MasukStavros Bienvenelo, always thought women were beneath him. However, in order to get his inheritance, must marry a woman he knew nothing about. Aviona Sarrosa was a pawn to get what he wanted. Little did he know that behind his wife's innocent face lurked a secret he would never have thought. When all hell breaks loose, would love begin to bloom between them, or would the secret drive them apart?
Lihat lebih banyak"Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a
"Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta
"Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr
"P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak