Kahit ayaw aminin ni Rosalie ang sarili niyang mga pagkukulang, hindi niya pa rin mapigilang mapabilib sa lakas at hindi normal na kakayahan ni Charlie. Talagang malayo ito sa pagkakaunawa niya sa martial arts.Ngumisi si Charlie at lumingon siya sa kabilang barko.Habang hawak ang compound crossbow, nagitla si Mr. Good sa titig ni Charlie. Nag-alangan siya saka siya bumulong sa captain, “Kahit tumama man ang palaso ko o hindi, kailangan mong gamitin ang full speed ng barko para makaalis tayo rito! Kailangan nating bilisan! Masyadong malakas ang lalaking iyan. Mas mabuting lumayo tayo sa kanya hangga’t kaya natin!”Agad na inilagay ng captain ang kamay niya sa engine power gear habang kinakausap ang isang crew, “Pagkatapos ni Mr. Good sa pangalawang palaso, mag-hard-a-port ka. Kasabay nito, magiging full speed ang takbo natin. Nauunawaan mo ba ako?”Agad na sumagot ang crew, “Opo, captain!”“Mabuti naman!” Tumango ang captain at napatitig siya kay Mr. Good habang kinakabahan.Hum
Napahiyaw sa takot ang lahat ng nasa loob ng barko nang marinig ang sinabi ng isang kasamahan nila!Sa pagkakataong ito, walang kahit sino sa kanila ang kayang lumaban kay Charlie!Tinamaan si Rosalie ng palasong may lason at malapit na siyang mamatay, samantala, itinapon sa dagat ang iba pang mga martial artists ng pamilya Schulz. May iba ring tuluyan nang nalunod dahil sa pagod at lamig ng tubig.Si Mr. Good na lamang ang natitira. Nakatago siya sa loob ng barko at hindi rin alam ni Rosalie ang tungkol sa kanya.Pero, patay na si Mr. Good ngayon. Isang palaso lang ang nagpatumba sa kanya.Tanging mga miyembro na lang ng crew pati na rin ang captain ang natitira. Wala silang alam sa martial arts kaya mas lalong wala silang laban kay Charlie.Habang nanginginig sila at hindi nila alam ang gagawin, biglang sinipa ni Charlie ang pinto ng cockpit para pumasok.Nang magpakita si Charlie, takot na takot ang buong crew sa puntong nanghihina ang mga tuhod nila. Isa sa kanila ang tuluya
Takot na takot ang captain sa puntong naihi siya sa pantalon niya habang sumisigaw, “Pakiusap! Pakawalan mo ako! Sasabihin ko na ang lahat ng alam ko!”Sumunod, nasamid siya, “Ako lagi ang in charge sa cruise ship ni Lord Schulz. Pero sa pagkakataong ito, pinadala niya ako rito para sa isang bagay. Sa totoo lang, walang balak si Lord Schulz na iligtas si Miss Schulz ngayong gabi. Masyadong magastos ang pagsagip sa kanya at matindi rin ang problemang kakaharapin nila kung sakali kaya iba talaga ang plano niya…”Napasimangot si Charlie, “Ano ba talaga ang plano niya?”Sumagot nang diretso ang captain, “Ayon sa plano niya, aalis ang barko ngayong gabi, didiretso kami sa isang bahagi ng karagatan kung saan nanghihintay ang Maritime Self-Defense Force para sugurin kami. Pagdating namin doon, agad nila kaming tatambangan para mahuli si Miss Schulz…”Lalo pang nalito si Charlie. “Ipapahuli niyo siya? Pero bakit? Bakit niya ipapahuli ulit si Rosalie pagkatapos pagsumikapang itakas siya?”
