Pagkatapos ay binuksan ni Charlie ang pinto habang sinabi, “Tara na. Ihahatid kita sa Shangri-La.”“Okay!” Nagmamadaling pumasok si Quinn sa kotse dala-dala ang bouquet ng mga bulaklak sa kanyang kamay.Pagkatapos ay sumenyas si Charlie kay Isaac, na pumasok din sa kotse niya at magmaneho sa harap nila habang paalis sila sa airport.Sa daan, tinanong ni Charlie si Quinn, “Nana, anong oras pupunta dito sina Tito Golding at Tita Golding bukas?”Sinabi ni Quinn, “Pupunta sila siguro sa ganitong oras, o marahil ay mamaya pa.”Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Quinn, “Siya nga pala, Kuya Charlie, kung wala kang ibang gagawin bukas ng umaga, pwede tayong pumunta at sunduin sila sa airport!”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kumpirmahin mo ito kina Tito Golding at Tita Golding mamaya. Sa oras na iyon, pumunta tayo at sunduin natin sila.”Nilabas agad ni Quinn ang kanyang cellphone at sinabi, “Hindi na kailangan maghintay mamaya. Magpapadala na ako ng video call request sa ama
Nang marinig ni Quinn na pupunta na sa meeting ang mga magulang niya, sinabi niya nang nagmamadali, “Pa, Ma, huwag kayong magmadaling ibaba ang tawag! Hindi ko pa napapakita ang bouquet ng bulaklak na binigay sa akin ni Kuya Charlie!”Pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadaling pinalitan ni Quinn ang camera view habang tinutok niya ang camera sa bouquet ng mga bulaklak na nasa kandungan niya.Si Rachel, na nasa kabilang dulo ng video, ay ngumiti at sinabi, “Oh! Sobrang laking bouquet ng rosas iyan. Talagang maalalahanin si Charlie! Napakaraming taon na kaming magkasama ng ama mo, pero mukhang hindi pa ako binigyan ng ama mo ng kahit anong bulaklak dati.”Sinabi nang hindi akma ni Yule, “Matandang mag-asawa na tayo. Kaya, bakit pa nating bibigyan atensyon ang mga ganitong bagay?”Tumingin nang masama si Rachel sa kanya bago sinabi, “Kaya, ito ang pagkakaiba niyo ni Charlie. Bakit hindi tingnan kung gaano ka romantiko si Charlie? Naghanda siya ng bouquet ng rosas kahit na sinundo ni
Habang nagsasalita siya, tinanong ulit ni Quinn, “Siya nga pala, Kuya Charlie, babalik ka sa Eastcliff sa Tomb Sweeping Festival para sumali sa ancestor worship ceremony, tama?”Tumango si Charlie. “Tama. Bakit?”“Wala naman.” Sinabi ni Quinn, “Sa April ang Tomb Sweeping Festival, tama? Ang ibig sabihin ay makikita ulit kita sa Eastcliff.”Bahagyang ngumiti si Charlie. “Oo. Siguradong pupunta ako at bibisitahin kayo nila Tito Golding, at Tita Golding sa bahay niyo.”Sinabi ni Quinn, “Sakto ang timing mo dahil pupunta ako sa United States sa kalagitnaan ng April.”“Pupunta sa United States?” Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Bakit bigla kang pupunta sa United States?”“Hindi ito biglaan.” Sinabi ni Quinn, “Dahil aalis na ako sa entertainment industry pagkatapos ng concert tour ko, nagpasya ako na magdaos pa ng ilang concert. Maituturing din ito bilang pamamaraan ko ng pagbibigay ng paliwanag sa mga tagahanga. Marami rin akong tagahanga sa Europe, United States, Japan, at Korea. K
Nagmaneho si Charlie papasok sa Shangri-La bago sumakay sa internal elevator kasama si Quinn papunta sa kwarto na nireserba na ng kanyang team.Sa sandaling pumasok siya sa kwarto, tumabo si Quinn sa sofa sa dalawa o tatlong hakbang bago umupo at yumuko sa sofa habang sinabi nang emosyonal, “Jusko. Nakakapagod talaga na gumising nang maaga para lang habulin ang flight.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Magpahinga ka muna kung pagod ka. Pwede tayong lumabas at kumain pagkatapos mong magpahinga.”Tinanong nang nagmamadali ni Quinn, “Kuya Charlie, saan mo ako balak dalhin para kumain?”Sinabi naman ni Charlie, “Ikaw ang bahala. Kung ayos lang sayo, ayos lang kung kakain tayo sa dining department sa Shangri-La. Kung ayos lang, pwede tayong pumunta at kumain sa restaurant ni Albert, sa Heaven Springs.”Kumaway nang nagmamadali si Quinn at sinabi, “Oh, kalimutan mo na ang Heaven Springs. Masyadong nakakapagod ito. Mapapagod din ako kung marami at mabigat ang kakainin natin. Bukod dito, kai
“Okay.” Tumango si Jaime. Pagkatapos mahanap ang cellphone number ni Quinn, tinawagan niya ito.Pero, nakatanggap si Jaime ng prompt mula sa kabilang linya: “Sorry, but the number that you have dialed has already been turned off. Please try again later.”Mas lalong nalito si Jaime nang makita niya na pinatay talaga ni Quinn ang cellphone niya.Dahil, paano niya malalaman na matagal binuksan ni Quinn ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone niya. Kapag nasa ganitong mode ang cellphone niya, kaunting tao lang sa approved list niya ang matatawagan siya. Para naman sa ibang tao, kahit sino pa sila, kapag tumawag sila, makakatanggap lang sila ng prompt na nakapatay ang cellphone niya.Kaya, nagtanong nang nagmamadali si Jaime sa mga mahalagang impormasyon sa Aurous Airport, pero hindi niya mahanap ang entry registration information ni Quinn sa airport.Inakala niya na siguro ay hindi pa dumarating si Quinn sa Aurous Hill. Marahil ay naantala siya sa Eastcliff dahil sa isang aksidente, at
Hindi talaga sobrang maimpluwensyang tao si Jaime sa Aurous Hill.Kaya, kahit na marami siyang koneksyon na magagamit, hindi mataas ang kahusayan ng mga koneksyon na ito. Kailangan magpaligoy-ligoy ng mga tauhan niya at dumaan sa ilang patong ng koneksyon para makarating sa mahalagang tao.Karaniwan, kung gusto ni Jaime na hanapin ang impormasyon ng isang tao sa Aurous Hill, kailangan niya lang tumawag sa mga tauhan niya. Pagkatapos nito, gagamitin ng mga tauhan niya ang mga contact nila para maghanap ng lokal na koneksyon sa Aurous Hill. Kahit na medyo maproblema ito, madali lang ito.Pero, ang hindi alam ni Jaime ay ang BMW na gusto niyang ipasuri ngayon ay nakarehistro sa ilalim ng asawa ni Charlie, sa pangalan ni Claire.Bilang tagapagsalita ng pamilya Wade sa Aurous Hill at bilang kanang kamay ni Charlie, matagal nang inayos ni Isaac ang lahat ng upper at lower relation. Makakatanggap si Isaac ng mabilis na alerto para sa lahat ng personal na impormasyon na may kinalaman kila
...Pagkatapos lutasin ang lahat ng problema sa lalong madaling panahon, tinawagan agad ni Isaac si Charlie. Sa sandaling ito, kalalabas lang ni Charlie malapit sa Olympic Center.Pagkatapos kumonekta ng tawag, sinabi ni Isac kay Charlie, “Young Master, may naghanap ng impormasyon sa kotse ng asawa mo sa traffic data system kanina lang.”Sumimangot si Charlie at tinanong, “Sino gumawa nito?”Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Isang mid-level management personnel mula sa mahalagang department.”Habang nagsasalita siya, inulat ni Isaac ang lahat ng nangyari kay Charlie.Pagkatapos makinig kay Isaac, sinabi ni Charlie, “Mr. Cameron, napakabuti ng ginawa mo tungkol dito. Magaling ang pagsasaayos mo bilang kontra dito.”“Ito ang orihinal na gawain ko.”Tinanong ulit ni Charlie, “Nag counter-check ka ba at nahanap mo kung sino ang may gustong maghanap sa license plate ng asawa ko?”Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Ang impormasyon na natanggap ko pagkatapos ng counter-checking ay a
Dahil sobrang sama ng loob niya, umupo si Jaime sa kanyang Rolls-Royce, at hindi lumabas sa kotse niya.Kahit na lumabas mula sa venue ang tunog ng pagkanta ni Quinn sa rehearsal niya, nanatili at hindi gumalaw si Jaime sa kotse niya.Sa sandaling ito, sobrang sama ng loob niya at nayayamot siya.Sa isang dako, ang dahilan ng pagsama ng loob niya ay dahil sadya siyang iniwasan ni Quinn, at sa kabilang dako, ito ay dahil sa hindi kilalang driver ng BMW.Bukod dito, hindi maintindihan ni Jaime kung bakit pipiliin ni Quinn na pumunta sa venue gamit ang isang mumurahing BMW na kotse.Dahil, sa sirkulo ng mga mayayaman na tagapagmana sa Eastcliff, ang isang brand tulad ng BMW ay isang basura lang na walang gustong humawal.Para sa mga mayaman na tagapagmana tulad nila, ang premium na customized version ng Rolls-Royce ang pamantayan para bumiyahe.Ang isang kotse mula sa isang klase tulad ng BMW ay walang halaga sa harap ng isang premium customized Rolls-Royce.Nang makita ni Jaime n
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin
Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a
Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a
Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A
Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D
Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito
Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an