Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2025-03-07 19:36:36

Khaliyah POV

Bilang isang luxury travel vlogger. Halos naikot ko na ang buong mundo sa kaka-vlog ko. Mula sa mga pinakamagagarang hotel sa Paris, sa malalamig na tanawin ng Iceland, hanggang sa maiinit na beach ng Maldives, lahat ng ‘yan, naranasan kong puntahan. Hindi ako sikat na sikat pa sa ngayon, pero kahit paano, may daan-daang libong followers na ako sa social media at kumikita na rin sa mga vlogs ko. Dahil doon, nagkaroon ako ng sapat na pera para makapagpatayo ng dalawang ice cream shop dito sa Manila.

Well, masasabi kong mayaman ang pamilya ko. Vice mayor ang papa kong si Khalix Dadonza, at may tatlong gasoline station naman ang mama kong si Natalia Dadonza. Kaya lumaki ako sa marangyang buhay, sa isang malaking mansiyon na walang kulang, except for one thing.

Love life.

Ewan ko ba, pero palagi akong napupunta sa lalaking adik, cheater o mukhang pera. Parang ako na yata ang may pinakawalang kuwentang taste sa lalaki. Kaya sawa na ako sa mga ka-edad ko talaga. Sawa na ako sa immature. Sawa na ako sa lalaking tatlong taon na nga kayong magkasama, hindi pa rin alam ang gagawin sa buhay. So, yuck na sa mga lalaking ganiyan.

Ngayon, mas natatakam na ako sa hot ninong, hot daddy o hot tito. ‘Yung mas matanda sa akin ng kaunti. I’m twenty-five years old, at sa edad kong ito, lahat ng paglalandi sa buhay ay nagawa ko na. At sa tingin ko, nasa matured na lalaki ang true love ko.

Pero isang gabi, nagiba ang mundo ko bigla.

Pababa na ako nun sa hagdan para kumuha ng wine sa kusina nang marinig kong may kausap sa cellphone ang papa ko. Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba, pero nang marinig ko ang tono ng boses niya napahinto talaga ako.

“Wala na akong ibang paraan para mabayaran ang utang ko, Sir Amedeo,” malamig na sabi ng papa ko. Takot na takot siya at parang maiiyak pa.

Napakunot ang noo ko. Amedeo?

Nakadikit na ako sa dingding, nakayuko nang bahagya para hindi niya ako makita mula sa ibaba. Narinig kong huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.

“Bukas na lang natin pag-usapan ‘to nang personal. Pero kung ‘yan lang ang tanging paraan para hindi mo kami galawin, sige… ipapakasal ko na si Khaliyah sa anak mo.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ano?!

Parang hindi ko maintindihan ang narinig ko. Tama ba ako ng dinig? Ikakasal?!

Dinig na dinig ko ang pangalan ko dahil naka-loudspeaker ang phone ni papa. At narinig ko rin ang sagot ng nasa kabilang linya.

“Nolan will be pleased. Alam mo namang matagal na niyang gusto ang anak mo.”

Biglang sumikip ang dibdib ko.

Si Nolan Salvatore.

Matagal ko nang narinig ang pangalang ‘yan. Anak siya ng isa sa pinakamakapangyarihang mafia boss sa Pinas, si Amedeo Salvatore. Ilang beses ko nang na-meet ang matandang ‘yon sa mga business events ng pamilya ko. At isang beses, na-meet ko na rin si Nolan.

Si Nolan na ubod ng pangit. So yuck talaga.

Hindi ko sinasabi ito dahil sa galit. I’m being honest. Matangkad siya, oo. Pero ang mukha niya, puno ng peklat mula sa kung anong nangyari sa kanya noon. Hindi ko alam kung napaso ba siya o kung nasunog ang mukha niya, pero it was terrifying. At ang mas malala? May ugali siyang parang pag-aari niya ang mundo. Bastos. Arrogante. At ngayon, magiging asawa ko siya?!

