Share

Chapter 4

Author: Xyrielle
last update Last Updated: 2022-07-14 22:43:23

Napapangiti na lang ako habang naalala ang encounter namin ni Xu sa hotel napahawak tuloy ako sa pisngi ko.

"Kapag may ibang tao, kuya ang itawag mo sa akin pero kapag tayong dalawa lang...pangalan lang nakaka-ilang na parehas ang nararamdaman natin pero bawal dahil ang bata mo pa maghihintay ako sa tamang panahon na pwede na kitang angkinin," sagot ko nang lumayo ako sa kanya at nakatulala lang tingin niya sa akin.

Masaya ako na parehas kami nang nararamdaman ni Xu. Ayoko lang siya madaliin dahil bata pa siya para pumasok sa relasyon.

Nahiya naman siya at yumuko sa harap ko nakikita ko ang pamumula nang mukha niya, hinila ko na lang siya para idantay sa dibdib ko.

"Huwag kang mag-aalala, Xu," sabi ko na lang sa kanya.

"Balik na tayo, kuya..." sabi niya sa akin at humarap na siya maganda ang mukha niya dito ako nahulog kahit bata pa siya.

"Uy, tulala ka na dyan, anong nangyari sa'yo?" tanong ng manager ko sa akin nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Wala ka na dun," sagot ko sa manager ko.

"Para kang na-enkanto sa ginagawa mo." sagot ng manager ko sa akin binato niya ako ng bond paper.

"Masaya lang ako," sagot ko.

Tinaasan na lang niya ako ng tingin at napapailing na lang ako. Sumandal ako sa upuan ko papunta na kami ngayon sa location ng taping ko.

"Makakasama mo sa taping ang bagong alaga ko, Liam." sabi ng manager ko dahilan para lumingon ako sa kanya.

"Wala pa siya sa level ko," sabi ko na lang hindi ako makapaniwala sa narinig.

"May connection kasi ang bruha hindi naman ako makatanggi dahil may utang na loob ako sa company." sagot na lang ng manager ko sa akin nang balingan niya ako.

Parang ako pero, hindi ganito dahil gusto ko maranasan ang maging baguhan ibig sabihin gusto na kaagad nito umangat kahit baguhan at wala pa siyang karanasan.

Nag-text ako sa kapatid ko at kinamusta ang buhay honeymoon.

"Dumalo ka lang sa kasal ng kapatid mo naging ganyan ka na," puna ng manager ko sa akin.

"Baka nakakita ng magandang dilag," biro ng personal assistant ko at kinilig bigla binatukan siya nang manager ko.

"Sigurado at one night stand napunta at nap—" putol sa manager ko nang sumabat ako.

"Walang ganun, masaya ako para sa kapatid ko alam mo 'yan, manager nandun ka." sabat ko na lang sa kanilang dalawa.

Natahimik naman sila kaagad dahil totoo naman ang sinabi ko nandun ang manager ko imbitado. Nang makarating kami sa location pinarada ng driver ang sasakyan sa gilid wala kasing parking lot ang location namin bukid ang buong lugar.

"Hi!" bati ng manager ko sa mga staff at director na nandun.

"Para akong sasabog sa inis," bungad ng director sa amin nakita nga naming naka-simangot na siya.

"Bakit, director?" tanong ng manager ko naglakad na ako sa tent na may pangalan ko hindi na sila pinansin.

Umupo ako sa upuang plastic at nag-kuwatro ng upo bago ako gumamit ng social media.

"Hi, Liam!" bungad ng isang babae sa akin kumunot naman ang noo ko hindi siya veteran actress na kasama ko sa taping kilala ko ang buong cast.

"Sino ka?" taas kilay kong pagtatanong sa kanya.

Ako si Rea Duello, hi!" pagbati nito sa akin—ang bagong alaga ni manager pala.

Hindi ko na lang ito pinansin pero napansin ko naman na lumapit siya sa akin.

"Ikaw ang kasama ko kay manager," pahayag nito hindi pa rin ako lumilingon sa harap niya.

Nabaling ang tingin ko sa tumawag sa pangalan ko at tumango ako sa babaeng kaharap ko.

"Liam!" narinig kong boses ng manager ko binati ito ng babaeng nasa harap ko na nagpaalam kaagad.

Tumingin ako sa kanya at sa manager ko napapailing ako.

"Ilang take ang ginawa ng director kay Rea, kaya pala mainit ang ulo." kwento ng manager ko sa akin sinundan ko nang tingin ang lumabas na babae.

"Bakit kasi inangat kaagad hindi pala marunong umarte ng maayos? Kapag ganyan siya lilipat ako ng management ayoko siya makasama sa iisang aranetwork, manager." sabi ko kaagad sa kanya binalingan ko siya ng tingin nakita ko ang pag-simangot ng mukha niya.

"Wala eh, saka hindi ako pabor na i-angat kaagad siya unfair sa ibang baguhan na pinaparanas ang lahat bago umangat, ano." sagot ng manager ko sa akin.

Hindi naman ako nagsalita sa sinabi niya at inayusan ako nang personal assistant ako lang ang gumagawa ng pag-sisintas ng sapatos ko pati nang buhok ko.

May sumilip sa may siwang ng tent at tinawag na ako para sa eksena ko lumakad na ako palabas ng tent. Binati ako ng mga kasamahan ko at nang mga veteran actors at actress ganub ang ginawa ko nilapitan ko kaagad ang kapareha ko sa teleserye.

Nagsimula na kaming umarte kaming mga bida ang may mga eksena nag-rent pa sila ng mga sasakyan para sa eksena na aalis ang bida sa location iikot lang naman kami.

"Cut!" sigaw ng director sa amin huminto naman kaming lahat at sinabihan kaming galingan pa lalo.

Sinunod lang namin ang director hanggang sa mag-break muna kami dahil sa lunch time na. Pumunta ako sa tent at sumunod kaagad ang personal assistant ko umupo kami hinanda niya ang binaong pagkain.

"Hi! Pwede sumabay sa pag-lunch?" pag-bungad ng bagong alaga nang manager ko.

"Maupo ka, miss Duello hindi ka papansinin talaga ni sir Liam." dinig kong sabi ng personal assistant ko sa babae.

Kasama niya ang handler na tumango sa akin at tumabi nang upo sa personal assistant ko. Dumating naman ang manager ko tumingin sa bagong bisita ko sa tent alam niyang ayoko na may ibang kasama hindi sa suplado ako nakaka-distract.

"Kain na tayo, manager." tawag ng personal assistant ko.

Kinuha niya ang sariling pagkain at tumabi sa akin naramdaman kong siniko niya ako.

"Bakit hindi mo pina-alis?" tanong ng manager ko sa akin.

"Hindi ako nag-ayang dito siya kumain kundi si PA," bulong ko kaagad at tinuloy ang pagkain ko nang pang-tanghalian.

"Sasabunutan ko ang babaitang 'yan!" bulong ng manager ko sa akin tinignan niya nang masama ang personal assistant ko na tumingin sa amin.

Nag-sign ito nang peace sign na inirapan lang nang manager ko at kumain kaming lahat. Nang matapos tumayo ako at lumabas ng tent nakipag-kwentuhan ako sa ibang cast ng taping namin. Pinag-handa na ulit nang director ang lahat ng cast may binigay na bond paper kung saan 'yon ang script naming lahat.

"Bukas, babalik tayo dito nang hapon na dahil kailangan natin ang pagabi nang eksena mas okay na natural na dilim at hindi peke." bilin sa amin ng director at sumunod naman kami sa kanya.

Kumilos na kaming lahat at hindi kasali sa eksena ang mga support actor at actress puro extra ang kasali.

Nang matapos ang taping nagpaalam na kami para bumalik sa network may guesting pa akong pupuntahan.

"Aalis na kayo?" pag-bungad ng bagong talent nang manager ko.

"Oo, hija, sa handler muna kita ipapa-hawak mas busy kasi itong alaga ko kaysa sa'yo hindi kita maaasikaso." sabi ng manager ko sa babaeng lumapit sa amin.

"Saan ba ang next schedule ko?" tanong nito sa handler nito na pansamantalang hahawak sa career nito.

"Sa network, miss Duello pero sa taping ng isang new drama na support character ka rin." sabi ng handler at pinakita ang hawak nitong notebook.

Tumingin sa kanya ang manager ko, at sa dulo na ako umupo binuksan ko ang social media ko para i-stalk si Xu sa social media nito.

Dito ko lang siya nakikitang active maliban sa hectic schedule niya as celebrity.

"Manong, tara na!" narinig kong sabi ng manager ko sa driver namin.

Umalis na kami sa location at nag-DM ako sa social media ni Xu at sinuot ko ang eyeglasses sa mata ko na pinakuha ko sa personal assistant ko at inabot ko naman ang contact lense ko.

"Ang next schedule mo pagkatapos ng guesting mo, photoshoot naman para sa magazine." pahayag ng manager ko sa akin napatingin ako bago ko binalik ang tingin sa cellphone ko.

"Sino ba 'yang ka-chat mo?" tanong ng manager ko sa akin muli akong tumingin sa kanya at umiling kaagad.

"Sure ka?" tanong ng personal assistant ko sa akin sinamaan ko na lang siya nang tingin.

"Chismosa ka, ano?" mataray kong sabi sa personal assistant ko.

Tinago ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at pinikit ko ang mata ko medyo nakaramdam na ako nang pagod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 105

    Nagpunta kami sa kakilala ng pamilya nang asawa ko na exclusive restaurant. Binati pa kami nang makita ako at ang mga bata tumawag na ako sa manager ng restaurant nung nasa loob na nang van."Doon kayo sa VIP room, Yuan siya na ba 'yan? Parang pumayat at hindi makikilala kung hindi titigan." sabi ng manager na lumapit sa amin binati niya sina Rea at ang asawa nitong foreigner.Kasabay namin sa paglalakad ang dalawang anak ni Rea na hindi man lang nila kina-kausap ang kanilang ina."Kausapin mo kaya ang mommy mo," puna ng manager na kasama namin."Mahihiya ako, ayi para akong na-stranger sa kanya." sabi ni Molly tinignan naman nito ang kapatid na katabi kausap ang anak ko.(Auntie)Hindi naman kaagad sumagot ang manager sa sagot ni Molly at dinala niya kami sa VIP room at pumasok kaming lahat sa loob. Ngumiti na lang si Rea sa mga anak niya na hindi tinugunan ng dalawa tinawag ko naman ang anak ko nakatingin lang."Dito ka sa tabi ko, anak." tawag ko naman sa anak ko.Lumapit naman ang

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 104

    Huling trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon dahil malapit na kaming umalis ng bansa para manirahan sa America. Doon namin balak mag-pahinga ng asawa ko kasama ng mga anak namin pero, depende ngayon sa panganay ko dahil may sarili na itong buhay at girlfriend."Hindi rumor na aalis kayo ng bansa ng pamilya mo?" tanong nila sa akin nasa set ako ng huling teleserye na gagawin ko."Hindi, wala pang final date ang pag-alis namin ng bansa dahil may kailangan pa naming tapusin ang lahat na maiiwan namin dito." nasabi ko na lang sa kanila inaayusan ang ng stylist at make-up artist sa standby area."Mayaman na kayo kaya hindi nyo na kailangan ng dagdag income, joke lang, pre lahat naman tayo hindi umaasa sa pamilya natin kahit may kaya tayo sa buhay dapat may sariling income pa rin tayo." sabi nila sa akin sumang-ayon ang ibang kasama namin sa loob ng standby area.Nang matapos kami ayusan nag-simula na kami sa scenes nang tawagin kami ng director at natutuwa ako sa mga baguhan na kahit naiila

