Share

Kabanata 4

Iniwan ako ni Apollo nang sumapit ang alas cuatro ng hapon dahil may gig raw sila ng mga bandmates niya. Gusto ko sanang sumama pero ayaw naman akong paalisin ni Artemia. Miss na miss niya raw ako at iiyak raw siya kapag umalis ako.

Hay, ang batang ito talaga.

Kaya't heto ako at nasa sala nila, nanonood ng Winx Club sa Netflix. Katabi ko si Artemia na nakahiga at nakapatong ang ulo sa hita ko habang nasa kabilang dulo naman ng sofa si Ares at sa hita niya naman nakapatong ang mga paa ni Mia.

Hindi ko na alam kung nasaan na si Asher. Mukhang natakot ata sa Kuya niyang parang ewan. Why does he have to treat his younger brother like that? Asher seems nice and harmless. Ang salbahe lang nitong si Ares.

Sayang at unti-unti ko pa naman siyang nagugustuhan kahapon- but not in a romantic way. Gusto ko siyang kaibiganin dahil mabait siya at masarap kausap. Pero parang ayaw ko na, dahil ang salbahe niya sa kapatid niya!

Kawawa tuloy si Asher.

Kanina ko pa ramdam ang minu-minutong pagsulyap-sulyap sa akin ni Ares pero hindi ko siya pinansin, ni hindi ko nilingon. Hindi ko siya kinikibo simula kanina pa at alam kong naguguluhan siya kung bakit ganito ang inaakto ko gayong ayos lang naman ang pakikitungo namin sa isa't isa kahapon.

"Artemia, can you please go and tell Nana Flora to bake us cookies?" Biglang putol ni Ares sa katahimikan.

Agad na bumangon si Mia bago sumaludo sa Kuya niya at lakad-takbong tinungo ang kusina.

And now, I'm left here with this arsehole.

Hindi ko siya pinansin at pinanatiling nakatutok ang mata at atensyon sa cartoon na pinapanood. Maganda naman ito, paborito ko rin noong younger days ko, pero ngayon mas gusto ko na iyong Fate: The Winx Saga na isang Netflix Original Series. Siguro dahil hindi na ako bata kaya nag-iba na rin ang mga gusto ko.

Tumikhim siya, "Athena," I heard him call my name but I didn't budge. Hindi ko siya nilingon at patuloy lamang na nakatutok ang mga mata sa malaking tv sa harap.

Maya-maya'y bigla siyang bumuntong ng pagkalakas-lakas kaya hindi ko maiwasang bahagyang mapalingon sa direksyon niya.

Nagulat na lang ako na ilang dipa na lang pala ang layo namin sa isa't isa. Kung kanina ay nasa dulo siya ng sofa, ngayon ay malapit na siya dito sa kabilang dulo kung saan ako nakaupo. Kusang tumaas ang kilay ko at tuluyan siyang hinarap.

"What do you need?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya na ngayon ay nag-iiwas na ng tingin.

Ano bang problema ng isang 'to?

"Uh," He trailed off. Halos mapairap naman ako sa kawalan.

"You're wasting my time, you know." Sabi kong nagpalingon sa kaniya. Hindi makapaniwalang tinignan niya ako sa mata.

"You're so mean!"

"That's for being mean to your younger brother. Pasalamat ka na lang at kinakausap pa kita." I rolled my eyes and I made sure he sees my action. He gasped and I heard him clicking his tongue in annoyance.

"Why are you even so affected? Do you like Asher? Ano? Na love at first sight ka sa pangit na 'yon?" Naiiritang sambit niya, kulang na lang ay panlisikan niya ako ng mga mata ngunit hindi niya ginawa.

His eyes remained soft, kabaligtaran ng inis na nararamdaman niya ngayon.

"What?! Pangit? Kung pangit siya, e’di pangit ka rin, arsehole! Nakakalimutan mo yatang magkapatid kayo?” Pinandilatan ko siya sabay inirapan. "You know what, yesterday, I was so eager to be your friend but then I just witnessed your harshness towards your brother that made me somehow turned off! Ah, basta! I suddenly don't want to be your friend anymore!" Sa inis ko'y tumayo ako at iniwan siyang nakatunganga roon sa sala.

I really didn't mean what I said to him. I just want to make fun of him and I want to see what he’ll do afterwards. Kung hihingi ba siya ng tawad sa kapatid niya, o ganun-ganun na lang ba.

I won't judge him this instant, that's why I’ll test him first, to see if he’s a good brother.. and a good influence to my brother.

Mabibigat ang mga hakbang ko patungo sa kusina nila para magpaalam kay Artemia na inaakala kong naroon pero hindi ko mahagilap sa buong kusina. Nilapitan ko na lang si Nana Flora na siyang tangi kong nakita habang nag-iikot sa malaking kusina at dining nila.

"Hello po, Nana Flora! Hindi ko na po kasi mahagilap si Mia kaya sa inyo na po sana ako magpapaalam. I need to go home now, baka hinahanap na po ako sa amin. Kayo na po sana ang bahalang magsabi kay Mia na umuwi na ako." Magalang na ani ko.

Ngumiti siya at tinapik ako sa balikat.

"Sige, makakaasa ka, hija. O'sya, gusto mo bang magpahatid?"

"Ay, hindi na po! Salamat na lang po." Nahihiyang ngumiti ako. "Sige po, mauuna na po ako." Tumango siya. Yumuko ako bago ako umalis sa kusina.

Naabutan ko si Ares sa sala na nakatayo at palinga-linga. Nang makita niya ako'y agad siyang lumapit sa akin.

"Uh, a-aalis ka na?" Nauutal na tanong niya sa’kin.

"I need to go home now. Tell Mia for me, please." I said and walked passed him. But I stopped on my tracks when he caught my arm and held on it tightly.

I looked at him, wondering why he stopped me.

"I.. I just wanna say.. uh, s-sorry." He suddenly said and he couldn't look me right in the eye.

Humalakhak ako at tinanggal ang pagkakakapit niya sa braso ko.

"You should apologize to your brother and not to me, silly." Umiiling-iling na sabi ko habang natatawa. For the second time today, I left him there while he's spacing out.

"Wait, Athena, let me drive you home!" Narinig kong sigaw niya mula sa loob ng bahay nang tila ay natauhan na siya. Pero huli na siya dahil nakasakay na ako sa grab taxi na binook ko kanina.

It’s Thursday today and Apollo and his friends slash bandmates are here in our house para magpractice sa gig nila bukas. Ang tanging wala sa circle of friends niya ay si Ares na sinamahan raw si Mia na magliwaliw sa mall.

It has been five days since I last saw and talked with Ares. I wonder if he already apologized to his brother, though? I hope so.

"Athena, manonood ka ba sa gig namin bukas?" Harry asked as he was munching the brownies I baked.

"Hmm. Maybe. I'll ask my friends too if they could come. Para marami kayong supporters." I winked at him.

His mouth slowly rose for a smile that eventually led him to laughing his ass out.

"We have a lot already but yes, friends' support are very much needed. Thanks, babe." He grinned.

Nagulat na lang kaming dalawa nang biglang may humampas sa table sa harap namin.

"Damn you, Hardin Rye! I told you not to hit on my sister!" Apollo shouted, brows furrowed and jaws clenched.

"I'm not, bro! And what's wrong if ever I'd court her?"

"Ah, basta! Hindi puwede! May mag-aalburotong bulkan at ayaw kong mangyari 'yun!" Sigaw niya bago kami tinalikuran.

Huh? Ano namang connect ng pag-aalburoto ng bulkan sa panliligaw ni Harry sa'kin, if ever? Though we both know that's never gonna happen.

Tsaka, anong bulkan ba ang pinagsasabi niya? Ang Mayon ba? Pero ang layo namin sa Albay. Baka Kanlaon? That's the nearest volcano to Cebu, sa pagkakaalam ko.

Pero active volcano ba ang Kanlaon?

It was two in the afternoon when Apollo approached me with a smirk plastered on his lips.

Ano na naman kaya ang kailangan nito?

"Hey, Ares called. Magpapasundo raw sa SM dahil ayaw umandar ng sasakyan niya. Eh, busy kami nina Harry para sa gig bukas kaya hindi ko siya masusundo. Baka pwedeng ikaw na lang sumundo sa kanila ni Mia?"

Oh, a favor.

"Okay, but let me use your car." Pinagtaasan ko siya ng kilay.

He sighed and nodded. Kinuha niya sa bulsa niya ang car keys niya at ibinato sa akin na agad ko namang nasalo.

I smirked at him and playfully rang his keys like it was some sort of a bell.

Inirapan niya ako. "Just go, sis. Baka naiinip na 'yon. And take good care of Natalie."

Kumunot ang noo ko, “Natalie?”

“My car,” simpleng sagot niya na nagpa-irap sa akin.

"Which SM ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

"City."

Tumango ako. Malapit lang pala. Akala ko doon sila sa Seaside, eh. Ang layo kaya nun sa bahay namin.

Agad kong ipinarada sa parking lot na nasa tapat lang ng Radisson Blu Hotel ang sasakyan ni Apollo. Ayaw kong sa loob ng SM magpark dahil hassle na at narito lang naman ako para sunduin ang magkapatid na Artemia at Ares.

Ang sabi ni Apollo ay nasa Jollibee raw sila kaya hindi na ako nagsayanag pa ng oras at naglakad papasok sa mall. He also gave me Ares' number so I can call or text him in case I can't find them.

