Nang makita ni Charlie kung gaano kayabang si Mr. Quintong, kinutya niya habang umiling siya sa panghahamak. “Hindi mo man lang makita ang pagkakaiba ng gourd sa jade plug? Hindi mo pa ba narinig ang tungkol sa siyam na butas o ang jade plugs na ginagamit sa mga bangkay?”“Anong ibig sabihin mo sa jade plugs at mga bangkay?” Tinanong ni Mr. Quinton na may nalilitong ekspresyon sa kanyang mukha.Nagbuntong-hininga si Charlie. “Hindi maturuan ang bata!” Pagkatapos, umiling siya bago sinabi, “Hindi mo man lang alam ang tungkol dito? Narinig mo na ba ang ‘Nine Aperture Jade’?”“Anong ‘Nine Aperture Jade’?” Tinanong ni Mr. Quinton habang nakatingin siya kay Charlie na may blankong ekspresyon sa kanyang mukha.Kahit na nasiyahan si Mr. Quinton sa pagbili ng mga antigo, hindi talaga siya nag gugol ng oras para pag-aralan ang kahit ano sa mga antigo. Lagi niyang bibilhin ang sinasabi ng kahit sino na maganda bago siya umalis at magyayabang tungkol sa mga piraso ng antigo niya.“Ungas!” K
Malamig na sumagot si Charlie bago siya tumalikod upang umalis.Nang makita ni Mr. Quinton na aalis na ang kabilang partido, inakala niya na gustong tumakas ni Charlie. Kaya, agad niyang sinigaw, “Pigilan niyo siya! Sino ang nagbigay ng tapang sa kanya na gawin ito? Siguradong may sumusuporta sa batang ito!”“Hindi kita dapat galitin?! Hahaha! Walang sinuman sa Aurous Hill ang hindi ko kakayanin kapag nagalit!”“Itali niyo siya at baliin niyo ang mga binti niya! Gusto kong malaman kung sino ang may kapangahasan na galitin ang pamilya Quinton!”Sa totoo lang, naniniwala si Mr. Quinton na si Charlie ay ipinadala ng kanyang karibal sa negosyo upang sadyain na galitin siya. Kung hindi, paano niya malalaman ang tungkol sa aksidente sa kotse niya sa simula ng taon?Agad na kumilos ang mga bodyguard, at nagmadali sila nang walang pag-aalangan kay Charlie.Dalawang bodyguard ang lumapit kay Jacob at iniangat ang kanilang mga kamay bago siya sunggaban nang mabangis.Sobrang natakot si Ja
Naniwala ang mga manonood kay Charlie at gusto nilang lahat na umuwi na upang tingnan agad ang sports channel.Napakapangit ng ekspresyon ng mukha ni Mr. Quinton, at pagkatapos manahimik saglit, bumalik na siya sa kanyang diwa.Nakakahiya ito!Ang mga bodyguard na kinuha niya at binayaran niya nang malaki ay mga propesyonal na lumalaban at partikular na kinuha sila upang protektahan siya. Sinong mag-aakala...Sinong mag-aakala na isang batang lalaki na lumitaw kung saan ay tinalo ang mga propesyonal na manlalaban na ito, sa pamamagitan lamang ng panonood ng programa sa telebisyon.Hindi isang propesyonal na manlalaban si Mr. Quinton, kaya, hindi niya alam na sobrang magaling talaga si Charlie. Pero, ang kanyang mga bodyguard ay hindi tanga.Alalm nila na siya ay isang dalubhasa sa sandaling hinawakan niya sila.Kahit na mapagpakumbaba si Charlie, ang kanyang mga galaw ay nakamamatay kahit na wala siyang ginamit na lakas.Hindi siya isang tao na madali nilang matatalo.Kaya, hi
”Masyadong mahina!”Nagngalit si Charlie at gumilid sa isang iglap habang sinubukan niyang iwasan ang kanyang sipa. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang binti at sinipa si Aurora sa kanyang puwitan, nagpabagsak sa kanya sa lapag. Muntik nang mahulog ang panga ni Adam habang nakatingin siya sa eksena sa harap niya. Binulong niya sa kanyang sarili, “Ito… paano ito posible?!”Mas lalong napahiya si Aurora. Simula noong nagsimula siyang makipaglaban, hindi pa siya napahiya nang ganito. Bukod dito, ang lugar na sinipa ni Charlie ay sobrang nakakahiya!Tumayo siya nang puno ng galit, naghanda si Aurora na sumugod kay Charlie at agad siyang atakihin. Nagpasya na siya na dapat magbayad ang b*stardong ito sa mga ginawa niya ngayon!“Aurora, tigilan mo ang ginagawa mo! Huwag kang bastos kay Mr. Wade.”Sa sandaling iyon, isang di gaano katandang lalaki ang biglang tumakbo papunta sa kanya at sinunggaban ang kamay ni Aurora.Si Aurora, na lubos na nahihiya, ay sumigaw, “Pa! Huwag mo akong p