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 103

    Year 2033Makalipas ng dalawang taon at isang buwan, maraming nag-iba sa pamumuhay namin mula nang manirahan ang dalawang anak ni Rea sa aming bahay. Hindi iba ang turing ko sa kanila naging mas close sila sa akin kumpara sa asawa ko at sa dalawang anak ko inamin sa akin ni Molly na may pag-tingin siya sa panganay ko pero, sabi ko sa kanya pag-hanga lang ang nararamdaman niya dahil, nakikita niya sa anak ko ang ideal type niya sa isang lalaki at crush ito ng ka-edad nila sa panahong ngayon.Ayokong magsalita ng tapos dahil hindi natin masabi ang panahon.Hindi namin papalitan ang apelyidong nakalagay sa birth certificate nilang magkapatid maliban kay Soren iibahin ang naka-lagay dahil gusto ng ama nila na ilagay sa kanya ang apelyido nito. Pumayag kaming dalawa ng asawa ko kahit doon man lang may resposibilidad siya bilang ama sa dalawang anak niya. Tuluyan na akong huminto sa pag-aartista ang priority ko ngayon ang pamilya ko at negosyo namin wala na akong balita sa kanilang ina mula

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 102

    Nagising na lang ako sa lugar na puti ang buong paligid namatay na ba ako?Malaya na ako sa lahat ng problemang pinag-dadaanan ko sa buhay pero, hindi ko naman kasama ang mga anak ko."Kawawa naman ang actress na 'yon nabaliw na daw," narinig kong boses ng mga taong hindi ko maaninag dahil malabo pa sa paningin ko."Oo nga, sabi-sabi kaya nga dinala na siya dito sa mental dahil wala naman gustong mag-alaga sa kanya inayawan na siya ng magulang niya." sabi ng mga naririnig kong boses mula sa malayo pinunasan ko pa ang mga mata ko.Tumayo ako kahit nanghihina ako at muntik pa ako matumba mabuti kumapit ako sa upuang kahoy nakita ko. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila ng hindi nila napapansin huminga na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa rehas?Nakakulong na ba ako sa kasalanang nagawa ko kay Liam?"Ang magulang niya ang nagdala sa kanya dito para ipagamot siya hindi para pag-usapan nyo lang," narinig ko naman banggit ng isang boses."Isang linggo nang tulog ang actress patay n

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 101

    Nang dumating kami sa mansyon namin nandoon si ate Li Jing at ang pamilya niya nagulat ako sa naabutan dahil walang binabanggit si ate na uuwi sila ng pamilya niya sa Pilipinas. Lumapit kaagad ang anak ko sa kanila malapit ito sa bayaw ko at sa ate ko pati sa pinsan niya. Kasunod namin ang yaya ng mga anak ko na may dalang groceries bags."Nag-groceries kayo, bakit pa kayo pumunta dito?" pagtataka naman ni Mama hinalikan niya sa noo ang apo niya nang lumapit ito sa kanya."Dadalaw lang sana kami dito bago umuwi, ate umuwi pala kayo hindi ka man lang nagsabi?!" bati ko naman sa ate ko pati sa bayaw ko na ngumiti sa amin ng anak ko.Yumapos na lang ako sa ate ko nang tumabi ako ng pagkaka-upo umusog lang si bayaw magkaroon ako ng space."May charity organization na gaganapin dito mula sa hospital ni mister kaya bumalik kami ng Pilipinas, sis wala naman kasama ang pamangkin mo sa house kaya sinama namin kahit may klase nagpaalam naman ako sa adviser niya na kung pwede isama noong una hin

  • Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)   Chapter 100

    Nang maka-lampas kami sa mga media napansin ko na sumandal ang asawa ko sa may balikat ko."Okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya tumingin pa siya bago ngumiti."Yup, inaantok lang ako gabi na kasi.." humikab niyang sagot sa akin at hinalikan ko ang noo niya pagkatapos.Umayos siya nang pwesto at pagkaka-sandal sa balikat ko. Salamat, honey, at nandyan ka palagi sa tabi ko kahit alam kong hindi mo ito deserve na mapag-daanan ito sa buhay mo.Mahal na mahal kita, honey hinding-hindi kita kakalimutan at iiwanan. Tinignan ko na lang ang asawa ko na natutulog na sa balikat ko. Nabaling naman ang tingin ko sa cellphone na tumutunog ngayon sinagot ko nang makita ko na si Molly ang tumatawag sa akin.Kumukunot ang noo ko sa naririnig mula kay Molly tumawag sa kanya ang grandparents niya tungkol sa kanilang ina nandoon ito sa mansyon. Huwag muna daw sila babalik sa condo dahil wala sila makakasama doon.Bumuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko mula kay Molly may hindi magandang nangyaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status