”Nangyayari ang lahat ng mga ito tulad ng inaasahan natin. Ang orihinal na plano natin ay manipulahin si James para patayin ang Emperor para paglabanin ang dalawang pamilya ng Ancient Four. Ngunit, ngayon, may isang bagay na gumulo sa mga plano natin, at ang bagay na ito ay ang God-King Palace. Nag-aalala ako na baka nahulog na tayo sa patibong ng God-King Palace. Baka ang plano nila ay siguruhin na labanan natin ang isa’t isa habang sila ang makikinabang sa mga magaganap.”Nag-aalala si Mr. Lee sa hindi inaasahan na mga nangyayari.Ang lahat ng mga bagay ay nasa kontrol niya.Sa biglaang pagpapakita ng God-King Palace, hindi na niya magawang hulaan kung ano ang magaganap sa kasalukuyang sitwasyon.Nagtanong ang Hari, “Kung ganoon, dapat ba natin iligtas si James? Isa siyang marangal na tao na handang makipaglaban para sa nasyon niya. Kung hahayaan natin ang mga Johnston na patayin siya, mawawala ang nag-iisa at malakas natin na asset.”Bigong umiling-iling si Mr. Lee, “Hindi dapat. Sa
Noong marinig niya na nahuli si James, natakot si Thea. Lumapit siya kay Thomas para magmakaawa at humingi ng tulong.Umupo si Thomas sa sofa habang hinihimas ang baba niya. Malalim ang kanyang iniisip.Matapos ang ilang sandali, tinignan niya si Thea.Nakaramdam ng kilabot si Thea habang tinititigan siya ni Thomas. Wala siyang tiwala sa tingin na ito, kaya nagtanong siya, “Ba-bakit mo ako tinitignan ng ganyan?”Ngumisi si Thomas, “May plano ako.”“Huh? Anong plano?”“Sandali lamang.”Tumayo si Thomas at umalis ng kuwarto.Umupo si Thea sa sofa at matiyagang naghintay.Matapos ang kalahating oras, nagbalik si Thomas habang may hawak na skin mask. “Lumapit ka dito.”Lumapit si Thea kay Thomas at tinignan ang hawak niya.Mabilis na ikinabit ni Thomas ang skin mask sa mukha ni Thea. Nagbago bigla ang itsura ni Thea. Noong tinitigan niya ang itsura niya sa salamin, nakita ni Thea na nagbago ng husto ang mukha niya. Ngunit, maganda pa din ang mga facial features niya tulad ng dati.“Anong…”
Nanghihina ng husto si James. Hindi nagamot ang mga pinsala na tinamo niya mula sa mga atake ni Rain at buong araw na siyang hindi kumakain.Nakahiga si James sa sahig habang nanghihina at nakatingin sa mga Johnston na nasa harapan niya. Wala siyang kaalam-alam sa binabalak nila.“Patriarch, halos alas nuwebe na. Wala pa din balita mula sa mga Caden. Sinukuan na ba nila si James?” Tanong ng isang importanteng tao mula sa mga Johnston.Nakaupo si Hades sa isang kahoy na upuan. Tumingala siya para tignan ang oras, at sinabi niya, “Hindi natin kailangan magmadali. Maghintay pa tayo ng kaunti. Kung walang dadating ng hating gabi, papatayin na natin siya.”“Sana nga wala talaga pumunta,” malagim na sagot ni Kennedy habang sinusuri niya ang paligid.Alam niya na kapag dumating ang mga Caden para kay James, ibig sabihin nito may kinalaman sila sa God-King Palace, at kumilos si James para sa kanila. Bukod pa dito, ibig sabihin nito kumikilos na ang mga Caden laban sa Ancient Four.Tahimik at m
Ang Four Great Protectors ng God-King Palace ay nakipagsabayan sa mga disipulo ng mga Johnston.Tumalsik ang Four Great Protectors sa lakas ng puwersa ng pakikipagtuos nila. Matapos makabalik sa sahig, agad sila na umatras ng ilang hakbang.Samantala, sina Wind, Rain, Thunder at Lightning ay nakatayo lang na tila hindi sila naapektuhan.Malinaw na mas mahina ang Four Great Protectors.Nagbago ang tingin ni Thea. “Dapat ko ba ito tanggapin bilang pagkalaban ng mga Johnston sa mga Caden? Kung ganoon, makakarating ito sa lolo ko.”Habang nakasimangot siya, tinignan siya ni Hades. “Nagbibiro ka ba, Ms. Maxine? Ilang libong taon na nabubuhay ng payapa ang Ancient Four kasama ang isa’t isa, at masusing sinusunod ng mga Johsnton ang mga turo noong unang panahaon. Masasabing ganoon din ang mga Caden, ngunit. Hindi ninyo lang ginawa ang God-King Palace, pero pinatay ninyo ang isang miyembro ng mga Johnston. Gusto ba ninyo talaga kami na kalabanin?”Nanahimik si Thea.Sinulyapan niya si James. N
Matapos pumasok sa library, naghalungkat siya sa mga istante. Ngunit, hindi niya mahanap ang bagay na kailangan niya.“Nasaan na ito?” bulong niya.Habang nakatayo sa gitna ng library, sinuri niya ang kanyang paligid. Pagkatapos, napansin niya ang isang straw mat.Lumapit siya dito at umupo. Habang diretso ang tingin niya, nag-focus siya.Tila may napagtanto siya, tumayo siya agad at lumapit sa istante sa harapan niya. Tumayo siya sa harap nito, at tumigin sa sahig.Tama nga siya, may mga bakas na ginalaw ang istante.Dahan-dahan niyang itinulak ang istante. Halos hindi marinig na click ang tumunog, at isang lihim na lagusan ang nagpakita.Napangiti ang lalake sa tuwa. Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. May itim na kahon sa likod ng pinto.Pagkatapos buksan ang kahon, nakakita siya ng ancient scroll sa loob.Isang painting ng bamboo grove ang nagpakita matapos buksan.“The Moonlit Bamboos on Cliffside’s Edge…”Natawa ang lalake. Ibinalik niya ang painting sa kahon, ibinalik
Sa courtyard ng mga Caden…Isang grupo ng mga tao ang nakapalibot sa walang malay na si James.Nagsalubong ang mga kilay ni Tobias at nagtanong siya, “Sino ang nagdala sa kanya dito?”Sumagot ang guwardiya, “Nakasuot sila ng maskara, kaya hindi namin nakita ang mga itsura nila. Matapos iwan si James sa harap ng gate, umalis sila ng wala ng sinasabi.”Sa mga oras na ito, nagsalita si Maxine habang gulat siya, “Lolo, nakatanggap ako ng balita na sinasabi ng mga Johnston na nagpunta ako doon sa headquarters nila kasama ang mga tao mula sa God-King Palace at kinuha si James.”Nainis si Tobias sa sitwasyon, “Mukhang may gusto na ibintang sa mga Caden ang sitwasyon.Nagtanong si Maxine, “Anong gagawin natin? Ililigtas ba natin si James?”Hindi alam ni Tobias ang gagawin niya, nahirapan siya magdesisyon. Pagkatapos, sumagot siya, “Kahit na hindi na siya Caden sapagkat nagtaksil ang lolo niya sa pamilya natin, hindi magbabago ang katotohanan na may dugong Caden na nananalaytay sa mga ugat niya
Nakarating ang tungkol sa mga nanaganap sa mga Johnston kay Mr. Gabriel.Sigurado si Mr. Gabriel na may kinalaman sa mga Caden ang God-King Palace at si Maxine ang sumundo kay James mula sa mga Johnston.Pareho si Mr. Gabriel at Mr. Lee ng mga plano. Balak din niya bumisita sa mga Caden para malaman kung anong iniisip ni Tobias Caden sa mga naganap.Sa mga Caden…Umalis ng kuwarto si Tobias matapos gamnitin ang True Energy niya upang gamutin si James.Hindi nagtagal, nagkaroon na ng malay si James.Sa oras na nagising siya, naramdaman niya sa buong katawan niya ang matinding sakit.Pakiramdam niya tinutusok ang puso niya ng libo-libong mga espada. Bumaluktot ang mukha ni James sa tindi ng sakit na tinitiis niya.Para maging malala pa ang sitwasyon niya, muling gumalaw ang Gu venom sa katawan niya at naging aktibo sila. Nararamdaman niya ang hindi mabilang na dami ng mga insekto na gumagapang sa katawan niya habang kinakain siya ng unti unti mula sa loob.“Argh…”Tila tumitibok ang buon
Napabuntong-hininga si Maxine at umiling-iling. Pagkatapos, lumapit siya kay James at yumuko. "Umalis ka…"Itinaas ni James ang braso niya at sinubukan itong habulin. Ang tanging ginawa niya ay pinalala pa ang kanyang mga sugat at nauwi sa pag-ubo ng mas maraming dugo.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Tobias sa silid na nakasuot ng suit."Grandpa…" Nagtaas ng kamay si Maxine bilang pagbati.Isang maliit na tango ang ginawa niTobias bilang pagsang-ayon. Umupo siya sa kalapit na upuan at nakita si James na nakapulupot sa sakit sa sahig.Inayos ni James ang kanyang sarili nang walang kaunting kahirapan at pasimpleng umupo sa lapag. Ito lang ang ginawa niya pero nakaubos ito ng lakas niya. Isang lasa tanso ang namamalagi sa kanyang bibig at ang kanyang mga putik na labi ay may bahid ng dugo.Nang makita niya si Tobias, dumilim ang mukha ni James. "Ikaw ba ang nagsunog ng bahay ko sampung taon na ang nakararaan?""Oo," hindi sinubukan ni Tobias na tanggihan ito."Papat
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan