LOGINIsa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
View MoreSa loob ng eksklusibong silid ay may sarili silang waiter na nakaabang sa kanilang mga kailangan. Ilang saglit lang simula nang makaupo ay ibinigay na sa kanila ang menu. Ang restaurant ay nag-se-serve ng iba't ibang klase ng pagkain, pero ang specialty ng chief ay Asian foods kaya't ang ilan sa nakasulat sa menu ay halatang spicy food. Napaangat ng tingin si Yamila nang magbigay ng order si Magnus. Ang mga binanggit nitong pangalan ay agad niyang hinanap sa menu para makita kung ano'ng klaseng pagkain iyon. Bigla’y parang nagkaroon ng lamig sa kaniyang sikmura. Hindi niya napigilan na punahin ang lalaki. “Akala ko na hindi ka kumakain ng maaanghang na pagkain?” Napatingin sa kaniya si Magnus at sandaling napatigil sa pagbigay ng order sa waiter. “Who said I don't eat spicy food?” Tanong pabalik ng lalaki. Pinakli ni Yamila ang pahina at sa kaswal na boses ay sumagot, “Ikaw.” Napakunot ang noo ni Magnus. Samantalang nagpatuloy si Yamila sa pagpili sa menu ng pwede niyan
Nauna pang lumingon ang dalawang doktor na para bang sila si Yamila. Samantalang si Yamila ay napapikit pa ng mariin bago lumingon. “Mr. Esquivel.” Pormal niyang bati. Humakbang palapit ang lalaki. Mas lalong lumakas ang tibok ng kaniyang puso dahil palipat-lipat ang tingin ng mga kasama niyang doktor. Nagtataka marahil kung bakit tinawag siya nito. “Oh, yes, I forgot. Iyong acknowledgement form napirmahan na ba? I haven't seen it in my office. I'll check it tomorrow. Bibisitahin ko rin ang kapatid mo sa ICU para matingnan ang kalagayan niya. I'll do it first thing in the morning.” “Ikaw ang nag-opera sa kapatid niya, Dra. Marasigan?” Gulat at hindi makapaniwalang naiusal ng katabi niyang doktor. Napatingin siya rito at ngumiti ng maliit. Mabuti na lamang at agad siyang nag-isip kaya hindi na kataka-taka sa mga kasama niya kung bakit magkakilala sila ni Magnus. Nasa harap na nila si Magnus nang muli nila itong tingnan. Seryoso ang mukha nito at hindi niya mabasa kung ano’
Alas tres y media nang dalhin ni Warren sa opisina ni Yamila ang dala nitong pagkain. Maliban pa ro’n may energy drinks din at matatamis na panghimagas. Mayroon pang nakakarton na cookies at donut. Alam ni Yamila na hindi niya iyon mauubos lahat kaya pinatawag niya sila Nurse Rowena para dalhin sa nurse station ang pagkain na hindi niya naubos. Nagtataka man ang nurse kung saan galing ang gano’n karaming pagkain ay hindi na ito nagtanong. Alas kuatro ng hapon nang magsimula siyang mag-rounds sa ward ng mga dating pasyente at tiningnan kung ano na ang kalagayan ng bawat isa. Nakapagpahinga na rin naman siya kahit paano kaya balik ulit sa trabaho. Pasado ala singko nang bumalik siya sa opisina para tapusin ang ilang paper works bago tuluyang umuwi. “Doktora?” Dalawang magkasunod na katok ang narinig niya habang abala sa computer. “Come in.” Pumasok naman agad si Nurse Rowena na dala-dala ang isang basong kape na may logo pa ng mamahaling café. Sinundan niya ng tingin ang pa
Naikuyom ni Magnus ang kaniyang kamao dahil sa sinabi ni Aldrin. Gusto niyang sugurin ang lalaki at suntukin ito para mahimasmasan man lang sa pagdedelusyon, ngunit hindi niya ginawa. Kahinaang maituturing kung papatulan niya si Aldrin dahil lamang sa delusyon nito. “I could see that you really like my wife, Garces. You have the balls to indirectly admit that you have feelings for her. Hindi kita masisisi kung magkagusto ka sa asawa ko. She's beautiful and smart, she's just... one of a kind. Pero matuto kang lumugar." Humakbang siya palapit. Nanginginig ang kaniyang kalamnan sa tuwing naiisip na pwede naman niyang sirain ang pagmumukha ni Aldrin Garces, pero bakit hindi niya magawa? Siguro, dahil mababaw na dahilan na sasapakin niya ito dahil sa may gusto ito kay Yamila? Hindi pa naman niya napapatunayan na may relasyon ang dalawa kaya magpapasensya pa siya. “I'm a very territorial person. What's mine is mine. And no one can take it away from me... especially my wife.” Malinaw at
Naiwan si Aldrin kasama ang kaniyang mga magulang na halata ang galit. “Mom, Dad, I can explain—” “I’ll settle this with you when I get back!” mariing putol ni Arkin, ang mukha’y namumula sa galit. Tumayo ito at walang sabing naglakad palayo dala ang baso ng alak. “You really know how to stir
Hindi na bago kay Magnus ang makakita ng magaganda. Marami na siyang nakilala, marami na ring dumaan sa kaniyang landas. Ngunit sa paningin niya, kakaiba pa rin si Yamila. Hindi lang ganda ang dala nito— may tikas, talino, at isang klaseng alindog na bihirang matagpuan sa iba. Kaya’t hindi na nak
Tumayo si Yamila sa tabi ni Aldrin, hinihintay na makalapit ang mag-asawang Garces sa kanila.Pilit ang kaniyang ngiti habang ramdam ang mga matang nakatingin sa kanila. Matamis naman na ngiti ang napansin niyang nakaplastar sa masayang mukha ng mga magulang ni Aldrin. Kaya’t bigla niyang diniina
Matapos ang pag-aayos sa kaniya ng glamteam, tumitig si Yamila sa salamin para makita ang kaniyang sarili. Ngunit natigilan lamang siya nang makita ang repleksyon sa salamin.Nagulat siya, hindi dahil sa hindi na siya sanay sa ganitong preparasyon, kung hindi dahil hindi niya inaasahan na magiging












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore