Share

Chapter 6 - Lock in taping (part II)

Bumangon ako sa kama ko at uminat ng katawan. Humikab pa ako bago umalis sa tumayo at lumabas ng kwarto pajama at boxer short lang ang suot ko hindi ako nagsusuot ng sando o shirt kapag mag-isa lang ako sa condo ko at sa bahay namin.

"Mama!" tawag ko bigla nang bumungad sa akin si Mama nasa kusina at may ginagawa.

Lumingon ito sa akin at tinignan ako ng masama.

"Huwag kang masanay ng ganyan ka baka kapag nag-asawa mailang sa'yo," paninita ni Mama sa akin sumandal lang ako sa lababo.

"Wala pa naman akong asawa, Ma ang bata ko pa saka kung mag-aasawa ako sasabihin ko kaagad sa inyo," sabi ko.

"Wala ka nga girlfriend," sagot ni Mama sa akin inabutan niya ako ng tinimpla niyang kape para sa aming dalawa.

"Hindi pa siya dumadating, Ma oo nga pala, bakit nandito ka?" tanong ko na lang dahil kasama ko ngayon si Mama.

"Wala naman akong kasama sa bahay at ang Papa mo umuwi sa babae niya kung hindi ko lang mahal ang Papa mo iniwan ko na 'yan." nasabi ni Mama sa akin natahimik naman ako.

"Iwanan mo na, Ma malalaki na kami ngayon ni Zhang may asawa na at may apo ka na," banggit ko sa Mama ko.

Tinabihan ko siya nang upo sa veranda ng condo ko pagkatapos namin lumabas sa kusina. Lumingon muna siya sa akin at umiling bigla bumuntong-hininga na lang ako.

"Pagdating talaga sa pag-ibig bulag ka, Ma ayokong matulad sa'yo kapag nahanap ko ang babaeng naka-tadhana sa akin," sabi ko bigla sa Mama ko lumingon siya at binatukan ako.

"Huwag kang magsalita ng tapos dahil kapag nagmahal ka malalaman mo ang sagot kaya ako ganito sa Papa mo," paninita ni Mama sa akin hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.

Nag-text ako sa manager ko na hindi ako pupunta sa taping namin ngayon dahil nasa condo ko si Mama.

Pumayag naman ang manager ko dahil gusto rin na magpahinga ako ng isang araw sa trabaho.

"Wala kang trabaho, 'nak?" pagtatanong ni Mama nang tumingin ako sa kanya at pinakita ko ang text ng manager ko.

"Bukas ang taping ko, Ma mas gusto kong mag-pahinga ngayon, saan mo gusto mamasyal?" tanong ko.

"Pagkaka-guluhan lang tayo ng mga fans mo kapag nakita ka nila." sabi ng Mama ko sa akin may naisip akong paraan para makapa-gala kami ng normal.

"Sa ibang lugar tayo magpunta," suggestion ko naman sa Mama ko at kinontak ko ang manager ko kaagad.

"Hindi madaling makakuha ng flight," sabi ni Mama sa akin hindi nga madali pero may uutusan naman ako.

Calling...

Manager: Oh?

Liam: Gusto namin ni Mama na mamasyal ngayon.

Manager: Pwede naman ah? Gumala kayong dalawa.

Liam: Sa Palawan o Taiwan ko balak dalhin si Mama ngayon nang hindi kami pagkaka-guluhan ng mga fans ko gusto ko naman mamasyal ng pribado na walang sasagabal na fans.

Manager: ...

Liam: Ger?

Manager: Wait! Paano ang taping mo bukas?

Liam: Pa-cancel muna, manager may next time pa naman hindi sa nagpapa-importante ako sa cast.

Manager: Sasabihan ko si direk kung papayagan ka alam mo naman 'yon strict sa mga artista.

"Sa'yo muna ako titira, 'nak ilang araw din hindi uuwi ang Papa mo sa mansyon," sabat ni Mama sa aming pag-uusap.

"Ilang araw ba mawawala daw si Papa? Nasa honeymoon place pa ang mag-asawa hindi ba iniwan nila ang kanilang anak sa mga balae mo?" mahinang sabi ko sa Mama ko nang lingunin ko siya.

"2 weeks, anak kaya nandito ako wala akong kasama sa mansyon matatagalan sila sila Zhang sa Europe para sa honeymoon nila," sagot naman ni Mama sa akin.

"Sama ka sa akin sa taping, Ma katulad noong teenager ako para hindi ka mainip." sabi ko sa kanya nagulat ako nang pisilin niya ang mukha ko at sinampal niya ako.

"Ma!" saway ko bigla at kinausap ko ang manager ko.

Liam: Tawagan mo ako kapag pumayag ang director sa'yo at sabihan mo kaagad ako.

Manager: Sige, anong nangyari narinig akong umaray?

Liam: Wala, sige.

Manager: Okay.

