Khaliyah POV
Gabi na nang mag-impake ako ng mga gamit ko. Bahala na, desidido na akong magpakalayo-layo. Hindi ko na kayang manatili pa sa bahay na ito, sa buhay na ito na may kasama kang ama na kaya kang ipaubaya sa ibang tao para lang ipambayad sa bobong utang niya sa Amedeo Salvatore na iyon. Si Mama, sure akong papayag din, kasi grabe niya ka-mahal si papa. Kakayanin nilang ibugaw ako sa pangit na Nolan na iyon basta maligtas si papa. Sorry, may isip na ako at matanda na ako kaya, ako mismo ang gagawa ng paraan para mailigtas ko ang sarili ko.
Salamat kay Lord kasi, sinadya niyang marinig ko ang pag-uusap nila papa at ng mafia boss na iyon nung gabing iyon para siguro mailigtas ko ang sarili ko.
Kaya ngayon, kailangan kong lumayo bago mahuli ang lahat. Ang Norzagaray, Bulacan ang naisip kong lugar na pagtataguan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan, pero isa lang ang sigurado, hindi nila ako mahahanap doon.
Mabuti na lang at may isang kaibigan akong mapagkakatiwalaan, si Moreya. Isang simpleng probinsyana na walang kinalaman sa magulong mundo ko dito sa Manila. Hindi siya kilala ng pamilya ko, kaya’t sigurado akong hindi nila siya mate-trace. Doon muna ako mananatili hanggang sa makahanap ako ng mas permanenteng solusyon.
Binuksan ko ang cabinet ko at nakita ang koleksyon ng mga alahas at ginto ko. Hindi ko na kailangan ng maraming gamit, pero ang mga ito ang magiging sandata ko sakaling kailanganin kong tumagal nang mas matagal kaysa sa inaasahan ko. Mabuti na lang at secured ang bank accounts ko. Ang kinikita ko sa ice cream shops ko at sa pagba-vlog ay sapat na para sa pangmatagalang pagtatago. ‘Yun nga lang, kailangan kong itigil ang pagba-vlog pansamantala. Ayoko nang mag-iwan ng kahit anong bakas na maaaring gamitin nila laban sa akin. At ayokong mahanap nila ako.
Alas-onse ng gabi, dahan-dahan akong lumabas ng mansiyon. Ako lang ang nagbuhat ng maleta ko, mabuti at magaan lang kasi kaunti lang ang damit na dinala ko. Tahimik akong dumaan sa mga guard.
“Miss Samira, aalis po kayo?” tanong ng isang bantay.
Ngumiti ako nang tipid. “Yes. May travel ako, maaga akong aalis.”
Hindi na sila nagtanong pa. Sanay silang umalis ako nang biglaan dahil sa vlogging trips ko. Isinakay ko ang maleta ko sa trunk ng sasakyan, saka mabilis na pinasibad ito palabas ng gate.
Habang tinatahak ko ang kalsada papuntang Norzagaray, ramdam kong bumibigat ang loob ko. Nakakalungkot lang kasi iniwan ko ang lahat, ang marangyang buhay, ang kasikatan at ang pamilya ko. Pero wala naman talaga akong choice, ‘di ba? Mas impyerno ang magiging buhay ko kapag napangasawa ko ang Nolan na iyon. Hindi ko ata kayang makipag-sëx sa pangit na lalaking iyon, ni hindi ata ako malilibugạn kahit nakaibabaw na siya sa akin, kadiri!
Tatlong oras ang biyahe mula Manila hanggang Norzagaray, Bulacan. Pasado alas-dos na ng madaling-araw nang makarating ako sa bayan. Nakakapagod. Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko, ang panghihina ng katawan ko mula sa stress at takot.
Nakita ko ang simbahan sa bayan at doon ako nagdesisyong huminto. Hindi ko na kayang magmaneho pa.
“Bukas ko na hahanapin ang bahay ni Moreya…” bulong ko sa sarili ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa manibela, ipinikit ang mga mata at sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, hinayaan kong lamunin ako ng antok. Kahit saglit lang, gusto kong makalimot.
NAGISING ko sa speaker ng simbahan, may misa pala ngayong umaga kaya nagulat pa ako. Ang dami nang naka-park na mga sasakyan sa tabi ko. Tumingin ako sa oras, halos alas otso na pala ng umaga. In-start ko na ang engine ng sasakyan ko at tumuloy na ako sa LJS street para hanapin ang bahay ni Moreya. Kabisado ko naman dahil nakarating na ako minsan sa kanila nung magpunta ako dahil Fiesta dito sa Norzagaray.
Pagliko lang pala sa simbahan ay LJS na, malapit na agad ako. Mabilis ko lang nakita ang bahay nila Moreya kasi ang tanginang bahay lang na ‘yon ang hindi nagbago. Nag-park ako sa harap ng bahay na iyon at saka bumaba para tawagin si Moreya.
Ang libag ng harap, parang may nag-inuman at nagkasiyahan kagabi.
“Moreya!” sigaw ko na sa may gate.
“Moreya, si Khaliyah ito, nandiyan ka ba?” sigaw ko ulit.
