Ilang araw na akong tinatawagan ni Nathaniel, pero hindi ko sinasagot. Natatakot kasi ako sa banta ni Jared, baka dahil sa akin ay masira ang pagiging magkaibigan nila. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay medyo bumait na si Jared, hindi nya na rin ako nasasaktan. Pero hindi pa rin nawawala yung pagkataranta ko minsan.
Bumaba si Jared at may dala na isang malaking maleta."Saan ka pupunta?" Tanong ko."I have business meeting in Canada." Sagot nito ng hindi ako nililingon.Business meeting? O meeting with his girl."G-Gaano katagal kang mawawala?""One week." And it's confirmed. Naalala ko noong naghatid ako ng pagkain sa library nya, one week daw sila ng babae nya sa Canada.Tinitigan ko sya habang inaayos ang tie nya. Mahirap basahin ang ugali ni Jared, hindi sya nagpapakita ng emosyon kapag kaharap ako. Kaya hanggang ngayon ay tinatansya ko sya.."Wedding anniversary na natin sa isang araw." Ngumiti ako ng tumingin sya sa akin. Inilabas nya ang wallet nya at nag abot sa akin ng credit card."Go buy anything that you want." Inaabot nya sa akin 'yun pero hindi ko tinatanggap."Pero--""Don't expect me to celebrate that fvcking anniversary with you." Ibinato nya sa mukha ko ang card."Salamat." Nagiging magaling na ako sa pagtago at pagpigil ng luha ko. "Kumain ka muna para hindi ka gutumin sa byahe mo.""Papapuntahin ko dito si Jessa para may kasama." Napatingin ako sa kanya. Si Jessa, isa sa mga kapatid nya, hindi naman kami close noon."Wag na. Kaya ko naman mag isa dito." Pinaghain ko na sya ng pagkain at hinugasan 'yung mga ginamit ko sa pagluto."Kung gusto mo, umuwi ka muna sa magulang mo." Napatigil ako sa paghuhugas at nilingon sya, may kakaiba sa kanya ngayon."Ayoko. Ayokong umuwi.""Bahala ka na nga sa buhay mo." Naiinis na sabi nito bago tinuloy ang pagkain. Tinitigan ko sya, mahal na mahal ko talaga ang tao na 'to.Iniisip ko pa lang na one week syang mawawala ay nalulungkot na ako."J-Jared, pwede ba akong sumama sayo mamaya paghatid sa airport." Lakas loob na tanong ko."No." Mabilis naman na sagot nya."Okay." Tumalikod na ulit ako at tinuloy ang paghuhugas ng plato. Alam ko namang kasama nya 'yung babae nya kaya ayaw nya."Aalis na ako." Hinatid ko sya sa labas ng gate. Tumango lang ako pero hindi pa rin sya kumikilos, parang may hinihintay."Sabi ko aalis na ako." Iritadong sabi nito. Napatanga ako."I-Ingat." Nagwave pa ako."Slow." Narinig kong sabi nya bago ako hapitin sa bewang at siniil ng malalim na halik. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos. Gosh! "Be ready pagbalik ko." Sabi nya bago pumasok sa sasakyan.Tulala akong napahawak sa labi ko. Hinalikan nya ako, kakaiba! Ano bang nangyayari sa mundo?---"Hello sister in law!" Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Jessa sa bahay."Hi Jessa." Kiniss nya ako sa cheeks."Pinapunta ako ni kuya dito, nung isang araw pa sana kaso may lakad ako. Happy wedding anniversary pala. Ang gago ni kuya no? Iniwan ka?" Natawa na lang ako sa kadaldalan ng kapatid nya. Mabait naman si Jessa.