Agad na tumugon si Doris, “Hello, Mr. Wade…”Ganoon din, tumayo si Loreen at nahihiya siyang nagsalita, “Hello Miss Young…”Saka lamang napansin ni Doris ang presensya ni Loreen. Hindi niya mapigilang masorpresa, “Oh? Naririto ka rin pala, Loreen? Hindi ka pa umuuwi?”Hindi natural ang boses ni Loreen nang sumagot siya, “Um… Pupunta rin ako sa airport mamaya-maya.”Sa tabi, nang masaksihan ni Dylan ang ganda ni Doris, nagkaroon ng kislap sa kanyang mga mata.Marami na siyang nakitang magagandang babae, pero hindi pa siya nakakakita ng isang babaeng business elite na katangi-tangi ang itsura at hindi mapapantayan ang pagiging elegante. Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso.Hindi niya namalayang napatayo siya para tanungin si Loreen, “Loreen, bakit hindi mo pa ako pinapakilala sa magandang binibini?”Agad namang bumalik ang huwisyo ni Loreen. “Nga pala, Miss Young. Gusto kong ipakilala sa inyo ang pinsan ko, si Dylan.”Nilingon ni Loreen si Dylan, “Dylan, ito ang vice chairp
Nag-iisip pa lang si Dylan ng mga pwedeng pag-usapan para mapalapit kay Doris nang bigla siyang makatanggap ng isang WhatsApp message galing sa kanyang nanay na si Sylvia.Tila ba tinamaan siya ng kidlat nang mabasa ang nilalaman nito.“Wala ka talagang kuwenta! Bakit mo na naman ginalit si Charlie Wade?! Tumawag si Wrigley ng pamilya Golding. Sinabihan niya akong may ginawa ka na namang katarantaduhan kaya dinagdagan ni Charlie ang parusa mo. Dalawang taon ka na raw mananatili sa Aurous Hill!”Halos mahimatay na si Dylan sa puntong ito!“Dalawang taon?! Gusto niya ba akong malagutan ng hininga?”“Dalawang araw pa nga lang ako sa Cliffcouls pero hindi ko na kaya. Hindi ako sigurado kung magtatagal ba ako ng isang taon. Bakit naman biglang dinagdagan ni Charlie ng isa pang taon ang parusa ko? Ano bang ginawa ko sa kanya?”Habang iniisip ito, hindi namalayan ni Dylan na napatitig na siya kay Charlie, “Mr. Wade, hindi…”Subalit, hindi hinintay ni Charlie na matapos si Dylan sa kany
Ganoon din, habang nagngingitngit ang ngipin at nagdadabog ng paa, dinampot ni Dylan ang tasa at ininom niya ito sa isang lagok lang.Ang pag-inom nito ay katumbas ng kanyang pagsang-ayon sa bagong parusa ni Charlie sa kanya.Hindi niya inakalang dodoble ang kanyang sentensiya at magiging dalawang taon pa ito.Gustong umiyak ni Dylan. Tila ba nawalan siya ng enerhiya at hindi niya na magawang magsalita. Naglaho na yata ang kaluluwa niya.Sa pagkakataong ito, nasorpresa nang kaunti si Loreen.Hindi man alam ng iba ang tungkol sa alitan nila Dylan at Charlie, pero alam niya ang lahat ng tungkol rito.Si Charlie ang dahilan kung bakit nagbisikleta si Dylan mula sa Eastcliff papuntang Aurous Hill. Siya rin ang dahilan kung bakit maraming pinagdadaanan paghihirap ang kanyang pinsan. Nang marinig niyang binanggit ni Charlie ang tungkol sa charades, may masama na siyang kutob agad.Kaya, tinanong niya si Dylan nang pabulong, “Dylan. Anong nangyayari?”Inabot ni Dylan ang kanyang cellp
Gusto talagang malaman ni Loreen kung ano ang tunay na relasyon sa pagitan ni Charlie at Doris.Subalit, hind ito posible dahil kulang na siya sa oras.Kailangan niya pang magmadali para umuwi ng Eastcliff at magdiwang kasama ang kanyang pamilya sa New Year. Kaya, pagkatapos niyang manatili sa loob ng sampung minuto, nilingon ni Loreen si Claire at Charlie, “Claire, Charlie, mauuna na ako dahil may hinahabol pa akong flight sa airport. Fully booked ang lahat ng seats ngayong araw. Kapag hindi ako nakarating sa tamang oras, hindi ko makakasama ang pamilya ko sa New Year.”Sumagot si Claire, “Loreen, gusto mo bang ihatid ka namin sa airport?”Agad na tumugon si Loreen, “Hindi niyo na kailangang mag-abala pa. Manatili na lang kayo rito sa bahay.”Pagkatapos niyang magsalita, nilingon niya naman si Doris, “Miss Young, mauuna na ako.”Banayad na tumango si Doris, “Mag-ingat ka sa biyahe mo! Advance Happy New Year rin!”“Maraming salamat!” Tumango rin si Loreen. Pagkatapos magpaalam s
