Masuk“Mommy, hindi mo ba kami naaalala?” - Triplets “She’s not your mother.” - Billionaire Namulat ang mga mata ni Yasmien sa isang mapang-abuso at probeng asawa na si Carding habang dinaranas ang pagkawala ng kanyang alaala. Isang gabi ay bigla na lamang may geniuses triplets na nanggulo sa kubo niya at nagtatalo-talo ang mga ito kung siya nga ba ang “Mommy” nila. Maya-maya pa'y sumulpot ang isang bilyonaryo na ito ring yumanig sa buhay niya. Ngayon ay komplikado na siya kung siya nga ba ang ina ng geniuses triplets gayong sinasabi ng bilyonaryong ama ng mga ito na hindi siya ang ina!
Lihat lebih banyak“Oh my gosh!!” nawiwindang napatili si Yasmien. Napayuko at napaluhod siya sa harapan ni Rence. Una muna ay pinunasan niya ang mga luha nito. Gamit ang dulo ng kanyang damit ay pinunasan niya rin ang madungis nitong labi, saka niya pinasinga ang sipon sa ilong ng bata.Matapos niyon ay hindi makapaniwala niyang hinagod-hagod niya ang likod nito. “Rence? Do you say Mommy? Hindi ba ako nabibingi? Tinawag mo akong mommy! Hindi lang sa sign language kundi tinawag mo akong mommy gamit ang boses mo!”Ang boses na narinig ni Yasmien ay walang pinagkaiba kina Lance at Leo. Magkakapareho na ng mukha, magkakapareho pa ng boses! Gustong mapasigaw ni Yasmien sa tuwa na animo nanalo sa loto, subalit inipit niya ang boses upang hindi matakot o mabigla si Rence, lalo na't kasalukuyan pari itong umiiyak.Binubuka ni Rence ang bibig, subalit hindi tulad kanina, wala nang tinig ang lumalabas.Agad na nawala ang kasiyahan ni Yasmien at nabalot ng pag-aalala dahil sa paraan ng paghagulgol nito. Dali-dal
Masakit ang likod at balakang ni Yasmien habang naglalakad patungo sa kusina. Lumaghok siya ng malamig na tubig saka hinihingal na napahiyaw sa kaginhawaan. Kanina sa garden ay nakita niya ang nagseselos na mukha ni Lucas lalo na't inagaw nito sa kanya ang dalawang bata para lamang papasukin na sa loob. Pagkatapos no'n ay tinapunan pa siya ng matalim na tingin ng lalaki bago tinalikuran kasama ang dalawang bata. Noong una’y ayaw pang sumama ni Lance, pero dahil nakita nito ang ibang awra ng ama—awra ng selos---ay natatakot na lamang itong sumunod at naluluhang nagpaalam sa kanya. “Tsk!” napamaywang si Yasmien habang inaalala iyon. “Kasalanan ko bang walang amor sa kanya ang anak niya?” Naglakad siya muli palabas ng kusina at aksidenteng nakasalubong ang yaya ni Rence. Naalala niya ang iuutos niya sana rito kung kaya't hinarang niya ang dinaraanan nito. “Madam!” nagugulat itong napahinto. Tumingin kaliwa't-kanan saka umasik. “Padaan ho. Ayaw ko pang masisante dahil lang sa inyo!”
“Oh no! Mommy! Baka mahulog ka po!”“Ahh!”“Madam, bumaba ka diyan!”Mahigpit na nakakapit sa sanga ng puno si Yasmien, pilit na inaabot ang laruang eroplanong nakasabit doon habang pinipigilan ang sariling mga paa na dumulas sa puno na maaaring ikahulog niya.Bakit nga ba siya nalagay sa ganitong sitwasyon? Iyon ay dahil hindi siya pinapansin ng mga hardenerong lalaki sa kanyang pakiusap na kunin ang laruan ng mga bata sa punong ito. Lalapit pa nga lang siya para manghingi ng tulong, kaagad na silang umiiwas at kumakaripas ng takbo. Batid niyang dahil iyon sa utos ni Lucas na walang sinuman dapat ang tumulong sa kanya kundi ay masisisante sa trabaho. Hindi rin naman siya aakyat sa punong ito kung hindi lang nagngangawa sina Lance at Rence. Kaya heto siya't ginagawa ang lahat para makuha lang ang laruang eroplano.“M-Malapit na!” nahihirapan niyang pag-abot sa laruan. Nang hindi talaga maabot ay umakyat pa siya sa isang matigas at matibay na sanga. Hindi lang naman ito ang unang bese
“Dito lang si Mommy, Lance,” wika ni Yasmien sa bata kinabukasan ng hapon. “Panonoorin ko lang kayong maglaro ni Rence mula rito.” naupo siya sa bench.“Okay, Mommy! Watch us habang nagpapalipad ng unmanned aircraft!” tuwang-tuwang sabi ni Lance. Tumakbo ito patungo kay Rence sa malawak na field ng garden.Ang nilalaro ng dalawa ay isang lumilipad na eroplano na kayang kontrolin gamit ang remote control na kanilang hawak. Naihalintulad iyon ni Yasmien sa mga saranggola, na parati ding nilalaro ng mga maliliit na bata sa probinsya. Talaga nga namang moderno na pati mga laruan ng mga mayayaman at napag-iiwanan ang mga mahihirap. Pero para sa kanya, mas masaya parin ang pagpapalipad ng saranggola kaysa sa de kontrol na eroplano.“Hahaha! Look up, Rence! Isn’t this amazing? I think we could fly higher than that tree!”Napapatalon naman si Rence sa pananabik. Hindi kalauna'y gusto na nitong agawin sa kamay ni Lance ang remote control. “No! Wait for your turn!” hindi naman agad nagparaya s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan