Ang Dragon Fountain Villa ay isang sikat na leisure villa sa Cansington. Nakatayo ito sa Mount Dragon Fountain sa Cansington. Sa bundok na ito ay isang natural hot spring, isang sikat na lugar para sa mayayaman. Gumastos ng milyon-milyon si Quincy para rentahan ang buong venue at isagawa ang party na ito. Malaki ang binayad niya para imbitahan ang pinakasikat na celebrity ngayon, si Kian, para kumanta sa party. Pagkatapos marinig na kasama sa party ang libreng pagkain, matutulugan, at ang karanasan na marinig ang isang sikat na celebrity na kumanta, masiglang lumitaw ang mga dating estudyante ng Class Two. Ang mga hindi masyadong mayaman ay nagpunta para makakain at makainom. Ang mga nakakaangat naman sa buhay ay gustong gamitin ang pagkakataong ito na ipagmalaki ang tagumpay at kayamanan nila sa mga dati nilang kaklase. Ang mga magkakaklase sa first class ay dumating pagkatapos malaman na magtatayo sila ng monumento para sa Black Dragon, si James, na nasa klase nila. Med
Kahit na sampung taon na niya silang hindi nakikita, nakilala ni Thea ang ilan sa kanila sa ilang katangian nila. Samantala, hindi nila pinansin si James. Hindi sumali si James sa mga tao ng second class at sa halip ay tumingin sa higit dalawampung tao mula sa first class hindi malayo sa kanya. Nagbago ang mukha ng mga taong ito pero nakikilala niya pa rin ang ilan sa kanila. Tinignan niya sila, hinahanap niya ang mga dati niyang kaibigan. Noon, matataas ang mga grado niya at marami siyang kaibigan. Ang pangalan ng pinakamatalik niyang kaibigan ay Zion Loyd. Sa madla, nakita ni James si Zion na nakasuot ng pangkaraniwang kasuotan na mukhang pangmagsasaka. Lumapit siya at gustong bumati pero tumalikod siya sa kalagitnaan. Nakalimutan niya na hindi na siya ang James ng sampung taon ang nakakaraan kundi ang son-in-law ng mga Callahan. "Uy, Thea! Naaalala mo pa ba ako? Ako yung matabang lalaki noon, si Channing, yung nanligaw sa'yo dati." Kaagad na sumigla ang mga mata
Ang lahat ng apat na bodyguards ay may timbang na 90 hanggang 150 kilograms at may mga braso na mas makapal pa sa pangkaraniwan na bewang ng isang tao.Maraming tao ang natakot nang lumapit ang mga bodyguar na may naglalakihang mga muscles.Ang mga estudyante ng first class ay tuwang tuwa na nanood, habang ang mga second class naman ay iniwasan lang ang eksena.“Huwag kang gagamit ng dahas, Mahal.” Hinila ni Thea si James pabalik, nag-aalala na baka hindi mapigilan nito ang kanyang sarili mula sa pagbugbog sa mga ito at maagrabyado ang mga Xenos. Magiging isang malaking problema kapag nangyari yun.“Gagawin ko ang sinabi mo.” Nginitian ni James si Thea. Dumilim ang ekspresyon ni Channing habang pinapanood niya ang kanilang lambingan.Niligawan niya noon si Thea. Subalit, pangit ang mga grado niya noong high school, at ang kanyang pamilya ay hindi mayaman. Hindi siya bibigyan ni Thea ng pagkakataon.Ngayon, nakapagtayo na siya ng sarili niyang kumpanya at kumikita na ng pera.
Hindi umiwas si James. Sa halip, hinarang niya ang suntok.Nagbanggaan ang kanilang mga kamao.Crack!Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na mga buto.“Argh!!!”Napasigaw dahil sa sakit ang bodyguard ni Quay. Binawi niya ang kanyang kamay, habang iwinagayway ito sa ere at nagtatatalon sa paligid. Nagulantang ang lahat. Mabilis na umatake si James at pinabagsak ang mga natitirang tatlong bodyguards gamit ng ilang mga galaw lamang. Sa isang iglap, ang mga bodyguards ay nakahandusay na sa sahig, habang sumisigaw dahil sa sakit.Masayang nilingon ni James si Thea. “Mahal, hindi naman kita napahiya, tama? Dati akong sundalo. Paano naman ako matatalo sa isang pangkaraniwang sibilyan na hindi pa nakakalaban ng isang tunay na martial artist?” Akala ni James ay pupurihin siya ni Thea.Subalit, bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. Pinaalalahanan na siya nito na huwag labanan ang mga ito.“Sa tingin mo ba ay magaling ka na? Hindi ba’t sinabi ko sayo na huwag mong gawin to? Gaano
Ang mga tao ay nagulat sa nangyaring eksena.Hindi rin makapaniwala si Julianna at itinaas ang patalim, at muling isinaksak sa katawan ni James.Ganun pa din ang naging resulta. Hindi niya maibaon ang patalim sa balat ni Julianna gamit ang kanyang lakas. “Paano?”“N-Nandadaya ka! Anong tinatago mo sa ilalim ng damit mo?” Sigaw ni Julianna. Hindi siya makapaniwala.May hawak siyang patalim.Mabilis niyang sinugod si James para hilahin ang damit nito.“Hoy! Anong ginagawa mo? Nasaksihan ng mga tao ang nangyari! Bakit mo hinuhubad ang damit ko sa harap ng maraming tao?”Umatras si James at dumistansya kay Julianna.“May kasunduan na tayo na ayusin ang bagay na ito pagkatapos mo kong saksakin ng dalawang beses. Ngayon na nasaksak mo na ako ng dalawang beses, ito na ang katapusan nito,” sabi ni James. Hindi makapaniwala na nakatingin ang mga tao kay James. Talagang hindi kapani-paniwala ang eksenang ito.“Hindi! Nandaya ka!” Ayaw palampasin ni Julianna sila James at Thea ng
Hindi na alam ni Quincy kung ano ang kanyang gagawin.Ang mga tao ay pumasok na sa loob ng Dragon Fountain Villa.Ang first class at second class ay nagtipon-tipon sa kani-kanilang mga grupo.Nagsimula ang grupo na magkwentuhan.Hindi nagtagal, marami pang tao ang nagsidating.Halos lahat mula sa parehong klase ay dumating na pagkalipas ng alas sais ng gabi.Bigla, isang grupo ng mga tao ang dumating sa villa. Ang taong nasa unahan ay isang gwapong lalaki na nakasuot ng puting kaswal na damit. Makinis ang balat nito at may kulay platinum na buhok. May ilang mga bodyguards din na nakasunod sa kanya. “Woah! Si Kian nga!”“Yung celebrity na si Kian!” “Ang galing talaga ng class monitor natin! Nagawa niyang imbitahan ang sikat na artista na si Kian!”Nang makita nila naa palapit si Kian, ang mga tao ay nagawala at mabilis siyang pinalibutan, habang hinihingan ng autograph nito. Binati ni Kian ang lahat ng nakangiti.Na-depress siya sa panahon na ito.Pina-blacklist siya
Si Zion na mula sa first class ay kahit paano naagrabyado si Lorne na mula sa second class. Ilan sa mga tauhan ni Lorne ay sinipa siya sa sahig at binugbog ng mga ito.Ang lahat ay tumunganga lang at nanood, at walang sinuman ang nangahas na mangialam. Sumigaw si James at naglakad palapit sa kanila.Sa wakas, huminto din ang mga tauhan ni Lorne.Mabilis na tumayo si Zion mula sa sahig. Tadtad siya ng bakat ng sapatos, at ang buong mukha niya ay puno ng pasa, na talaga namang nakakaawa. Mabilis siyang nagtago sa likod ni James. Niyakap ni Lorne ang isang seksing babae at tiningnan si James. “Ano? Nangingialam ka ba?”Tiningnan ni James si Zion sa kanyang likuran at tinanong, “Anong nangyari?”Binulong ni Zion, “Pumunta… Pumunta ako ng restroom, at aksidente kong nabangga ang babae niya nung lumabas ako. Humingi naman na ako ng tawad, pero…”Nang makita niya ang nanlilisik na mga mata ni Lorne, hindi na nangahas na magsalita pa si Zion.Babae na yakap nito ay tiningnan si
