Share

Kabanata 2048

Author: Lord Leaf
‘Subalit, kapag isinuko ko ang controlling rights, magiging katumbas ito ng pagsuko ko sa awtonomiya ng kumpanya. Sa hinaharap, kung ang Nippon Steel ang bahalang magdesisyon para sa kumpanya, mawawalan ng kapangyarihan ang pamilya Moore. Kung iyan ang kaso, bakit pa ako magsasayang ng pagod…’

Nang makita ni Kazumi na hindi alam ni Jasmine ang gagawin niya, ngumiti siya saka siya nagsalita, “Miss Moore, hindi natin kailangang magmadali. Pwede ka munang umuwi at pag-isipan ito. Mag-usap na lang ulit tayo bukas. Ano sa tingin mo?”

Nag-alangan si Jasmine sa loob ng ilang sandali saka siya marahang tumango.

Alam niyang wala talaga siyang advantage sa negosasyong ito.

Kapag nagpatuloy sila sa kanilang diskusyon, malalagay lamang siya sa isang malalang puwesto. Baka umabot pa sa puntong kailangan niyang isuko ang interes ng Moore Group.

Maihahalintulad ang sitwasyon sa pagbili ng isang gamit sa isang tindahan. Kung kinakabahan ang nagbebenta, natural na bibigyan niya ng mas mataas na po
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6515

    [Sobrang nakakamangha si Mick Crane—wala naman siyang kahit anong kakayahan, pero ang lakas ng loob niyang maging manager ng Vintage Deluxe? Sobrang desperado na ba talaga sila? Kahit ako ay kayang maging manager nila at mas magaling pa ako!][Kung ako si Mick, umalis na ako ngayon. Hindi na ako mangangahas na ipakita ang mukha ko sa Antique Street ng Aurous Hill!]Samantala, si Mick, na alam na nagdala siya ng matinding kahihiyan sa sarili niya, ay nagtatago sa opisina niya at tumatanggi sa lahat ng bisita.Naglalakad siya nang paikot-ikot sa sobrang kaba hanggang sa halos numinipis na ang swelas ng sapatos niya—hindi niya alam ang gagawin, habang nahihiya, nag-aalala, at galit na galit.Hindi na kailangan pang ipaliwanag kung bakit siya nahihiya—mas masahol pa ang narramdaman niya kaysa sa pagdumi sa gilid ng kalsada.Ang inaalala niya ay ang kinabukasan niya—hindi niya mapoprotektahan ang trabaho niya kapag nalaman ito ni Jasmine Moore.Sigurado siyang kasalanan ito lahat ni Z

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6514

    Sa puntong iyon, lubos nang inamin ni Zachary na talo na siya.Nang maunawaan niyang hindi niya kayang tapatan si Raymond, alam niyang mapapahamak lang siya nang mas malala kung patuloy pa niyang guguluhin ito.Kaya alam na alam niya na kung gusto niyang ayusin ang gulong ito, si Jacob lang ang tanging solusyon.Ang magagawa na lang niya ngayon ay mag-isip ng paraan para matauhan si Jacob dahil wala na talagang ibang pagpipilian.Dahil dito, hinintay niyang lumapag si Jacob sa Dubai, at saka niya ito tatawagan at magsisimulang magmakaawa.Kung kailangan talaga, ibibigay na lang niya kay Jacob ang lahat ng pera niya at ituturing itong isang masakit na aral.-Kasabay noon, kumakalat sa Antique Street ng Aurous Hill ang balita tungkol sa nagawa ni Raymond.Noong una, marami ang nag-akala na itinago ni Raymond ang tunay na halaga ng bronze sculpture nang bilhin niya ito, pero pinatunayan ng video na matatag ang kanyang pagkatao at integridad sa negosyo.Ang security footage pa la

