Lumaking sakitin si Pamela kaya halos iilan lang ang nakakakilala sa kanya. Palaging nasa anino siya ng kakambal niyang si Plumeria. Nang ipakasal si Plumeria sa cold and ruthless billionaire na si Tiger Rivas, malinaw ang tanging misyon nito: ang magkaroon ng tagapagmana. Ngunit hindi nito kayang ibigay iyon Tiger dahil ilang beses na itong nagpa-abort sa mga naging lalaki nito. Kaya humingi ito ng pabor kay Pamela. Pumayag si Pamela na pumalit bilang asawa ni Tiger at magbuntis para sa kakambal. Sa loob ng isa at kalahating buwan, natutunan niyang magmahal sa lalaking hindi naman para sa kanya. Ngunit isang tawag mula kay Plumeria ang gumulo sa lahat. Tapos na ang pagpapanggap ni Pamela dahil nagdadalang tao na si Plumeria, at si Tiger ang ama. Pamela is in love. Plumeria is pregnant. At iisa lang ang lalaking nasa gitna nila.
View MoreMay kakaiba rin kay Tiger. Hindi ko ma-explain pero parang less guarded siya. Mas present.Siya pa rin si Tiger, yung lalaking may calendar na masikip parang lubid, schedule na naka-ukit sa bato. Pero nitong mga nakaraang araw, hindi siya ang tipong dumadaan lang. Nagtatagal siya. Sa breakfast, humahabol sa pangalawang tasa ng kape imbes na tumakbo agad.Sa balcony, halos magkadikit lang ang balikat namin habang pinapanood niya ang umagang ulap nawawala sa mga inayos na halaman. Sa hallway ng kwarto namin, ramdam ko muna ang tingin niya bago ko pa siya makita. Mukhang may gusto siyang sabihin, seryoso at totoo, pero hindi niya alam paano i-raise iyon.Nakakatakot.At naiinis ako na nagugustuhan ko pa.May malamig na boses sa utak ko, yung boses ng pag-iingat, na sigaw na dapat maghanda na akong umalis. Hindi dapat tumagal ang switch na ito lampas sa purpose niya. Pero heto ako, hindi nagpa-packing, imbes ididin memorize yung precise na pagkunot ng mata niya kapag genuine ang ngiti, yu
Wala na si Tiger nang magising ako. Walang note. Walang text. Walang paliwanag.Mas mabuti iyon para sa akin. Mas madali ang pananatili ko dito. Mas kaunti ang tanong, mas kaunting tsansa na mabuking ang mukha. Pero hindi naman nakapagbigay ng ginhawa ang katahimikan. Parang paalala lang kung bakit ako narito.Ginugol ko ang umaga sa tahimik at maingat na pag-aaral ng mga gamit ni Plumeria. Ang crystal atomizers ng French perfumes na may halong jasmine at hint ng pera. Ang fine-tipped cursive sa leather-bound journals niya. Ang eclectic at medyo pretentious na playlists na naka-save sa antique record player. Bawat detalye ay mahalaga sa papel na ginagampanan ko. Kailangan kong maging siya, hindi lang kamuka.Pinapanood ako ng staff na parang mga lawin. Sila ang pinaka-mapanganib na audience. Pero ngumiti ako sa tamang dami, nag-nod politely, nag-practice ng small talk tungkol sa panahon, at sinunod ko ang routine ni Plumeria nang eksakto. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit isang bak
Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang sunod-sunod na katok ng pintuan. Mabilis akong tumayo at lumapit doon para buksan.Katulad ng inaasahan ko ay nakatayo roon ang kakambal kong si Plumeria. Nakasuot ito ng lumang jacket na may hood, na parang hindi siya bagong kasal sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa bansa at hindi gumigising sa tabi tabi ng asawa sa isang mansyon na puno ng staff.Kababalik ko lang ng Pilipinas kanina dahil pinauwi niya ako sa hindi niya sinabing kadahilanan. Sinabi rin niyang wala akong dapat sabihan na babalik ako rito."Plumeria!" nakangiting bati ko sa kanya at niyakap niya. Niyakap naman niya ako pabalik, pero ramdam kong hindi iyon kasing init ng yakap ko.May problema. Iyon ang sigurado ko. Kilala ko ang kakambal ko at ganitong-ganito siya kapag may problema siya."Maupo ka muna—"“I need your help,” sabi niya at pinutol ang sasabihin ko.Isinara ko ang pinto sa likod niya at hinila siya sa may dulo ng kama ko, humarap kami sa bintana.“Anong tulog?
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments