Winasiwas kaagad ni Lex ang kanyang tungkod pagpasok ni James sa pinto.Subalit, madali lang itong naiwasan ni James. “Anong nangyari, Lolo? Bakit galit na galit ka?”“Walang kwentang basura!” Bakas ang galit sa mukha ni Lex. Wala na siyang mukha na maihaharap sa mga tao at binugbog pa siya ng mga security guard dahil pinaniwalaan niya ang sinabi ni James. Ang insidenteng ito at mas nakakahiya kaysa sa tinapon siya palabas ng heneral ng isang military region.Tumayo si Lex, dinuro ang ilong ni James, at pinagalitan ito, habang sinasabi, “Walang kwenta! Balak mo bang ipahiya ang aking pamilya?”“Simula ngayon ay hindi ka na son-in-law ng mga Callahan, James!” “Wala kang konsensya! Pinakain ka namin, kinupkop ka namin, pero ang ginawa mo lang ay ipahiya ang aming pamilya!” Pinagalitan at nilait siya ng mga miyembro ng pamilya. Subalit, makikita sa mukha ni James na naguguluhan siya. “Ano ba ang nangyari, Lolo?” Tanong niya ng nakasimangot. “Ang kapal din naman ng mukha
Ang Five Provinces Business Alliance ay may kinatawan sa bawat siyudad ng limang probinsya.Ang pinuno ng bawat pamilya ay miyembro ng konseho ng business alliance. Meron ding pamilya mula sa Cansington na sumali sa Five Provinces Business Alliance—ang mga Watson. Ang mga Watson ay isa sa Great Four ng Cansington pero may mas maraming ari-arian kaysa sa kanila. Kilala sila bilang isa sa pinakamagaling na sambahayan sa Cansington. Ang mga miyembro ng konseho ng Five Provinces Business Alliance, na si Gavin Watson, ay nasa isang pagpupulong nung bigla itong makatanggap ng tawag mula sa presidente. Galit ang presidente habang kausap niya ito sa phone habang pinapaliwanag niya ang buong sitwasyon. Kaagad na tinawagan ni Gavin ang mga Xenos at personal na dinala si Zack, ang nobya nito, at ilang dosenang security guard na bumugbog sa mga Callahan para humingi ng tawad.Sa may villa ng mga Callahan, ang mga miyembro ng pamilya ay hindi pa din kumakalma pagkatapos ng pangyayari.
Lumapit si Brody at sinipa si Zack.Isa siyang specialized police unit officer at kaya naman may malakas siyang sipa.Gumulong ng mga ilang beses si Zack sa lupa.Subalit, hindi siya nangahas na magreklamo at muling bumangon para lumuhod. Nagging arogante si Tommy at lumapit ng kampante. Lumapit siya at yumuko sa harapan ni Lucy. Pagkatapos, hinawakan niya ang baba nito para itaas ang ulo nito.“Naaalala mo ba na dinuraan mo ang mukha ko, Lucy?” Sabi niya ng may hindi maitago na kayabangan.Nanginig si Lucy sa takot at nagmakaawa, “T-Tommy, nagkamali ako. Pakiusap, patawarin mo ko.”“Security!”Lumapit ang dalawang security guards ng mga Callahan at tinanong, “Mr. Tommy, may kailangan kayo?”“Gulpihin sila!” Tinuro ni Tommy ang mga security guards na nakaluhod sa lapag at inutos.“Masusunod.”Ang dalawang security guards ay hinimas ang kanilang mga kamao at sinimulang bugbugin sila Zack at ang mga security guards, na nakaluhod pa din sa lupa. Umalingawngaw ang mga ungol s
Ang buong pamilya ay pinaulanan si Brody ng papuri.Lahat sila ay may impresyon na ang tiyo ni Brody, ang secretary ng heneral, ay ipinaalam sa heneral ang bagay na ito pagkatapos ng tawag.Sa tulong ng heneral, kahit ang council member ng Five Provinces Business Alliance na tulad ni Gavin at personal na nagpakita kasama si Zack, na ang nag-utos sa pambubugbog na humingi ng tawad.Masayang masaya si Lex dahil sa pwede niyang iraos ang kanyang kaarawan sa House of Royals. Kaagad siyang nagpa-press conference para ibahagi ang balita. Kasabay nito, mabilis na hinanda ni Howard ang mga kakailanganin para sa birthday party, kasama na din ang muling pag-dedesign ng mga imbitasyon at ang pagpapadala sa mga ito.Samantala, si James, na pumunta ng Common Clinic, ay nakita ang balita ng press conference ni Lex sa telebisyon.Kaagad niyang nalaman na naayos na ang problema at ang Five Provinces Business Alliance representative ay nagpakita sa kanilang pintuan at humingi ng tawad.Dahil
Bigla, isang kotse ang dumating sa villa.Isang matangkad at makinis na balat na babae na nakasuot ng professional na damit ang bumaba ng kotse.Ang babaeng ito ay si Thea.Matapos niyang makuha ang kumpanya, napansin niya ang ilan sa mga problemang pinansyal nito matapos basahin ang lahat ng mga dokumento. Kaya naman, bumalik siya ng villa para tanungin ang tungkol dito.Hindi inaasahan, nakita niya si James na nakatayo sa harapan ng villa ng mga Callahan ng makalabas siya ng sasakyan.Nanigas siya pero pinakalma niya ang kanyang sarili, lumapit, at bumati, “Lolo.”Lumambot ang ekspresyon ni Lex, at isang ngiti ang namukadkad sa kanyang mukha nang makita niya si Thea. “Bakit naparito ka, Thea?”“Lolo, inaayos ko ang mga financial documents ng kumpanya at may nakita ako na mga ilang problema na gusto kong itanong sana sa inyo.”“Sige, pag-usapan natin ito sa loob.”Kahit na maganda ang pakikitungo ni Lex kay Thea, kaagad naman nagbago ang ekspresyon nito ng masilip niya si Jam
“Nakakainis!” Sinipa ni James ang upuan para ilabas ang kanyang galit sa Common Clinic.Umupo si Henry sa tabi niya at nanigarilyo habang pinapanood si James. Ito ang unang beses na nakita niya si James na umasta ng ganito.Noon, papatay ng maraming tao si James sa labanan kapag galit siya. Ngayon, ang tanging magagawa lang niya ay sumipa ng upuan para lang ilabas ang kanyang galit.‘Ganito ba ang itsura ng isang lalaking umiibig?‘Ang pangil ng Black Dragon ay pumurol na matapos umibig?’“Heto, James. Manigarilyo ka muna.” Binigyan siya ni Henry ng sigarilyo.Kinuha ito ni James, pinulot ang bangko na sinipa niya, at inupuan ito.“Hanery, bakit ang daming tao na may makapal na mukha? Ako ang lumutas ng problema. Ano ang kinalaman ng mga Coleman dito?” Sabi niya.Para kay Henry ay isang malaking kalokohan ang sitwasyon matapos niyang malaman ang buong istorya.“Sino pa ba ang dapat sisihin? Kasalanan mo naman. Ang mga Callahan ay magiging desperado na sumipsip sayo kung ila
Ang House of Royals ay isang sobrang mahal na lugar sa Cansington.Subalit, kahit ang mga napakayaman ay hindi pwedeng pumasok sa loob ng House of Royals.Maraming mga bigatin ang gustong makita ang loob ng House of Royals matapos silang makatanggap ng imbitasyon mula kay Lex.Gumastos si Lex ng malaking halaga para lang mairaos ang party na ito.Nung una, meron siyang budget na 30 milyon, pagkatapos at dinagdagan pa niya ito ng 50 milyon.Sa suma total, ang buong pagdiriwang at nagkakahalaga ng 80 milyong dolyar.Sa labas ng House of Royals, may isang bakanteng lote.Sa lugar na ito, isang entablado ang itinayo na may artista na bumabanat ng kanta. Nagmumukha na itong isang Christmas event kung may mapadaan na walang alam sa kung ano ang nangyayari dito. Ang sala ng House of Royals ay ilang libong square kilometers ang lawak.Nakasuot ng pulang suit si Lex at marangal niyang hawak ang dragon niyang tungkod. Ang iba pang mga Callahan ay masigla at talagang masaya.Nagpakit
Si Gavin ay isang council member ng Five Provinces Business Alliance.Noong nakaraang araw, si Zack, isang miyembro ng Five Provinces Business Alliance, ay ginalit si Lex.Si Yacob, ang presidente ng business alliance, ay galit na galit at tinawagan niya si Gavin upang pagalitan siya, at sinabihan niya siya na humingi ng tawad.Ang dinig ni Gavin ay dahil ito sa may kilalang isang heneral ang mga Callahan.Upang pahupain ang galit niya, naghanda siya ng isang magandang regalo ngayong araw at personal siyang nagpunta upang ipagdiwang ang kaarawan ni Lex.Si Gavin ay isang low-profile na tao na bihirang pumunta sa mga event. Maraming tao ang naiinggit kay Lex dahil nagawa niyang personal na papuntahin si Gavin at napaghanda ng isang napakagandang regalo para sa kanya.Naintindihan ng lahat na ito ay ang pag-angat ng status ng mga Callahan. Si Lex, na nakasuot ng pulang suit, ay lumapit dala ang kanyang tungkod at mayroong ngiti sa kanyang mukha. "Mr. Watson, sapat na ang pagpunta
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan