””Anong tinitingnan mo?” Singhal ni Matthew. “Sino ka ba sa tingin mo para ligawan si Tiara kung ganyan ang itsura mo?”“James, ikaw…pakiusap huwag mo sanang masamain,” mahinhin na sinabi ni Tiara, habang nakayuko. Ang marriage arrangement ay gawa lang ng nanay niya.Noon, ang kanyang nanay ay sinubukan siyang pabalikin para ma-engage kay Matthew, pero lagi siyang nasa Cansington. Ngayon lang siya nakabalik ng malubha na ang sakit ng kanyang lola. Siya lang at ang kanyang ama ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa Cansington. Ang iba pa sa Youngblood family ay walang kaalam-alam.Kumaway lang si James at sinabi, “Nandito lang ako para tingnan ang pasyente. Nasa loob siya ng ward, tama? Titingnan ko lang siya.”“Oo. Nasa loob siya.” May ngiti sa mukha ni Tiara. “Sasamahan na kita sa loob.”Ang katauhan ni James ay hindi alam ng iba, ngunit alam ito ni Tiara. Hindi lang siya isang magaling na ancient martial artist; isa din siyang magaling na doktor. Baka makaligtas pa ang lola
Si Dr. Wallace ang chief physician ng Healthstone Hospital at isang eksperto na may awtoridad. Kahit sa pandaigdigang saklaw, meron siyang mainam na reputasyon, pero ngayon ay may isang bata na minamaliit siya. “Wala akong kwalipikasyon para malaman ito? Ang tapang mo naman. Bata, saang foreign medical school ka grumaduate? Kanino kang medical professor natuto?”Madalas na pumunta si Dr. Wallace sa mga akademikong palitan, at kahit na paano ay kilala niya ang lahat ng mga medical professor na kilala sa buong mundo. Tiningnan niya si James ng may paghamak at sinabi, “Hindi mo masabi, ano? Malamang ay drumaduate ka mula sa isang walang kwentang medical school, ano?”Bahagyang kumunot ang noo ni James. Nag-aalala din si Zigmund na baka sumabog sa galit si James. “Dr. Wallace, hayaan mo na lang siya na tumingin,” sabi niya.“Tumingin? Kapag may nangyaring masama, sino ang aako? Ikaw?” Malakas na sinabi ni Dr. Wallace.“Ako na ang bahala.” sabi ni James.“Sino ka ba sa tingin mo?
Umupo si James sa isang upuan sa pasilyo, habang hindi pinapansin ang mga pambubuska at panlalait ng iba.Wala siyang alam kung paano aabisuhan ni Gloom ang director. Gayunpaman, alam niya na tiyak na makakahanap ng paraan si Gloom. Hangga’t nasa ospital ang director, walang duda na darating ito sa loob ng limang minuto.Tumayo si Tiara sa harapan niya ng nakayuko ang ulo nito. “Pasensya ka na, James, sa gulo,” humingi siya ng tawad ng may mahinang boses.Kumaway lang ng bahagya si James. “Ayos lang yun,” sabi niya.Nairita si Matthew sa pakikitungo ni Tiara kay James. Matagal na sana siyang engaged sa kanya kung hindi lang dahil sa kritikal na kondisyon ng kanyang lola, pero ngayon ay nakikipagharutan siya sa ibang lalaki.Kaagad siyang nagalit at nilapitan ang mga ito. “Gusto mong makausap ang director, ha? Hindi na ako makapaghintay na makita kung talagang kaya mong papuntahin ang director dito ngayong araw na to,” sigaw niya.Walang kaalam-alam si Matthew sa pagkatao at pinag