[DING DONG] Si Jessa na ang nagbukas ng pinto. Pagpasok nya ay may dala syang napakalaking bouquet, puro kulay pulang rosas."Ang sweet!" Kinikilig na sabi nito bago inabot sa akin. May card na nakalagay, binasa ko.Sweetheart, happy wedding anniversary. -JAREDLihim akong napangiti, naalala nya pala kahit papaano."Ate! Ate! Here's kuya!" Itinapat sa akin ni Jessa ang cellphone, nakaskype sya.Kinabahan ako bigla. Naiiyak ako sa tuwa, first time na may bigay sa akin ng flowers."Did you receive the flowers, Sweetheart?" Nakakunot noong tanong nito. Si Jessa rin kasi ay nakasilip sa cellphone."O-Oo. Salamat, nagustuhan ko." Kinikilig ako tuwing tinatawag nya akong sweetheart."Uy! Si Ate kinikilig!" Lalo akong nahiya sa matinis na boses ni Jessa."Jessabelle! Can you please give us privacy?!" Ayan na! Pumutok na ang bulkan."Oo na!" Saglit 'tong may pinindot sa cellphone bago umalis."Are you crying?" Nagulat ako ng bigla syang nagsalita."H-Hindi, a-ano. Natuwa lang ako sa bigay mo." Nakakatouch!"Good to hear that. By the way, nandyan na si Jessa kaya sasamahan ka nya hanggang makauwi ako.""Hindi na kailangan Jared, baka nakakaabala ako sa kanya." Hindi ako makatingin sa cellphone kasi talagang nakakailang. First time na kausapin nya ako na kalmado lang."Well, sinabi rin sa akin ni Jessa na gusto ka nyang makasama." Napatango na lang ako. Sana laging ganito. "Ipapaalala ko lang, no NATHANIEL, understood?""O-Oo na." Nagseselos kaya sya?(Jared! They're waiting for us! Magbibihis lang ako.) May biglang dumaan sa likod ni Jared, nakatowel na babae. Nanlaki ang mata ko."O-Oo. Tatapusin ko lang 'to." Sagot nya.Napabuntong hininga ako, tama nga ako ng hinala, magkasama sila. Napasimangot ako."Mukhang may lakad kayo. Sige na." Sabi ko."Ahm. Oo, may meeting kasi kami with the investor." Hindi nya naman kailangan magpaliwanag."Okay. Bye." Tinitigan ko syang muli, para bang hindi sya mapakali. Biglang tumulo yung luha ko kaya biglang kong pinindot 'yung end call.Unti-unti ng nagbabago si Jared, siguro dapat na akong makuntento kahit na may kahati ako.Sorry.--"Hindi na maganda ang lagay ni Elaisa, I hate to say this but any minute ay maaari na syang bumigay." Sabi ni Doc Felix.Napatingin ako sa pamilya ko at halos matumba si Mama sa narinig na balita. Puno na ng iyakan ang kwarto ko kaya pati na rin ako kay nadamay na. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko, nakatulala sya."Felix, how about the surgery?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Doc Felix."Elaisa refused it. There's only 10% chance of survival Tita, at kapag hindi kinaya ng katawan nya ay maaari syang mawala." "A-Anak ko!" Kaagad lumapit sa akin si Mama at Papa, panabay nila akong niyakap."T-T-Tahan na p-po." Nagagawa ko ng magsalita pero hindi na maayos. Ang sabi ni Doc Felix ay magiging permanente na ang ganitong pananalita ko."Patawarin mo kami. H-Hindi kami naging mabuting magulang sayo." Sabi ni Mama. Lumapit din si Mommy para daluhan sina Mama.Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Walang may gu
Naging masaya ang mga lumipas na araw maliban na nga lang sa pagdalas ng sakit ng ulo ko at Oo, hindi ako gumaling. Ngayon ay hindi ko na masabi kung naging successful ba ang operation, walang naging problema pagkatapos pero kagaya nang paliwanag sa akin ay ginaya ng mga cancer cell ang healthy cell kaya hindi tuluyang nawala ang lahat. Pinaliwanag din sa akin ni Doc Felix na 10% lang ang chance ko na mabuhay kung itutuloy pa namin ang operation at maaaring mamatay ako habang isinasagawa 'yun. Noong una ay sinabi nya sa akin na ituloy ang pangalawang operasyon, pumayag kaagad ako kahit na napakalabo noong 10% chance of survival pero noong nalaman ko na I only have two days to prepare for operation ay tumanggi ako. Napaisip ako, paano kung bumigay ang katawan ko? That's why I come to this decision na sulitin ang nalalabing araw ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, kung hindi ako maglalagay ng make up sa mukha ay talagang mahahalata na may sakit ako kaya s
Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad."Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami."Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy."Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta."Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel."Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita."Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy."Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel."No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni
Pag-uwi namin sa Pilipinas ay sinalubong kaagad si Jared ng trabaho kaya kahit na ayaw nya akong iwan ay wala na syang nagawa. Nakausap ko ang kapatid ni Jared kanina at ang sabi nito ay papasyal sya dito, and that make me happy. Bukas ay kailangan ko rin bisitahin ang boutique na napabayan, ang sabi sa akin ni Jessa ay sya ang pangsamantala na namahala habang wala ako.Nagluto ako ng ilang pagkain para may makakain si Jessa pagpunta dito, ang sabi nya nga kanina ay sa bar na lang daw magkita, nakalimutan ata nito ang sinabi sa kanya ng kuya nya na kagagaling ko lang sa operasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang mahal ko na kahit sinaktan ko sya ay nandyan pa rin sya sa tabi ko.Ilang saglit lang ay nakarating na si Jessa sa bahay, kaagad itong sumalubong ng yakap sa akin."Sister in law! Namiss kita!" Si Jessa habang umiiyak.Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero pati ako ay naiiyak na rin. "Namiss din kita."Kwinento ko sa ka
Elaisa's POVIsang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas ng hospital. Nakausap ko sila Doc Felix kahapon and they need to check just to make sure na magaling na ako. May chance daw kasi na gayahin ng cancer cell ang healthy cell, yun ang iniiwasan nila.Sa loob ng isang linggo na yun ay hindi umalis sa tabi ko si Jared. Ramdam ko ang paghihirap nya, hindi nakakatulog ng maayos, hindi nakakakain sa tamang oras. Minsan ay nagigising ako ng madaling araw at makikita ko sya na nagtatrabaho sa harap ng laptop nya. Sinabihan ko na sya na nandito naman sina Doc Felix at maaalalayan ako pero ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. Pabalik-balik din ang mga nurse para tulungan akong mag exercise para makalakad ng maayos.Minabuti ko na mag-isa habang kausap si Doc. Felix, sya kasi ang magpapaliwanag ng tungkol sa operasyon. Habang kausap sya ay hindi ko mapigilang humagulgol, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Venice, kung hindi dahil sa t
Jared's POVMatagal natapos ang operation, normal lang daw yun sabi ni gagong Felix. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin sya. Mas pinili ko na mag-isa sa labas para manalangin.Panginoon, tulungan Nyo po ang mahal kong asawa. I'll do anything just to save her, so please. She's the only reason why I'm still breathing right now. The day she left me, hindi ako kaagad naniwala. Alam ko na hindi nya ako iiwan ng dahil lang sa isang lalaki. Nagpapasalamat ako dahil nagpapakatatag pa rin sya hanggang sa ngayon. So please, God help her.Nagkausap kami kanina ni gagong Felix at humingi sya ng tawad sa lahat ng kalokohan nya. Oo, marami syang kasalanan sa akin. Magkaklase kami noong college, we're close that I even introduced him sa babaeng nililigawan ko, that's Venice. And then one day, nakita ko na lang na magkasama na sila at naghahalikan. Sinapak ko sya malamang, pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap.Ngayon ay hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya dahil sya ang tumulong at nas