Noong una, binalak sana ni Lady Wilson na magtrabaho sa supermarket ngayong araw.Nangako rin ang supermarket supervisor sa kanya na doble ang magiging sahod niya ngayong araw.Subalit, nakaupo lamang si Lady Wilson sa bangko ngayon dahil sa taas ng kanyang blood pressure. Masama ang kanyang pakiramdam pagkatapos nakawin ni Hannah ang kanyang pera at makatanggap ng pangungutya kay Elaine.Kahit hindi naman seryoso ang kondisyon niya, wala pa rin siyang magawa kundi kanselahin ang kanyang plano na pumasok sa trabaho. Hindi makakabuti ang mataas na blood pressure habang kasalamuha ang mga kostumer.Nang maalala niyang ninakaw ang pinaghirapan niyang pera at wala na rin siyang oportunidad na kumita nang doble ngayong araw, hindi mapigilang maging mapanglaw ni Lady Wilson.Gusto niya sanang papuntahin si Wendy sa supermarket bilang kapalit niya.Subalit, nang maalala niyang paralisado sila Christopher at Harold at nakahimlay lamang ito sa kama buong araw, dagdag pa na may hypertensio
Samantala, naghahanda sina Charlie at ang kanyang pamilya para sa New Year’s Eve mamayang gabi.Iba’t ibang klase ng sangkap ang nakatambak sa mesa ng kusina.Si Charlie ang pinakamagaling magluto sa kanila kaya hindi niya tinanggihan ang responsibilidad na maging main chef para sa hapunan nila ngayong New Year’s Eve.Dahil sa injury ni Elaine, nakaupo lamang siya sa sahig habang hinahanda ang mga gulay. Tinulungan naman ni Claire si Charlie sa paghuhugas at paghihiwa ng iba’t ibang mga sangkap, samantalang si Jacob naman ang bahala sa magiging palaman ng dumplings.Bibihira lamang ang ganitong klase ng eksena sa bahay nila kung saan nagtutulungan silang apat sa kusina.Nang padilim na ang langit, isa-isa na nilang hinain sa hapag ang mga niluto nila.Sa kabilang banda, sa villa A04, abala rin si Jennifer, Yara, at Yulia sa kusina.Simple lamang ang pamumuhay ng tatlong binibini. Kita rin ito sa mga handang niluluto nila. Bukod sa dumpling na nasa hapag, bumili rin sila ng manok
Sa pagkakataong ito, nasa sala sila Charlie at ang kanyang pamilya, kumakain sila ng hapunan habang nanonood ng Spring Festival Gala sa TV. Masaya ang buong pamilya at nagtatawanan sila.Dahil sa okasyon ngayong araw, itinigil muna ng matandang mag-asawa na si Jacob at Elaine ang kanilang madalas na bangayan.Uminom rin si Jacob at Charlie ng white wine. Kita ang tuwa sa ekspresyon ni Jacob.Samantala, gustong uminom ni Claire ng red wine kasama ang kanyang ina. Subalit, agad na hinablot ni Elaine ang red wine mula sa kamay ng kanyang anak at seryoso siyang nagsalita, “Claire, hindi ka pwedeng uminom ng alak kung sinusubukan mong magbuntis. Hindi iyan maganda para sa bata!”Sumunod, nilingon niya si Charlie saka siya ngumiti, “Mahal kong manugang, huwag ka ring uminom nang marami. Hindi maganda iyan para sa lalaki! Makakaapekto iyan sa kalidad ng magiging anak niyo ni Claire pati na rin sa kalusugan ng bata!”Nataranta si Claire sa mga salita ng kanyang ina. Namumula siya dahil sa