“Miss,” sabi ng isang ginang na lumapit sa akin. “Si Moreya ba ang hinahanap mo? Naku, matagal na siyang wala riyan, nasa ibang bansa na siya, doon na siya nagtatrabaho,” sabi niya kaya biglang bumagsak ang mga balikat ko.
Tangina, paano na ako nito?
“Ganoon po ba? Hindi ko po alam, e,” sagot ko habang bakas sa tono ng boses ko ang lungkot kasi patay na, saan na ako nito pupunta.
Pag-alis ng ginang, saktong aalis na rin ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng bahay. Napatingin ako sa isang…PUTANGINA. Ang hot naman nito. Topless siya, moreno, pogi at titong-tito ang datingan. Tama, halatang matured na siya, parang ang sarap niyang umibabaw at bumayo. Kahit bagong gising, magulo ang buhok ang hot pa rin. Napatingin din ako sa tanging boxer short lang na suot niya, putangina ulit, ang laki nung nakabukol. Nanginig talaga bigla ang laman ko. Umagang-umaga ay parang naging tanghaling tapat sa init na dala niya sa akin.
“Sino ba ‘yang magulo? Umagang-umaga, masakita ang ulo ko sa hangover, ang gulo-gulo,” iritado nitong sabi kaya parang nasungitan agad ako. Confirm, tito na nga ito kasi mabilis ng magalit. Mabilis din kayang magalit ‘yung malaking nakaumbok sa ibaba niya?
“G-good morning po,” nauutal kong sabi. Nakakautal kausapin ang lintik na masarap na lalaking ito. Ang sarap dilaan ng buong katawan niya. Ganito iyon, ganito ang hanap ko. Kung ganito lang sana ang datingang ng Nolan na iyon,bakit pa ako tatakas. Magpapaubaya na lang ako sa kaniya gabi-gabi kung ganito lang sana ka-hot si Nolan, kaya lang ay hindi, mukha siyang aswang. Uurong ang libög kapag mukha ni Nolan ang kasama mo sa kama.
Naalala ko na, siya ‘yung favorite Tito ni Moreya. Na-meet ko na siya noon, pero hindi ganito kasarap ang katawan niya noon. Dati, payat siya at halos hindi ganito kainit ang tingin ko, pero ngayon, tangina, ang sarap niyang luhuran.
Ibig sabihin, kung hindi na si Moreya ang nakatira rito, siya na ba? Siya lang? Mag-isa lang? OMG, mukhang may paraan pa para makapagtago ako rito sa Norzagaray, Bulacan. Iyon ay kung papayag siyang tumira ako rito kasama ang hot tito na’to. Sana pumayag siya para mas masaya ang pagtatago ko, hindi ako mabo-boring kung ganito ka-hot ang kasama ko sa bahay. Gagawin ko ang lahat para mapapayag siya, desidido na akong dito mag-stay.
Laban!
Khaliyah POVKanina pa ako nakaupo sa wheelchair ko, nakaabang sa labas ng terrace ng ikalawang palapag ng mansyon. Mula rito, tanaw na tanaw ko ang ginagawa nilang lahat. Kita ko ang training field, na kung saan ay doon nagaganap ang araw-araw na pagsasanay ng mga tauhan ng papa Yanu ko. Kahit na masakit pa rin ang kaliwang balikat ko, kahit hirap pa rin akong itayo ang kanang paa, gustong-gusto ko pa ring manood. May kung anong sigla sa dibdib ko tuwing makikita kong gumagalaw nang sabay-sabay ang mga katawan nila, bawat kilos na eksaktong-eksato na halos walang sablay. Ang gagaling. Kung hindi lang sana ako na-operahan, baka kasama ako nila Yanna at Rafe doon.Naalala ko, dati, kapag nanonood ako ng ganito, nanginginig ang mga kamay ko. Para bang may gustong kumawala mula sa loob ko. Halo-halo ‘yun, takot, kaba, at minsan galit na rin, lalo na nung mga raw na sina Bok at Bak ang nagte-train sa akin nung inakala kong patay at wala na si Larkin. Inaamin ko, malaki rin ang naging tulo
Khaliyah POVIyon ang unang gabing matutulog ako sa tabi ni Larkin mula nang magbalik ang mga alaala ko.Tahimik na ang kuwarto kasi anong oras na rin. Maliwanag ang ilaw sa lampshade sa tabi ng kama ko, ewan ko ba, simula nung magka-amnesia ako, ayoko na ng madilim ang kuwarto, nasanay na akong ganito.Ramdam ko ang lamig ng aircon sa balat ko, pero mas ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. Hindi kami magkadikit, pero sapat na ang lapit niya para maramdaman kong totoo siyang nariyan. Totoong kasama ko na talaga ngayon.Nakahiga ako, nakatingala sa kisame, habang siya naman ay nakatagilid, nakatingin lang sa akin, ‘yung parang ayaw niyang ipikit ang mga mata niya, baka mawala ulit ako.“Okay ka lang?” mahina niyang tanong.Tumango ako. “Okay lang,” bulong ko. “Kahit pa paano ay kalmado na.”Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “You don’t have to pretend.”Napatingin ako sa kaniya. Doon ko na napansin, may konting luha na pala sa gilid ng mata ko. Hindi ko na