Gusto lang naman makaligtas ng captain sa sandaling iyon. Kaya, tinanong niya si Charlie sa isang nanginginig na boses, “Hindi mo ba ako papatayin kung makikinig ako sa ‘yo at susundin ang lahat ng i-uutos mo sa ‘kin?”Tumango si Charlie at sinabing, “Basta’t handa kang makipagtulungan sa ‘kin, hindi kita papatayin. Pwede ko pang ipabago ang pagkatao mo para makapagsimula ka ng bagong buhay.”Sa sandaling marinig ito ng captain, agad siyang nagpasalamat, “Kung gano’n ay susundin na lang kita!”Si Charlie ay lubos na natuwa, at sinabi niya, “Sige. Kung gano’n ay dapat mo nang gawin ang lahat ng sasabihin ko!”Pagkatapos sabihin iyon, nag-isip si Charlie nang sandali bago sabihing, “Simula noong makaisip ng sariling plano ang matandang Cadfan na iyon, sabihin mo na lang sa kaniya na patay na si Rosali dahil sa kaniyang contingency plan.”Pagkatapos no’n, agad siyang bumulong sa tenga ng captain.Ang captain ay tumango bago pulutin nang mabilis ang kaniyang satellite phone. Pagkatap
Sa sandaling iyon, dali-daling nagsalita ang captain, “Lord Schulz, aalis na ako ngayon. Tiyak na hahanapin ko ang katawan at ipapadala ‘yon sa Japanese Self-Defense Force!”Sumagot si Cadfan, “Hindi mo na kailangang bumalik kung hindi ka makakaisip ng paraan para masunod ang inuutos ko!”“Opo, Lord Schulz!” Agad na pumayag ang captain. Pagkatapos patayin ang phone, tumingin siya kay Charlie nang may nagmamakaaawang itsura sa kaniyang mukha at sinabing, “Sir, kapag nalaman ni Cadfan na nagsisinungaling ako sa kaniya, tiyak na pagpipira-pirasuhin niya ako…”Sumagot si Charlie, “‘Wag kang mag-alala. Dahil sumunod ka na sa mga utos ko, syempre ay tutuparin ko ang pangako ko sa ‘yo!”Pagkatapos sabihin iyon, nagpatuloy si Charlie, “Ang ilan sa inyo ay sasama sa ‘kin sa Aurous Hill ngayong gabi. Tutulungan ko kayong lahat na manatili sa isang ligtas na lugar pagkatapos dumating sa Aurous Hill. Sa sandaling iyon, pwede kayong mamuhay nang patago muna. Pagkatapos kong pangalagaan ang Pam
Nang makita ni Charlie na ang mukha ni Rosalie ay tila lubos na interesado, ngumiti siya nang bahagya at sinabing, “Ang kwento na ‘to ay tungkol sa isang mayaman na tagapagmana na gustong manligaw sa isang napaka-gandang babae. Gayunpaman, ang lalaking ito ay lubos na kuripot, at ayaw niyang gumastos ng maraming pera para lang makuha ang babaeng ito. Kaya, nagsinungaling siya na bibilhan niya ang magandang babae na iyon ng isang Ferrari…”“Pagkatapos no’n, ang mayamang lalaki ay binayaran ang isang Ferrari salesman at hiniling sa salesman na tulungan siyang magpanggap.”“Noong dalhin niya ang magandang babae upang tumingin sa kotse, sinabi sa kanila ng salesman na walang kotseng pwede bilhin sa sandaling iyon. Kaya, ang tanging nagawa na lamang nila ay ang mag-book muna. Pagkatapos no’n, nagpanggap ang lalaki na nagpasok siya ng isang daang libong dolyar bago siya makatanggap ng kontrata para sa booking ng kotse.”“Akala ng magandang babae na ang Ferrari na binili ng lalaki para sa
Sa sandaling iyon, lumabas din si Jasmine ng deck at tinanong si Charlie sa pagkagulat, “Master Wade, narito ba ang mga taong ito para sa ‘kin?”Umiling si Charlie. “Hindi. Narito sila para sa ‘kin.”Si Jasmine ay mas nagulat noong makita niya si Rosalie, na hindi gumagalaw kahit na siya ay mayroong palaso sa kaniyang binti. Kaya, dali-dali niyang tinanong si Charlie, “Master Wade, ang babaeng ito ay…”Tumingin si Charlie kay Rosali bago siya ngumiti at sinabing, “Ang magandang babae na ito ay kalaban natin kanina, pero hindi na siya maituturing pang kalaban natin ngayon.”Pagkatapos niyang magsalita, tumingin siyang muli kay Rosalie bago ngumiti at magtanong, “Little beauty, tama ba ako?”Nakaramdam ng kaunting galit at hiya si Rosalie.Kahit na nakita na niya ang tunay na mga kulay ng Pamilya Schulz, at kahit na niligtas nga ni Charlie ang kaniyang buhay, wala siyang magandang impresyon kay Charlie.Si Charlie ang nag-report sa kaniya at kaniyang mga kasama sa Japanese Self-De
Sa oras na iyon, ang gusto lang ni Rosalie ay ang mabuhay muna bago malaman ang buong katotohanan sa likod ng lahat ng nangyayari.Kahit na siya ay napupuno ng galit para sa pamilya Schulz, alam niyang wala siyang magagawa.Pakiramdam niya na kung ang bagay na ito ay pinlano ng kanyang lolo na si Cadfan nang mag-isa, at kung ang kaniyang ama na si Sheldon, ay walang kinalaman sa problema na ito, tiyak na siya ay magiginhawaan.Gayunpaman, kung ang kaniyang lolo at ang kaniyang ama ay parehong sangkot sa bagay na ito, ganap na siyang hihiwalay sa buong pamilya Schulz!Sa sandaling iyon, napatingin si Rosalie kay Charlie bago magmakaawa sa isang mahinang boses, “Pwede kong sumama sa ‘yo sa Aurous Hill, pero pwede mo ba akong hayaan na tawagan muna ang ina ko? Kailangan kong ipaalam sa kaniya na buhay pa rin ako. Kung ‘di, tiyak na lubos siyang mag-aalala…”Hindi nag-alinlangan si Charlie na sabihiing, “Hindi!”Hindi inaasahan ni Rosalie na tatanggihan ni Charlie ang kaniyang kahili