Liam: Bye!

Nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone ko. Nakita ko naman ang ginagawa ni Mama sa sarili niya kaya inawat ko.

"Nanaginip ba ako?" nasabi ni Mama at napalingon ako ng sinampal niya ang sarili niya.

"Naman, Ma hindi ka nanaginip," sagot ko at inawat siyang sampalin ang sarili.

"Dahil ayaw mo nang sasamahan kita sa trabaho mo," sabi ni Mama sa akin at tumayo sa inuupuan niya.

"OA ka kasi noong huli na, Ma ako na ang naiilang sa ginagawa mo." sabi ko na lang sa kanya.

"Kaya.." nasabi na lang ni Mama sa akin.

Tinawagan ako ng manager ko at sinabing hindi pumayag ang director tapusin ko muna daw ang trabaho ko bago kami mamasyal ni Mama. Nasa sala na si Mama at naiwan ako sa veranda para kausapin ang manager ko na tumawag.

"Ma, hindi ako pinayagan next week pa daw ako papayagan dahil patapos na ang taping nun," sabi ko kaagad nang puntahan ko ito sa sala.

"Sasamahan na lang kita, anak sa taping mo," sagot ni Mama nang tumingin sa akin malambing akong anak sa pamilya ko pero pagdating sa trabaho natigas ako.

Normal naman ang naging routine namin ni Mama sa loob ng condo katulad lang noong bata at teenager na ako at nakatira pa ako sa bahay namin. Kapag may okasyon sa pamilya namin sa bahay ako natutulog pero kapag trabaho na ang inaatupag ko nandito ako sa condo ko medyo malapit ito sa network kung saan ako nag-trabaho.

"May natitipuhan ka bang babae? Sa mga naging ka-loveteam mo at oo nga pala 'yong ex mo." banggit ni Mama umiling na lang ako sa kanya at tumabi ako ng upo sa sofa.

"Ma, wala sa isip ko ngayon ang pakikipag-relasyon at hindi ako ang lalaking parang nagpapalit lang ng damit sa isang relasyon," sagot ko naman sa kanya natahimik kaming dalawa.

Ayokong matulad sa Papa ko kapag nakipag-relasyon ako sa isang babae 'yon lang at walang iba. Nagkaroon na ako ng karelasyon tumagal din ng limang taon ang dahilan kaya nag-hiwalay kami dahil sa career namin walang oras at walang third party hindi kami nawalan ng oras nawala ang pagmamahal namin sa isa't-isa.

Kinabukasan, maaga kami nagising ni Mama para maghanda sa pagpasok sa trabaho ko hindi alam ng manager ko na kasama namin si Mama.

Napalingon si Mama ng tumunog ang doorbell at bumukas ang pintuan.

"Li-tita!" tawag ng manager ko sa Mama ko at b****o kaagad.

"Aalis na tayo, anak?" tanong ni Mama sa akin at ngumiti sa manager ko na nagtataka ang itsura.

"Sasama si Mama sa atin," sagot ko na lang at binuhat ko ang bagpack ko lumapit sa akin ang personal assistant ko na bumati sa Mama ko.

"Hi, tita!" bati naman ng personal assistant ko.

"Hija! Hoy, Liam huwag mo naman pagurin ang personal assistant mo nangangayat na." pansin ni Mama at kaagad kong tinuro ang manager ko na umiwas naman ng tingin.

"Nag-tuturuan pa kayo?" sabi ni Mama sa aming dalawa kung hindi lang pala-sunod sa tradisyon ng pagpapakasal ang Mama ko matagal ng kasal sila Zhang at nang asawa niya.

Pinilig ko ang ulo ko nang sumagi sa isip ko si Xu ang hipag ng kapatid ko nahiya ako sa kanya ng umamin ako thru text.

"Halika na, Liam." tawag ng Mama ko sa akin napatingin ako sa kanila at sumunod na ako.

Lumabas na kami ng condo ko marami kaming nakaka-sabay sa hallway at elevator nagpapa-picture ako sa mga piling tao lang. Nang makalabas kami ng condominium pumunta na kami sa sasakyan. Pina-una kong pina-sakay si Mama bago ako sumunod at umupo ang manager ko pati ang personal assistant ko sa likuran.

"May lumilingkis ba sa anak ko?" tanong ni Mama nang marinig ko tumagilid siya nang upo.

"Lingkis talaga, tita?" narinig kong sabi ng manager ko sa Mama ko.

"Oo, parang ahas ganun," sabi ni Mama sa manager ko natawa naman sila ako nanahimik lang at nakikinig.

"Paano may lilingkis dyan, tita masyadong isnabero saka mukhang may natitipuhang babae hindi lang sinasabi kung sino." narinig kong sabi ng manager ko kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

Nahalata nila siguro ang ginagawa ko.