Bumalik ako sa kuwarto ko kasi kinikilabutan talaga ako sa narinig ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinasarado ko ang pinto. Napaupo ako sa kama habang hindi alam ang gagawin.

Ipinagpapalit ako ni papa para sa utang niya? PUTANGINA!

Napakapit ako sa kumot. Hindi ko alam kung magagalit ba ako, malulungkot o matatakot. Pero ang sigurado ako, hindi ko ‘to hahayang matuloy. Hindi ko papayagang maikasal ako sa mukhang aswang na Nolan na iyon.

Hindi ako magiging asawa ng isang Salvatore. Never mangyayarin ‘yan, tangina!

KINABUKASAN, sinubukan kong kumilos nang normal sa harap ng pamilya ko, pero sa loob-loob ko, hindi ako mapakali. Kailangan kong malaman kung magkano talaga ang utang ng papa ko kay Amedeo. Kaya noong lumabas siya para pumunta sa opisina, sinundan ko siya nang hindi niya alam. Hindi ako puwedeng magtanong nang harapan dahil siguradong hindi niya ako sasagutin, kaya naghanap ako ng ibang paraan. Pumunta ako sa isa sa mga tauhan niya sa city hall, si Tito Randy, ang pinaka-close sa akin sa lahat ng empleyado niya.

“Khaliyah? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Tito Randy nang makita akong nag-aabang sa labas ng building.

“May itatanong lang ako, Tito,” sabi ko habang pilit na pinapanatili ang ngiti sa labi ko.

Tumango siya at dinala ako sa isang coffee shop malapit doon. Nang makahanap kami ng mesa, hindi ko na pinaligoy-ligoy pa ang tanong ko.

“Tito, alam mo ba kung magkano ang utang ni papa kay Amedeo Salvatore?”

Halata sa mukha niya ang pagkagulat. “Paano mo nalaman ‘yan?”

“Please, Tito. Sabihin mo sa akin.”

Tumikhim siya bago bumuntong-hininga. “Hindi mo na dapat inaalam ‘yan, Khaliyah. Pero since nandito ka na… Alam mo bang daang milyon na ang utang ng papa mo sa mga Salvatore?”

Napakurap ako at halos napamura ng mahina. “Daang milyon?”

Tumango siya. “Nagkamali ang papa mo sa isang investment deal noon. Nalugi siya. Ang nagligtas lang sa kanya ay ang perang hiniram niya kay Amedeo. Pero siyempre, ang mafia boss na ‘yon, hindi nagpapautang nang walang kapalit.”

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko akalain na ganito kalala ang sitwasyon ni papa.

“May paraan pa bang mababayaran ‘to, Tito?”

“Kung may paraan pa, hindi ka na ipapakasal ni Khalix kay Nolan.”

Napalunok ako. So, wala nang ibang option? Ako na lang ang kabayaran talaga?

Pagkatapos naming mag-usap, mas lalo lang lumala ang pag-iisip ko, lalo na nang malaman ko kung gaano kalaki ang utang ni papa sa kaniya.

Pag-uwi ko sa mansiyon, dumiretso ako sa kuwarto ko at ini-lock ang pinto. Napasandal ako sa pinto at hinayaan ang luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.

Paano na ‘to? Paano ako makakatakas dito?

Pilit kong inalala ang lahat ng connections ko. Marami akong kakilala. May followers ako. Pero sino ang tutulong sa akin kung ang kalaban ko ay isang mafia boss? Isa pa, daan-daang milyon, saan ako kukuha nun?

Lapastangan na kung lapastangan, pero tangina ni papa, bakit nangyari ito sa kaniya? At bakit ako ang kailangang magbayad ng putanginang katimawaan niya?

Dapat akong makahanap ng paraan.

At isa lang ang naiisip kong gawin, aalis ako at tatakas na bago pa maging huli ang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
darchel carbos
nice story
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
takas kna hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Alipin Ng Tukso   Special Chapter II

    Khaliyah POVIsang buwan na ang lumipas mula nang opisyal na nag-operate ang Aliyah’s Jam Company. Hindi ko akalaing sa maikling panahon lang, magiging ganito agad kalakas ang pagtanggap ng mga tao sa company ko.Sobrang nakakataba ng puso kasi hindi lang basta-basta ang support na binibigay nila. Halos lahat ng vlogger, food reviewer, pati na rin mga sikat na content creator, ay nagfe-feature ng jams namin sa kani-kanilang mga channel. Minsan nga napapaisip ako, grabe, dati nanonood lang ako ng mga vlog nila, ngayon produkto ko na mismo ang pinag-uusapan nila. Bukod doon ay nakikipag-collab pa sila sa akin bilang sikat din naman akong vlogger.Kada araw, may bagong update mula sa team. Kapag naririnig ko ang salitang sold out, hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwa. Lalo na tuwing bumabalik sa isip ko lahat ng pinagdaanan bago makarating dito, lahat ng gulo, lahat ng sakit, at lahat ng sakripisyo. At ngayong hawak ko na ang tagumpay na ito, alam kong worth it ang lahat.Kanina lang, haba

  • Alipin Ng Tukso   Special Chapter I

    Khaliyah POVRamdam ko ang bigat ng hangin ngayong gabi sa bawat sulok ng mansiyon ni Papa Yanu. Ngayong gabi kasi ay may importanteng mangyayari. Hindi ito ordinaryong pagtitipon o simpleng meeting lamang. Ngayon na kasi mangyayari ang desisyon kung sino ang uupo sa trono na iiwan ni Papa Yanu bilang mafia boss ng buong organisasyon na tinatag niya sa mahabang panahon.Magpapahinga na kasi si Papa Yanu sa ibang bansa. Doon na niya ieenjoy ang buhay niya habang malakas pa siya. Siyempre, kasama na rin doon ang pambababae niya. Well, hindi naman namin kayang pigilan ang kasiyahan niya, may edad na rin naman siya, kaya hahayaan na naming magsaya na lang siya.Tahimik akong nakaupo sa gilid ng mahaba at makintab na lamesa. Naroon sa lamesa sina Larkin, Rafe, at Levi, ang tatlong kandidatong pinagpipilian ng lahat ng mga may matataas na ranking sa mga galamay ni papa.Si Larkin ay nakita kong seryoso at palaging matatag ang titig. Siya ang tipong kayang lumaban hanggang dulo kahit mag-isa

  • Alipin Ng Tukso   EPILOGUE

    Khaliyah POVMatapos ang halos isang taon ng paghihintay, pagpupuyat at pagplano, tapos na ang malaking company na tinayo ko.“ALIYAH’S JAM COMPANY” basa ko sa signage ng BC ko or big company ko.Naluluha ako habang nakatitig doon. Pinangalan ko ito sa anak namin ni Larkin na si Aliyah, dahil siya ang inspirasyon ko. Siya ang dahilan kung bakit nagsikap ako ng ganito, kung bakit nagawa kong gawing totoo ang isa sa mga pinakamatagal ko nang pangarap—ang magkaroon ng sarili kong big company na gagawa ng jams.Noon, simpleng jam lang ang ginagawa namin ni Beranichi, ngayon, heto na. Totohanang big company na ang nangyari. Kung nandito lang si Beranichi, isa siya sa tuwang-tuwa para sa akin.“Mahal, ready ka na ba?” tanong ni Larkin, habang nakangiti at hawak ang kamay kong nanginginig.“Oo na hindi na parang ewan, halo-halo ang nararamdaman ko,” sagot ko habang natatawa tuloy.Nasa harapan na kami ng main building. Ang dami ng tao, mga empleyado, investors, ilang followers ko na invited