I was already outside of Jollibee when I fished out my phone to try to call Ares. But I guess I don't need to because I can already see him and Mia from where I am standing.

Naglakad ako papunta sa table nila at naupo sa katabing upuan ni Mia.

"Hi!" Bati ko.

Namilog ang mga mata ni Mia at mahinang napatili nang makita ako.

"Ate Eva!" She immediately embraced me.

Kumalas ako sa yakap bago binalingan si Ares na nakakunot ang noo.

"Where's Apollo?” He asked while his arms were firmly folded over his chest.

"He's busy for their upcoming gig tomorrow kaya ako na lang ang sumundo sa inyo. Anyway, are you guys done? Shall we go now?" I asked.

"Yeah, nagpapahinga lang kami dito." He stood up and got some shopping bags. Artemia stood up too and helped her brother bring their things.

Tumayo na rin ako at kinuha ang maliit na body bag ni Ares at ang maliit na backpack ni Mia.

"Ako na rito." Sabi ko habang sinusuot ang body bag ni Ares at binibitbit ang backpack ng kapatid niya.

Tahimik lang si Ares na nasa likod namin habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Todo daldal naman si Artemia na hindi yata nauubusan ng kwento. Natatawa na lang ako sa mga kwento niyang hindi ko na nasusundan at naiintindihan dahil sa bilis niyang magsalita.

Pinatunog ko agad ang sasakyan at pinagbuksan si Artemia sa likod. Doon na rin namin nilagay ang mga pinamili nila. Inabot ko kay Mia ang bag niya na agad niya namang niyakap ng mahigpit.

I closed the passenger seat's door and faced Ares before I gave him his bag. 

“Paano ang sasakyan mo?” Tanong ko.

“I’ll just call a mechanic first thing tomorrow.”

Tumango ako, “Okay, sa passenger seat ka na umupo.”

Tinalikuran ko siya para umikot at pumasok sa driver's seat. Nag-seatbelt ako at bahagyang inayos ang upuan. 'Di kalaunan ay pumasok na rin siya at nag-seatbelt. Pinaandar ko ang sasakyan at nagmaneho papunta sa subdivision nila.

Natahimik na sa loob ng sasakyan, marahil ay nakatulog na si Artemia dala ng pagod. Sinulyapan ko si Ares na nakahilig ang ulo sa bintana ng sasakyan at mukhang naidlip na rin.

Napangiti ako. Ano kaya ang ginawa ng dalawang ito para mapagod ng ganito?

Their bonding today was surely fun, huh? Besides, Ares seems the brother who loves to spoil his younger sister.

He might be a good father soon, too.

"Hey, Ares," Tawag ko sa kaniya at mahinang tinapik-tapik ang braso niya. "We're here.."

Naalimpungatan siya sa ginawa kong paggising sa kaniya pero nang matauhan ay mabilis niyang tinanggal ang seatbelt niya at lumabas ng sasakyan. Sumunod ako sa kaniya na binubuksan ang likod kung nasaan si Mia.

"Sorry, did I sleep too much?" He asked without looking at me.

I chuckled.

"Nope. It's fine, Ares. Really."

Binalot kami ng katahimikan. The silence stretched for I don't know how long until I heard him sigh.

"I.." He broke the silence. "I just want to inform you that my brother and I have already reconciled. I contemplated my actions that day and it came to me that I was really wrong. I sincerely asked for his forgiveness towards my rudeness to him the other day." He informed me as he was busy gathering their things, trying to avoid my gaze.

My lips automatically formed a small smile.

"That's good, then." Nakangiti kong saad.

I don't know but I can't tear my smile off. Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Ares.

He looks so adorable to me right at this moment.

Hindi siya magkamayaw habang pinag-aabot ang mga pinamili nila. Para siyang natataranta na ewan. Pinigilan ko siya nang halos hakutin lahat ng kagamitan nila.

"Ako na rito. Go on and ask someone from the househelps to help me bring your things. Ikaw na ang magbuhat kay Artemia." Suhestiyon ko.

Sumang-ayon siya at hindi na nakipagtalo pa. He went inside their house to maybe call some househelps to help me bring their things inside. Pagkatapos ay bumalik siya sa kung nasaan kami kanina upang buhatin ang natutulog niyang kapatid.

"Just place everything in the living room." He ordered everyone.

He suddenly stopped on his tracks and faced me while still carrying Artemia.

"Stay here and wait for me. I'll drive you home."

I shook my head.

"Oh, no, no. You're probably tired, Ares. Just go and take a rest. I can handle myself." Ngiti ko sa kaniya na matamang nakatitig sa akin.

"No. I will drive you home whether you like it or not."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status