Share

Ang Alamat ng Dragon General
Ang Alamat ng Dragon General
Author: Crazy Carriage

Kabanata 1

Author: Crazy Carriage
Sa Cansington Station.

Isang matangkad, maskuladong lalaki na nakaitim na coat at madilim na salamin ang lumabas, ang kanyang phone ay nasa kanyang tenga.

“Nakuha mo na a ang impormasyon?”

“Oo, Heneral. Ang babae na nagligtas sayo mula sa apoy sampung taon ang nakalipas ay si Thea Callahan. Nakaligtas siya matapos iyon pero ang kanyang mukha ay naapektuhan ng matindi dahil sa apoy.”

Humigpit ang hawak ng lalaki sa phone ang kanyang ekspresyon ay nandilim.

Mainit na araw ng summer, pero ang temperatura ay bumagsak ng biglaan.

Merong bugso ng malamig na hangin at ang lahat ng naglakad lampas sa kanya ay hindi namalayang nanginig.

Ang kanyang pangalan ay James Caden.

Sampung taon nakaraan, ang mga Caden ay nasunog ng buhay, naging biktima sa plano laban sa kanila.

Ng walang pakialam sa kanyang sariling kaligtasan, isang dalaga ang sumugod sa inferno at nagligtas sa kanila.

Lahat ng 38 na mga Caden ay namatay ng gabing iyon at ang unang pamilya Cansington ay ay nawala na.

Matapos siyang maligtas, tumalon siya sa ilog. Ito ang tanging paraan para makaligtas.

Napunta siya sa Southern Plain kung saan siya naging sundalo.

Nilaan niya ang sampung taon sa pagangat sa rangko. Mula sa walang pangalang tauhan, siya ngayon ay isang heneral.

Hinamon niya ang elite na hukbo ng 30,000 ng magisa. Nagpunta siya sa misyon ng solo, pinasok ang kampo ng kalaban at nahuli ng buhay ang kanilang heneral.

Siya ay ang maalamat na Dragon General ng Southern Plains.

Siya ang Black Dragon, isang pangalan na tumatakot sa kanyang mga kalaban.

Siya ang pinakabatang heneral Sol na nabuhay.

Ng siya ay naging heneral, nagdesisyon siya na magretiro at bumalik sa Cansington. Meron siyang mga utang na babayaran at paghiganting gagawin.

Kailangan niyang bayaran si Thea sa paglitas ng kanyang buhay at ipaghiganti ang kanyang pamilya.

“Gusto ko lahat ng impormasyon na meron ka kay Thea.”

“Pinadala ko ito sa iyong email, sir. Pakiusap tignan mo ito.”

Binaba ito ni James at tinignan ang kanyang email. Merong mensahe na naghihintay para sa kanya.

Thea Callahan, babae, 27 taong gulang.

Ang mga Callahan ay second-class na mamamayan sa Cansington

Sampung taon nakalipas, si Thea ay senior high pa din, isang Year 3 na estudyante.

Linggo noon at siya ay naglalakbay papunta sa suburb kasama ang kanyang mga kaibigan.

Noong gabi, narinig niya ang pagiyak ng tulong mula sa nasusunog na villa. Ng walang pakialam sa kanyang sariling kaligtasan, sumugod siya papasok at niligtas ang isang binata.

Ang binatang iyon ay si James.

Ang aksidente ay tuluyang binago ang buhay ni Thea.

Maswerte siya na makaligtas, pero nagkaroon siya ng mga sunog sa kanyang buong katawan, na matinding sumira sa kanyang balat.

Simula noon, siya ay naging katatawanan sa kanyang mga kaklase. Pinaguusapan siya ng lahat ng patago.

“Thea, utang ko sayo ang buhay ko. Ilalaan ko ang natitira dito para bayaran ang utang ko.”

“Ang mga Xavier, mga Frasier, mga Zimmerman at mga Wilson ay may panghabang buhay na utang sa akin. Ngayon na bumalik ako sa bayan na ito, pagbabayarin ko sila. Para sa kamatayan ng pamilya ko, magbabayad sila ng buhay. Lahat sila.”

Nakakuyom ang mga kamao ni James, pumasok sa multi-purpose na sasakyan na walang plaka.

Isang lalaki na nakasuot ng itim na sando at sumbrero ay may hawak ng manibela.

