lahat, makita si Larkin.Maaga pa lang, dumating na sina Yanna at Beranichi. Si Yanna, may dalang pagkain at may kasama pang rosas. Si Beranichi naman, hindi magkamayaw sa kakuwento tungkol sa inihanda raw na welcome back party nina Ipe, Uda, at Poge sa mansiyon. Pero tila hindi na suprise ang atake na iyon dahil nabanggit na nila.“Sa wakas, makakauwi ka na rin, maalagaan ka na rin namin, gaya ni Larkin,” masayang sabi ni Beranichi habang tinutulungan akong lumipat mula kama papuntang wheelchair.Natawa ako. “Kaya nga, Beranichi, sobrang na-miss ko kayo,” masaya kong sabi sa kaniya habang hind
Khaliyah POVHindi ko alam kung dahil sa gamot o dahil okay na talaga ako. Ang saya, magaan na kasi ang pakiramdam ko nang magising ako. Dagdag na rin na nasa maayos, maganda at tahimik na ospital na ako. Inilipat na ako dahil baka makita raw ako ng mga tauhan ni Amedeo. Mas delikado kapag nangyari ‘yun.Dito, nasa isang private room ako. Mabango ang paligid, hindi amoy ospital na gaya ng dati kong nararanasan. Dito, parang hotel, pero may IV line sa braso ko, at may benda sa binti ko.Saka ko na lang naalala, na-operahan pala ako.Napabuntonghininga ako. Wala na akong nararamdamang sakit. Wala na rin ‘yung pakiramdam ng pamamanhid o kirot. Kung tutuusin, parang ni hindi ako na-operahan.Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Maputi, may lahi, at parang beauty queen kung ngumiti.“Good morning, Ma’am Khaliyah! How are you feeling today?”“Okay naman po,” sagot ko agad, pero napangiti rin ako. “Parang wala lang. Ang gaan ng pakiramdam ko.”“That’s good to hear. You h
Larkin POVPagdilat ng mga mata ko, malabo at halos parang naliliyo pa ako. Bumungad agad ang hindi pa magandang pakiramdam ko. Marahil, marami siguro sa dugo ko ang nawala.Tumingin ako sa paligid, wala na sa lugar kung saan ako nawalan ng malay. Kilala ko na ang kuwartong ito. Nasa clinic ako ng manisyon nila Khaliyah.“Gising na siya,” dinig kong sabi ng boses ng lalaki. Hindi ako puwedeng magkamali, si Rafe ‘yun.Tumingin ako sa gilid ko. Doon ko nakita silang dalawa ni Yanna.“Oo, gumalaw na siya, Rafe, gising na nga siya.”Pinilit kong gumalaw. Mabigat pa kasi talaga ang ulo ko. Ang katawan ko, parang lumulutang sa hangin, umaalon ang paningin ko.Dahan-dahan kong iminulat nang buo ang mga mata ko. Pero, kasi nakapikit pa rin ang kaliwa, namamaga siguro. Pero nakita ko si Yanna, nakaupo sa gilid ng kama, habang si Rafe ay nakatayo sa paanan ko, nakasandal sa drawer.“Mabuti at nakatakas ka sa kanila, kundi, maagang mababalo si Khaliyah,” sabi ni Rafe na tila may halong pang-aasa