Share

Kabanata 3

Naaasar na naupo ako sa sun lounger na inuupuan ko kanina.

Bwisit na Harry at Apollo! Magsama kamo silang mga hangal sila. Yawa!

I heard Ares’ chuckle beside me. I glanced at him and saw him staring at me so I raised a brow.

"Sorry, I just can't help it. I really didn't know Apollo and Harry could be this irritating, and well, uh, funny." He smirked.

Aba, madaldal naman pala ito. Noong isang araw akala ko pipi at suplado ang isang 'to, e. Akala ko hindi palasalita ngunit heto at ang daming sinasabi ngayon.

Inabutan niya ako ng isang box ng yogurt drink habang beer-in-can naman ang sa kaniya. Tinanggap ko ang yogurt drink at agad na tinusok ang straw sa box.

"You've.. been friends with my brother for exactly how long already?" I tried to open a topic and asked him curiously.

Sumimsim ako sa yogurt drink na ibinigay niya, kahit hindi ko gaanong gusto ang lasa ng orange yogurt drink. I prefer strawberry, blueberry, or milk flavored yogurt drink than the orange one, actually.

He tore his eyes off me. Malayo ang tingin niya, like he's thinking deeply how long it has been since they're friends. Inilihis ko rin ang paningin ko at pinagtuunan ng pansin ang mga kaibigang nagkakatuwaan sa pool.

"Hmm, perhaps more than fifteen years?"

Naibuga ko ang iniimom ko at nasamid pa. Mabilis niya akong inabutan ng tubig at agaran ko namang ininom iyon, hindi na nakapagpasalamat.

Nang mahimasmasan na ay gulat akong nagbaling ng tingin sa kaniya.

"What?!" Gulantang na sigaw ko. Napakurap-kurap pa ako, hindi makapaniwala sa mga salitang binitawan niya kani-kanina lang.

Napalingon sa banda namin ang mga kaibigan namin pero hindi ko na pinansin iyon. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa lalaking malamlam ang mga matang nakatitig pabalik sa akin.

He’s biting his lower lip while staring at my dazed expression.

"That's like, more than half of his life! You were friends since he was- we were six?! How come I didn't know about it?" I said hysterically.

He let out a soft chuckle and muttered something that I didn't get to hear.

"When you were a kid, you don't pay attention to boys unless it's your brother or cousins."

Namilog ang mga mata ko.

Really?! Was I really a snob back then?

"Eh, kung matagal na pala kayong magkaibigan, how come did you both become friends? Eh, ‘di ba, minsanan ka lang naman mapadayo dito sa Pilipinas?" Sumimangot ako.

He made a face and stared at me boredly. Nanatili ang titig niya sa akin ng ilang segundo bago siya nagbuntong-hininga.

"I lived in the United Kingdom almost all my life. I often take a vacation here in the Philippines and I never forget to visit Apollo in your house whenever I'm in the Philippines. Years ago, my family got invited to your birthday party. It was good timing since I got home from the UK by that time. That’s when I met you and Ares. Though, I think, you cannot remember much about what happened years ago.” He explained that made my mouth hang open in awe.

“Since then, Apollo and I kept in touch so even with the distance, we still consider each other the best of friends." Dagdag niya pa na tuluyang nagpamangha sa akin.

"Wow. Daig niyo pa pala ang mga LDR." I chuckled.

The small talk I had with Ares made me get to know him a little bit and their friendship with my brother. He even really  told me how he first met Apollo.

Apparently, both of our mothers were the best of friends when they were in high school, up until now. It was exactly our sixth birthday when Ares went back to the Philippines, but not for good. Siya lang kasi ang naroon sa UK para bantayan ang parents ng Daddy niya, at doon na rin siya nag-aral mula pagkabata.

He's next to their eldest (who was busy with her college life back then and married life now) that's why he took the responsibility, kahit na bata pa lamang siya noon. While his busy parents and other siblings are all here in the Philippines at minsan ay bumibisita rin sila roon sa UK.

Their family got invited on our birthday, like what he said. Ares was nine back then kaya naaalala niya pa ang mga nangyari at kung paano sila nagkakilala ng kapatid ko.

Naabutan niya raw na umiiyak si Apollo sa likod ng bahay. The reason? I paid more attention to some kid and totally forgot about Apollo and his existence. Kidding, but yeah. He was so jealous that's why he cried. Because when we were young, hindi kaya ni Apollo na mawala ako sa tabi niya at hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin. Hanggang ngayon pa rin naman. He always wants my attention and to always be by his side, no matter what.

Apollo is one hell of a clingy twin brother.

Hindi rin kasi sanay si Apollo na may pinapansin akong ibang bata bukod sa kaniya at sa mga pinsan namin dati. I had my own world with my dolls back then, so I never bothered to find friends and was contented to play with my dolls, or with Apollo and my cousins.

Hindi ko na alam pa ang sunod na nangyari noon dahil naputol ang pag-uusap namin ni Ares nang tawagin ako ng mga kaibigan ko.

Ilang oras pa kaming tumambay roon sa pool area hanggang sa maghapon na at mapagdesisyunan nilang umuwi na.

The day was so fun that my smile never faded. Parang sasabog ang buong bahay namin sa ingay ng pinagsamang kaibigan ko at ni Apollo.

Kinabukasan ay pinapunta ulit ako ni Mama doon sa ospital. Namimiss na raw kasi ako noong mga batang nakaconfine kaya nais niya sanang bisitahin ko sila.

Ayos lang naman sa'kin kasi summer na at walang pasok. Kaya pinaunlakan ko ang nais ng Mama. 

Naligo ako at nagbihis ng casual na damit bago nagtungo sa ospital, wala si Apollo dahil may lakad siya.

Binisita ko ang mga bata at agad nila akong sinalubong ng mga malalaking ngiti at mahihigpit na yakap. Nagstorytelling kami para hindi sila mabored, tapos nagkantahan rin. Tuwang tuwa pa sila sa 'kin kasi ang ganda raw ng boses ko, pati syempre ako maganda raw.

Sus. Ang babata pa pero ang lalakas na mambola.

Naalala ko tuloy bigla si Artemia. Namimiss ko na rin ang batang iyon. Noong panahong narito pa siya, lagi siyang nagpupunta sa ward ng mga bata at nakikipaglaro at nakikipagkuwentuhan sa kanila, minsan pa'y sinasali ang mga doktor at nurse na tuwang tuwa naman sa kanila. Aba s’yempre, hindi niya pinalampas ang pagpunta roon nang malamang naroon ako at kakanta para sa mga bata.

Hay. Kung bisitahin ko kaya siya sa kanila?

Dalawang oras lang ang tinagal ko sa ospital bago ko naisipang umuwi. Sunday ngayon at wala kaming planong lakad ng mga kaibigan ko.

Ang best friend kong si Hera, busy sa boyfriend niya kaya hindi ko mayayang gumala. Free naman daw siya lagi 'pag magpapasama ako sa kanya, handa siyang maglaan ng oras para sa'kin kahit may boyfriend na siya. Pero kasi nahihiya ako. Si Lian naman ay may date habang si Magui ay as usual, hindi ko na naman mahagilap.

Malungkot akong tumingin sa kawalan habang malalim ang iniisip. May sariling buhay ang mga kaibigan ko, kaya hindi talaga maiiwasang magkaroon ng pagkakataong hindi kami magkadikit palagi. But it doesn't mean that if we don't have time for each other, or we won't see each other a lot unlike the last time, eh hindi na kami magkaibigan. We still got each other's back.

Kaya narito ako sa bahay, specifically sa veranda, at nagmumukmok.

"Boo!" Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot ang bwisit na si Apollo sa gilid ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Shit kang mansanas ka! Ba't ka ba nanggugulat?"

Nginisihan niya lang ako at itinaas-taas niya pa ang mga kilay niya, natutuwa sa reaksiyon ko.

Inismiran ko siya habang siya'y malaki pa rin ang ngising nakaguhit sa mga labi.

"Miss mo na si Artemia, 'di ba? Tara sa kanila. Maglalaro kami ng xbox ni Ares, e. Pagkakataon mo na rin para bisitahin ang batang handa mong ipagpalit sa'kin." He rolled his eyes. Inirapan ko rin siya pabalik.

Hindi na ako umangal pa. At dahil pareho kaming tamad mag drive, nilakad na lang namin galing sa bahay ang bahay nina Ares na napag-alaman kong nasa kabilang subdivision lang pala.

Parang mga tanga 'di ba? Tamad mag drive pero naglalakad. Mas mapapadali pa buhay namin 'pag nagsasakyan kami, e. Pero ayos na rin yung naglalakad kami. Healthy 'yon. Exercise na rin 'to. Walking tawag don.

Dumaan kami sa malapit na 7/11 at bumili ng finger foods para sa'min at kina Ares at Artemia.

