Share

Kabanata 12

Author: Lord Leaf
Sa pag-aakala na nagbibiro lamang si Charlie, hindi ito sineryoso ni Claire. Siya ay naglakad sa gilid at tumawag kay Doris.

Hindi matagal, may sumagot na.

Ang matamis at kalugod-lugod na boses ni Doris ay umalingawngaw sa kabilang linya. “Hello, Miss Wilson.”

“Hi, Miss Young. May pabor po akong hihilingin sa iyo,” sinabi nang nahhiya ni Claire.

“Sige, ano iyon?” Sumagot si Doris.

Ininsayo muli ni Claire ang pangungusap sa kanyang isip, humingia nang malalim bago siya nagsalita nang determinado, “Maaari ko bang malaman kung may oras ang chairman bukas nang gabi? Ang aking pamilya ay magdaraos ng handaan bukas upang i-anunsyo ang kolaborasyon namin sa Emgrand Grorup. Sana ay pumayag ang chairman sa aking imbitasyon…”

Mayroong katahimikan sa kabilang linya bago ulit nagsalita si Doris, “Miss Wilson, pasensya na ngunit hindi ko kayang gumawa ng desisyon para sa aking chairman. O kaya, pwede ko siyang kausapin para sa iyo, ayos lang ba iyon?”

Sinabi nang magalang ni Claire, “Salamat po, pasensya na sa abala.”

Pagkatapos ng tawag, kinakabahan na hawak ni Claire ang kanyang selpon, hinihintay ang sagot.

Sa sandaling ito, biglang tumunog ang selpon ni Charlie.

Nagulat si Charlie, tahimik na minura ang kanyang sarili dahil nakalimutan niyang patayin ang tunog ng kanyang selpon. Siguradong si Doris ito upang hingiin ang kanyang opinyon.

Nagkunwari siyang sinagot ang selpon nang kalmado at sinabi, “Hello?”

Tulad ng inaasahan, lumabas ang boses ni Doris sa selpon, “Mr. Wade, may handaan bukas nang gabi ang Wilson Group. Gusto ko lang po tanungin kung makakapunta ka sa handaan.”

Sumagot si Charlie, “Ah, ganun ba? Sige, gagawin ko… Sige, iyon lang, paalam…”

Pagkatapos, agad niyang binaba ang tawag at sinabi, “Nakakainis talaga ang mga marketing spam na tawag…”

Hindi naghinala si Claire, ngunit mabilis na tumunog muli ang kanyang selpon.

Narinig niya muli ang boses ni Doris. “Hello, Miss Wilson, pumayag ang chairman sa iyong imbitasyon, pupunta siya sa lugar kung saan gaganapin!”

“Huh! Talaga… mabuti… salamat nang marami sa iyong tulong. Pakisabi rin po na salamat kay Mr. Chairman…” Bumulong si Claire dahil sa gulat at sinundan nang sabik na tili. Hindi niya inaasahan na papayag ang chairman na pumunta.

Mabilis siyang pumunta kay Lady Wilson at sinabi nang natutuwa, “Lola! Pumayag ang chairman ng Emgrand Group na pumunta!”

“Talaga!?” Sobrang nasabik si Lady Wilson.

Tumalikod siya at inutusan agad ang mga miyembro ng pamilya, “Bilis, gawin na ang mga kailangan ihanda! Ipareserba ang pinakamahal na hotel, orderin ang pinakamasarap na pagkain at inumin! Salubungin natin nang magarbo ang chairman ng Emgrand Group!”

“Sunod, tawagan ang lahat ng malaking kumpanya sa siyudad at anyayahin sila sa ating handaan! Ipaalam niyo sa kanila na pupunta rin ang chairman ng Emgrand!”

Pagkatapos, ang opisina ay naging sobrang abala dahil sa lahat ng tao na tumawatawag!

Ang lahat ay nagmadali, patuloy na tinatawagan ang kanilang mga kasosyo sa negosyo at ang mga prominenteng tao sa Aurous Hill.

Ang balita ay sumabog na parang isang atomikong bomba sa siyudad at kumalat ito na parang apoy!

Sa isang kisap-mata, ang lahat ng tao sa Aurous Hill ay alam ang tungkol sa handaan ng Wilson Group.

Ang misteryosong chairman ng Emgrand Group ay magpapakita sa handaan ng pamilya Wilson bukas ng gabi!

