Share

Chapter 5 - Lock in taping

Author: Amarra Luz
last update Last Updated: 2022-08-08 19:48:26

Nasa set sila ng teleseryeng pinag-bibidahan ng beteranang actor at actress kasama ng mga male at female lead nang teleserye.

Hindi ako ang bida kundi kontrabida ng mga bida sa teleserye.

"Kain muna tayo, Barbie." tawag ng staff sa akin napabaling ang tingin ko sa manager ko na palapit naman sa akin.

"Last take mo, kain ka na ah?" sabi niya sa akin at tumango na lang ako sa manager ko bumaling ang tingin ko sa director.

"Ready?" tanong ng director sa akin.

"Opo, direk!" sabay naming sabi ng bidang lalaki umiwas ako sa malagkit niyang tingin sa akin.

Nagsimula na kami sa eksena kahit nangangalay na ako sa pinapagawa ng director sa amin ng bidang lalaki ginawa ko pa rin ang inuutos ng director sa amin.

"Pack up!" sigaw naman ng director sa amin at tumigil na kami.

"Namumutla ka, ayos ka lang?" tanong ng manager ko sa akin.

"Oo, okay lang naman ako nagugutom lang ako." sagot ko na lang para hindi sila mag-alala sa akin.

Hinila niya ako bigla at pa-biglang inupo sa bakanteng upuan nagulat ako sa ginawa niya.

"Kalma, manager." sagot ko.

"Mapapagalitan ako nyan ng Mama mo sasabihin ginugutom kita," sabi na lang niya sa akin natawa naman ang kasama namin sa narinig.

"Awat nga, manager wala naman dito si Mama." sagot ko na lang at kinuha ang inabot ng staff na pagkain sa akin.

"Oo na, kailan ikakasal ang ate mong isa?" tanong ng director sa akin napabaling ang tingin ko sa kanya nang dahil sa narinig.

"Hindi ko alam kung gusto pa nun mag-asawa, direk." sagot ko na lang dahil totoo naman parang walang planong mag-asawa si ate maliban sa parehas kami ng may gustong lalaki.

"Ah, wala sa Pilipinas ang bagong kasal, hindi ba?" tanong pa rin ng director sa akin tumango ako kaagad madaldal talaga ito sa mga kasamahan sa trabaho.

"Opo, direk wala nga sila dito." sagot ko na lang.

Nakatanggap ako ng text mula sa unknown number inalis ko kaagad sa inbox ko nang mag-text ulit at nagpakilala na siya.

Paano niya nalaman ang cellphone number ko?

Nag-text ako sa ate ko at sinabi ko ang text message ng taong hindi ko iniisip na siyang unang magpaparamdam sa akin at sumagot kaagad ito sa akin na hiningi ni kuya Liam ang cellphone number ko.

Na-inggit pa si ate sa akin kahit parehas na na-kokontak nila ang isa't-isa kasi...

Ngayon lang siya nag-text sa akin at alam mo ba ang sinabi?

He likes you not me...

Ang haba ng hair mo, sis! Inggit na inggit ako sa'yo.

Binigay mo naman?

Syempre! Mas boto ako sa'yo kaysa sa mga na-link sa kanya.

Kapag nalaman ni Mama at Papa na inaasar mo ako kay kuya Liam, mapapagalitan tayong dalawa!

Ako ang bahala, basta career muna ang atupagin mo at study!

Oo na, anong sasabihin ko sa reply?

Napasimangot na lang ako nang hindi na nag-reply si ate nang tumingala ako nakatingin sa akin ang mga kasama ko.

"Uy," narinig kong tawag ng manager ko sa akin at hindi ko na lang siya pinansin.

Xu...

Ano!

Xu...

Ano nga?

Kahit ka-text ko sa siya sumusubo ako ng pagkain ko.

I like you...

....

I like you so much tinamaan ako ni kupido sa'yo...

Ang OA mo...

"Barbie, kumain ka na dyan hindi mo na nauubos ang kinakain mo." tawag pansin ng manager ko sa akin napatingin tuloy ako.

Binitawan ko naman ang cellphone ko at kumain na ako.

"Sino ba 'yang ka-text mo kanina?" pagtatanong ng manager ko sa akin nakipag-usap na sa ibang kasamahan namin ang director.

"Si ate," sagot ko na lang nang balingan ko ng tingin ang manager ko hindi naman pwedeng malaman na si kuya Liam ang ka-text ko.

"Ah," may pagdududang sagot niya sa akin hindi madaling mapaniwala ang manager ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na ako nang tumunog ang cellphone ko kaagad kong kinuha at binasa ang message.