Nang tingnan ni Charlie ang litrato na puno ng niyebe, naalala niya ang gabing umuulan rin ng niyebe sa Kyoto. Ilang araw na ang nakararaan simula nang mangyari ito.Sa kabila ng malakas na buhos ng niyebe. Iniligtas niya si Nanako at hindi niya sinasadyang masagip rin si Jaime at Sophie Schulz.Habang iniisip ito, tahimik siyang bumuntong hininga saka siya sumagot kay Nanako, “Maraming salamat! Happy New Year rin sa iyo!”Hindi niya pinansin ang sinabi ni Nanako tungkol sa pag-ulan ng niyebe sa Kyoto.Alam niyang hindi dapat sila magkaroon ng masyadong maraming interaksyon ng babae.Noong una, pakiramdam niya hindi dapat pasanin ni Nanako ang mga sugat na ibinigay ni Aurora sa kanya kaya gusto niya sanang tulungan na maghilom ito.Ngayong magaling na si Nanako at nailigtas niya ang buhay na ito, sa madaling salita, patas na silang dalawa.Mas magiging komplikado lang ang sitwasyon kapag patuloy niya pang kakausapin ang babae nang walang partikular na rason.Alam rin ni Charlie
Napangiwi si Antonio nang marinig ang hiling ni Charlie.Napakagat siya sa labi at pinilit ngumiti habang sinasabi, “Ayos, ang galing mong mangikil ng mafia!”Nagtanong si Charlie na may pagtataka, “Hoy! Mafia ka ba talaga?”Napangisi si Antonio, “Ano? Ngayon mo lang nalaman?”Pagkasabi noon, ibinalik niya ang one thousand US dollars sa kanyang pitaka at mayabang na sinabi kay Charlie, “Ngayong alam mo na kung sino ako, may oras ka pa para umalis ngayon.”Napailing si Charlie at sinabi nang nanghahamak, “Tulog ka pa ba? Gusto mong paalisin ako nang walang bayad?”Napakagat sa labi si Antonio at sinabi, “Totoy, kung hindi mo sasamantalahin ang pagkakataon na binibigay ko sayo, huwag mo akong sisisihin kung magiging bastos ako sayo!”Pagkatapos noon, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Basagin ang mga binti niyan at itapon sa isang lugar na isang daang milya ang layo. Bilisan niyo, parating na ang VIP.”Agad na lumapit ang ilang lalaki kay Charlie habang pinagkuskos ang mga palad
Hindi niya hahayaan na palampasin ang ganito kagandang pagkakataon.Kaya matigas niyang sinabi, “Gusto ko ng cash, at dito ako maghihintay. Kapag hindi n’yo ako binayaran, hihintayin ko na lang ang pulis!”Kita kay Jilian ang kaba at desperasyon habang nagmakaawa siya nang mapait, “Sir, pakialis niyo lang ako rito, bibigyan ko kayo ng 200 thousand US dollars!”Hindi natinag si Charlie at patuloy na iginiit, “Cash ang gusto ko, at gusto ko ngayon din!”Halos maiyak na si Jilian habang balisa siyang lumilingon-lingon pabalik sa mansyon, takot na takot na baka habulin siya ng kanyang ama. Pero hindi siya binigyan ng kahit anong pagkakataon ni Charlie.Sa sandaling ‘yon, may isang matangkad at matabang lalaking naka-amerkana na lumapit nang mabilis kasama ang maraming tauhan. Nang makita ito ni Jilian, nawalan siya ng pag-asa dahil ang nasa unahan ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Antonio.Galit na galit at naalarma si Antonio. Hindi niya inaasahan na pagkatapos masira ng damit
"Kikilan?!"Nang marinig iyon ni Charlie, agad siyang nagalit at biglang sumigaw, “Dumaan lang ako rito, wala naman akong inagrabyado, tapos bigla na lang akong binangga ng kotse ng babaeng ito. Natural lang na humingi ako ng bayad. Paano mo nasabing nangingikil ako? Huwag kayong manindak dahil mas marami kayo, at huwag niyong isipin na natatakot ako sa inyo!”Agad na bumunot ng baril ang miyembro ng mafia mula sa kanyang baywang, itinapat ito sa ulo ni Charlie, at malamig na sinabi, “Bumaba ka riyan! Kapag nagsalita ka pa ng kung anu-ano, babarilin kita!”Galit na sagot ni Charlie, “Letse! Ang galing mo rin pala. Babarilin mo ako sa harap ng maraming tao?”Sa oras na ‘yon, binuksan ni Angus ang pinto ng pasahero ng Chevrolet at itinaas ang hawak na cellphone habang malakas na sinabi, “Mr. Charlie, tinawagan ko na ang pulis!”Tumango si Charlie na parang kontento, tumingin sa mga miyembro ng mafia at malamig na sinabi, “Hindi niyo ba ako babarilin? Sige nga, barilin niyo ako dito
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin