Share

Kabanata 3374

Author: Lord Leaf
Ang pinakamalakas na bagay para sa isang martial artist ay ang pagkakaroon ng internal qi. Habang dumarami ang internal qi nila, ang pisikal na lakas, liksi, at laksa ng atake nila ay tataas din.

Ito ay dahil ang internal qi ang totoong pinagmumulan ng lakas ng mga martial artist. Kaya, ang bawat martial artist ay kailangan ilipat ang internal qi nila sa mga kamay at paa nila bago umatake upang ipakita ang pinakamalakas na epekto nito sa laban.

Pero, ang hindi alam ni Hunter ay hindi kailangan ni Charlie ng tinatawag na internal qi.

Sa sandaling ito, puno ng Reiki ang buong katawan ni Charlie, at ang ganitong uri ng enerhiya ay lampas sa maaabot ng isang martial artist.

Kaya, humikab lang si Charlie at sinabi kay Hunter, “Matanong ka talaga. Lumaban ka lang kung gusto mo. Bakit ang dami mong sinasabing kalokohan?”

“P*ta!” Nagalit nang sobra si Hunter dahil pinapahiya siya ni Charlie sa publiko. Nagngalit siya at sinabi, “Mabait na nga ako para hayaan na ikaw muna ang kumilos, pero
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Tony Sebastian
update nman pls lagpas 24 hours na
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
goodnovel comment avatar
Roger Behlen Corte
lods salamat sa update plsssss another chapter ulit nasa bakbakan na si charlie
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6230

    Qi Temple, Aurous Hill.Sa hilagang paanan ng Mount Qi, sa lambak sa hilagang bahagi ng Qi Temple, naroon ang isang tahimik na bakuran.Pagmamay-ari ng Qi Temple ang bakurang ito, ngunit kailanman ay hindi ito binuksan para sa publiko. Maging ang mga monghe ng Qi Temple ay inutusan ng abbot na huwag lalapit dito nang walang pahintulot.Sa mga sandaling iyon, bagong sikat pa lang ang araw sa Aurous Hill. Mahina pa ang liwanag sa kabundukan, at balot ng hamog ang buong lambak habang umaalingawngaw ang huni ng mga ibon.Sa bakuran, isang napakagandang babae ang nakaupo nang naka-krus sa ibabaw ng futon, marahang pinipihit ang mga butil ng rosaryo sa kanyang kamay.Ang babaeng iyon ay si Ashley, ang ina ni Charlie.Mula sa bahay na yari sa asul na ladrilyo, lumabas ang isang babaeng may maiksing gupit. Siya si Suzanna Sun, tauhan ni Ashley.Lumapit si Suzanne kay Ashley, huminto, at magalang na sinabi, “Ma’am, katatanggap ko lang po ng balita na nakabalik na si Mr. Charlie sa Oskia.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6229

    Para kay Charlie, tunay ngang naging kapaki-pakinabang ang pagbisitang ito sa United States.Nailigtas niya si Raymond, naipadala pabalik sa Oskia ang Four-Sided Treasure Tower, at napatay sina Zekeiah at Mr. Zorro.Si Zekeiah ay isang espiya na itinanim sa pamilya Acker, at si Mr. Zorro naman ang huling earl ni Fleur. Ngayon na pareho na silang patay, malaking kawalan ito para sa Qing Eliminating Society.Ang tanging mga tao sa organisasyon na kayang maging banta kay Charlie ay si Fleur at ang tatlong elder na malapit nang buksan ang kanilang pineal gland.Hindi nagmamadali si Charlie na ipagpatuloy ang laban kontra sa Qing Eliminating Society sa ngayon. Magandang pagkakataon ito para pansamantalang magpatigil-putukan dahil wala namang tapang si Fleur na salakayin ang Oskia. Pagbalik niya sa Aurous Hill, maaari niyang pag-aralan nang mabuti ang laman ng Preface of the Apocalyptic Book, at kasabay nito, pag-aralan din ang photo album na iniwan ng kanyang ama upang makita kung may i

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6228

    Nang marinig ang pagsusuri ni Fleur, nagulat si Tarpon at sinabi, "A-Anong dahilan para isipin mo iyon?"Sumagot si Fleur, "Dahil nasaksihan niya mismo ang pagsabog ni Mr. Chardon nang patayin niya ito, kaya alam niyang hindi niya puwedeng bigyan si Mr. Zorro ng pagkakataong pasabugin ang sarili niya. Kailangan niyang tapusin ito sa isang kilos, kaya gumamit siya ng kakaibang paraan para patayin siya."Pagkatapos ay sumigaw siya, "Parang multo siya at nasa lahat ng lugar siya! Hindi lang siya nakaligtas sa pagsabog ni Mr. Chardon, ngunit nakapatay pa siya ng isa ko pang earl kamakailan lang!"Tinanong ni Tarpon, "Kamakailan lang ang sunog. Hindi ba ibig sabihin nito ay nasa New York pa rin ang taong iyon ngayon?"Nagngalit si Fleur at mariing sabi, "Kung hindi ako nagkakamali, tayo ngayon ang nasa liwanag habang siya ay nasa dilim. Alam niya na pupunta ako sa New York, kaya siguro ay wala na siya rito. Pinatay niya sina Zekeiah at Mr. Zorro bago pa ako lumapag at palihim niyang ipi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6227

    Habang nakatayo sa gitna ng hangar, ipinikit ni Fleur ang mga mata niya, at kumalat mula sa kanyang katawan ang malakas na Reiki na bumalot sa buong hangar.Maingat niyang sinilip ang bawat sulok ng hangar, habang lalo pang kumukunot ang kanyang noo dahil wala siyang nakitang kahit anong mahalagang bagay.Nang makita siyang nakakunot ang noo, inakala ni Tarlon na walang nangyari sa paghahanap niya kaya tinanong niya nang bumukas ang mga mata ni Fleur, "Lord, may nakita na po ba kayo?""Wala." Umiling si Fleur at napabulong, "Kakaiba. Walang namatay sa sunog? Dapat may naramdaman akong kakaiba kung meron.""Ibig bang sabihin ay maaaring buhay pa si Zekeiah at si Mr. Zorro?" tanong ni Tarlon.Tumango si Fleur. "Posible. Hindi natin makita ang mga bangkay nila kaya posible na buhay pa sila, pero hindi ko maintindihan kung bakit may gustong dumukot sa kanila."Ipinaliwanag ni Tarlon, "Siguro ay inisip nila na malaki ang dagok nito sa organisasyon natin, at malalaman nila ang maraming

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6226

    Sa hapon, nagpaalam si Charlie kina Helena at Raymond bago siya naglakbay mag-isa papuntang United States.Hindi naman kalayuan mula Ottawa papuntang Burlington, pero medyo maselan ang pagdaan sa border. Mabuti na lang at hindi mahigpit ang patakaran sa pagitan ng US at Canada, at wala ring lihim na pagbabantay mula sa pamilya Rothschild, kaya naging madali para kay Charlie ang pagdaan.Pagkapasok sa United States, nagmaneho si Charlie papuntang Burlington kung saan naghihintay ang eroplano niya na handa nang lumipad.Sa isang maliit na paliparan na ilang dosenang milya ang layo mula Burlington International Airport, patuloy ang Department of Homeland Security sa masusing paghahanap sa Gulfstream G650, pero wala silang nahanap na mahahalagang ebidensya.Nagsimulang magduda ang mga awtoridad kung panloloko lang ba ito o nagkamali ang nag-ulat, pero wala nang atrasan sa puntong ito kaya kinailangan nilang suriin nang mabuti ang eroplano bago isara ang kaso.Hindi naman naapektuhan a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6225

    Sinabi ni Raymond, “Wala naman akong ibang alam kundi ang ilang dekadang karanasan sa larangan ng antiques. Kaya kung magiging perpekto ang pagkakakilanlan ko bilang Raymond, magbubukas ako ng maliit na antique store sa Aurous Hill. Tulad ng sinabi mo, ang pinakamabisang taguan ay ang lantaran pero hindi kapansin-pansin, kaya ligtas pa rin ako. Kahit papaano, hindi na ako palaging magtatago sa dilim. Bukod pa roon, kung kakailanganin mo ako, handa akong maglingkod anumang oras mo ako tawagin.”Nakita ni Charlie na may punto si Raymond. Sa ngayon, ang pagkakakilanlan ni Biden Cole ay itinuturing na nawawala. Para naman sa pamilya Rothschild, patay na siya sa sunog kasama si Zekeiah. Sa Qing Eliminating Society, naniniwala silang namatay siya kasama nina Zekeiah at Mr. Zorro. Dahil hindi nila mahanap ang dalawang taong pinaka-kilala nila, sina Zekeiah at Mr. Zorro, hindi nila kayang lampasan ang dalawa para lang hanapin si Biden.Bukod pa roon, ang pagkakakilanlan ni Raymond Cole ay is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status