The Lady Gangster's Mission For The Prince

The Lady Gangster's Mission For The Prince

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-05
Oleh:  acire_berryOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
99Bab
3.6KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Adira, ang gangster na magkakaroon ng isang misyon sa isang prinsipe na hindi kayang lumaban o humawak man lang ng espada o anumang armas. Ang seryosong gangster ay magkakaroon ng ibang emosyon sa mukha sa tuwing nag-eensayo sila ng prinsipe na si Prince Dylan, dahil kung gaano kaseryoso si Adira sa pagtuturo, ang prinsipe naman ang hindi dahil bago pa man magsimula ang kanilang pag-eensayo ay ang dami na nitong reklamo. Ngunit ang alam ng prinsipe ay tanging pagtuturo lang ang dahilan kung bakit nandoon si Adira sa kanilang palasyo. Hindi niya alam na lihim din itong magiging tagapagbantay niya at siyang susubukan na alamin kung sino ang balak na patayin ang prinsipe. Sa paglipas ng mga araw na pananatili ni Adira sa palasyo ni Prince Dylan may malaking plot twist ang mangyayari sa misyon niya para sa prinsipe.

Lihat lebih banyak

Bab 1

1 - Kidnapped

Halos 12:00am ay tahimik na ang lugar kung nasaan ang warehouse ni Adira nang may mga taong dahan-dahan na lumapit sa bahay niya at pasimpleng humanap ng daan para makapasok sa loob. Maswerte ang mga misteryosong lalaki dahil may isang malaking bintana ang warehouse na sira at kasya ang isang tao sa butas nito, pero kailangan gumamit ng hagdan para makapunta sa bintana na 'yon. Gumawa ng paraan ang mga lalaking nakasuot ng mask na itim, nakita nilang may mga tambak na mga gamit sa bahay sa gawing likuran ng warehouse kaya 'yon na lang ang ginamit nila, kaya napagtagumpayan nilang makapasok sa loob ng dahan-dahan na hindi sila makalikha ng ingay sa loob, maswerte sila dahil pagod si Adira kaya hindi nito naramdaman na may nakapasok na ng bahay niya.

Nagsimula na ang mga lalaki na hanapin si Adira at hindi naman nagtagal ay nakita na ng isang lalaki ang hinahanap nila na tulog na tulog at hindi talaga naramdaman na may tao malapit sa kanya. Isang panyo ang nilagyan nila ng gamot na kulay dilaw na galing sa maliit na bote at dahan-dahan na inilapit ito sa mukha ni Adira at mabilis na itinakip sa ilong nito na agad namang nagising, pero manlaban man siya ay agad ng nawalan ng lakas ang katawan niya sa sobrang tapang ng gamot na nasinghot niya, kaya unti-unti na rin siyang nawalan ng malay.

Pumasok ang isang lalaki ng wala ng malay si Adira. "Okay na ba?" tanong nito.

"Oo, buhatin mo ng maka-alis na tayo kaagad dahil malayo pa ang pagdadalhan natin sa kanya."

Agad namang sumunod ang lalaki at binuhat si Adira na akala mo isang damit na sinampay lang sa balikat. Agad na rin silang umalis hanggang may epekto pa ang gamot dahil mahaba-habang biyahe ang pagdadaanan nila bago pa makapunta sa nag-utos na kuhanin si Adira.

Sumikat ang araw at si Adira ay unti-unti ng nagigising at sa pakiramdam niya ay ang haba ng tulog niya.

Dahan-dahan siyang bumangon at ilang beses pang pumikit para tuluyan ng dumilat ang mata niya, pero napatigil siya at napakunot ang noo ng ibang tanawin ang nakita niya sa loob ng kwarto niya dahil isang malaking kwarto ito na ang laki ng kama, mga magagandang gamit na naka-display. Tumingala siya at nakita ang malaking ilaw sa kisame, napansin niya rin na sa kama ay may telang manipis na nakasabit, nakatali kasi ang kanan na bahagi nito kaya nakita niya ang mga gamit sa loob ng malinaw.

Napakunot ang noo niya. "Tulog pa rin ba ako at ganito ang nakikita ko ngayon, hindi naman ganito ang itsura ng kwarto ko sa bahay ko?" Ilang beses niya rin na sinampal ang sarali dahil baka natutulog pa talaga siya at kailangan niya lang magising, pero pagdilat ulit ng mata niya ay ganon pa rin ang nakikita niya sa paligid, kaya naman agad siyang tumayo at handa ng umalis ng kwarto na 'yon nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang may edad ng lalaki.

"Gising ka na pala binibini, sumama ka sa akin para masagot ang mga tanong mo. Alam kong nagtataka ka sa nakikita mo ngayon."

Nagpakunot ang noo niya. "Nasaan ako, bakit nandito ako? Ang alam ko ay na sa bahay ako at natulog ng maaga, pero bakit pag gising ko ay na sa ibang bahay na ako?"