Sinagot ni Lady Wilson ang hindi mabilang na katanungan sa telepono na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Siya ay sobrang saya ngayon, dahil alam niya na pagkatapos ng handaan kinabukasan, ang pamilya Wilson ay siguradong magiging pinakahanap-hanap na pamilya sa Aurous Hill!

Humagikgik siya nang tapat at sinabi, “Sige, iyan lang para sa araw na ito. Maghanda na kayo sa handaan kinabukasan. Makakaalis na kayo!”

Pagkatapos ng pagpupulong, bumalik si Lady Wilson sa kanyang opisina.

Si Harold ay tumingin sa paligid nang malambing at mabilis na sinundan siya.

“Lola, gagawin mo ba talagang direkto si Claire?”

Hindi maiwasang itanong ni Harold nang wala na ang mga tao sa paligid.

Kumunot ang noo ni Lady Wilson at sinabi sa malamig na boses, “Nangako ako kay Claire, bakit hindi ko siya hihirangin?”

“Lola, hindi mo siya pwedeng gawing direktor!”

“Bakit? Nakakuha siya ng isang malaking kontrata. Ang kanyang kontribusyon ay malaki at importante at nararapat lang ito sa kanya.”

“Nakakuha lang siya ng kontrata sa Emgrand dahil tinulungan siya ni Wendell mula sa pamilya Jones. Narinig ko na pumunta si Wendell sa kanilang bahay kahapon at pumirma ang Emgrand Group ng kontrata sa atin ngayon. Ang pagkakataon ay kakaiba, hindi ba? Sa nakikita ko, nagpalipas siya ng gabi kasama si Wendell Jones!”

Ang mukha ni Lady Wilson ay unti-unting nangitim sa galit. “Totoo ba?”

Sinabi nang matatag ni Harold, “Siyempre totoo! Pumunta nga si Wendell sa kila Claire kagabi. Malalaman mo kapag sinubukan mo iyong imbestigahan.”

Pagkatapos ay nagpatuloy siya, “Lola, si Claire ay isang kasal na babae. Kung lalabas ang sikreto na ito, at nalaman ng mga tao kung paano natin nakuha ang kontrata sa Emgrand, anong sasabihin nila sa pamilya Wilson? Anong sasabihin nila sa iyo?”

Ang kunot sa noo ni Lady Wilson ay mas lumalim, naniwala sa kasinungalingan ni Harold.

Alam niya na may gusto si Wendell kay Claire.

Sa panahon ng kanyang kaarawan, binigyan siya ni Wendell ng isang jade talisman na may halagang tatlo o apat na milyong dolyar.

Maipapaliwanag rin nito kung bakit nakakuha ng aninnapung milyong dolyar na kontrata si Claire.

Nang maramdaman ang pagbabago sa ekspresyon ni Lady Wilson, mabilis na nagpatuloy si Harold, “Kung gagawin mong direktor ang walang hiyang babae na ito, madudungisan ang ating reputasyon! Sa ganitong panahon, dapat kang maghirang ng ibang tao upang maging direktor at ibigay din ang kredito sa pagkuha ng kontrata sa taong iyon. Ang pinakamagandang pagpipilian ay isang lalaki, ito ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang tsismis!”

Tumango nang bahagya si Lady Wilson, pinag-iisipan ang kanyang mungkahi.

Pinaniwalaan niya ang 80% ng kasinungalingan ni Harold.

Kung iisipin ang mga pangyayari, dapat siyang pumili ng ibang kandidato bilang direkto upang matanggal ang mga sabi-sabi at tsismis.

Kung malaman ng publiko na nakuha ni Claire ang kontrata dahil mayroon siyang relasyon kay Wendell, maaari niyang sabihin na ang bagong direktor ang nakakuha ng kontrata sa halip na produkto ito ng ibang relasyon ni Claire.

Bukod dito, ang matandang babae ay may kinikilingan din.

Sa totoo lang, hindi niya gusto si Claire! Bukod dito, siya ay isang maingat na babae na may patriyarkal na pag-iisip. Hindi niya gusto ang ideya na unti-unting lumalaki ang impluwensya at kapangyarihan ni Claire sa pamilya Wilson.

Dapat niyang pigilan ang kanyang paglaki sa pamilya upang pagtibayin ang kayamanan ng pamilya Wilson.

Nagpasya siya nang tahimik habang ang kanyang utak ay patuloy na nag-iisip.

Tumingin siya kay Harold at sinabi nang malamig, “Harold, mula ngayon, dapat kang makinig sa akin. Gawin mo ang mga sasabihin kong gagawin mo, at huwag mong gawin ang mga sasabihin kong huwag gawin, naiintindihan mo ba?”

Tumayo nang tuwid si Harold at sinabi, ipinapakita ang kanyang katapatan, “Huwag kang mag-alala lola, Susundin ko ang iyong mga utos na parang isang tapat na tagapaglingkod. Pupunta ako kung saan ka tuturo. Gagawin ko kung ano man ang sabihin mo!”

“Sige.” Tumango si Lady Wilson at nagpatuloy, “Sa handaan bukas, i-aanunsyo ko na ikaw ang magiging bagong direktor at ang mamumuno sa proyekto kasama ang Emgrand Group. Pero tandaan mo, dapat kang maging masunurin at matapat. Kaya kitang itaas, pero kaya rin kitang ibaba!”

Masayang tumili si Harold at sinabi, “Huwag kang mag-alala, lola! Magiging mabuting bata ako!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Raul Fernandez
next chapter Po 5422
goodnovel comment avatar
Raul Fernandez
kabanata 5422 po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6301

    Pinakamadali sana kung patay na sila. Ang kailangan lang gawin ay hanapin ang kanilang mga bangkay at iuwi ito kay Jennie.Kung pangalawa o pangatlong posibilidad naman, ang misyon ay hanapin sina Edmund at Salem, kahit na nagtatago sila nang kusa o sapilitan. Maituturing na tapos ang misyon kapag naibalik na sila sa United States.Kaya tumingin si Harrison sa mga direktang kamag-anak na nasa magkabilang panig ng mesa at nagtanong, "Sino sa inyo ang gustong magboluntaryo na pumunta sa Oskia at tulungan si Jennie na hanapin ang kanyang asawa at anak?"Nagpalitan ng alanganing tingin ang mga tao.Walang gustong umalis ng New York sa ganitong panahon.Kung may mangyari habang nasa Oskia sila, tuluyan nilang mawawala ang kanilang kalamangan sa pakikipagkompetensya.Nang makita ni Harrison na walang gustong sumagot, nairita siya. Ang kanyang mga inapo, na karaniwang nagpapakita ng kumpiyansa at masunurin, ay biglang walang ipinapakitang pagkakusa. Mamamatay siya sa kahihiyan kung wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6300

    Dahil sa pangako ni Harrison, sobrang natuwa si Jennie kaya hindi siya tumigil sa pag-iyak habang paulit-ulit siyang nagpapasalamat. "Salamat, Mr. Harrison! Salamat!"Matagal nang naubusan ng paraan si Jennie at wala na siyang mabisang solusyon sa kanyang sitwasyon. Sa simula, hindi siya naglakas-loob humingi ng tulong sa pamilya Rothschild dahil alam niyang minamaliit nila ang mga malalayong kamag-anak na katulad niya.Pero ngayong araw, napakaswerte niya!Biglang nagpakita ng kabutihan si Harrison sa mga collateral family, at agad na naisip ni Jennie na ito ay isang bihirang pagkakataon na minsan lang dumarating sa buhay.Nang makita nila ang pagpapakita ni Harrison ng responsibilidad para sa mga collateral family, nakaramdam din ang iba ng matinding pasasalamat at kasabikan.Tumayo si Harrison at mahinahong ngumiti habang nagsabi, "Kung may mangyari pang katulad nito sa hinaharap, huwag kayong mag-atubiling pumunta sa Family Relations Office anumang oras. Maglalagay ako roon ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6299

