Share

Kabanata 13

Author: Lord Leaf
Ang puso ni Claire ay nanginginig pa rin sa tuwa nang lumabas siya sa opisina ni Wilson Group.

Opisyal na i-aanunsyo ni Lola ang kanyang bagong posisyon bukas. Sa wakas, maaari na niyang maitaas ang kanyang ulo!

Humarap siya kay Charlie at masayang sinabi, “Charlie, salamat! Kung hindi dahil sa iyong paghimok, hindi ako maglalakas-loob na tumayo at tanggapin ang hamon. "

Sumagot nang nakangiti si Charlie, "Mahal, nararapat lang ito sayo."

Inilayo niya ang kanyang ulo, pagkatapos ay bumalik sa kanya at sinabi, “Ay oo, napakaganda at masaya ang pangyayaring ito. Magdiwang tayo, tara? "

Tumango si Claire. "Paano tayo magdiriwang?"

“Malapit na ang ating ikatlong anibersaryo, sabay nating ipagdiwang ito! Ihahanda ko ang lahat, umupo ka lang at magpahinga. ”

Nagulat si Claire sa sorpresa. "So-sorpresahin mo ba ako?"

"Oo!" Tumango si Charlie at tumawa. "Bibigyan kita ng sorpresa!"

Naramdaman ni Claire ang isang alon ng init na dumaloy sa kanyang puso. "Sige, hindi na kita tatanungin sa mga detalye kung gayon."

"Hindi na kailangan, maghintay ka lang!"

Mayroong iba’t ibang plano si Charlie para sa paghahanda ng isang espesyal at eksklusibong anibersaryo ng kasal.

Karaniwan, kabayaran ang pangunahing layunin. Dahil, siya ay sobrang hirap dati at wala siyang pera para bigyan ng regalo ang kanyang asawa. Sa totoo lang, hindi niya nga kayang bigyan ng pormal na kasal ang kanyang asawa. Ngayong marami na siyang pera, gusto niya siyang bayaran nang tapat.

Pagkatapos nilang maghiwalay ng daan, pumunta nang mag-isa si Charlie sa isang tindahan ng alahas na tinatawag na Emerald Court sa gitna ng Aurous Hill.

Ang Emerald Court ay ang pinakasikat na tindahan ng alahas sa bayan.

Mayroon silang ginto, platinum, diyamante, jade, at iba’t ibang uri ng batong pang-alahas at kagamitan na pinapangarap ng lahat. Kung ano ang sabihin mo, mayroon sila.

Gustong bumili ni Charlie ng regalo para sa kanyang asawa bago pumunta sa pinakamagandang hotel sa bayan upang magreserba ng lugar para sa kanilang anibersaryo.

Nang pumasok siya sa tindahan, hindi man lang siya inaliw ng nagtatrabaho doon nang makita ang suot niyang Adidas na may apat na guhit, sa ibang salita, peke.

Hindi alintana, tumingin nang mag-isa si Charlie sa matagal na oras hanggang sa nakita niya ang isang jade na kuwintas sa isang aparador na salamin.

Ang kuwintas ay gawa sa pinaka-eksklusibong nagyeyelong jadeite. Napakaganda at kaaya-aya, perpekto para sa awra ni Claire.

Sinilip niya ang presyo, labintatlong milyon, mura lang para sa kanya.

Tumawag siya ng isang tauhan sa tindahan at sinabi, “Kumusta, pakilabas ang kuwintas na ito, gusto kong makita.”

Ang tauhan ay tumingin nang walang pakialam sa kanya at sinabi, “Wala sa akin ang susi, ito ay nasa aming tagapamahala.” Pagkatapos, nagsalita siya intercom at sinabi, “Miss Wolfe, mayroong tao rito na gustong makita ang pinakamahal nating alahas!”

Hindi matagal, isang sobrang kaakit-akit na babae na may makapal na pampaganda ang masiglang pumunta sa kanila. Ang kanyang pangalan ay Jane Wolfe at siya ang tagapamahala ng mga tauhan ng tindahan.

“Sinong prestihiyoso na bisita ang gustong makita ng pinakamahal nating alahas?”

Ang tauhan ay tumuro kay Charlie at sinabi, “Itong lalaki dito.”

“Huh?” Lumipat ang paningin ni Jane kay Charlie at nagpakita ng nandidiring tingin na tila ba nakakain siya ng langaw.