Sabi niya, “Heneral, ang mga Callahan ay pipili ng asawa para kay Thea sa susunod na tatlong araw. Si Patriarch Lex Callahan ay may sinabi. Na hanggat ang manliligaw ay handa na makasal sa pamilya Callahan, siya ay mapupunta sa ilalim ng proteksyon ng mga Callahan matapos ang kasal.”

Sumimangot si James. “Pagpili ng asawa?”

“Sir, ang mga Callahan ay medyo prestihiyosong pamilya, pero si Thea ngayon ay kinukunsidera na ugly duckling ng Cansington. Walang magpapakasal sa kanya at siya ay magiging katatawanan ng pamilya. Ang Old Mister Callahan ay desperado, kaya naisip niya ang ideyang ito. Si Thea ay naging pangit, pero marami pa din ang gusto sa negosyo at yaman ng pamilya. Sa incentive na ito, handa sila na maikasal sa pamilya.”

Sa villa ng mga Callahan.

Bawat importanteng miyembro ng pamilya ng mga Callahan ay nandoon.

Ngayon ang araw na si Lex Callahan, ay pipili ng asawa para sa kanyang apo. Matapos ang masinsinang proseso ng pagpili, sampung manliligaw ang umabot sa huling round.

Nakatayo sa foyer ng villa, sila ay iba’t ibang edad, hugis at laki.

Wala sa kanila ay merong kahanga hangang background, kasama si James.

Kung wala si Thea, siya ay namatay na mula sa apoy sampung taon ang nakalipas.

Kung wala si Thea, walang James, o ang Black Dragon.

Isang babae na nakabalot mula ulo hanggang paa ang nakaupo sa couch. Na may puting belo, walang nakakita kung ano ang itsura niya.

Isang matanda na nakasuot ng tatlong pirasong suit ang nakatayo, nakatukod sa tungkod na merong ulo ng dragon. Nakatingin sa sampung lalaki, sinabi niya, “Pinili ko si… James Caden.”

Ang babae na nakaputing belo ay nanginig.

Ang kanyang kapalaran ay sigurado na?

Alam niya na simula sa sandali na tumakbo siya sa apoy sampung taon ang nakaraan, nawala na ang lahat sa kanya.

Ang iba pang mga manliligaw ay umalis, nalungkot.

Nanatili si James, nakatayo pa din.

Sa sandaling iyon, isang lalaki ang tumayo at lumapit kay James. Tinapik siya sa likod, ngumisi ang lalaki. “Tratuhin mo ng mabuti ang pinsan ko. Siya ay maaaring naging pangit, pero babae pa din siya. Sigurado ako namagagawa ka niyang pa din na mapasaya.”

Iyon si Tommy Callahan, ang pinakamatandang apo ng mga Callahan.

Hindi pinansin ni James si Tommy, sa halip nakatuon kay Thea.

Ang kanyang tingin ay nanatili sa babae, kahit na hindi niya pa din makita ang kanyang mukha.

Subalit, nakikita niya na ang belo ay basa ng kanyang mga luha.

“Thea, umuwi ka ng magisa. Meron akong appointment.” Isang may edad na babae ang umalis sa sandaling magagawa niya, ang kanyang ekspresyon ay medyo nandidiri.

Ang babae ay ang ina ni Thea, si Gladys Hill.

Si Gladys ay malinaw na nabigo sa kanyang anak.

Ang iba pang mga babae sa pamilya ay nakasal ng maayos, pero ang kanyang sariling anak ay kailangan pakasalan ang lalaki na pinulot mula sa mga kalsada.

“Dad, pupunta ako sa opisina.” Ang ama ni Thea, si Benjamin, ay hindi pinansin ang kanyang anak. Umalis siya matapos batiin ang kanyang ama ng walang interes.

Ang natitirang mga Callahan ay nakatitig kay James ng lantaran, may nanlalait na ekspresyon sa kanilang mukha.

Siya ay matangkad, malakas at may kakayahang katawan, pero handa siyang pakasalan si Thea at pumasok sa pamilya Callahan? Si Thea ay katatawanan sa lahat ng Cansington, ano ba naman!

Lumapit si James kay Thea at nakaunat ang kanyang braso, nakatingin sa kanya.

Si Thea, tahimik na umiiyak sa couch, ay napatunganga.

“Mula sa ngayon, poprotektahan kita. Sumama ka sa akin at mapupunta sa palad mo ang buong mundo. Gagawin kitang pinakamasayang babae sa mundo.”

Ang kanyang boses ay malakas at hindi matitinag.

Sa sandaling iyon, nakalimutan niya ang nanlalait na mukha ng kanyang pamilya.

Ang nakita niya ay ang lalaki na nasa harapan niya. Matangkad at malakas, pero malumanay.

Kinuha ni James ang kanyang kamay at hinatak siya patayo. Mahinhin, sabi niya, “Tara na.”

Magkahawak ang kamay, umalis sila sa villa.

Isang multi-purpose na sasakyan na walang plaka ay naghihintay sa labas ng villa, kasama ng dalawang lalaki na nakaitim na suit.

Dinala ni James ang isang nakatungangang Thea papalapit.

Nagsimulang sinabi ng mga lalaki, “Hene…”

Kinumpas ni James ang kanyang kamay, pinutol ang sinabi nila. “Dalhin mo ako sa House of Royals. Kailangan kong asikasuhin ang injury ng asawa ko.”

Si James ay hindi lang ang maalamat na Dragon General ng Southern Plains. Siya din ay magaling na doktor.

Ang paggamot sa mga peklat ni Thea ay madaling gawin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
mim
arsa fee go get hi vs be few hmm do just daddy cjfjf jgjfjfjfufufufucuf
goodnovel comment avatar
mim
xndjdidifs
goodnovel comment avatar
mim
ddjdfcjjfkfjfjfjf
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4735

    Malakas ang Sagradong Bulaklak, ngunit nakaligtas si Laduni dahil sa kanyang pambihirang lakas. Sa kabila nito, malubhang nasugatan siya at nawala ang kanyang bisa sa pakikipaglaban.“Hindi pa siya patay?” Nagulat si James sa pisikal na lakas ni Laduni. Agad niyang tinawag ang Chaos Sword at sinabing, “Tingnan natin kung ilang suntok pa ang kaya mong tiisin.”Akmang kikilos na sana si James, ngunit biglang may sumulpot na pigura sa harap niya.Swoosh!Hinarangan ni Waleria ang kanyang daan at sinabing, “Mas mabuting huwag mo siyang patayin.”“Ha?” Tiningnan siya ni James, nalilito.Paliwanag ni Waleria, “Ang tunay mong motibo ay hindi ang lipulin ang Malvada Sect kundi ang gumawa ng pangalan para sa Tempris House. Dapat mo siyang hulihin, ibalik sa Tempris House bilang bihag, at parusahan sa publiko.”“Mukhang magandang ideya iyon.” Itinago ni James ang Chaos Sword.Agad na lumitaw si Waleria sa harap ng mahinang si Laduni at tinatakan ang kanyang cultivation base.Mahinang lu

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4734

    Pinakawalan ni James ang kanyang mga Kapangyarihan sa Landas at pinagsama ang mga ito sa isang Sagradong Blossom na may mga talulot na naglalabas ng matingkad at makulay na sinag. Ang bawat talulot ay kumakatawan sa iba't ibang Landas sa sukdulang yugto nito. Gayunpaman, ang nakakatakot na kapangyarihan ay nakatago sa ilalim ng magandang anyo nito.Ang Blossoming ay isang Bawal na Sining na nilikha ni Jabari. Gayunpaman, wala siyang taglay na Isang Libo na Banal na Katawan ng Landas at hindi niya kayang linangin ang lahat ng Landas ng langit at lupa. Noong nakaraan, minsan lamang niya itong ginamit at isinakripisyo ang kanyang katawan upang punan ang natitirang mga Landas, na wala sa kanya.Sa kabilang banda, magagamit ito ni James nang walang limitasyon dahil nalinang niya ang iba't ibang Landas ng langit at lupa. Ang Blossoming ay isang Supernatural na Kapangyarihan na may malaking potensyal. Habang bumubuti ang pag-unawa ni James sa iba't ibang Landas, mas malakas ang lakas ng Blo

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4733

    Ang tanging nakaligtas ay isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na damit. Gusot ang kanyang katawan at puno ng mga sugat. Mahina rin ang kanyang paghinga. Ang lalaki ay isang medyo malakas na cultivator. Bagama't nalabanan niya ang Universal Sword Formation, siya ay malubhang nasugatan at nawala ang kanyang bisa sa pakikipaglaban.Matapos makita ang huling elder ng Malvada Sect na nakatayo, mahinahong sinabi ni James, "Akala ko ay may dalawa o tatlong makakalaban sa Universal Sword Formation. Hindi ko inaasahan na isa lang ang makakaligtas. Ang Malvada Sect ay hindi kasinglakas ng inaakala ko."Mamatay ka." Umalingawngaw ang boses ni James.Isang inskripsiyon ang lumitaw at lumutang sa ibabaw ng elder ng Malvada Sect. Kaagad pagkatapos, isang malakas na puwersa ang sumabog mula rito.Naramdaman ang nakakatakot na puwersa, sumibol ang takot sa puso ng elder. Naningkit ang kanyang mga mata, at ang kanyang mukha ay puno ng takot. Sumigaw siya, "Hindi..."Habang umaalingawngaw an

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4732

    Si Laduni ang Pangalawang Pinuno ng Malvada Sect at may hawak na malaking awtoridad.Patuloy na sinusupil ng Verde Academy ang Malvada Sect. Natural lamang na binigyan nila ng maingat na atensyon ang mga gawain ng Verde Academy. Kaya, alam nilang si Waleria, ang Dakilang Elder ng Sect Theos, ay naging isang elder sa Bahay ng Tempris. Agad na naisip ni Laduni na tumakas matapos makita si Waleria sa labas ng kanilang tarangkahan sa bundok.Matapos mapagtanto ang pagkakakilanlan ng kanyang kalaban, mabilis siyang nawala nang walang pag-aalinlangan. Sa sumunod na sandali, lumitaw siya sa hangganan ng uniberso. Gayunpaman, nakapaghanda na si Waleria ng isang pormasyon, at natagpuan niya ang kanyang sarili na nakulong. Pinilit niya ang kanyang lakas at hinampas ang pormasyon.Boom!!!Ang kanyang pag-atake ay nagdulot ng isang napakalaking pagsabog, at hindi mabilang na mga bitak ang kumalat sa buong hangganan ng uniberso. Sa kabila ng pagiging isang makapangyarihang nilalang, hindi niya

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4731

    Kahit hindi nakikilahok sa labanan laban sa Chaos District, alam na alam ni Waleria ang tungkol sa Siyam na Tinig ng Chaos dahil sabik itong imbestigahan ng Theos Sect. Kaya naman, nag-aalala si James na ibunyag sa kanya ang Siyam na Tinig ng Chaos.Galit na sumagot si Waleria, "Anong ibig mong sabihin na hindi ko ito makontrol? Walang sandata na hindi ko kayang gamitin."Mabilis na sinundan ni James ng pambobola para pakalmahin siya. "Tama ka. Naniniwala akong walang sandata na hindi mo kayang gamitin. Ang ibig kong sabihin ay kaya mong patayin si Laduni nang walang kahirap-hirap, kahit wala ang espada ko. Tutal, nasa Caelum Boundless Rank lang siya. Samantala, nasa Quasi Chaos Rank ka naman.""M-Mas magiging kumpiyansa ako kung nasa akin ang espada mo." Ibinaba ni Waleria ang kanyang arogante.Hinikayat din siya ni Saachi, na sinasabing, "Ibigay mo na lang sa kanya, James. Tutal, siya ang pangunahing puwersa ng ating grupo, at kailangan natin siya para pigilan o patayin pa nga si

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4730

    "Isang araw? Kung napakadali lang, bakit hindi mo gawin?" Umalingawngaw ang boses ni Waleria sa isip ni James.Dahil lahat ay nakatanggap ng inskripsiyon mula kay James, madali silang makakapag-usap sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanilang enerhiya dito.Wala nang ibang makakasagabal sa kanilang komunikasyon o makakaramdam nito.Paliwanag ni James, "Binigyan ako ng isang elder ng misyon, kaya kailangan mong bilisan ang proseso.""Wala akong pakialam diyan. Aabutin ako ng tatlong libong taon para makumpleto ang pormasyon kahit na may time formation."Pagkatapos magsalita ni Waleria, pinutol niya ang komunikasyon kay James.Kumunot ang noo ni James at nagsimulang mag-isip.Sa huli, wala siyang ibang nagawa kundi pamunuan ang isang grupo ng mga disipulo ng Malvada Sect palabas ng sansinukob, patayin sila, at palihim na bumalik sa Yazergh Universe.Pagkatapos bumuo ng plano, tinawag ni James ang isang libong disipulo ng Malvada Sect. Pagkatapos, nakipagkita siya kay Latran.“Ginoo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status