Makalipas ang ilang segundo, natauhan din siya at mabilis na lumapit. “Director, humihingi ako ng tawad. Nagkamali ako. Hindi ko alam at hindi ko nakilala ang isang importanteng tao, pero nagawa ko lang iyon dahil iniisip ko ang kapakanan ng pasyente. Pakiusap… Pakiusap huwag niyo kong patatalsikin.”“Walang kwenta. Gulo lang ang ibinigay mo sa akin.” Tinaas ni Carl ang kanyang kamay at sasampalin an sana ito. “Ayos lang yun. Kalimutan mo na ang tungkol dun,” walang pakialam na sinabi ni James. Saka lang huminto si Carl. Nagtanong si James, “Maaari na ba akong pumasok sa loob para matingnan ang pasyente?”“Oo, pwede na. Pwede na kayong pumasok.” Patuloy na tinungo ni Dr. Wallace ang kanyang ulo. “Ikukuha kita ng pwede mo maging assistant ngayon din,” kaagad na sinabi ni Carl. Kinaway ni James ang kanyang kamay ng bahagya at sinabi, “Hindi na kailangan. Kaya ko na ito ng mag-isa.”Kaagad siyang pumasok sa loob ng ward nang sinabi niya iyon. Sa labas ng ward, ang mga miyem
”Paano?”Ang lahat ay nagulantang.Lalo na si Dr. Wallace.Siya ang attending physician, kaya alam niya kung ano ang kondisyon ng katawan ng matanda. Isang written notice ng kritikal nitong kondisyon ang nailabas na. Maaari itong bawian ng buhay anumang oras. Subalit, ang taong ito ay sampung minuto lang ang inimalagi sa loob ng ward bago nagkaroon ng malay ang matanda. Nagawa pa nga nito na bumangon ng kama at lumabas. Higit pa dun, base sa kompleksyon nito, mukhang masigla na ito.“Nay.”“Lola.”Isa-isa, ang mga Youngbloods ay nagsimulang mag-usap habang mabilis na nilapitan ang matandang babae at pinalibutan ito.Si James, sa kabilang banda naman, ay lumapit kay Tiara. “James, salamat,” sinabi ni Tiara ng may masayang ekspresyon.“Wala lang yun. Kahit na ginamit ko ang Crucifier para pagalingin ang lola mo, kailangan pa din alagaan ang katawan niya. Mamaya, bibigyan kita ng prescription. Kailangan mong makuha ang mga medikasyon na nakasaad sa prescription at siguraduhin
Nabigla si Gloom sa malakas na pwersa, kaya napilitan ang kanyang katawan na umatras ng pito hanggang walong metro. Namanhid ang kanyang mga kamay. Sa mga ito, nag-umbukan ang kanyang mga ugat. Bakas ang gulat sa kanyang mukha. “Ikaw… Ang lakas mo?”Binalik ni James ang kanyang True energy at tiningnan si Gloom. “Anong ginagawa mo? Sinusubukan mo ba akong sunggaban o isa ba itong pagsubok?” kaswal niyang sinabi.Pinaikot ni Gloom ang kanyang enerhiya, At ang sakit sa kanyang mga kamay ay nagsimula nang maglaho ng unti-unti. Pagkatapos ay nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran, tinitigan si James, at dahan-dahan itong nilapitan. Ngumiti lang siya at nagsalita nung nakatayo na siya sa harapan ni James. “Nagtataka lang ako kung anong rango na ng cultivation base meron ka. Sa tingin ko, dumaan ka marahil sa ilang kapanapanabik na mga paglalakbay. Hindi kaya alam mo na ngayon ang lihim sa likod ng Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge?”Kahit na nakangiti si Gloom, ang pag
Nagtanong si James tungkol kay Mr. Gabriel, at naging seryoso ang ekspresyon ng Hari. Kumuha siya ng sigarilyo mula sa lamesa, sinindihan ito, at hinithit ito ng malalim. Napuno ng usok ang kayang harapan. Makalipas ang ilang oras, nagsimula na siyang magsalita ng dahan-dahan.“Kapag tinatalakay ito, dapat magsimula isang siglo na ang nakakaraan.”Nagging interesado si James nung narinig niya ang mga salitang ito. Laging limitado ang alam niya tungkol sa mga nangyari isang siglo na ang nakakaraan. Ang alam lang niya ay noong isang daang taon na ang nakakaraan, ang unang Hari ng Sol ay nakipagtulungan sa mga ancient martial artists ng Sol para palibutan at durugin ang u Sect. may nagsabi na hindi mabilang na mga buhay ang nawala sa laban na iyon.“Isang daang taon na ang nakakaraan, sinimulan ng mga kalaban ang kanilang pananakop. Nasa malaking alanganin ang Sol. Sa bawat rehiyon, may mga nabuong resistance forces. Kabilang sa mga hanay ng hindi mabilang na resistance forces, ay
