INICIAR SESIÓNFor 10 years, everyone called Algernon a USELESS! Pipi. Inutil. Palamunin—isang lalaking walang trabaho, literal na walang boses at walang magandang kinabukasan. Higit sa lahat ay pabigat na nakatira sa bahay ng pamilya ng kanyang asawa na hindi naman talaga siya tanggap. Binubuwisit ng byenan niya araw-araw, ginagawang libangan ng hipag ang kanyang kahihiyan, at nang bumalik ang childhood sweetheart ng asawa niya galing abroad na may pera at malisyosong nagmamaliit na ngisi, ay nagsimula na rin lumingon sa ibang direksyon ang babaeng minsan niyang pinakasalan. They took his silence as proof of everything they already believed. Iyon ang pagkakamali ng mga ito! Dahil ang pananahimik ni Algernon ay presyo ng isang pangako. Sampung taon na kasunduan sa isang matandang guro na nagturo sa kanya ng mga bagay na hindi dapat malaman ng pangkaraniwang tao. Sa mismong araw na bumalik ang kanyang boses, nagsimula ring magbago ang lahat. Isang himala ang nagpayanig sa buong Southville. Ang lalaking itinaboy at tinawanan ng lahat ay biglang nagawang gamutin ang sakit na hindi kayang lunasan ng makabagong medisina. Mula sa mga pinakamakapangyarihang pamilya, mga negosyante, hanggang sa mga taong namamayani sa lungsod—isa-isa silang mapipilitang yumuko sa taong minsan nilang tinawag na walang kwenta. He spent ten years letting them be wrong about him but now, Algernon is done being quiet.
Ver másCHAPTER 3Simula nang pinakasalan niya si Algernon, tanggap na ni Veronica na wala talagang kwenta ang lalaki. Hindi na rin naman bago sa kanya na pagsalitaan ito ng ganon.“Oh my God!, nagmamarunong pala talaga gayong pabigat sa pamilya ng asawa. Marunong manggamot? What kind of sh!t is that?”Ang daming bulung-bulungan sa paligid kaya panipis nang panipis ang pasensya ni Veronica.“Wala akong pakialam sa mga personal niyong problema. Basta ngayon, kung hindi niyo mapapagaling ang mga tumubo sa mukha ko, ihanda niyo na ang Fifty Million! Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong palalayasin ko kayonhg lahat dito sa Southville City!”Hindi pwede! Dugo’t pawis ang pinuhunan niya para makalipat sa isa sa pinakamalaking siyudad sa Pilipinas. Hindi pwedeng magsimula ulit sila sa umpisa!“Veron,” tawag sa kanya ng asawa niya. Ngunit nanatili siyang bingi habang nag-iinit ang gilid ng mga mata. “Hindi siya magagamot kung hindi natin susubukan. Hindi natin kaya ang 50 million.”Napaisip sandali s
CHAPTER 2[INTERCHAPTER] KALMADONG naglakad si Algernon palapit sa pang-isahang couch para sana umupo nang bigla siyang sininghalan ni Isabelle. “Huwag kang umupo agad. Batiin mo ang bisita!” Itinuturing ni Algernon na parang sariling ina si Isabelle kaya tinatanggap niya ang mga pagsinghal at sita nito. Nasa isip niya rin na kahit papano ay malaki ang utang na loob niya sa pamilyang Chua. Maangas na tumayo ang bisita at tumigil mismo sa harap niya. Mas matangkad si Algernon rito ngunit talagang inaangasan siya na parang tahimik na sinasabing mas magaling ito sa kanya. “I’m Calix,” mayabang nitong wika. Malamig na nakatingin lang si Algernon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa sadya ko rito. Una, gusto kong makilala kung sino ba ang pinakasalan ng childhood sweatheart ko. Pangalawa, depende sa maoobserbahan ko kung magdidisisyon ba ako ng tamang gagawin sa kasal niyo ni Veron.” Humahala
CHAPTER 1:[ALGERNON] “Bakit ikaw na inutil ang sumundo sa akin? My God, Algernon!, alam mo naman na pipi ka pero pumunta ka pa talaga dito? Paano ka makikipag-usap sa mga tao kung sakali, ha?! Most of all, mapapahiya ako sa mg friends ko!” Sa labas ng Xavier University—Dela Salle de Cagayan , salubong na salubong ang mga kilay ni Bethany nang makitang siya ang nakatayo sa tabi ng kotse sa halip na ang nakakatandang kapatid nito na asawa niya. “Ano pa ang tinatayu-tayo mo riyan? Pumasok ka na dahil baka makita ka ng mga estudyante. Gosh, lumabas ka pa talaga. Ini-stress mo ako! Open the d amn door and get inside!” Walang nagawa si Algernon kundi pagbuksan ang babae na palingun-lingon sa paligid, Napag-utusan lang naman siya ng asawa niyang si Veronica na sunduin ang kapatid nito dahil may kailangan itong gawin na importante sa kompanya. “Oh em gee! Isn’t she Bethany, the University Queen?” Hindi pa siya tuluyan






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.