Nilakihan ng matandang lalaki ang pagkakabukas ng pintuan. "Malalaman mo kung sasama ka sa akin, pero bago 'yon, gusto mo na bang kumain, nagugutom ka na ba?"

Umiling siya ng ilang beses at sumeryoso na ang mukha. "Pumunta na tayo kung saan mo ako dadalhin, para maka-alis na ako rito."

"Kung 'yon ang gusto mo ay sumunod ka sa akin."

Nagsimula na itong maglakad kaya sumunod na din siya at talagang nakapagtataka ang nakikita niya maging sa dinadaanan nilang pasilyo. Huminto sila sa isang malaking pinto na may dalawang kawal ang nakabantay sa labas at kaparehas ng suot ng kausap niya kanina, pero magkaiba lang ng disenyo, hinala niya ay mas mataas ang katungkulan ng nakausap niya. Pinagbuksan sila ng dalawang kawal ng pinto at pumasok na sa malaking kwarto na mukhang pang opisina ang ayos.

"Narito na siya," saad ng matandang lalaki.

Nakatalikod ang upuan ng kausap ng matandang lalaki, kaya hindi niya rin makita ang mukha nito.

"Maaari ka ng lumabas heneral," saad ng boses lalaki na hindi pa rin humaharap sa kanila.

"Masusunod." Humarap na ang matandang lalaki sa pintuan, pero tiningnan muna siya nito at yumuko ng konti ang ulo. Paglabas nito ay saka niya lang napagtanto ang tinawag ng boses ng lalaki sa matandang lalaki na lumabas. "Heneral?" nalilito niyang sambit at tumingin ulit sa nakatalikod pa ring upuan.

Naghintay siya ng ilang minuto bago dahan-dahan na inikot ng tao na 'yon ang upuan. Isang may edad na rin na lalaki ang nakita niya, pero mas kakaiba ang suot nito, mas tinginin na mayaman. Napagawi ang paningin niya sa ulo nito dahil may suot itong korona.

"Magandang araw binibini, kumusta ang tulog mo, naging maayos naman ba?"

Hindi siya sumagot, pero pinakatitigan niya ito. "Mukhang nagtataka ka pa rin at gusto ng malaman kung ano ang nangyayari ngayon. Maupo ka muna dahil may pag-uusapan tayo."

Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa mesa nito at umupo sa upuan na kaharap nito na may mesa lang ang pagitan. "Bakit ako narito?" agad niyang tanong.

Napangiti ito ng maliit. "Kailangan ko ang tulong mo."

Napakunot naman ang noo niya. "Para saan?"

"Hindi ba't tumatanggap ka ng mga misyon?"

"Paano mo nalaman ang bagay na 'yan?"

Bumuntong-hininga naman ito. "Naghahanap ako ng isang katulad mo at ang pangalan mo ang bukambibig ng mga tao, kaya gumawa ako ng paraan para matagpuan ka."

"Hindi ako basta-basta nahahanap lalo pa't gumagamit ako ng bagay na hindi maaaring makilala ang pagkatao ko at mukha ko, paanong alam mo kung sino ako?"

"Sa kasama mo na ang pangalan ay Simon."

"Kung ganon bakit hindi niya sa akin sinabi na may kliyente na gustong kumuha ng serbisyo ko? Bakit nagising na lang ako na narito na ako sa kakaibang bahay na 'to?" Umikot ang mga mata niya sa loob ng kwarto na 'yon.

"Ngayon ay alam ko na, hindi mo talaga alam kung sino kami at ang pangalan ng aking palasyo. Alam mo bang may mga palasyo na nakatayo talaga sa isang bansa katulad ng sa amin?"

"Hindi, bakit?"

"Isa na ang palasyo ko na nabibilang sa isang tinitingala ng ibang bansa dahil sa paraan ko ng pagdisiplina at kapayapaan rito."

Bigla siyang napatingin sa kausap niya. "Palasyo, ibang bansa?"

Sumandal naman ito sa upuan. "Oo, wala ka sa iyong bansa dahil narito ka sa aming bansa—ngayon."

"Paanong nangyari na nasa ibang bansa na ko, natulog lang naman ako?!" Tumayo siya at isang tingin na hindi maipaliwanag ang binigay niya sa matandang lalaki.

"Huminahon ka muna binibini."

"Hindi! Paano ako kakalma kung pag-gising ko ay na sa ibang bansa na ako at sa isang palasyo pa ako napunta, sige nga sabihin mo paano kumalma?!"

Napapikit naman ang matanda. "Pasensya na, pero plano ito ng kasama mo."

Natigilan siya sa sinabi nito. "Sino? Si Simon?" At tumango ito bilang sagot.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
jerry dela cruz
Mukhang may ine-edit si Author dito. Hintayin ko po na okay na yung mga chapters. Thank you ...
2023-10-26 05:13:34
0
99 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status