Ang lolo ba niya ang nasa likod ni Mr. Gabriel, o nakikipagtulungan lang siya kay Mr.l Gabriel?”Bahagyang naguluhan si James. “James, sa tingin ko ay pwede ka nang kumilos ngayon,” sinabi ng Hari habang nakatingin kay James. Pagkatapos pakalmahin ang kanyang sarili, sinabi ni James habang tumatango, “Balak ko talaga na gawin iyon. Anong rango ba ng lakas ni Mr. Gabriel?”“Hindi ako sigurado. Laging nababalot ng misteryo si Mr. Gabriel. Bihira siyang magpakita at hindi pa siya lumalaban sa labas. Ayon sa aming nakalap na impormasyon. Ang lakas niya ay halos nasa sixth rank, pero hindi malinaw kung anong klase ng martial arts ang alam niya.”Sabi ng Hari habang umiiling. “Ang iyong intelligence network ay nakakalat sa buong mundo. May nalaman ka bang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng lolo ko nitong mga nagdaang taon?” Tanong ni James. Ang kanyang lolo ay buhay pa. Sigurado siya doon. Sigurado din siya na ang insidente sa Mount arclens ay gawa lang lahat ng kanyan
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan
Inalis ni James ang sinaunang aklat, na iniwan si Wotan na bahagyang nabigo. Ang Three Fire Transformations ng Fire Art ay isang kahanga hangang Supernatural Art at ito ay pinagnanasaan maging ng mga Acmean. Gayunpaman, nagkaroon sila ni James ng naunang kasunduan, kaya hindi niya maipahayag ang kanyang mga pagtutol."Ang natitirang mga kayamanan ay magiging akin, kung gayon. Ayos ka ba dito?" Napatingin si Wotan kay James.Sumenyas si James na nagpalakas ng loob. "Lahat ng iba pa sa silid ng silid aklatan ay sayo."Ang Three Fire Transformation ng Flame Art ay ang pinaka mahusay na biyaya sa pinakamataas na palapag. Dahil nakuha na ni James ang pinakamagandang biyaya sa palasyo, wala siyang interes sa iba pang mga manual.Tumalikod si Wotan at bumaba. Maraming top-notch at mahuhusay na Supernatural Power manual ang inimbak sa ikawalong palapag, na lahat ay mahirap hanapin sa labas ng palasyo.Hindi sila tiningnan ni Wotan ng maayos at itinago na lamang ang lahat. Pumunta siya sa
"Ito ay akin."Nagsalita si James bago nagkaroon ng pagkakataon ang iba at sinabing, "Napagkasunduan na namin noon pa na may makukuha kaming bawat isa."Pagkatapos magsalita, humakbang pasulong si James at humarap sa bola ng liwanag. Isa itong sinaunang aklat na kumikinang sa puting liwanag. Lumapit si James at kinuha ang libro.Sa sandaling hinawakan niya ito, ang puting liwanag mula sa sinaunang libro ay biglang lumabo at nag iwan lamang ng isang ordinaryong librong sinaunang itsura. Sa pabalat ng sinaunang aklat ay ilang sinaunang kasulatan—Three Fire Transformations ng Fire Art. Bagama't medyo lipas na ang mga banal na kasulatan, nakilala ito ni James.Nakita ni Wotan, na kasama niya, ang libro sa kanyang kamay. Nakahinga siya ng maluwag matapos basahin ang sinaunang kasulatan sa pabalat. Ang ekspresyon ni Wotan ay nagpapahiwatig na tiyak na alam niya kung ano ang Three Fire Transformation ng Flame Art.Tumingin sa kanya si James at nagtanong, "Ano ang problema? May alam ka ba