Pagkatapos na mabigla ng konti, inayos ni Lorne ang kanyang sarili.Alam niya na si James ay isa lamang simpleng live-in son-in-law ng mga Callahan. Isa siyang basura.Kahit na ang mga Callahan ay may pera, nakaraan na iyon.Ang mga Callahan ay nasangkot sa isang malaking gulo at nagkaroon ng malaking utang. Malapit na silang malugi.Pagkatapos na isipin ang tungkol dito, naningkit ang mga mata ni Lorne at tiningnan si James.“Ang sabi mo ay tatlong milyong dolyar. Kung ganun, bayaran mo ang girlfriend ko ng tatlong milyong dolyar, at sasaluhin ko ang ilan sa mga suntok mula sayo.”“Babe…” Kaagad na hinila ng seksing manamit na babae si Lorne. Nasaksihan na niya ang lakas ni James sa may entrance ng villa. Ang mga tauhan ni Quay ay pinabagsak niya sa isang iglap lang. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Lorne ang ilang suntok mula kay James.Kinaway ni Lorne ang kanyang kamay at sinabi, “Ayos lang yan. Ang batang to ay isa lamang hamak na live-in son-in-law ng mga Calla
Matapos makabuo ng plano si James, hindi na siya nagtagal sa lugar. Pinutol din niya ang kawalan at nagtago sa loob ng mga bitak ng espasyo upang icultivate.Dahil ang formation ay lumiit patungo sa gitnang rehiyon, maraming mga powerhouse ang lumitaw na malapit sa Desolate Grand Canyon. Matapos itago ang sarili sa isang walang laman, bumuo si James ng time formation sa kanyang katawan.Pagkatapos, sinimulan niyang pag isipan ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Ito ay isang mapangwasak na Supernatural na Kapangyarihan. Ang mga kinakailangan upang icultivate ito ay lubhang malaki ang kinakailangan. Una, kailangan ng isang makapangyarihang pisikal na katawan. Pangalawa, ang isa ay kailangang sumipsip at pinuhin ang isang Ignis. Pagkatapos matupad ang mga kondisyong ito, magiging karapat dapat ang isa na icultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art."Ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformation ng Flame Art ay God Incarnation.”“Ang Ikalawang Pagbabago ay Everlas
Nagpakita si Wotan na magulo ang buhok at malagim na sugat. May bahid ng dugo ang kanyang puting damit at mukha siyang pagod.Tumingin si James kay Wotan na nakakunot ang noo at sinabing, "Ikaw ang ika sampu sa Gold Rank ng Chaos Ranking. Sa one-on-one na laban, hindi ka matatalo ng mga cultivator sa Quasi Acme Rank. Malaki ang tsansa mong manalo sa isang laban laban sa isang Acmean. Paano ka napunta sa napakasamang estado?"Lumakad si Wotan, umupo sa lupa at malungkot na bumuntong hininga. "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito. Wala akong araw ng kapayapaan mula nang umalis ako sa Palace of Compassion. Nagsama sama ang ilang Quasi Acmeans para tugisin ako nitong mga nakaraang taon. Kanina lang, hindi bababa sa 20 Acmeans ang humahabol sa akin. Nagawa kong makatakas ng napakahirap."Mula ng maghiwalay si James, nakahanap na si Wotan ng lugar na maaari niyang linangin. Gayunpaman, hindi nagtagal ay natuklasan ang kanyang kinaroroonan. Simula noon, palagi na siyang tumatakbo.Sa p
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi