Kinabukasan ng tanghali.Pumunta sina Charlie at Claire sa Maple Hotel gamit ang kotse.Ang Maple Hotel ay hindi ang pinakamahal sa Aurous Hill, pero isa ito sa mga pinaka eksklusibo at maluhong hotel sa bayan, ipinapakita ang katapatan ni Douglas sa panlilibre sa kanila.Sa totoo lang, gumastos siya nang malaki sa kainan na ito dahil nireserba niya ang isang premium na suite sa hotel. Ito ay may maluhong dekorasyon at malawak na na kaya nitong tumanggap ng dalawampung tao na may bayad na pito o walong libong dolyar sa pinakamababa.Maraming tao na ang nasa suite nang dumating sina Charlie at Claire. Bukod kay Douglas at Loreen, may ilang mga kaklase din sa kolehiyo.Hindi maganda ang nangyari kay Loreen sa mga nakaraang araw.Medyo matagal na siyang dumating sa Aurous Hill mula sa Eastcliff sa layuning makilala ang chairman ng Emgrand Group. Gayunpaman, wala siyang pagkakataon na makita man lang ang chairman pagkatapos magtrabaho nang matagal sa kumpanya.Bukod dito, nanatili s
“Joanne, pinapakinggan mo ba ang sarili mo? Si Douglas ang pinakamalapit nating kaibigan, walang dudang tutulungan niya tayo kung kailangan natin ng tulong.”Isang lalaki na may parisukat na mukha ang nagsalita. Kinuha niya ang kanyang baso at ininom ito sa isang inuman.Tumingin saglit sa kanila si Charlie. Naalala niya sila bilang kaklase niya noong kolehiyo. Ang pangalan ng babae ay Joanne Hampton, at ang lalaki ay si Jerry McLean.Sumagot nang nahihiya si Douglas, “Ah hindi, hindi ko pwedeng akuhin ang lahat ng kredito para doon. Hay, mahabang kwento, kalimutan na natin!”Pagkatapos ay tumingin siya kay Charlie, nagpapasalamat na may kaunting emosyon.Malas talaga na naging nobya niya ang isang manloloko at p*ta. Muntik pang mawala ang lahat sa kanya at mabugbog dahil dito.Sa kabutihang-palad, salamat sa tulong ni Charlie, nabawi niya ang pagmamay-ari ng restaurant at nakatanggap ng dalawang milyon bilang kabayaran. Kaya, ang lahat ng mga pagmamay-ari niya ay dahil kay Charl
Tumingin nang masama si Charlie sa kanila, pero para kay Douglas, hindi na siya nag-abala sa dalawang tangang ito.Sa kabila ng katahimikan ni Charlie, mas lalo siyang kinamuhian nina Joanne at Jerry dahil sa hindi niya ipinagtanggol ang sarili niya pagkatapos niyang malait at mainsulto! Isa talagang talunan!Ipinagpatuloy ni Jerry ang kanyang mga insulto, “Uy, sa opinyon ko, bulag talaga si Claire. Maraming magagaling na lalaki sa klase natin pero, si Charlie, ang talunan ang pinili niya sa huli? Huh, sayang talaga!”Sa gitna ng kanilang panunukso, biglang may tumulak sa pinto ng suite.Bang!Ilang mga matipunong lalaki na nakaitim ang sumugod sa kwarto, at isa sa kanila, isang binata na may crew-cut na gupit at sigarilyo sa kanyang kamay ay sinabi nang malamig, “Umalis kayo rito. Gusto ko ang kwartong ito.”Sumimangot sa inis si Jerry. “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Hindi niyo ba nakikita na naghahapunan kami?”Pagkatapos, hinampas niya nang mabangis ang lamesa at sina
“Tama na, Rambo. Naghahapunan kami rito, umalis ka na!”Walang pakialam si Charlie sa maliit na tao tulad ni Rambo, kaya tamad siyang sumenyas at pinaalis sila.Magalang na yumuko si Rambo at sinabi, “Sige po, Mr. Wade. Aalis na ako ngayon din!”Pagkatapos, mabilis siyang umatras mula sa kwarto na parang isang aso.Sobrang nabalisa at nainis sina Jerry at Joanne. Si Charlie, nilait nila at ininsulto sa iba’t ibang paraan, ay naging isang Mr. Wade! Anong nangyayari?!Tiyak na may hindi pagkakaintindihan dito. Isang talunan lang si Charlie! Bakit siya tinawag ni Rambo na Mr. Wade?! Hindi siya karapat-dapat dito!Humarap si Douglas sa kanila at sinabi nang mahigpit, “Kayong dalawa, ingatan niyo ang pananalita niyo. Maging mapagpakumbaba kayo at huwag kumuha ng atensyon. Matalino na kayo at alam niyo na ang pwede at hindi niyo pwedeng sabihin. Sa kabutihang-palad nandito si Charlie ngayon, kung hindi, malaki ang gulo na mapapasukan niyo!”Nanahimik na parang daga sina Jerry at Joann
Mabilis sinabi ni Zeke, “Mr. Wade, rush hour na sa mga oras na ito, at ito ang pinakamahirap na oras para makakuha ng taxi. Bakit hindi ko kayo ihatid doon, kung ayos lang sa inyo?”Nausisa si Claire at nagduda siya sa pagkakataong ito, pero sobrang desperado niya upang tangihan ang mabait ng alok. “Maraming salamat sa pagpapaangkas, Mr. White.”“Masyado kang mabait, karangalan ko ito.” Mabilis na lumabas si Zeke ng kotse at masayang binuksan ang pinto para sa kanila.Kinuskos lang nang nahihiya ni Charlie ang kanyang ilong nang walang sinasabi. Alam niya na kinuha ni Zeke ang pinakamagandang pagkakataon upang purihin, at nagkataon, na kailangan niya ng tulong niya, kaya hindi niya tinanggihan ang alok.Ang driver ay nagmaneho sa harap habang si Zeke ay nakaupo sa harap na pampasaherong upuan at nagsimula ng kaswal na usap kay Charlie.Sa daan, nakinig ni Claire sa kanilang usapan habang isang nagtatakang damdamin ang namuo sa loob niya.Si Zeke White ay isa sa mga tagumpay na ne
Sa opisina.Nakaupo sa likod ng kanyang mesa habang nakapatong ang mga paa niya, nakatingin nang matindi si George sa kanyang selpon dahil nakikipaglandian siya sa ilang babae sa isang dating app.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang selpon niya, at isang text ang lumitaw.Tinikom ni George ang kanyang mga labi sa inis. Habang nag-aatubili niyang binuksan ang mensahe, nakita niya na ito ay ang schedule ng interview mula sa HR department.Kumunot ang noo niya habang tiningnan niya ito na may halong gulat, pagkatapos ay sarkastiko niyang kinutya habang inaalog ang kanyang selpon sa mga taong nakaupo sa tabi niya. “Hey, hulaan niyo kung sino ang pumunta sa Spikeworth?”Ang mga nakaupo sa sofa sa tabi ni George ay sina Jerry at Joanne na nandoon upang makausap si George at humingi ng pabor sa kanya.Mapang-akit na aura ang lumabas sa katawan ni Joanne habang nakaupo siya nang naka-dekwatro na may maikling palda at mahabang buhok na nakalatay sa kanyang mga balikat. Tiningnan niya n
Hindi alam ni Claire na may masamang balak si George, kaya, mabillis niyang sinabi sa pagiging magalang niya, “George, masyado kang mabait.”Naglabas si George ng isang mapagpanggap na mabait na ngiti. Kinuha niya ang resume ni Claire, kaswal na tiningnan ito at sinabi sa malungkot na tono, “Claire, pasensya na pero sa nakita ko sa resume mo, hindi umabot ang mga kwalipikasyon mo sa pamantayan namin, kahit pa may kakayahan ka o karanasan. Hindi ka angkop sa kailangan namin.”Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at nagpatuloy, “Pasensya na Claire. Hindi ka pumasa sa interview. Payo ko na subukan mo na lang sa ibang kumpanya. Good luck!”Nagulantang si Claire sa marahas niyang pagtanggi at sinabi nang nagmamadali, “Pero maraming taon na akong nagtatrabaho sa management department ng Wilson Group! Sigurado ako na ang pagiging propesyonal ko ay angkop sa pamantayan na sinabi ng kumpanya mo.”Umiling si George at sinabi nang mahigpit. “Ah, hindi. Ang mga tinatawag mong kwalipikasyon at k
Tumawa nang matagumpay si George. “Maghintay lang kayo. Kapag naging isa ako sa mga board of director, ang mga taong ito ay titingalain ako at sasambahin ako!”Nasorpresa si Jerry at nagtanong, “George, magiging isa ka ba sa mga direktor?”“Malapit na,” sumagot si George na may mayabang na ngito. “Nasa ilalim na ito ng proseso. Kung magiging maayos ang lahat, hihirangin ako sa ilang buwan!”“Aba, mabuti iyon!” Itinaas ni Jerry ang kanyang hinlalaki at sinabi, “George, mangyaring huwag mong kalimutan ang matalik mong kaibigan kapag naging direktor ka na!”Tumango si George. “Syempre! Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo.”Sa gitna ng pag-uusap nila, mayroong malakas na tunog, at ang pinto sa opisina ni George ay bumukas nang sipain ito nang mabangis.“Sino ang nangahas na sumipa ng pintuan ko…”Nagulantang si George sa biglang kaguluhan. Sisigaw na siya nang makita niya ang lahat ng direktor na nakatayo sa kanyang pinto, nakayuko sa harap ng isang di gaano katandang lalaki
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin
Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a
Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a
Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A