Share

Chapter 7

"Oh? Ba't ka nakasimangot? " bungad sa akin ni Kuya. 

Hindi ko na siya sinagot pa, sa halip ay sumakay na lang ako ng kaniyang motor. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Princess na uuwi ako dahil sa mga sinabi kanina ni Shawn. 

Nakaka-bwesit siya ng araw! 

Pakasakay ko sa motor ay kaagad din 'yong pinaandar ni Kuya, pero hindi kami pauwi. Hindi ko nga lang alam kung saan ba kami pupunta kaya hindi ko na napigilang magtanong.

Nasabi niya nga pala kanina na hintayin ko siya. 

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba ay uuwi na tayo? At saka--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binara niya naman ako. 

"Saan lang walang tayo." 

Napairap na lang ako sa kaniya. 

Bakit ba nakaka-badtrip ang mga tao ngayon? 

Nainis na nga ako kanina kay Shawn tapos ngayon naman ay ba-badtrip-in niya pa ako. Nakakainis na, ah! 

"Pinapapunta tayo ni Ate May sa Mega Mart dahil wala naman da

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status