Share

Kabanata 2

After that short visit, sabay-sabay kaming umuwi. At dahil ang sasakyan ni Mama ang ginamit namin patungo ospital, at tutal ay discharged na rin naman si Artemia, isinabay kami ni Ares at hinatid sa labas lang ng mismong gate ng Bonnevillage, nakakahiya rin kasi kung magpapahatid pa kami sa kaniya sa mismong tapat ng bahay namin.

He actually insisted on driving us to our house but I refused. Apollo shrugged, walang kaso sa kaniya ang desisyon ko.

Bago kami tuluyang umuwi ay binisita ko muna ang ibang pasyente at nakipagkwentuhan sa kanila ng ilang sandali.

Pagkauwi ay nag-netflix lang kami ni Apollo pampalipas oras habang hinihintay na umuwi si Mama. Kumain kami nang mag alas otso ng gabi at bumalik ulit sa panonood. Mama went home by ten-thirty kaya napagpasyahan naming magpahinga na.

We had a tiring day.

Kinabukasan, muntik na akong madulas sa hagdan dahil sa gulat nang pagbaba ko ay natanaw ko sa salas sina Apollo at ang mga kabanda niya. Kasama na roon ang kaibigan niyang si Ares na kahapon ko lang nakilala.

Nagtama ang paningin namin noong si Ares pero kalaunan ay nag-iwas rin siya ng tingin at bahagyang nagkagat ng labi.

It's early in the morning and I already see a lot of good looking men inside our house. Just.. what the hell?

"Athena!" Magiliw na bati sa akin ni Harry, ang tanging kaibigan ni Apollo na malapit sa akin. Naging kaibigan ko na rin naman ang iba pang mga kaibigan ni Apollo pero si Harry ang pinakamalapit sa akin.

Nang tuluyan akong makababa sa hagdan ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa tuktok ng ulo ko.

"Fucking gigs, I didn't get to see you in days!" He whined like a child, his arm hanging on my shoulder.

"Hoy, Hardin Rye! Paki-layuan ang kapatid ko!" Agad na napatayo ang siraulo kong kakambal nang makita ang pag-akbay sa akin ng kaibigan.

"What, Apollo? We've been like this for like years now!" Natatawang sambit ng katabi ko.

"Are you guys dating or what?" Kuryosong pang-uusyoso ni Kiel.

"I do not agree with that idea!" Bulyaw ni Apollo at sinamaan kami ng tingin ni Harry.

"We just treat each other like we're siblings, alright." I chuckled.

"Hindi pwede!" Paghihimutok ni Apollo at nagpapadyak pa sa inis. Sa inaasta niya ngayon ay para siyang bata na inagawan ng kendi o kaya ay hindi nakuha ang gusto.

Narinig ko ang malutong na paghalakhak ni Harry.

"What? Apollo, hindi ka na nga papayag na magdate man kami kung sakali, tapos ay hindi ka pa papayag kapag magkapatid ang turingan namin sa isa't isa?" Pilit niyang kinunot ang noo kahit na natatawa na talaga siya sa inaasal ng kaibigan. "What do you want us to be, then?" He added.

"Friends! Just friends! Not more, not less! Just plain friends! Got it!?"

Natawa ang mga kaibigan niya sa kalokohan niya. He's crazy. Napakaseloso at protective talaga ng kakambal kong ito. Napangiti ako at napailing. Even with his crazy attitude, I love him with all of my heart. He's the best brother I could ever have. He's the best among the rest and I could not ask for more.

Nagpahanda ako ng agahan sa mga katulong at inaya ang mga lalaki para kumain. I figured Mama already left just when the boys arrived.

"Where's Hera?" Tanong ko sa katabi kong si Harry sa hapag. Maingay ang buong dining room dahil sa mga 'di maubos-ubos na kalokohan ng barkada ni Apollo.

Nilingon ako ni Harry na ngumunguya ng pagkain. Nilunok niya muna iyon bago uminom ng tubig at sinagot ang tanong ko.

"I sent her a text message and told her to come here if she's free. Invite your other friends too para naman hindi ka mailang dahil puro kami lalaki dito." He smiled at me.

"Sanay na ako. Baka nakakalimutan mong halos lalaki ang mga pinsan ko?" I laughed.

"But it's better if you have company you can relate to. These idiots are far way different from your cousins."

I always liked how thoughtful he is. He is two years older than me and he acts like an older brother that he is, not just to me and his younger sister, Hera, but to all of his friends, too.

Though, I never liked him romantically. He doesn't see me that way, too. We're both genuine friends and we're no more than that.

Naramdaman kong parang may nagmamasid sa bawat galaw ko kaya sandali akong natigilan at niligid ang paningin sa buong kwarto hanggang sa natagpuan ko ang dalawang pares ng asul na mga matang mariing nakatitig ng diretso sa akin.

Nagtitigan lang kami ni Ares ng ilang segundo bago ko inilihis ang paningin ko sa ibang bagay.

The way he stared at me with so much intensity sent chills down my spine. I can feel the intensity and the way he looked at me was something... even I couldn't comprehend.

I didn't mind it and continued eating my food.

We were done eating breakfast when Hera came together with our other two friends, Magui and Lian.

"Grabe, you've got hot young men for breakfast?!" Walang hiyang tili ni Lian na agad kong tinakpan ang bibig.

"Shut your god forsaken mouth!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Buti na lang at nasa loob ng music room ang mga lalaki, nagpapractice na naman ng tutugtugin para sa kanilang gig. Pasalamat na lang talaga ako't hindi nila naririnig ang kabastusan ng bibig ng babaeng ito.

Lian took a step back so she could get away from my hold.

"What?" Humalakhak siya at patakbong nagtungo sa kusina.

Napailing ako at binalingan ang dalawa pang kaibigan.

"Glad you guys made it." Bineso ko ang dalawa.

"Of course, summer sucks and I freaking miss you!" Nayayamot na ani Hera na ikinatawa ko.

"Boring ng buhay kapag walang Athena Alessandria na kasama." Dagdag pa ni Magui at nagsitawanan sila ni Hera.

Inirapan ko sila bago inaya sa kusina para maghanap ng makakain nila.

Well.. actually, nag-inuman lang kami at hindi na kumain kasi tapos naman na raw silang kumain ng agahan.

The girls got bored after our early morning inuman session kaya napagpasyahan nilang maligo sa pool.

"No need to worry, I've got a lot of new pairs of swimsuits in my closet. Be it bikinis or rash guards." I winked at them. Naghiyawan ang tatlo at nagtungo na kami sa kwarto ko.

Nadaanan pa namin ang music room sa hallway sa second floor kaso ay wala kaming naririnig dahil sound proof iyon. Sinadya para hindi maka istorbo ang tumutugtog sa mga tao sa loob man o labas ng bahay.

"Grabe talaga pamilya niyo, so magkakapit-bahay lang kayo ng mga pinsan niyo?" Tanong ni Lian na agad ko namang tinanguan.

"Oo, gusto kasi ni Daddylo na nasa iisang lugar lang ang pamilya De Bonnevie. Pero ayaw niya namang sa iisang bahay lang ang lahat, para na rin mabigyan ng personal space ang kaniya-kaniyang pamilya ng mga anak niya. So he thought of building an exclusive village for the whole family. Si Mommyla ang nagdisenyo ng mga bahay since she's an architect. For the renovation naman ng bahay, kung ayaw sa naunang disenyo, depende na iyon sa nakatira." Pahayag ko sabay kibit-balikat.

"Grabe, iba pala talaga kapag isa kang De Bonnevie!" Bulalas ni Magui.

"Maayos naman ang pakikitungo niyong lahat sa isa't isa? Tapos nagkakausap rin ba kayo? Sa dami ba naman ninyo." Lian asked and chuckled.

Umismid ako.

"Si Lander talaga pinaka-ayaw ko sa mga pinsan namin." I rolled my eyes.

"What? Why? He looks kind to me!" Angal ni Lian.

"He may look innocent on the outside, but inside? He's a total jerk!" Nalukot ang mukha ko nang maalala ang playboy kong pinsan.

"He breaks every girls' hearts and he just laughs about it." Si Hera na ang nagpaliwanag marahil ay naintindihan ang pagbusangot ng mukha ko. "And we all know how our friend here hates playboys." She shrugged.

Hera has been my best friend since elementary so she surely knows a lot about me and my family. Habang sina Magui at Lian naman ay noong high school na namin nakilala at naging kaibigan, but they never asked about my family noong una dahil siguro ay nahihiya pa. Ngayon ay medyo kumportable na kami sa isa't isa kaya siguro nila naisipang magtanong na.

At saka, alam kasi nila na our family wants every information about us private.

"Ah.." Tumango-tango sina Lian at Magui.

"Sayang, crush ko pa naman 'yon." Sumimangot si Lian.

"Makakahanap rin ng katapat ang pinsan mong iyon, Athena. Baka nga si Lian na 'yon." Halakhak ni Hera na agad na pinaghahampas ng namumulang si Lian.

Nakatambay kami sa pool area nang dumating sina Apollo at ang mga kaibigan niya.

Agad na lumapit si Harry sa kapatid na si Hera at hinalikan sa noo.

Nahagip ng paningin ko ang bahagyang paglukot ng mukha ng kambal ko kaya napataas ang kilay ko.

I know he likes someone from my girls but I can't quite point out who the unlucky girl is. Hindi naman kasi nagsasabi sa akin si Apollo kahit na ang lahat tungkol sa buhay ko'y halos alam niya na. He's secretive but I can definitely read his actions. But okay, buhay niya naman 'yan. Maybe when they're official with the girl, ipapakilala niya na sa akin?

Umahon ako sa pool, suot ang simpleng one piece na tinernohan ko ng cotton short. Inabot ko ang towel ko sa sun lounger na katabi lamang ng inuupuan ni Ares at agad na ipinulupot ito sa katawan ko.

Hindi naman gaanong mainit ngunit nagsisimula nang mamula ang sensitibo kong balat. Nabuntong-hininga na lang ako habang pinupunasan ang sarili.

Nagtungo ako sa table para sana kumuha ng maiinom nang may tumampal sa kamay ko.

Agad kong sinamaan ng tingin si Apollo pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"No beers for you, sis." He glared at me. "Nag-inuman na kayo kanina sa kusina tapos iinom ka ulit?! Ha! Magjuice ka!" He then faced Ares who's just sitting in a lounge near the table.

Tinuro ako ni Apollo, "Pakibantayan itong kapatid ko, Ares. Make sure she doesn't drink any alcohol or I'll definitely lock you both on the guest room!" He threatened before he threw me a deathly glare one last time and went to the pool to take a dip.

Napairap ako sa kawalan.

Damn, this brother of mine surely knows how to piss me off, huh?

Dala ng pagkainis ay padabog akong naupo sa katabing lounger ni Ares.

"'Wag na magalit, Athena!" Tawa ni Apollo mula sa malayo.

Gustong gusto ko siyang batuhin ng kung anong bagay na mahahawakan ko ngunit alam kong hindi ko naman siya matatamaan dahil nasa malayong parte siya ng pool.

I heard the man beside me chuckle so my glare went to him instead.

"Chill, woman." Natatawang sambit niya sa akin na naaasar pa rin sa pagiging killjoy ng sariling kapatid.

Kulang pa 'yong nainom ko kanina, e! Sobrang konti lang noon, ni hindi ko naubos ang isang lata! Bwisit.

Hindi ko pinansin itong si Ares sa tabi ko at binalingan muli si Apollo. Sinusundan ko siya ng tingin habang nanatili ang masamang tingin ko sa kaniya.

Harry walked towards me, "Oh, bakit ganyan mukha mo?" Tanong niya at naupo katabi ko.

Umusog ako ng kaunti para lumaki ang espasyo ng mauupuan niya. May kalakihan rin naman itong lounger, e, kaya walang problema.

"Wala," umirap ako.

"Ano? Binwisit ka na naman ni Apollo?" Tawa niya.

I sighed heavily, "Ano pa nga ba?"

Hindi ko rin maintindihan iyong kapatid ko. Minsan ay clingy, tapos minsan naman ay mapang-asar. Depende talaga iyon sa trip at mood niya.

"Aren't you used to it, though?"

Mabilis ko siyang sinapak kaya malakas siyang napadaing.

"Ikaw kaya bwisitin araw-araw! Ewan ko na lang kung masasanay ka o mabibwisit ba! Kasi ako? Nabibwisit lang ako!" Bulyaw ko sa kaniya sabay pingot ng tenga niya.

Malakas siyang napahiyaw sa sakit.

"You really need to chill." Ngumisi siya.

Hinila niya ako patayo at tinanggal ang towel ko bago ako patakbong hinila sa pool at ayun nga.

Sabay kaming bumagsak sa malamig na tubig ng pool.

Anak ng pitumput pitong puting tupa!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status