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6513

    Huminto sandali si Raymond bago tinapos, “At panghuli, kailangan ding imbestigahan ang pinagmulan ng bronze sculpture mismo para malaman kung gawa ba ito ng sindikatong dalubhasa sa paggawa ng peke!”Pagkasabi niya noon, namutla si Bob, nanginig, at pinagpawisan nang sobra.Maging si Zachary ay parang natanggalan ng kaluluwa habang patagong nanonood.Hindi niya talaga inasahan na ganoon katalas si Raymond, na kaya niyang himayin ang buong plano at tamaan kaagad ang pinakamatinding butas nito.Para mapatunayan nilang ninakaw ang bronze sculpture, kailangan munang patunayan ni Bob na tunay siyang kapatid ni Bill—na hindi naman totoo.Sa katunayan, dalawang babae lang ang kapatid ni Bill… at ang mas malala pa, buhay pa ang tatay niya.Kaya kapag nadamay ang pulis at naimbestigahan ang pamilya ni Bill, siguradong mabubuking ang lahat ng kasinungalingan niya.Siyempre, may isang desperadong paraan na ipaaamin niya kay Bill na ninakaw niya ang bronze sculpture mula sa bahay ng isang e

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6512

    Huminto sandali si Raymond bago nagpatuloy, “Para mapatunayan na legal na may bisa ang will, kailangan may presensya ng public notary at mas mabuti kung siya mismo ang nag-certify ng will—kung hindi, puro kabulastugan lang ang sinasabi mo.”“Kung ganoon, ibig sabihin ang bronze sculpture ay pagmamay-ari ng ama mo—hindi sa iyo. At dahil hindi ka makapagpakita ng will na legal na may bisa, ayon sa batas, ikaw at ang kapatid mo ay may tigkalahating karapatan sa pagmamana ng bronze sculpture… o mas kaunti pa kung may iba pa kayong buhay na kapatid o kung buhay pa ang nanay mo.”“Pero dahil may karapatan ang kapatid mo sa mana, legal ang pagkakabenta niya ng bronze sculpture sa akin. Maaari mo siyang idemanda at hilingin sa korte na pababayaran siya sa iyo. Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay magsampa ng kaso laban sa kapatid mo at ayusin ang usaping pamana, sa halip na ako ang puntiryahin mo.”Napatigil si Bob at napalunok, at kahit si Zachary ay hindi makaisip ng tamang sagot.Nang ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6511

    Huminto sandali si Raymond bago nagpatuloy, “Sinabi ko pa sa kanya na pwede niyang iwan sa akin ang bronze sculpture bilang consignment, at sampung porsyento lang ang kikitain ko roon.”“Ayaw niyang tanggapin iyon, kaya inalok ko pa siya ng 50-50 investment kung saan makukuha pa rin niya ang kalahati ng kikitain ko kapag naibenta ko ang bronze sculpture. Tumanggi pa rin siya, at desidido siyang ibenta ito sa halagang 300 thousand, tatanggapin ko o hindi. May security footage pa nga bilang patunay, kaya paano ko siya madadaya?”Nang makita niyang marami ang nanonood, ngumiti siya. “Dahil nandito kayo, iimbitahin ko ang lahat para maging saksi habang pinapakita ko ang security footage na hawak ko. Hihingiin ko sa lahat na kayo ang humusga kung dinaya ko nga ang sinasabi niyang kapatid!”Nanlumo si Bob sa sinabi ni Raymond, pero natatakot siyang umatras, kaya naghanda siya at suminghal, “Hindi na kailangan! Binili mo ang bronze sculpture, kaya ibalik mo iyon ngayon din! Ibabalik ko ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6510

    Pakiramdam ni Zachary na guguho na ang mundo niya matapos ibaba ni Jacob ang tawag, at walang katapusang pagsisisi ang naramdaman niya na sinangkot niya pa si Jacob.Alam naman niyang mula’t mula ay sobrang ordinaryo at mayabang si Jacob, pero dahil manugang nito si Charlie Wade, naging ganado pa rin si Zachary na magpakitang gilas sa kanya.Iniisip niya na katulad ng normal na tao, kahit hindi mo pakainin ang asong masunurin sa iyo, pwede mo naman siyang haplusin man lang. At kung ayaw mo talaga, huwag mo namang kainin ang pagkain niya at sadyang sipain.Hindi niya akalaing ganoon pala talaga si Jacob—walang moralidad, walang konsensya, at walang prinsipyo.Pero kahit lubos ang pagsisisi niya, huli na ang lahat. Kailangan niyang makaisip ng paraan bago lumapag si Jacob.Wala na siyang ibang pagpipilian, kaya tinawagan niya si Bill at iniutos, “Maghanap ka ng mas matanda sa iyo na mukhang masungit para magpanggap na kuya mo. Pagkatapos, papuntahin mo siya kay Raymond at idemanda n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status