    Pero sa pagkakataong ito, lubos nang nagbago ang pananaw ni Harrison kumpara dati.Naintindihan niya ang isang bagay—ang tunay na dapat niyang pagtuunan ng pansin ngayon ay hindi na ang kinabukasan ng pamilya Rothschild, kundi ang sarili niyang kinabukasan.Habang tumatanda siya at patuloy na ayaw ipasa ang posisyon ng pinuno ng pamilya sa mga anak niya, hindi maiiwasan na magkaroon sila ng sama ng loob. Posibleng balang araw ay may isa sa kanila na susubukang patalsikin siya o itabi siya. Kaya nagpasya siyang unang makipagkasundo sa mga collateral branch ng pamilya, at ialok sa kanila ang bahagi ng mga benepisyo ng pamilya kapalit ang kanilang buong suporta, para masiguro ang mas ligtas na kinabukasan para sa kanya.Sa pag-iisip na iyon, tumayo siya sa gitna ng palakpakan ng lahat, puno ng sigla, at sinabi, "Simula ngayon, tandaan ninyo na basta’t nananatili kayong matatag na nagkakaisa sa amin, hinding-hindi namin kayo pababayaan o hahayaang dumanas ng kahihiyan, dahil pamilya tay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6298

    Nakaupo si Harrison sa pangunahing upuan sa meeting room, nakangiti at punong-puno ng saya at pananabik.Pagkatapos ay tumingin siya sa mga tao sa paligid at nakangiting sinabi, "Umupo na kayong lahat!"Isa-isang naupo ang lahat.Nakangiti si Harrison habang nakatingin sa lahat at nagsimulang magsalita, "Ito ang unang beses na ganito karaming tao ang nagtipon sa meeting room na ito. Nakikita ko na marami sa inyo ang walang maayos na upuan. Ang plano ko sana ay tipunin kayo lahat sa headquarters para mas komportable, pero dahil ilang araw na akong hindi nakakapunta sa kumpanya, dito ko na lang kayo ipinatawag. Pasensya na sa abala at sa anumang hindi magandang idinulot nito. Sana huwag niyo itong pag-isipin nang masama.""W-Wala po iyon." Mabilis na kumaway ang mga miyembro ng mga branch family na may mapagpakumbabang ekspresyon, hindi makita ang kahit bahagyang senyales ng pagkadismaya o pagod sa mga mukha nila.Hindi nila inasahan na si Harrison, na palaging malamig sa kanila, ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6297

    Dahil sa biglaang pagtitipon at pagpupulong, napaisip ang mga miyembro ng mga branch family kung ipapasa ba ni Harrison ang posisyon bilang pinuno ng pamilya kay Julien ngayong araw. Pero ang lalo nilang ikinalito at ikinaintriga ay ang parang ang pinakamalungkot na tao sa silid ay sina Julien at Royce.Kung tutuusin, dapat sina Julien at Royce ang pinakamasayang tao sa silid kung si Julien nga ang tatanggap ng posisyon bilang pinuno ng pamilya ngayong araw.Pero base sa mga itsura nila, inakala ng lahat na mukhang hindi maganda ang kahihinatnan ng meeting na ito para kay Julien. Posible bang papalitan na ang tagapagmana?Dahil sa hindi tiyak na sitwasyon, nagsama-sama ang ilang miyembro ng mga branch family at nagbubulungan, hindi mapakali.Ang ganitong eksena ay nagparamdam kay Julien na para bang nakaupo siya sa tinik at karayom.Dahil isa siyang taong pinapahalagahan ang dangal, ang palaging pinag-uusapan at pinagmamasdan nang palihim ay nagparamdam sa kanya na parang isa s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6296

    Sinabi ni Bill nang walang pag-aatubili, "Sige, sabihin mo na. Hindi na kailangan ng pormalidad sa pagitan natin. Kung matutulungan kita dito, gagawin ko talaga ito."Sinabi ni Harrison, "Narinig ko na may data center ang Microsoft sa Northern Europe. Gusto ko itong bilhin.""Bilhin?" Medyo nagulat si Bill pero agad siyang sumagot, "Mr. Rothschild, kung ang cloud services ng Microsoft ay parang isang Boeing 747, ang data center sa Northern Europe ay isa sa apat na engine ng eroplano. Hindi basta pwedeng tanggalin ng isang airline ang isang engine mula sa gumaganang eroplano at ibenta ito. Kung ibebenta namin ito, babagsak ang cloud services ng kalahati ng Europe, at hindi kakayanin ng ibang data centers ang ganoon kalaking load sa maikling panahon. Hindi namin ginawa ang system na may ganoong kalaking redundancy.""Imposible." Kaswal na sinabi ni Harrison, "Isa ako sa mga bisitang nakasakay sa Boeing 747 nang opisyal itong inilunsad 50 taon na ang nakalipas. Binata ka pa lang noon.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status