Dito na ako sa tent, kain na tayo, busy ka siguro na.

Ewan ko sa'yo.

"Barbie, ubusin mo na ang kinakain mo." tawag ng personal assistant ko at binitawan ko ang cellphone ko nang sinamaan na ako ng manager ko.

"Busog na ako mamaya na lang ulit ako kakain," sagot ko at nag-reply ako kay kuya Liam.

Ano ang ginagawa mo?

Nasa set ako ngayon istorbo ka.

Nabaling ang tingin ko sa tumwag sa akin nakita ko na may tingin na may pagdududa sa manager ko.

"May take na." sabi ng manager ko at uminom na lang ako nang tubig at tumayo na ako sa inuupuan ko.

Medyo hindi ko naubos ang kinain ko at pinindot ko ang silent mode ng cellphone ko bago binigay sa manager ko ang cellphone.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil sa itsura ng mukha ko.

"Ibigay mo na lang sa mga galang hayop ang natira kong pagkain," sagot ko at nagpaalam na akong babalik sa set.

"Sino ba ang ka-text niya?" narinig kong tanong ng personal assistant ko sa manager ko lumingin ako at sinamaan ko sila ng tingin.

"Baka manliligaw? O ang ate niya nabanggit niya kanina na ang ate niya ang kausap niya eh." narinig kong sabi ng manager ko sa kausap niya.

Nagpunta ako sa tent at nagpalit ako ng damit tinulungan ako ng stylist at kasama ko ang isa sa actress.

"May napansin ako sa'yo, Barbie." bungad ng actress na ito sa tabi ko nabaling naman ako sa kanya.

"Ano ang napansin mo sa akin?" pagtatanong ko na lang hindi ako katulad ng iba na sikat pero isnabera sa kapwa kong celebrity.

Pantay ang trato ko sa kapwa nagmula rin ako sa mababa bago umangat sa industriyang ito.

"Blooming ka," sagot na lang niya at natawa ako hindi naman kasi 'yon totoo—sana nga totoo.

"Walang blooming sa taong career muna ang iniisip at pag-aaral, girl kung sa pag-ibig naman ay, naku wala pa sa bukabularyo ko 'yan meron crush nasa ibang bansa lang." natatawa kong sagot sa katabi ko na lumingon pa sa akin.

"Ganyan dapat, saka, hija ang bata nyo pa oh..." sabat naman sa amin ng stylist na nag-aayos ng damit.

Parehas kami na hindi naka-imik at tinulungan namin ang isa't-isa sa pagbibihis. Nang tawagin na kaming dalawa nang director nauna siyang lumabas at sumunod na lang ako sa kanya. Pinapunta ako ng director sa pwesto namin at nag-tawanan pa ang lahat ng magbiro ang director hindi kami lahat malapit sa bawat isa ng mga cast.

Umakting na kaming lahat naging maganda naman ang kinalabasan ng eksena namin may ilang sa amin nagkakamali at kasama na ako dun pero, pinag-tatawanan na lang namin.

"Bukas ulit, ang taping natin, guys!" sabi ng director namin nagpaalam na ako sa kanila nang tawagin ako ng manager ko.

"Bakit, manager?" tanong ko na lang bigla sa kanya pagkalapit ko at binigay ang cellphone ko.

Bumungad sa akin si Papa at Mama nasa video call kinawayan ko sila.

"Tapos na ang taping mo?" pagtatanong ni Papa sa akin at pinakita ko sa kanila ang nasa likod ko.

"Nakikita nyo, Pa?" tanong ko na lang at tumango sila kaagad.

"Sa hotel ka na tutuloy nyan?" tanong ni Papa sa akin kaagad akong sumagot.

"Shi de, Papa." sagot ko na lang sa magulang ko.

(Yes)

"Sana sa birthday mo, makauwi sa bahay, 'nak," sabi ni Mama sa akin at pinindot ko ang botton ni-loudspeaker ko.

"Malapit na, Ma saka uuwi ako kaagad dyan sa bahay natin pagkatapos ng taping," sabi ko sa Mama ko at nagpaalam na ako sa mga kasama namin sa set.

"Ingat ka," banggit ni Papa nabaling ang tingin ko sa manager ko nang tumili siya.

"May natapakan ka bang tae?" tanong ng personal assistant ko sa kanya binatukan tuloy siya sa ulo.

"Ew...no! Barbie, malapit na pala ang birthday mo, mag-sweet 16 ka na pala." sabi ng manager ko nilampasan ko na lang para sumakay sa van namin.