Nagulantang si Graham sa sinabi ni Charlie.Masisira ang buong pamilya niya?Kailangan niya ba talagang magbayad ng malaki?Namutla si Graham bago siya napabuntong hininga at sinabi, “Kailanman ay wala akong ginawang masama sa buhay ko. Sinubukan kong gumawa ng mga kabutihan at tulungan ang mga taong nangangailangan araw-araw. Kaya, paano ako nahantong sa ganito?”Ngumiti si Charlie bago niya tinanong, “Anong dahilan kung bakit mo gustong bilhin ang piraso ng topaz dati?”Tumango si Graham. Sa totoo lang, sinubukan niya na ang iba’t ibang paraan, pero walang gumana hanggang nakilala niya si Charlie.Dati, akala niya na alam lang ni Charlie tumingin ng mga antigo, kaya, hindi niya siya masyadong pinansin.Pero, ngayon, hindi nag-atubili si Charlie na ituro ang dahilan ng kanilang kamalasan. Ngayon, alam ni Graham na hindi ordinaryong tao si Charlie. Sa totoo lang, marahil ay si Charlie lamang ang pag-asa nila, at ang kapalaran ng pamilya Quinton ay nasa kamay niya.Mabilis na pi
Nagulantang din ang biyenan na lalaki ni Charlie. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang ganitong sitwasyon sa kanyang buhay.Tumingin si Charlie sa jade bracelet pero hindi niya ito agad tinanggap. Pagkatapos niyang sumulyap dito, tumingin siya kay Graham bago siya ngumiti at sinabi, “Mr. Quinton, paano ka makasisiguro na kaya kong lutasin ang problema na ito?”Sumagot nang may tiwala si Graham, “Kung hindi ito kayang lutasin ni Mr. Wade, wala na sa mundong ito ang kaya itong lutasin!”Napangiti na lamang si Charlie dahil tama si Graham. Alam niya nga kung paano lutasin ang problemang ito at ilihis ang sakuna mula sa pamilya Quinton.Ito ay dahil nabasa na niya ang tungkol sa masamang espiritu na ito sa Apocalyptic Book, at ang paraan upang malutas ang problemang ito ay malinaw at simple lang.Sumulyap si Charlie sa jade bracelet bago niya ito kinuha sas kanyang mga kamay sa isang kaswal na paraan.Sinuri niya ang jade bracelet at napagtanto na ang kristal ay sobrang linaw
Ngumiti si Graham bago siya nagsalita ulit nang magalang, “Mr. Wade, hindi namin makakalimutan ang kabutihan mo sa pamilya Quinton. Marahil ay kaunting nagmamadali kami dahil kailangan naming maghanda, gayunman, gusto kitang imbitahin sa mansyon ng pamilya Quinton bukas upang maghapunan. Gusto kong magdiwang ng bangkete para sa iyo bilang pasasalamat sa kabutihan mo, Mr. Wade.”“Ayos lang, may kailangan akong gawin bukas.” Sumagot nang walang bahala si Charlie habang umiiling. “Ang dahilan lang kung bakit kita tinulungan ngayon ay dahil alam kong palagi kang gumagawa ng kabutihan para sa iba. Kung hindi, hindi kita talaga tutulungan. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”Nagulat si Graham. Pero kahit na, tumawa siya bago tumango. “Naiintindihan ko! Mr. Wade, mangyaring huwag kang magdalawang-isip na hanapin ako kung kailangan mo ng tulong sa hinaharap. Lagi kang tatanggapin ng pamilya Quinton.”Pagkatapos, nagmamadaling nilabas ni Graham ang dorado niyang business card na may person