Paano mabibili ng talunan na ito ang ating pinakamahal na alahas?

Lumingon siya sa lalaking tauhan at sinabi, “Hay naku, Gill, niloloko mo ako, diba?”

“Hindi, totoo iyon, ang ginoo na ito ay gustong makita ang kuwintas.”

Sinumbat nang bastos ni Jane, “Sinasabi mo mabibili ng talunan na ito? Bulag ka ba? Kung bulag ka, sabihin mo sa akin para matanggal na kita ngayon at hindi na ako mainis!”

Inisip ni Jane na kaya na niyang basahin ang katayuan ng isang tao pagkatapos magtrabaho ng ilang taon.

Kaya niyang makita sa isang tingin kung ano ang katayuan ng mamimili at mahulaan ang kaya nilang bilhin.

Kaya, mula sa kanyang pagmamasid, kaya niyang sabihin na si Charlie ay wala kundi isang mahirap na talunan.

Hindi niya nga kayang bilhin ang isang 1,300 na dolyar na kuwintas, lalo na ang labing tatlong milyong dolyar na kuwintas!

Sinasayang niya lamang ang kanyang oras!

Nanahimik ang lalaking tauhan pagkatapos pagalitan, ngunit nagkunot-noo si Charlie at tinanong ang babae, “Nagbukas kayo para magnegosyo, tama? Gusto kong makita ang kuwintas, anong problema?”

Kinutya ni Jane sa panghahamak. “Oo, nagbukas nga kami para magnegosyo, pero hindi kami nagnenegosyo sa baliw. Kung hindi mo ito kayang bilhin, lumabas ka na lang!”

Lumalim ang kunot sa noo ni Charlie. “Paano mo nasabi na hindi ko kayang bilhin ito? Anong pares ng mata ang ginamit mo para husgahan ako?”

“Haha!” Mapanghamak na kinutya ni Jane, “Ang kuwintas na gawa sa jade na ito ay may halagang milyong dolyar. Sabihin mo sa akin, paano mo ito babayaran? Alam ko ang gusto mong gawin. Gusto mong ilabas ko ito para makuhanan mo ng litrato at i-post sa Instagram para magpasikat, tama?”

Nakahalukipkip ang mga braso ni Jane sa kanyang dibdib at tumindig habang nakataas ang kanyang ulo, suplado at mapagmataas.

Mayroong kaunting mamimili sa tindahan. Nang marinig nila ang presyo ng kuwintas na gawa sa jade, napanganga sila sa mangha at tumuro kay Charlie habang nagbulungan, “Ang kapal ng mukha ng lalaki na iyan. Bakit niya gustong tingnan kung hindi niya ito kayang bilhin?”

“Tama. Hindi ba siya tumingin sa salamin bago siya umalis ng bahay? Paano siya karapat-dapat sa isang napakaganda at mamahalin na alahas kung mababa ang kalidad ng kanyang damit?”

“Sinasabi ko sa iyo, marami silang ganyan!”

Tumingin nang naiinis si Charlie kay Jane na tumingin rin sa kanya na may nakakainis na ngiti sa kanyang mukha. Nagdesisyon siya na turuan ng leksyon ang ignoranteng maldita na ito!

Kinuha niya ang kanyang selpon at tinawagan si Stephen.

“Maghanda ka ng labintatlong milyong dolyar at pumunta sa Emerald Court sa loob ng sampung minuto.”

“Sige po, Young Master, papunta na.”

Kumibot ang sulok ng labi ni Jane habang inasar, ‘Aba, sobra ka umarte, napahanga ako! Tatlong milyong dolyar? Haha, huwag mo ‘kong patawanin. Hindi pa ‘ko nakakakita ng ganyang kalaking pera sa buong buhay ko, sana mabuksan mo mga mata ko ngayon! Hindi mo ba alam na kailangan mo muna kausapin ang banko bago ka makapag-withdraw ng mas mataas sa isang milyong dolyar? Hahaha, sobrang nakakatawa ka!”

Tumango nang walang ekspresyon si Charlie at sinabi, “Dahil hindi ka pa nakakakita, malapit mo nang makita ito.”

Umalingawngaw ang mga matinis na boses sa tapat ng tindahan.