Pagkarating namin sa gate ng subdivision nila, pinapasok agad kami noong guard. Well, hindi na ako magtataka. Raquildez de Bonnevie, my uncle, owns this one. Siya ang nagmana noong business ni Lola na residences like condominiums, apartments, and subdivisions. Plus, his daughters are both an engineer and an architect kaya nababagay lang rin na sa pamilya nila naipasa ang business.

Nasa malayo pa lang ay tanaw ko na ang bahay nina Artemia na kanina pa itinuturo ni Apollo. He said he's proud that our cousin, Architect Razini de Bonnevie, designed his best friend's house. Not the first design of the house, though. Pinarenovate raw kasi ito ng bonggang bongga at ito ang unang project ni Ate Razini pagkatapos niyang grumaduate ng BS in Architecture at pumasa sa Architectural Licensure Examination. While her older sister, Engineer Gazini de Bonnevie, was the engineer of the project.

Malaki ang bahay nila at maganda ang pagkakadisenyo at pagkakagawa. I surely am proud of my cousins, too.

Nang makarating kami sa gate ng bahay nila ay nag doorbell si Apollo na kaagad namang binuksan ng isang guard na sa tingin ko ay nasa 40s pa lamang. Sumaludo siya sa kapatid ko at nginitian ako. I did the same before we finally entered the huge house.

Namangha agad ako sa interiors ng bahay. Gusto ko ganito rin ang disenyo ng bahay ko! Ah, I should recommend my cousins to my future husband kung magpapatayo kami ng bahay at hindi bumili ng gawa na. 

"Ate Eva!" Lumawak ang ngiti ko nang makita ang tumatakbong si Mia papunta sa direksyon ko. She's always so eager to see me. That alone made my smile grew wider.

"Hi, Mia! I missed you!" I enveloped her in tight embrace. She hugged me back and buried her face on my chest. I kissed her forehead before we both let go of the hug.

"Ate, na-miss rin po kita! Akala ko hindi na kita makikita ulit, eh." Ngumuso siya.

Lalong lumawak ang ngiti ko, sa tingin ko nga'y malapit nang mapunit ang mga labi ko sa bawat paglaki ng ngiti ko.

"Pwede ba naman 'yon? At saka, hindi ba sabi ko sa'yo na bibisitahin kita sa inyo? And here I am!" 

Natigilan lamang ako nang mapansing tatlong pares ng mga mata pala ang nakatitig sa'kin. Nilingon ko sina Apollo at bahagyang napaawang ang mga labi nang makita ang hindi pamilyar na lalaki, ngunit tiyak akong kapatid ito nina Ares at Artemia!

Guwapo siya at matangkad. May pagkakahawig sila ni Ares pero ang kaibahan lamang ng dalawa ay nakangiti ito habang ang huli ay kunot na kunot naman ang noo.

Lumapit sa akin ang hindi pamilyar na lalaki at nagpakilala.

"Hi! You must be Eva? I'm Asher, by the way. Mia’s older brother." Naglahad siya ng kamay.

Tinikom ko ang nakaawang kong bibig. Tinablan ako ng hiya nang masilayan ang kabuuan ng mukha niya sa malapitan.

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay nang nakangiti.

"Yes, call me Athena." I smiled.

"Oh. But I heard Mia calling you Eva? Can I call you Eva, too? I find it way cuter than Athena." He winked. Napatawa naman ako sa kakulitan ng isang ito.

"Sure," I said with a big smile on my lips.

Naputol lang ang pag-uusap namin nang may tumikhim.

"Ehem, Asher, ehem. May nag-aalburotong bulkan, ehem." Saad ni Apollo habang umuubo-ubo. Hindi ko nga masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil sa pag-uubo niya. Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang sakit ah?

“Asher,” pagtawag ni Ares sa atensyon ni Asher.

“Kuya,” pumormal ang huli.

Oh, Asher is Ares’ younger brother pala. They look like they're the same age.

"Go wash the dishes." Malamig na utos ni Ares sa kapatid.

"Huh? Kuya, baka nakakalimutan mong katatatapos ko lang maghugas ng pinggan?" Reklamo ni Asher sa nakatatandang kapatid na hindi namin maintindihan kung ano ang ipinuputok ng butsi niya.

But I think Apollo knows something. Kanina ko pa siyang napapansing nagpipigil ng tawa, eh.

"Then wash your clothes. Make yourself busy, just don't let me see your goddamn face roaming around the house." And with that, he turned his back and left us with confusion written all over our faces.

Tuluyan na ngang napahalakhak si Apollo bago sinundan ang kaibigan niyang may topak.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status