Pagkatapos ng ilang sandali, naramdaman ni Charlie ang isang bugso ng enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawang, tila ba pinapasigla ang lahat ng kanyang pandama, buto, at dugo.Ito ang Reiki!Nang tumingin tumingin siya ulit sa bato, nakita ni Charlie na tila ba sinisipsip ng bato ang ispiritwal na enerhiya at mukha lang itong karaniwan na walang buhay na bato.Sinubukan niyang gawin ang cultivation method na nakatala sa “Apocalyptic Book” pero hindi niya na makuha ang Reiki sa bato.Malungkot na nilagay niya ang bato sa kanyang bulsa. Naramdaman niya na ang bato ay pambihira, pero wala siyang paraan upang suriin ito ngayon. Mukhang kailangan niyang hasain ang kanyang mga kasanayan bago niya mapagana ulit ang bato.Nagmadali siyang maligo dahil malagkit na siya sa labis niyang pagpapawis. Halos lampas 5 pm na nang matapos siyang maligo, at doon tumawag si Claire.Sa tawag, sinabi ni Claire kay Charlie na nasa kalagitnaan siya ng pagpupulong kasama ang Emgrand Group tungkol sa mg
Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D
Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito
Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an
Isang kakaiba at nakakamanghang eksena ang nangyayari sa isang simpleng roast goose shop sa Oskiatown.Limang miyembro ng gang, na dati’y kinatatakutan sa Oskiatown dahil sa pagiging mabangis at mayabang, ay nakaluhod ngayon sa sahig, pilit na isinusubo ang mga gintong bala sa kanilang mga bibig.Makakapal at matataba ang 9mm na bala ng pistol, at mas masakit itong lunukin kumpara sa pinakamalalaking gamot.Wala pa silang baso ng tubig para inumin ang mga bala, kaya ang nagagawa lang nila ay kagatin ang kanilang mga ngipin at pilit na lunukin nang hilaw ang mga iyon.Pinakamalala ang sinapit ni Will.Dahil kapatid niya ang isa sa mga kabit ng boss ng Burning Angels, at dahil likas ang kanyang pagiging malupit, naging isa siyang mid-level manager ng Burning Angels. Ipinagkatiwala sa kanya ng boss ang pamamahala ng Oskiatown.Siya ang kinatawan ng Burning Angels sa buong Oskiatown.Pero sa oras na ito, sobrang kaawa-awa ang kalagayan ng leader na ito.Ang apat niyang kasamahan ay
Natulala ang ilan at hindi napigilang matakot. Kung kaya ni Charlie na alisin ang ulo ng bala gamit lang ang mga daliri niya, paano pa kaya kung buong lakas niyang suntukin ang mukha ng tao? Baka madurog pati ang utak nila!Pero hindi nila maintindihan kung bakit biglang inalis ni Charlie ang ulo ng bala, at lalong hindi nila maintindihan kung anong koneksyon nito sa kapatawarang sinabi niya kanina.Tiningnan ni Charlie ang lalaki, tinaas ang bala na napaghiwalay na niya, bahagyang ngumiti, at sinabi, “Hindi ba gusto mong mapatawad? Eto ang kapatawaran ko. Mahirap lunukin ang buong bala, kaya hinati ko na para mas madali mong malunok.”Parang nahulog sa impyerno ang lalaki habang nakatitig kay Charlie sa takot. Hindi siya makapaniwala na manggagaling ang ganitong klaseng salita sa gwapong binatang kaharap niya.Paalala pa ni Charlie, “Ah, oo nga pala. Huwag mong kalimutan pasalamatan ang mabait mong tauhan. Siya ang tumulong sayo para makuha mo ang magandang pagkakataon ng kapatawa
Agad siyang napuno ng matinding takot nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie at ang halatang intensyon nitong pumatay.Sa oras na iyon, hindi na siya nagduda sa babala ni Charlie. Kapag hindi niya sinunod ang utos na lunukin ang mga bala, siguradong papatayin siya.Pero ang ideya na lulunukin niya ang mga bala ay labis na nakakatakot para sa kanya. Marahil ay madali lang lunukin ang mga ito, pero siguradong hindi simple ang paglabas nito.Sandaling pumasok sa isip niya kung gagamitin ba niya ulit ang pangalan ng Burning Angels para takutin si Charlie, o kung makikipag-ayos na lang siya gaya ng madalas gawin sa underworld, para makita kung kahit papaano ay magpapakita ng respeto si Charlie. Kapag kuntento ang dalawa, baka nga maging magkaibigan pa sila sa inuman.Hindi lang sa Oskia uso ang ganitong sitwasyon, kundi pati na rin sa buong America. Ang mahalaga, alam mo kung paano kunin ang kiliti ng kabila.Pero pagdating sa paghingi ng kapayapaan, hindi siya makalakas-
Halos patay na ang leader, at nawala na ang lahat ng yabang niya. Kita sa mukha niya ang matinding takot at kaba.Tinitigan siya ni Charlie at sinampal siya nang malakas sa mukha.Umalingawngaw sa buong roast goose shop ang tunog ng sampal.Nang makita niyang mabilis na namaga ang pisngi ng lalaki, ngumiti si Charlie at sinabi, “Mga siga ba talaga kayo? Burning Angel daw? Sinong nagbigay sa inyo ng pangalan na yan? Tingnan mo ang namumula at namamagang mukha mo. May kinalaman ba yan sa pagiging anghel?”Sobrang sakit ng pisngi ng lalaki pagkatapos siyang sampalin, pero wala siyang magawa kundi umiyak at sabihin, “Pasensya na po, patawad talaga! Hindi ko alam na marunong pala kayo sa martial arts. Patawarin niyo kami, hindi na po kami babalik dito!”Napakunot-noo si Charlie at muling sinampal siya nang malakas.Sa lakas ng sampal, parang nasaktan pati pandinig ng apat na kasamahan niya.Pagkatapos ng pangalawang sampal, nakangiti siyang tinanong Charlie, “Hindi ba ang tapang mo k
Wala ni isa ang naglakas-loob na kumontra nang tanungin ni Charlie ang ama, lolo, at maging ang lolo sa tuhod ni Homer kung kumbinsido silang siya nga ang pumatay kay Homer.Ngayon naman, ilang miyembro ng gang na walang alam ang naglakas-loob na takutin si Charlie gamit ang baril. Hindi basta-basta palalampasin ni Charlie ang mga iyon.Tinitigan ng leader si Charlie, pero hindi man lang natakot si Charlie. Sa halip, tumingin si Charlie kay Angus at sinabi, “Kunan mo ako ulit ng kanin. Sayang ang pagkain dahil sa basurang ito. Pero paluluhurin ko siya at ipapaligpit ko lahat ng butil ng kanin sa sahig gamit ang dila niya na parang aso.”Halos mabaliw na ang lalaki. Pinaputok na niya ang baril pero hindi pa rin natakot si Charlie. Kaya mas lalong nainis siya.Ibinuka niya nang malaki ang bibig niya, pinagtampal ang makakapal niyang labi, at galit na sinabi, “Oskian! Dahil gustong-gusto mong mamatay, ako na mismo ang maghahatid sayo sa Diyos!”Pagkasabi noon, madiin niyang hinila an
“Letse!” Galit na galit ang lalaki nang makita niyang hindi man lang natakot si Charlie, at tinutukso pa siya.Ginamit niya ang ilalim ng baril para itulak sa sahig ang lahat ng bote at garapon sa mesa, pagkatapos ay tumayo at itinutok ang dulo ng baril sa ulo ni Charlie habang galit na galit na sumigaw, “Oskian! Nasa America ka! Kapag nagwala ka dito, walang magpapauwi sayo sa Oskia at babarilin ka nila direkta sa ulo!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Sobrang yabang mo talaga.”Pagkasabi noon, nawala ang ngiti niya at may pangungutya niyang sinabi, “Ang malas mo lang, hindi ako natatakot kahit kaunti.”Nagngalit ang lalaki at sinabi, “Letse! Sawa ka na siguro mabuhay!”Kalmado lang na iniunat ni Charlie ang mga kamay niya at sinabi, “Nandito ako ngayon, kaya kahit nasusunog na anghel ka pa o ligaw na aso mula sa crematorium, kapag naglakas-loob kang harapin ako, kailangan mo muna akong aliwin. Kung maaaliw ako, baka pagbigyan ko ang buhay mo. Pero kung mabwisit ako sa'yo, pupuguta