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 242

    Khaliyah POVSa wakas, normal na ulit ang lahat.Si Larkin, parang bumata nang sampung taon. Hindi ko na nakikita sa mga mata niya ang mabigat na pasan noong araw na halos gabi-gabi siyang gising para magmanman at magpupunta sa kung saan-saan para lang paghandaan o harapin ang lintik na Deo na iyon.Ako naman, mas nakakapag-focus na sa pagbubuntis ko. Ilang linggo din kaming mag-asawa na puro pag-aalala dahil sa panggugulo nila Deo at Moreya, pero ngayon, parang Diyos na mismo ang nagsabing tama na, magpahinga na kayo. Makakamtan niyo na ang maaliwalas na pamumuhay dahil ilalayo ko na ang mga masasamang tao sa paligid ninyo.“Love, horror movie na tayo!” ayaw ko kay Larkin habang nakahiga ako sa malaking sofa sa sala.Sabay-sabay kaming nanood nila Uda, Ipe at Poge. Sila ang tatlong loko na halos araw-araw na nasa mansiyon. Araw-araw na ring nasa training field para magpalakas. Sa ilang buwan na lumipas, aba, ibang-iba na rin ang tatlong ito. Sanay na silang gumamit ng mga armas. Sana

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 241

    Larkin POVHindi na ako nagpatumpik-tumpik. Kasabay nina Levi at Rafe, sumugod na kami sa kaniya.Bumunot agad si Deo ng dalawang patalim at mabilis na itinapon sa direksyon ko. Muntik na akong tamaan sa leeg kung hindi lang ako nakailag. Sa bilis ng mga kilos niya, para siyang sanay na sanay sa pakikipagpatayan. Sa tingin ko, matagal din niyang pinaghandaan ito. Siguro, pagkamatay ng ama at kapatid niya, nagsanay na siyang mabuti. Pinaghandaan niya ang paghaharap namin. Nang sa ganoon, makakaganti siya sa amin. At sa nakikita ko, oo, may laban ang gago.“Put—! Ang bilis niya!” sigaw ni Rafe habang nakikipagpalitan ng putok kay Deo.Pero bago pa man tumama ang bala nito, gumulong si Deo sa sahig at nakalapit na agad kay Levi. Mabilis niyang tinaga ng maliit na espada si Levi sa braso. Tumilapon ang dugo, at napaurong si Levi habang pinupulbos ng sipa ni Deo ang tiyan niya.“LEVI!” sigaw ko, sabay kalabit ng gatilyo. Pero parang hayop na aswang si Deo, ang bilis niyang nakailag, nakata

  • Alipin Ng Tukso   Kabanata 240

    Larkin POVNadala na kami ni Robert, dito sa lungga ngayon ni Deo. Tahimik ang paligid, wala silang kaalam-alam na magkakagulo na ngayon.Pinagmasdan ko ang sementadong gusali na halos nakatago sa likod ng makakapal na punò. Kumpirmado, ito na nga ang hideout ng hayop na iyon.“Sigurado ka bang dito ‘yun?” tanong ko sa driver na nakausap namin kanina, habang kinakalabit ko ang hawak kong baril. Nanginginig siya at takot na takot pa rin.“O-oo, Sir, nandito po siya. Kaunti lang ‘yung naiwan na tao niya ngayon, pero… mga armado po lahat.”Ngumisi ako, kahit pa anong armas ang hawak nila, wala akong pake. “Mabuti kung. Huwag na tayo mag-aaksaya ng oras.”Nagkatinginan kami nina Rafe at Levi, parehong matalim ang mga mata, parehong handang pumatay. Ilang linggo at araw na kaming naghahanap, ilang gabi na walang masyadong tulog dahil sa lintek na si Deo. At ngayon, nasa harap na namin ang pagkakataon para tapusin ang lahat.Hinila ko pababa ang suot kong mask, tinakpan ko ang kalahati ng m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status