Share

Kabanata 05

Ang Ama ni Arnel Alvarez ay isang Truck Driver ng Basura sa Redholt

At laging kasama nito si Arnel nung maliit pa ito at kasama din nito ang Ina ni Arnel

Para mangalakal ng ilang Basura,

Para bukod sa kinikita ng Asawa nito sa pag Drive ng Truck ng Basura, gusto rin nang asawa nito na Kumita sa pangkakalakal ng Basura

Ngunit umalis nalang si Arnel sa Redholt, dahil ang mga Magulang nito ay namatay dahil sa isang Trahedya

Si Arnel ang nag iisang Anak ng kaniyang Magulang, Kaya nang lumaki na ito at nagkaisip, umalis nalang ito ng Redholt para makapag Apply nang ibang Trabaho,

Dahil ayaw na nitong mabuhay sa Basura at para hindi na rin nito maalala ang sinapit ng kaniyang mga magulang,

Kaya sa hindi inaasahan, nakapasok ito bilang isang Utility sa Aspire Financial Bank

At nang makaraos ito, dinala nito ang kaniyang Pamilya sa Summerton, dahil sa sobrang Hirap ng buhay nila sa Redholt

“Magandang Hapon po, Sir. Lawrence” masayang bati ni Arnel kay Winston

Dahil si Winston ay, hindi pa rin makapaniwala na abot kamay na ang kaniyang Pangarap nuon

At ngayon ay naka sakay na ito sa pinaka mahal na sasakyan sa Buong Mundo

“Magandang Araw din pala sayo, Ako si Winston Lawrence”

Kaya nang marinig ito ni Arnel, dito siya nagulat,

“kayo pala Sir. Ang pinag uusapan kanina sa Loob ng Banko”

“ahh ganun ba, eh ano naman ang kanilang sinasabi tungkol sa akin”

Sagot ni Winston na gustong malaman ang mga pinag sasabi ng mga tao sa kaniya

Bagamat wala itong paki alam kahit na pag usapan pa siya or kahit na siraan pa siya nang ibang tao

Dahil sa sanay na ito sa mga panlalait ng mga tao sa buhay nila

“Kayo, daw po ang mayamang VIP na inasikaso ng Manager,

At usap usapan pa nga na 400 Million ang inimvest ninyo sa Banko”

Mahinahong sagot ni Arnel kay Winston

“Ahh ganun ba, naku, ang alam ko nasa 350 Million nalang ang na invest ko,

Dahil 30 Million sa Kotse, 20 Million naman sa Bahay, yung 3 Million ginawa kong Cash

At yung 3 Million, ibinigay ko sa Dalawang tao na tumulong sakin kani kanina lang”

Dahil naramdaman ni Winston na isang mabuting tao ang kasama nito,

Kaya dito, hindi nag dalawang isip si Winston na sabihin ang tutuo,

Kaya nang maramdaman din ni Arnel na Mabuting tao si Winston, dito na siya nag Kwento sa kaniyang Buhay

“Ako nga pala po si Arnel Alvarez, dati po ako naka tira sa Redholt, isa po akong anak nang Truck Driver ng Basura, ang aking Ama,

At lagi ako kasama ng aking Ama sa Truck para magtapon ng Basura sa Gritrand,

At ang aking Ina naman ay Nangangalakal ng Basura nung mga panahon na iyon,”

Kaya nang marinig ito ni Winston, mas lalo itong nag tiwala kay Arnel Alvarez

Dahil halos parihas sila nang dinanas ng buhay

Kaya naman pinag patuloy ni Arnel ang kaniyang Kwento, habang nag Dra-Drive ito patungo sa Blazer Home ang sikat na Village, kung saan dito naka bili ng bagong Bahay si Winston,

“Dahil ang Ama at Ina ko ay namatay nuon dahil sa pag guho ng Basura,

Nakita ni Ama na guguho na ang Basura, nang biglang bumaba si Ama ng Truck, para iligtas si Ina,

Ngunit, nang mapansin ni Ama na ibang kamay ang nahawakan nito, at nailigtas nito,

Si Ama ay bumalik sa lugar, kung saan naka tayo si Ina nuon, at kinalkal niya ang Basura

Kaya nang makita nung babae na nahawakan ni Ama nuon, na akala niya ay si Ina,

Nilapitan ito para umalis na sila sa lugar,

Ngunit hindi alam ni Ama, gumuho ulit ang basura at ang Babae nasa likod ni Ama ay wala na itong nagawa kundi tumakbo papalayo

Ngunit naipit ang paa nito at natusok ng isang bakal, at dito na nawalan ng Malay ang Babae, na hindi ko alam kung Buhay o Namatay din siya,

Ngunit nung muling may gumuho sa tapat ng Truck na sinasakyan ko, may isang lalake ang nag labas sakin sa Truck at nang maipit ang kaniyang jacket sa Pintuan,

hindi agad ito naka takbo, dahil nakita ko bali ang Paa nito nuon, kaya di agad siya nakatakas

Kaya malaking pasasalamat ko sa lalake na iyon, dahil binuwis nito ang buhay niya para sa akin,

Ang lahat nang ito ay nakita ko mismo nang mga mata ko, dahil nandun ako mismo sa lahat ng nangyaring Trahedya”

Kaya nang marinig ito ni Winston ang buhay ni Arnel, ay dito nito kinonfirm kung ang Babae na tinulungan ba nang Ama ni Arnel ay ang kaniyang Ina

Dito nag labas si Winston ng isang Picture

“Natatandaan mo ba siya!”

Kaya nang makita ito ni Arnel, ay dito na ito nag taka si Arnel

“bakit may Picture ka nang babae na tinulungan ni Ama nuon”

At dito nag salita si Winston

“Dahil ang Babaeng tinulungan ng Ama mo nuon ay ang Ina ko”

Kaya nang marinig naman ito ni Arnel, bigla nalang napatigil ang Persia Benz ni Winston sa Gitna nang Kalsada

Habang ito ay umiiyak, 

“Salamat buhay ang nanay mo, kasi ang Alam ko kasama din siya sa namatay,

dahil nawalan na agad ito nang malay habang naka tusok ang isang malaking Bakal sa Paa ng iyong Ina"

Sagot ni Arnel kay Winston na lumuluha ang mga mata nito,

Habang ang Kotse nito ay naka tigil sa Gitna ng High Way, maraming mga naka Kotse ang Bumubusina sa kanila, dahil sa naka sagabal ang kanilang sasakyan sa gitna ng kalsada,

Kaya nang nahimasmasan ito, dito na nag sorry si Arnel kay Winston

“so-Sorry Sir., hindi ko po sinasadya”

At dito ay dahan dahan pina andar muli ang sasakyan

“ayos lang, naiintindihan ko,

Alam ko ang pinag dadaanan mo, ang aking ina ay buhay pa hanggang ngayon, kaya lang isa na siyang Lumpo simula nuon,

At ang aking Ama naman nuon ay namatay naman, tulad ng iyong mga magulang,”

Kaya naman agad kumuha ulit si Winston nang isang larawan nang kaniyang Ama, para ipakita ang Larawan nang kaniyang Ama

“ito ang aking Ama”

Sa pagkakataong ito, itinabi na muna ni Arnel ang Sasakyan bago ito tumigil sa tabi

“ang lalakeng iyan, siya ang tumulong sa akin, tandang tanda ko pa siya nuon, lalo na ang Relo na suot niya,”

Kaya dito nagulat si Winston sa sinabi ni Arnel,

Agad naman nag pasalamat si Arnel kay Winston dahil sa kaniyang Ama ay nanatiling Buhay ito

At dito siya humingi nang tawad dahil sa kaniya, namatay ang Ama nito

At dito, sinabi ni Winston kay Arnel na…

"Parihas lang tayo nang naranasan, kaya wala kang dapat ihingi nang tawad,."

Kaya naman, sa hindi inaasahan, nag-tagpo ang landas ni Arnel Alvarez at Winston Lawrence sa iisang pang yayari,.

Kaya dito, tinawag nila ang isa't isa na Brother

At sabay nag salita si Winston kay Arnel

“Gusto mo bang maging Driver ko,” sabi ni Winston kay Arnel,

Dahil si Arnel ay may Lisensya na ito at bukod dito, mahusay din ito pagdating sa pag Drive ng Kotse

Kaya naman si Arnel, ay hindi na ito nag dalawang isip pa, agad sinabi nito kay Winston na….

“Sige po Sir. Lawrence”

Sagot nito kay Winston

“Wag mo na akong tawaging Sir Lawrence, dahil mas masaya pa ako pag Brother pa ang itatawag mo sa akin, at ganun din ang itatawag ko sayo”

Kaya dito napa isip si Arnel, “Pero, kayo ang magiging Amo ko, at ako ang Driver nyo po”

“Di mo na kailangan pang, alalahanin ang bagay na iyan,

Ang importante sa akin, ang taong pagkakatiwalaan ko ay ang mismong nakaka alam at nakaka intindi ng Sitwasyon ko”

Sagot ni Winston kay Arnel

Kaya dito pumayag nalang si Arnel sa gustong mang yari ni Winston Lawrence,.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status