Khaliyah POVLate na nang dumating si Yanna sa manisyon. Kasalukuyan na kaming nakalublob ni Moreya sa maligamgam na tubig ng pool habang may tag-isang hawak na barbecue“Ang bigat nito, grabe!” reklamo ni Yanna habang inilalapag ang mga kahon ng pizza sa lamesang nasa gilid ng pool. Tumayo ako mula sa tubig, nagsuot ng robe at tinulungan siyang ayusin ang mga dala niyang pagkain. Si Moreya naman ay halos hindi makagalaw sa pagkakababad sa tubig, siya kasi ang nag-ihaw ng mga karne kanina kaya init na init. Ayon, hindi na umalis sa tubig.“Tatlo lang tayo ah! Aba, ano ‘to, pizza party?” natatawang sabi ko. Binuksan ko ang kahon, at naamoy agad namin ang iba’t ibang flavor.“Para sa mga gutom na buntis,” biro naman ni Yanna, sabay upo sa lounge chair. “Kailangan natin ‘to. Stress reliever. Na-stress kasi ako ngayon kay Rafe,” sabi pa niya. Hindi pa rin talaga siya maka-move on sa pagsama ni Rafe kina Larkin.Napaisip ko, hindi lang parang girls night bonding ito, parang team buntis bon
Khaliyah POVSinama ni Larkin sina Ipe, Poge at Uda para mag-enjoy at magliwaliw sa bar niya ngayong gabi. Naiwan kami ni Moreya dito sa mansiyon. Sabi ko sa kaniya, mag-bonding kami sa swimming pool, medyo mainit kasi ngayong gabi.Kaya naghanda rin kami ng pagkain para sa aming dalawa. Siya, nag-marinate ng barbacue, habang ako naman ay kani salad ang ginawa. Gumawa rin ako ng pizza, para ‘yun na ‘yung parang kanin namin. Pareho kasi kaming ayaw mag-rice, tonight.“Manang, pa-open naman ako ng mga ilaw sa swimming pool area, tapos paki-ready na rin itong food ko sa isang lamesa doon, salamat,” utos ko sa kasambahay namin.“Sige po, ma’am, kami nang bahala diyan,” sagot ni manang at saka niya dinampot ang mga pagkaing ginawa namin ni Moreya.“Ako nang bahalang magpa-apoy, Besh, huwag ka na mag-uto sa kasambahay,” sabi ni Moreya na naka-swimming wear na.“Oh, sige, aakyat muna ako sa kuwarto, magbibihis na rin ako,” paalam ko sa kaniya. Nainggit ako sa suot niya kaya hindi rin ako mag
Khaliyah POVHapon na nang tuluyang makita ng mga tauhan namin ni Larkin sina Poge, Ipe at Uda. Matagal rin namin silang pinaghahanap. Ngayong nandito na sila, hindi kami papayag na hindi ito maayos.Dito sa sala, nakaupo ang tatlo habang may mga takip pa ang mata. Halatang kabado sila dahil pawisan at halatang tensyonado. Nakakatawa na medyo nakakakunsensya kasi alam kong na-stress ang tatlo dahil sa sapilitan naming pagdala sa kanila dito sa manisyon namin ni Larkin.“Salamat, puwede na kayong magpahinga,” sabi ko sa mga tauhan naming nagdala sa kanila rito sa bahay. Tumango lang sila at tahimik na umalis. Bayad naman na rin sila kaya wala ng problema.Pagkalis ng mga tauhan namin, lumapit ako sa mga nakapiring na mga bundol naming mga kaibigan. Una kong tinanggal ang panyo sa mata ni Poge.“Khaliyah?” gulat niyang sambit, na agad na napaatras sa pagkakaupo.Sunod kong tinanggal ang piring ni Ipe. Kumurap-kurap siya, tila sinisigurado kung totoo ba ang nakikita niya.“Ano ’to? Anong
Khaliyah POV“Tara na nga muna sa dining area,” aya ko sa kaniya. “Kumain na muna tayo, Moreya, baka wala pang laman ang tiyan mo.”Sakto naman na tapos na sina Larkin sa paghahanda ng almusal namin. “Let’s go, tara na, kumain na tayo,” sabi ng asawa ko.Maraming pagkain sa lamesa. Sinabihan na rin kasi namin ni Larkin ang kusinera na damihan ang luto ng almusal ngayong umaga dahil may darating na bisita.Habang kumakain kami, pansin na pansin namin ni Larkin kung gaano kagutom si Moreya.“Pasensya na kayo, dalawang araw na kasing puro tinapay at tubig lang ang kinakain ko. Walang-wala kasi akong pera talaga,” paliwanag pa niya.“Huwag ka na munang magsalita, Besh, kumain ka lang nang kumain,” sagot ko naman.Si Larkin, titig na titig sa pamangkin niya. Nakikita ko sa mga mata niya na tila awang-awa siya rito.“Kapag nakita ko ‘yang lalaking nanloko sa iyo, humanda siya,” sabi tuloy ni Larkin.“Dapat sa kaniya, idikdik ang mukha sa pader,” sabi ko. Hindi ko maiwasang magalit din kasi
Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, agad kong napansing wala na si Larkin sa tabi ko. Mag-isa na lang ako sa higaan namin, at tila mukhang kanina pa siya gising. Nasanay kasi ako na kapag gigising sa umaga, nakayakap pa rin siya sa akin. Ngayon, wala kaya nagtataka ako. Tumingin ako sa orasan, alas otso pa lang ng umaga. Maaga pa para sa kaniya para bumangon, lalo pa’t gabi-gabi siyang abala sa bar na business niya. Kahit sa home lang siya nagwo-work, napupuyat pa rin siya dahil naka-monitor siya sa mga cctv doon, tapos kung minsan, may ka-call siya about sa mga problemang nagaganap, lalo na kung may away at need magpadala ng pulis doon.Pagbango ko, naghikab pa ako, tila kulang na kulang palagi ang tulog ko tuwing gigising sa umaga, sanay na ako, kasi nga baka epekto ito ng pagbubuntis ko.Hindi pa ako nakakalabas ng kuwarto, pero naririnig ko na ang malakas na usapan mula sa ibaba. Doon ko na rin narinig ang asawa ko na tila may kasama sa ibaba. Hindi ako sigurado kung sino, per
Khaliyah POVKumakain kami ni Larkin ng merienda sa dining area nang mapunta ang usapan namin sa bar—ang bar na matagal na niyang pinangarap. Ngayon, ito na ang pinaka-sikat na bar sa buong Pilipinas. Lagi pang puno, laging trending, at laging pinupuntahan ng mga gustong mag-relax, mag-enjoy, o kahit ng mga curious lang pumasok sa loob para mga mag-picture.“Sabi ni Levi, may bagong celebrity na dumaan kagabi sa bar. Laking tuwa raw ng mga staff mo,” kuwento ko habang hinihimas ang tiyan ko.Si Levi kasi, madalas pumunta rito kapag may inuutos si papa sa kaniya. Dito siya nag-uubos ng oras, dito rin nag-uubos ng pagkain. Oo, inuubos niya palagi ang stock namin. Pero hindi ko naman sinisita, pagkain lang naman ‘yun, saka, malapit siyang kaibigan sa amin. Kapag gagala naman din kasi siya, palagi itong may dalang pagkain. Gaya kanina, pagdating niya ay may dala-dala siyang isang basket ng lansones, request ko rin kasi sa kaniya ‘yun nung nakaraang linggo. Wala pa kasing lansones na tanim