Share

Kabanata 2604

Author: Lord Leaf
Galit na galit si Mason at napasigaw siya nang malakas, “Hoy! Tarantado ka! Tumigil ka diyan!”

Ngumiti nang bahagya si Carvalho saka niya tinapik ang balikat ni Mason at matapat siyang nagsalita, “Nakaiwas tayo sa disgrasya kahit nawalan tayo ng pera. Hindi mo kailangang magalit.”

Hindi pa rin nakontento si Mason, “Lolo, masyadong salbahe ang taong iyon! Binayaran ko siya ng dalawang libo pero tinakbuhan niya agad tayo! Malapit lang rin naman ang pinaghatiran niya sa atin. Kung sasakay tayo ng normal na taxi, hindi tayo gagastos ng 50 dollars. Kapag hinayaan natin siyang tumakas ng ganyan, hindi natin alam kung ilang tao pa ang maloloko niya sa susunod! Hindi pwede! Gagawa ako ng police report!”

Tumango si Carvalho, “Totoong salbahe nga ang lalaking iyon, pero hindi mo kailangang isapuso ang nangyari. Kailangan mong tandaan na oras ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng tao. Kapag mas matagumpay ang isang tao, mas mahalaga ang kanyang oras. Kapag walang silbi ang tao, hindi rin maha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
goodnovel comment avatar
mk mei
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6201

    Hindi pa gaanong nauunawaan ni Charlie ang mga AI model noon, pero matapos marinig ang paliwanag ni Vera, unti-unti siyang nagkaroon ng interes.Ang lakas ng AI ay hindi lang dahil sa basic intelligence at logical reasoning nito, ang mas mahalaga, umaasa ito sa makapangyarihang computer, supercomputing power, malaking memory, at malawak na knowledge base.Bago pa ang AI, kung gusto mong ipa-compute sa computer ang flight trajectory ng isang kometa, kailangan mo munang alamin kung paano ito i-compute, tapos isulat ito gamit ang wika na naiintindihan ng computer. Pagkatapos, kailangang tumakbo ito sa isang supercomputer at doon mo ilalagay lahat ng data tungkol sa kometa para matapos ang kalkulasyon.Pero ang AI model ay matagal nang natutong mag-compute ng trajectory ng kometa sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-aaral at pag-update ng human knowledge base. Kaya nitong i-compute ang trajectory ng mortar, ballistic missile, intercontinental missile, at kahit ng badminton racket.Ibig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6200

    Ottawa, kabisera ng Canada.Umaga na. Habang nagkukuwentuhan sila ni Helena, panay ang silip ni Charlie sa kanyang cellphone, sabik sa balita tungkol sa pagbabalik ng Four-Sided Treasure Tower sa Oskia.Pero naunahan pa ng tawag ni Vera ang balita.Sinabi ni Charlie kay Helena, “Kailangan kong sagutin ‘to.”“Sige,” tumango si Helena. “Gagawan kita ng tsaa.”Pagkasabi niyon, tumayo siya at lumabas ng kwarto.Sinagot ni Charlie ang tawag at nakangiting tinanong, “Miss Lavor, ang aga pa. Anong okasyon?”Tumawa si Vera at malambing na sumagot, “Sir, gabi na rito sa amin.”“Ah,” tumawa rin si Charlie. “Nakalimutan ko ang pagkakaiba ng oras.”Ngumiti si Vera at tinanong, “May balita ako para sayo. Pwede ba ngayon?”“Oo naman!” sagot ni Charlie. “Sige, tuloy mo.”Simula ni Vera, “Narinig ko na ginamit ng NSA ang special force nila para paikutin pabalik ang isang eroplano papuntang America, yung eroplano ni Zekeiah. Pauwi na raw ito ngayon. Ikaw ba ang gumawa nito?”“Paano mo nalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6199

    Mula nang maliwanagan siya, ngayon lang nagduda si Fleur sa sarili niya nang ganito katindi.Pakiramdam niya, ang lahat ng nangyayari sa paligid niya ay parang mga kadena na mahigpit na pumupulupot sa kanya, at wala siyang paraan para makawala.Sa sandaling ito, sobra ang pagkainis at panghihina ng loob niya, pero wala rin siyang magawa.At patuloy na lumilipas ang oras.Ang eroplanong nirenta ni Zekeiah ay papalapit na sa US-Canada border, papunta sa itinakdang paliparan.Lumipas na ang kalahating oras, at may siyam pang helicopter sa pila bago kay Fleur. Sa bilis ng pila, aabutin pa ng isang oras bago siya masuri. Kapag tapos na ang inspeksyon at nabigyan na siya ng clearance, inaasahan niyang nakalapag na ang eroplano.Kaya kailangan niyang mamili sa dalawang pagpipilian.Una, pwede niyang paatakehin ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society sa paliparan at subukang kunin ang Four-Sided Treasure Tower. Pero baka matalo ang mga Scout dahil wala siya roon.O kaya hintayin n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6198

    Parang cellphone lang, kahit may sampung libong apps ka pa, wala rin ‘yon kung wala itong c charge.Habang iniisip ito, tinanong niya, “Paano kung putulin ko ang kuryente? Titigil ba ang mga gamit nila?”“Hindi,” sagot ng sundalo. “Kagaya ng sabi ko, kahapon pwede pa pero imposible na ngayon.”“Bakit?!” singhal ni Fleur.Sagot ng sundalo, “Ewan ko kung anong pumasok sa isip ng pamilya Rothschild kagabi, pero naglagay sila ng malalaking backup power supply kagabi sa bawat monitoring station. Kapag nawalan ng kuryente, kusang lilipat sa backup power kaya hindi mapuputol ang supply. Sapat ang battery capacity para patakbuhin ang lahat ng kagamitan nang labindalawang oras.”Dagdag pa niya, “Ah, at saka ngayong umaga, nagdala rin sila ng dose-dosenang diesel generator, pati generator trucks daw. Kapag nawalan ng kuryente, gagamit sila ng mga battery habang pinaandar ang diesel generators para mag-charge at mag-refuel. Sa madaling salita, hindi hihinto ang mga gamit nila.”“At hindi ko

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6197

    Dahil dito, tinanong ni Fleur, “Paano kung pabuksan ko lang ang bintana at ipalabas ang kamay nila para guluhin ang AI? Pwede bang makatakas ako sa ganoong paraan?”Umiling ang sundalo. “May priority ang AI. Kapag sabay-sabay na nag-alarm sa dose-dosenang target, kusang aanalisahin ng AI lahat ang pagbabago. Kapag isa lang sa mga ‘yon ang may lumabas, ‘yon ang ituturing ng AI na pinakamahalaga at agad nilang tututukan ‘yon para atakihin.”“Anong kalokohan ito?!” sigaw ni Fleur sa matinding pagkainis. “Ano bang problema ng mga Rothschild?! Kailangan ba talaga nila ng ganito ka-advance na teknolohiya para lang sa isang item?!”Nagkibit-balikat ang sundalo. “Hindi rin namin alam. Kagabi ng hatinggabi, bigla silang nagpadala ng mga tao mula Silicon Valley. Galing daw sila sa pinaka-advanced na AI company, at lahat ng top engineers nila ay nandito ngayon. Pagdating nila, agad nilang sinimulan ang training ng sarili nilang AI model gamit ang kasalukuyang surveillance equipment. Ilang oras

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6196

    Lumapit si Fleur sa bintana at tinanong ang sundalo sa labas, “Alam mo ba kung paano ako makakaalis dito?”Umiling ang sundalo. “Malinaw ang utos ng supervisor namin na lahat ng helicopter at pasahero na darating dito ay kailangang sumailalim sa masusing inspeksyon. Tatlong sundalong taga-inspeksyon ang kailangang magkumpirma bago makaalis ang helicopter at mga sakay nito.”Nagngalit si Fleur sa inis at tinanong niya, “Paano kung utusan ko ang sundalong taga-inspeksyon na palayain ako, makakaalis ba ako?”“Hindi,” sagot ng sundalo. “Hindi lang kami ang may hawak dito. Kasama rin ang NYPD at mga tauhan ng pamilya Rothschild. Iginigiit nilang dapat ay sunod-sunod ang inspeksyon. Kapag sunod na ang isang helicopter, magpapadala sila ng mga kinatawan at dose-dosenang sundalo na may espesyal na gamit para palibutan ang helicopter at suriin ito pati na ang mga pasahero.”Hindi inakala ni Fleur na mas komplikado pa pala ang sitwasyon. Napakunot-noo siya at tinanong niya, “Pwede bang kami

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status