Khaliyah POVPagkababa ko mula sa van at nakita ko ang mansiyon, lalo akong nalungkot, dapat kasi ay kasama ko nang uuwi ang mga kaibigan ko, pero hindi, ako ang umuwi, sila naman ang pumalit sa ospital.Imbis na masaya, malungkot pa rin. Hindi matigil-tigil sina Amedeo sa paggawa ng masama, walang pahinga, walang palya. Mukhang hindi siya titigil hanggang hindi kami nauubos.Nasa gate pa lang kami nang makita ko si Larkin.Napatigil ako. Nakatayo siya sa may hagdan ng mansiyon, maputla, puno ng band aid sa mukha, may benda din sa noo, at balot ng gauze ang isang braso niya. Pero kahit ganoon ang ayos niya, kahit halatang galing pa siya sa malalang pangyayari, nandoon pa rin ‘yung ngiti sa labi niya. Malamlam na ngiti. Halatang pagod. At mukhang sawang-sawa na rin sa mga problema. Mabuti na lang at pogi siya, kahit pa paano, hindi halatang stress.Napatulo agad ang luha ko paglapit ko sa kaniya. Wala pa akong nasasabi, wala pa akong nagagawa. Basta’t nakita ko lang siya, parang nabun
Khaliyah POVDalawang araw matapos ang operasyon ko, pinayagan na rin akong makauwi. Pero hindi pa ako puwedeng tumayo, kaya’t naka-wheelchair muna ako. Sa totoo lang, hindi pa rin ganap na komportable ang katawan ko, pero hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang marinig ko kay Papa na uuwi na ako ngayong araw. Parang gusto ko nang makita ang lahat, marinig ulit ang ingay sa mansiyon, at higit sa lahat, makita si Larkin.Maaga pa lang, dumating na sina Yanna at Beranichi. Si Yanna, may dalang pagkain at may kasama pang rosas. Si Beranichi naman, hindi magkamayaw sa kakuwento tungkol sa inihanda raw na welcome back party nina Ipe, Uda, at Poge sa mansiyon. Pero tila hindi na suprise ang atake na iyon dahil nabanggit na nila.“Sa wakas, makakauwi ka na rin, maalagaan ka na rin namin, gaya ni Larkin,” masayang sabi ni Beranichi habang tinutulungan akong lumipat mula kama papuntang wheelchair.Natawa ako. “Kaya nga, Beranichi, sobrang na-miss ko kayo,” masaya kong sabi sa kaniya habang hind
Khaliyah POVHindi ko alam kung dahil sa gamot o dahil okay na talaga ako. Ang saya, magaan na kasi ang pakiramdam ko nang magising ako. Dagdag na rin na nasa maayos, maganda at tahimik na ospital na ako. Inilipat na ako dahil baka makita raw ako ng mga tauhan ni Amedeo. Mas delikado kapag nangyari ‘yun.Dito, nasa isang private room ako. Mabango ang paligid, hindi amoy ospital na gaya ng dati kong nararanasan. Dito, parang hotel, pero may IV line sa braso ko, at may benda sa binti ko.Saka ko na lang naalala, na-operahan pala ako.Napabuntonghininga ako. Wala na akong nararamdamang sakit. Wala na rin ‘yung pakiramdam ng pamamanhid o kirot. Kung tutuusin, parang ni hindi ako na-operahan.Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Maputi, may lahi, at parang beauty queen kung ngumiti.“Good morning, Ma’am Khaliyah! How are you feeling today?”“Okay naman po,” sagot ko agad, pero napangiti rin ako. “Parang wala lang. Ang gaan ng pakiramdam ko.”“That’s good to hear. You h
Larkin POVPagdilat ng mga mata ko, malabo at halos parang naliliyo pa ako. Bumungad agad ang hindi pa magandang pakiramdam ko. Marahil, marami siguro sa dugo ko ang nawala.Tumingin ako sa paligid, wala na sa lugar kung saan ako nawalan ng malay. Kilala ko na ang kuwartong ito. Nasa clinic ako ng manisyon nila Khaliyah.“Gising na siya,” dinig kong sabi ng boses ng lalaki. Hindi ako puwedeng magkamali, si Rafe ‘yun.Tumingin ako sa gilid ko. Doon ko nakita silang dalawa ni Yanna.“Oo, gumalaw na siya, Rafe, gising na nga siya.”Pinilit kong gumalaw. Mabigat pa kasi talaga ang ulo ko. Ang katawan ko, parang lumulutang sa hangin, umaalon ang paningin ko.Dahan-dahan kong iminulat nang buo ang mga mata ko. Pero, kasi nakapikit pa rin ang kaliwa, namamaga siguro. Pero nakita ko si Yanna, nakaupo sa gilid ng kama, habang si Rafe ay nakatayo sa paanan ko, nakasandal sa drawer.“Mabuti at nakatakas ka sa kanila, kundi, maagang mababalo si Khaliyah,” sabi ni Rafe na tila may halong pang-aasa