Umupo ako sa likod ng van para humiga sa customized na kama.

"Nakalimutan ko, kaya ba parang tulala at kausap mo ang ate mo?" pag-bungad nila sa akin umupo sila sa harapan bumangon naman ako ng maayos sa hinihigaan ko.

"Hindi dahil dun, bumili na lang tayo ng pagkain kumulo ulit dyan ko eh." sagot ko na lang sa kanila at inutusan nang manager ko ang driver namin na pumunta sa malapit na mall.

"Suot na lang ako ng mask," sabi ko nang pipigilan nila akong sumama sa loob ng SM.

Lumakad na kami papunta sa entrance at pinakita nila ang dalang bag sa security guard bago ako lumampas dahil wala naman akong dala. Pumunta kami sa Gerry's Grill restaurant may nakakilala sa akin at may nagpa-picture hinayaan ko na lang pero inaawat sila ng manager ko.

"Ang ganda mo naman," sabi ng lalaki na nagpa-picture sa akin.

Pati ang mga staff nagpa-picture-taking at umorder na kami nang kakainin kahit may nakakilala sa akin sinasabi ko na lang hawig ko ang sarili ko.

Iilan lang pinayagan kong magpa-picture dahil gutom na gutom na ako nang matapos kami kumain sila na ang nagbayad at nagsuot na kaagad ako ng mask at tumayo para lumabas ng restaurant.

Inabangan ko na lang sila sa labas at nang matanaw ko na palabas na sila umayos na ako ng tayo. Lumakad na papunta sa bakeshop para bumili ng cake inaya nila ako sa loob pero tumanggi na ako nagpaalam na lang ako na maghihintay sa labas. Nang matapos sila bumili ng cake naglakad na kami palabas ng mall naririnig pa namin na may chismis na nakita daw ako ng mga kumakain sa restaurant pero, hindi sila makapaniwala. Kaya nagmadali na kami lumabas ng mall at pumunta sa parking lot kaagad na sumakay para makabalik sa hotel na tinutuluyan namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 105

    Nagpunta kami sa kakilala ng pamilya nang asawa ko na exclusive restaurant. Binati pa kami nang makita ako at ang mga bata tumawag na ako sa manager ng restaurant nung nasa loob na nang van."Doon kayo sa VIP room, Yuan siya na ba 'yan? Parang pumayat at hindi makikilala kung hindi titigan." sabi ng manager na lumapit sa amin binati niya sina Rea at ang asawa nitong foreigner.Kasabay namin sa paglalakad ang dalawang anak ni Rea na hindi man lang nila kina-kausap ang kanilang ina."Kausapin mo kaya ang mommy mo," puna ng manager na kasama namin."Mahihiya ako, ayi para akong na-stranger sa kanya." sabi ni Molly tinignan naman nito ang kapatid na katabi kausap ang anak ko.(Auntie)Hindi naman kaagad sumagot ang manager sa sagot ni Molly at dinala niya kami sa VIP room at pumasok kaming lahat sa loob. Ngumiti na lang si Rea sa mga anak niya na hindi tinugunan ng dalawa tinawag ko naman ang anak ko nakatingin lang."Dito ka sa tabi ko, anak." tawag ko naman sa anak ko.Lumapit naman ang

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 104

    Huling trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon dahil malapit na kaming umalis ng bansa para manirahan sa America. Doon namin balak mag-pahinga ng asawa ko kasama ng mga anak namin pero, depende ngayon sa panganay ko dahil may sarili na itong buhay at girlfriend."Hindi rumor na aalis kayo ng bansa ng pamilya mo?" tanong nila sa akin nasa set ako ng huling teleserye na gagawin ko."Hindi, wala pang final date ang pag-alis namin ng bansa dahil may kailangan pa naming tapusin ang lahat na maiiwan namin dito." nasabi ko na lang sa kanila inaayusan ang ng stylist at make-up artist sa standby area."Mayaman na kayo kaya hindi nyo na kailangan ng dagdag income, joke lang, pre lahat naman tayo hindi umaasa sa pamilya natin kahit may kaya tayo sa buhay dapat may sariling income pa rin tayo." sabi nila sa akin sumang-ayon ang ibang kasama namin sa loob ng standby area.Nang matapos kami ayusan nag-simula na kami sa scenes nang tawagin kami ng director at natutuwa ako sa mga baguhan na kahit naiila

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 103

    Year 2033Makalipas ng dalawang taon at isang buwan, maraming nag-iba sa pamumuhay namin mula nang manirahan ang dalawang anak ni Rea sa aming bahay. Hindi iba ang turing ko sa kanila naging mas close sila sa akin kumpara sa asawa ko at sa dalawang anak ko inamin sa akin ni Molly na may pag-tingin siya sa panganay ko pero, sabi ko sa kanya pag-hanga lang ang nararamdaman niya dahil, nakikita niya sa anak ko ang ideal type niya sa isang lalaki at crush ito ng ka-edad nila sa panahong ngayon.Ayokong magsalita ng tapos dahil hindi natin masabi ang panahon.Hindi namin papalitan ang apelyidong nakalagay sa birth certificate nilang magkapatid maliban kay Soren iibahin ang naka-lagay dahil gusto ng ama nila na ilagay sa kanya ang apelyido nito. Pumayag kaming dalawa ng asawa ko kahit doon man lang may resposibilidad siya bilang ama sa dalawang anak niya. Tuluyan na akong huminto sa pag-aartista ang priority ko ngayon ang pamilya ko at negosyo namin wala na akong balita sa kanilang ina mula

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 102

    Nagising na lang ako sa lugar na puti ang buong paligid namatay na ba ako?Malaya na ako sa lahat ng problemang pinag-dadaanan ko sa buhay pero, hindi ko naman kasama ang mga anak ko."Kawawa naman ang actress na 'yon nabaliw na daw," narinig kong boses ng mga taong hindi ko maaninag dahil malabo pa sa paningin ko."Oo nga, sabi-sabi kaya nga dinala na siya dito sa mental dahil wala naman gustong mag-alaga sa kanya inayawan na siya ng magulang niya." sabi ng mga naririnig kong boses mula sa malayo pinunasan ko pa ang mga mata ko.Tumayo ako kahit nanghihina ako at muntik pa ako matumba mabuti kumapit ako sa upuang kahoy nakita ko. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila ng hindi nila napapansin huminga na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa rehas?Nakakulong na ba ako sa kasalanang nagawa ko kay Liam?"Ang magulang niya ang nagdala sa kanya dito para ipagamot siya hindi para pag-usapan nyo lang," narinig ko naman banggit ng isang boses."Isang linggo nang tulog ang actress patay n

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 101

    Nang dumating kami sa mansyon namin nandoon si ate Li Jing at ang pamilya niya nagulat ako sa naabutan dahil walang binabanggit si ate na uuwi sila ng pamilya niya sa Pilipinas. Lumapit kaagad ang anak ko sa kanila malapit ito sa bayaw ko at sa ate ko pati sa pinsan niya. Kasunod namin ang yaya ng mga anak ko na may dalang groceries bags."Nag-groceries kayo, bakit pa kayo pumunta dito?" pagtataka naman ni Mama hinalikan niya sa noo ang apo niya nang lumapit ito sa kanya."Dadalaw lang sana kami dito bago umuwi, ate umuwi pala kayo hindi ka man lang nagsabi?!" bati ko naman sa ate ko pati sa bayaw ko na ngumiti sa amin ng anak ko.Yumapos na lang ako sa ate ko nang tumabi ako ng pagkaka-upo umusog lang si bayaw magkaroon ako ng space."May charity organization na gaganapin dito mula sa hospital ni mister kaya bumalik kami ng Pilipinas, sis wala naman kasama ang pamangkin mo sa house kaya sinama namin kahit may klase nagpaalam naman ako sa adviser niya na kung pwede isama noong una hin

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 100

    Nang maka-lampas kami sa mga media napansin ko na sumandal ang asawa ko sa may balikat ko."Okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya tumingin pa siya bago ngumiti."Yup, inaantok lang ako gabi na kasi.." humikab niyang sagot sa akin at hinalikan ko ang noo niya pagkatapos.Umayos siya nang pwesto at pagkaka-sandal sa balikat ko. Salamat, honey, at nandyan ka palagi sa tabi ko kahit alam kong hindi mo ito deserve na mapag-daanan ito sa buhay mo.Mahal na mahal kita, honey hinding-hindi kita kakalimutan at iiwanan. Tinignan ko na lang ang asawa ko na natutulog na sa balikat ko. Nabaling naman ang tingin ko sa cellphone na tumutunog ngayon sinagot ko nang makita ko na si Molly ang tumatawag sa akin.Kumukunot ang noo ko sa naririnig mula kay Molly tumawag sa kanya ang grandparents niya tungkol sa kanilang ina nandoon ito sa mansyon. Huwag muna daw sila babalik sa condo dahil wala sila makakasama doon.Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko mula kay Molly may hindi magandang nangyaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status