"Oo nga pala, anak iniimbita tayo ni balae sa bahay nila dahil birthday ng bunsong anak nila," sabi ni Mama sa akin napalingon tuloy ako.

"Nino sa mga anak niya?" pagtatanong ko kahit alam ko na kung sino.

Magpapaalam ako sa magulang niya na liligawan ko siya pero handa akong maghintay hanggang sagutin niya ako.

"Si Barbie Cheng, alam mo kung pangalawa lang 'yan at ka-edad mo gusto ko siya para sa'yo hindi dahil anak ni balae kundi mabait kapag nakakausap ko siya sa bahay nila isip ko nga saan niya nakuha ang apelyidong Cheng," bulalas ni Mama sa amin at nagkibit-balikat ba lang ako sa sinabi niya.

"Talaga, tita? Maganda nga siya eh hindi siya mukhang teenager." narinig kong sagot ng manager ko sa Mama ko.

Napangiti ako ng lihim at sumandal na lang ako sa upuan nang makarating kami sa lokasyon hininto ng driver ang sasakyan. Binuksan ko ang pintuan at bumaba ako bago sumunod si Mama sa akin. Sumunod na rin ang manager at ang personal assistant ko napansin ko na lumingon sa amin ang mga tao sa set.

"Hi, direk!" bati naman ng manager ko sa director at tumingin sa Mama ko.

"Hi, Mrs. Yang." salubong ng director sa Mama ko at tumingin pa ito sa akin.

Tumango na lang ako at binati ko ang mga cast hindi ko pinansin ang alaga ng manager ko na ngumiti sa akin.

"Manong!" tawag ni Mama muntik na ako tumawa ng malakas sa tawag ni Mama magkakilala silang dalawa kaya ganyan.

"Mrs. Yang," tawag ng director at nagpaalam na ako sa kanila para maghanda sa eksena ko.

"Hinahanap ka ni Duallo, Liam kanina pa 'yan." mahinang sabi ng make-up artist at stylist ko nang umupo ako sa upuan.

"Hayaan mo siya," sagot ko na lang lumingon ako nang marinig ko ang boses ni Mama nakita kong tinignan nito ang babae at pinakilala ito ng manager ko.

Nakita kong umiling lang ang Mama ko bago siya lumapit sa akin.

"Obsessed sa'yo, anak hindi ako bulag pagdating sa katulad niya," sabi ni Mama nagsumbong naman ang dalawang kasama ko.

Hindi na lang ako nagsalita nakita ko na pinapalayo ito nang manager ko at nakita ko pang umirap pa siya. Tinawag na ako nang staff at tumayo na ako para pumunta sa pwesto ko. Sumenyas ang director sa mga ka-eksena ko at nagsimula na kaming umarte.

"Cut!" sigaw ng director sa amin at pinag-pahinga niya kaming lahat.

Bumalik ako sa tent kung saan naghihintay si Mama at nagulat pa sa pag-sulpot ko sa harap niya.

"Para akong nanonood sa TV, ang galing mo!" naka-ngiting sabi ni Mama sa akin at pumasok na kami sa loob ng tent.

Kumain na kaming lahat nang tanghalian nag-pahinga nang isang oras bago ako tinawag at nang ibang cast.

"Dito lang ako," sabi ni Mama at kinawayan na lang ako at binati siya ng ibang artista na tinanguan niya nang lumingon ako.

Nagsimula na kaming umarte hanggang sa matapos bumalik ako sa tent at kumuha ng pampalit ng damit may scenes nasa dagat kaming lahat at nabasa kami.

"Ito ang damit," bungad ni Mama sa akin at inabot ang damit hindi namin pinansin ang chismisan na naririnig namin.

Pina-harang niya ang twalya sa personal assistant ko at sa manager ko aangal sana nang taasan siya ng kilay ni Mama kaya sumunod na lang siya. Natawa na lang ako sa pag-simangot niya at inirapan ako ngumisi ako at nagbihis na ako pagkatapos inayos na namin ang gamit at lumabas sa tent sumama na rin sa amin ang stylist.

"Liam," tawag ng isa pang alaga ng manager ko maiiwan ito dahil sa kanya.

Lumingon ako sa kanya hindi kami close kaya hindi ko siya kailangan kausapin. Nakita ko na may gusto siyang sabihin nang hindi niya lang masabi.

"Liam, let's go," tawag ni Mama sa akin kaya sumunod na ako at narinig ko pa kinausap ito ng manager namin.

Sumakay na kami sa sasakyan at pupunta naman kami sa next schedule ko.

Maaga kaming natapos sa taping kaya nakauwi kami kaagad ni Mama sa condo lumupasay na lang ako sa sala.

"Ano kaya ang ireregalo ko kay Barbie?" natanong ni Mama at sinagot ko kaagad siya.

"Wala akong alam dyan, Ma," sabi ko.

Uminat ako ng kamay bago tumayo para pumasok sa kwarto at magpahinga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status