“Ayos lang maging mahirap, basta hindi ka maging mayabang…”

“Haha, hindi nga mukhang mayaman ang lalaking ‘to! Labintatlong milyon? Tatawagan ko siyang papa kung mayroon siyang labintatlong libong dolyar!”

“Sa gayon, gusto kong makita kung ano ang itsura ng labintatlong milyon na pera!”

Nang marinig na ang mga nanonood ay kakampi niya, ngumiti nang masaya si Jane. Hindi siya makapaghintay kung ano ang gagawin ng mahirap na talunan na ito kapag wala siyang maipakita na pera.

Makalipas ang ilang minuto, mga Rolls-Royce ang biglang pumarada sa harap ng Emerald Court.

Pagkatapos, agad na lumabas ang walong bodyguard na naka-itim ang bumaba sa dalawang kotse sa harap.

Dala-dala nila ang itim na maleta na gawa sa katad, ang kanilang mga braso ay kumikibot, ang kanilang ekspresyon ay taimtim, isang malamig at nakamamatay na aura ang lumalabas sa kanilang katawan. Tila ba ang temperatura ay biglang bumaba sa zero.

Lahat ng tao sa Emerald Court ay natulala sa sobrang pagkagulat nang makita ang mga pangyayari!

Sino ang taong ito? Anong mayroon sa makarisma na hitsura?
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6538

    Gabi na sa Dubai habang hinihila ni Jacob ang pagod niyang katawan pabalik mula sa hotel papunta sa airport.Dahil economy ang lipad niya ngayon, napaupo siya sa matigas na upuan malapit sa boarding terminal habang hinihintay na magbukas ito.Habang naghihintay, masakit ang puso niya habang binuksan niya ang website ng Aurous Hill Charity Fund, hinanap ang donation account nila, at ipinadala roon ang buong 300 thousand na kinita niya.Pinili niya ang Aurous Hill Charity Fund dahil pinag-uusapan sa mga kolektor ng antiques sa Aurous Hill na idninonate ni Raymond ang kalahati ng 20 million na kinita niya sa parehong charity fund.Simula nang sumikat nang husto si Raymond sa Antique Street at naging tanyag, hindi maikakailang marami ang humanga sa husay niya.Pero may mga naiinggit din sa galing niyang bumaligtad ng sitwasyon, at mayroon ding nagseselos dahil kumita siya ng 20 million sa isang gabi.Gayunpaman, kumilos agad si Raymond—pagkalat pa lang ng balitang kumita siya ng 20 m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6537

    Mabilis na nagtanong si Elaine, “Eh paano kung hindi mo matapos?”Kabado si Jacob kahit napabuntong-hininga siya. “Kapag talagang pinilit nila, mukhang hindi na ako pwedeng manatili sa Calligraphy and Painting Association… Tingnan na lang natin. Kapag lumala, magre-resign na lang ako. Wala na akong hihilingin, basta huwag lang akong makulong.”Tumango si Elaine. “Kaya kausapin mo muna si Raymond Cole o humingi ka ng tulong kay Charlie kung sakaling kailangan. Mas mabuti nang mapahiya kaysa makulong.”“Sige!”-Gabi na sa Aurous Hill nang makarating sa hotel sina Elaine at Jacob.Kakatapos lang kumain nina Charlie at Claire, at kinuha ni Claire ang cellphone niya. “Nag-check ako sa flight app, at sabi, dalawang oras na dapat nakarating sina Mama at Papa. Nasa hotel na siguro sila, kaya susubukan kong i-video call sila.”Hindi pa niya nabubuksan ang WhatsApp nang tumawag na si Elaine sa video call.Plano ni Jacob na tawagan sina Claire at Charlie para hindi sila mag-alala bago si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6536

    Nang marinig ni Elaine ang sinabi ni Jacob, kinabahan siya at agad siyang tinanong habang ibinababa niya ang tawag, "Anong nangyayari? Aalis ka? Kararating lang natin! Wala pa ngag alikabok ng Dubai sa sapatos ko, bakit aalis na agad tayo—"Pero pinupunasan ni Jacob ang pawis sa noo niya habang pabulong na sinabi, "Eh, sa ngayon, kailangan ko talagang umalis kung ayaw kong mawala ang posisyon ko bilang vice president."Agad nangalit si Elaine. "Kasal tayo sa kalahati ng buhay natin at honeymoon natin ito, tapos aalis agad tayo? Nag-post pa ako sa social media—ang daming naghihintay ng mga update sa trip natin!"At huwag mong kalimutan—ang mahal ng ticket natin at ng hotel! Hindi rin refundable ang mga booking!"Napangiwi si Jacob. "Eh, anong magagawa natin? Bakit hindi ka na lang manatili dito? Uuwi muna ako para ayusin ito…""Gaano katagal naman 'yon?" tanong ni Elaine."Paano ko malalaman?" buntong-hininga ni Jacob, halatang balisa at naiinis. "Sabi ni Don Albert na kailangan k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6535

    "Pero gumastos ako ng 98 thousand para sa bronze sculpture na iyon!"Hindi na namalayan ni Jacob na napasigaw siya sa inis. "Kumita ako ng 300 thousand mula roon, kaya ibig sabihin ang kita ko ay 200 thousand sa pinakamataas, pero kailangan ko pa rin ibalik iyon sa kanya?! Ibig sabihin ay mawawala pati ang puhunan ko!""Hindi kita matutulungan kung hindi mo kayang bitawan ang perang iyon, Mr. Wilson," mahinahong sinabi ni Don Albert. "Kung ganoon, ikaw na lang ang bahala dito.""Teka, teka, teka!" agad na nataranta si Jacob at sinabi, "Pakiusap, Don Albert! Ibabalik ko ang pera! Ibabalik ko, okay?! Lahat ng kinita ko—202 thousand, okay? Kahit papaano ay hayaan mong itira ko ang pera na ginastos ko, okay?""Sa ganitong rason, Mr. Wilson, kapag sinabihan ng pulis ang isang phone scammer na isauli ang perang nakuha niya sa panloloko, dapat ba niyang itira ang perang ginastos niya sa telco charges?""Ah, Ako…" napahinto si Jacob at walang masagot.Nagpatuloy si Don Albert, "Mr. Wilso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6534

    "Mr. Wilson, talagang kasuklam-suklam ang ginawa niyo!" galit na sinabi ni Don Albert. "Pinagalitan ko mismo si Zachary nang malaman ko ito, at ako rin ang nagsabi sa kanya na i-post ang pahayag na iyon!"Nagulat si Jacob. "Pero bakit, Don Albert? Kaibigan mo ba si Raymond Cole?""Hindi ko pa nakikilala ang lalaki," sagot ni Don Albert.Lalo pang nalito si Jacob. "Kung ganoon, bakit mo siya kinakampihan?""Pinipilit kong linisin ang aking imahe nitong mga nakaraang taon," malamig na sagot ni Don Albert. "Bihira akong makialam sa negosyo ng mob o anumang ilegal, at alam ng lahat sa Aurous Hill na si Zachary ang kanang kamay ko, pero inamin niya ang paggawa ng kasuklam-suklam na krimen sa likod ko. Ano pa ito kung hindi paninira sa reputasyon ko?"Napalunok si Jacob sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito kaseryoso si Don Albert, pero agad siyang nagpaliwanag, "Patawad. Hindi ko inaasahan na maaapektuhan ka nang sobra… Kasalanan lahat ni Zachary! Hindi ko sana malalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6533

    Sa puntong ito, pwede nang ituring ni Jacob si Don Albert bilang kanyang personal na tagapagligtas.Kahit na binantaan niya si Zachary na tatawagan niya si Charlie, sa totoo lang, hindi niya talaga magagawa na tawagan si Charlie.Dahil, paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag na kasangkot siya sa isang krimen?At ang pagsabi kay Charlie ay parang pagsasabi sa kanyang anak na babae—ano ang iisipin nila sa kanya pagkatapos nito? Magagawa pa ba niyang itaas ulit ang kanyang ulo sa pamilya?Kaya, ang tanging pagpipilian niya ngayon ay hilingin ang tulong ni Don Albert at tingnan kung tutulong siya.Ang hindi niya alam, kasama ni Don Albert si Charlie, na inaasahan na ang gagawin ni Jacob.Kapag napagtanto ni Jacob na hindi niya mapipigilan si Zachary, hahanap siya ng taong makakagawa nito, at si Don Albert ang pinakamahusay para sa trabahong iyon!Hindi nakapagtataka, agad na tumunog ang cellphone ni Don Albert dahil sa tawag mula kay Jacob.Hindi agad sumagot si Don Albert, sa hal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status