Stavros’ POV
“Tata Pedro… tama na po.”
Para akong binuhusan ng malamig ng tubig sa aking narinig. Para akong nagising mula sa isang bangungot.
What the fuck just happened to me? When did I ever forced a woman to have sex with me?
Lalo akong natauhan nang makita ko ang kaawa-awang itsura ni Aviona. Sira na ang suot niyang t-shirt kaya nakalantad na ang kaniyang dibdib na tanging bra lamang ang nagkukubli. Nakababa na rin hanggang sa kaniyang binti ang kaniyang pajama.
Nang dumako ang aking mga mata sa kaniyang mukha ay gusto ko nang suntukin ang aking sarili. Punong-puno ng takot ang kaniyang mga mata. Basang-basa ng luha ang kaniyang mukha. At paulit-ulit niyang sinasamsabit ang mga katagang, “Tama na po.”
Kaagad akong tumayo at kumuha ng roba. Bumalik ako at isinuot sa kaniya ito.
“Ayaw ko na po… Ayaw ko na po. Maawa po kayo,” hagulgol niya.
Fuck you, Stavros! Gago ka ngang talaga!
I cupped Aviona’s face. “Ssshh. Hindi kita sasaktan.”
Umiling siya ng ilang ulit habang nakatingin sa mga mata ko. “T-tama na po, Tata. Bugbugin niyo na lang po ako. ‘Wag lang po ‘yong ganito.” Lalo siyang pumalahaw ng iyak.
Shit!
I used my hands to tuck her hair behind her ears. I looked at her eyes intently while wiping her tears using my thumbs. “Ssshh, Aviona. I’m sorry. I’m sorry. Hindi ko alam ang ginawa ko. Patawarin mo ako,” mahinang alo ko sa kaniya.
Muli siyang umiling. “‘Wag n-niyo po a-akong s-saktan.” Suminghot siya.
“No. I would not hurt you again. I’m really sorry, Avi.” I pulled her closer to me for a hug. “Hush now, please?”
Ramdam ko pa rin ang panginginig niya,
Ang gago mo, Stavros! You’re sick!
Paulit-ulit lang siya ng sinasambit habang humihikbi.
I didn’t allow her to pull away from the hug. Instead, I hugged her tighter while caressing her hair. Ito lang ang alam ko upang makahingi ng paumanhin sa kaniya.
Hindi ko alam kung gaano kaming katagal sa posisyon na iyon.
Bigla na lamang siyang tumigil sa pagsasalita. Ngunit naroon pa rin ang kaniyang mumunting mga hikbi.
Nang yumuko ako para tingnan ang kaniyang mukha ay nakapikit na ang kaniyang mga mata.
She must be exhausted.
I pulled away from the hug. But I was still holding her. I helped her to lay down the bed. I covered her body with my blanket.
I kneeled on the floor. Muli siyang humikbi. Marahil ay napapanaginipan niya na naman ang masamang nangyari. “Ssshh. I’m really sorry. I didn’t mean to hurt you,” bulong ko sa kaniya habang sinusuklay ang kaniyang buhok.
Ilang minuto pa bago siya tumigil sa paghikbi. Napalitan iyon nang malalalim na mga paghinga.
Nang masiguro kong mahimbing na ang kaniyang tulog ay saka ako tumayo mula sa pagkakaluhod at nagtungo sa aking working table. Umupo ako at sumandal sa aking swivel chair.
Napapisil ako sa aking noo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko kay Aviona. At ang natuklasan ko sa kaniya. That already explained her weird acts.
Ngunit bakit walang nakalagay sa medical records niya tungkol sa kaniyang trauma? At bakit walang nabanggit si Mrs. Sarrosa tungkol dito?
Did that mean that they don’t know anything about her condition? But why did Mrs. Sarrosa act like that after our wedding?
If I was right, and based on Avionna’s reactions, she experienced sexual abuse before. Then who was her perpetrator?
I grabbed my phone and dialled Anthony’s number.
“What the hell is your problem, Bienvenelo?” asik niya na halatang kakagising lamang.
“Do you know where and what is the name of the orphanage where Aviona came from?” diretsong tanong ko. Wala akong pakialam kung naistorbo ko ang kaniyang tulog.
Narinig ko ang kaluskos ng kaniyang paggalaw. Bumangon ata. “Why? Is that the reason why you disturbed my sleep? Hindi ba pwedeng ipagpabukas iyan? Alas dos na ng madaling araw oh,” groggy niyang sagot.
Napapikit ako nang mariin sa kadaldalan ng lalaking ito. “Just answer my damn question. Do you know where and what’s the name of the orphanage where Aviona came from?”
“Hindi ko alam, bro. Hindi na iyon nasaklaw ng research ko about kay Aviona dahil legally adopted naman siya ng mga Sarrosa. May nangyari ba? Parang kanina lang, hindi ka masaway sa pakikipaglan—”
Ibinaba ko na ang tawag. Wala rin namang kwenta ang sagot niya sa tanong ko.
Agad kong tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa akin ngayon. “Denillon.”
“Oh, Stavros. Ang aga ng pangungumusta mo ah?” antok na sagot niya.
“I need your help on something,” seryosong saad ko.
Tumikhim ito. “You know that my service is not free.”
Tsk. Mukhang pera talaga ang gago. “I’ll pay you triple.”
Humalakhak ito. “Iyan ang gusto ko sayo Bienvenelo eh. Galante. Ano bang ipapagawa mo?”
“Find the orphanage where my wife came from.”
“Gago?” Natahimik ito sandali. “Kailan ka pa ikinasal?”
“Just three weeks ago. Her name is Aviona Sarrosa. She was adopted by Roberto and Rosita Sarrosa. But I don’t know what’s the name of the orphanage. And look if there is someone who's named Tata Pedro in that orphanage,” I instructed.
“Woah. Anong meron sa Tata Pedro na ‘yan? Bakit parang ang sangsang ng pangalan niya?” komento niya.
“Malaki ang atraso niyan sa asawa ko,” gigil na sagot ko.
“Copy. I’ll contact you as soon as I find out about it.”
Walang ingay kong inilapag ang aking cellphone sa mesa. Napatingin ako kay Aviona. Katulad noong nakatulog siya sa kotse ko, ang payapa ng kaniyang mukha. Hindi mo aakalain na ang maamo niyang mukha ay may pinagdaanang madilim na pangyayari.
“SER! SER STABROS!”
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na malalakas na katok at sigaw ng isang katulong.
Agad akong tumayo. Ngunit bago ko buksan ang pinto ay binalingan ko muna ng tingin ang kinahihigaan ni Aviona. Wala na siya roon.
“What happened? Why are you shouting?” kunot-noong tanong ko kay Magda.
Natataranta ito at hindi mapakali. “Kasi ser… Si Ma’am Aviona ho—”
“Where is she?!”
“Na-nasa kusina po, sir,” kagat-labi niyang sagot.
Hindi ko alam ngunit kakaibang kaba ang sumipa sa aking puso. Tinabig ko si Magda at patakbong pumunta sa kusina.
Parang akong naitulos sa aking kinatatayuan nang makita ko si Aviona.
Nakahandusay siya sa sahig, walang malay, at duguan ang kaniyang palapulsuhan.
"Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a
"Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta
"Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr
"P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man
"That night, I wasn't able to sleep well because of the thoughts that were running inside my head. Pansamantala kong nakalimutan ang pagkadismaya ko sa eskwelahan. And was just thinking about my dad." Napabuntong-hininga ako. "I didn't know that I was able to feel that way for him after all the grudges that I was holding. Milagros told me that if I've made up my mind and chose to stay with them, then I'd just contact her for her to send someone to fetch me. "And after one night of thinking and weighing everything, I've decided to accept the offer. But I told her that I needed to finish my graduation ceremony first before leaving our bario. Milagros really did send someone to fetch me. I was able to bid goodbye to Koi and his family before leaving," patuloy ko. "Naging malungkot sila sa aking pag-alis. Ngunit ipinangako ko naman na babalik din ako sa aming probinsiya kapag natapos na ang lahat. Pero hindi ko alam na hindi na pala ako muling makakabalik pa sa bayang sinilangan ko." Nak
"May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko