Share

Kabanata 3751

Author: Lord Leaf
Hindi madaing bagay ang gusto ni Charlie pero determinado siyang malaman kung ano ang tunay na pagkatao ni Kylie sa pinakamabilis na panahon.

Pagdating ni Charlie sa kanyang bahay, inutusan niya agad si Porter na gamitin ang koneksyon ng Ten Thousand Armies sa ibang bansa para imbestigahan ang pagkatao ni Kylie Jane.

Inisip ni Charlie noong una na fake identity ang Kylie na ginagamit ng kausap niya kanina. Pero, mula sa impormasyong nakuha ni Porter, mukhang may Kylie Jane talaga sa France. Mahahanap ang detalyadong citizen registration information niya sa national registry ng France.

Malaking bansa ang France at marami itong immigrants. Maganda ang kanilang pamamalakad at pag-aasikaso ng impormasyon ng kanilang mga mamamayan sa registry. Hindi lamang araw ng kapanganakan, kasarian, antas ng edukasyon ang mahahanap sa registry kundi pati na rin ang trabaho, net income, at religious affiliations ng mga magulang ng isang indibidwal nakatala rin.

Mula sa registry information ni Kylie
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6224

    Walang alinlangan na nangako si Helena, "Huwag kang mag-alala. Ihahatid ko siya nang ligtas sa Oskia.""Nais kong maging matagumpay ang pagsisimula mo bukas." Tumango at ngumiti si Charlie.Matapos magpaalam kay Helena, pumunta si Charlie sa kwarto ni Raymond.Ibinahagi ni Charlie kay Raymond ang susunod niyang plano at may paumanhin na sinabi, "Hindi ako sasama sa iyo papuntang Europe sa pagkakataong ito. Si Helena na ang bahala sa lahat.""Salamat, Mr. Wade," taos-pusong sinabi ni Raymond. "Asikasuhin mo muna ang mga gawain mo. Mag-uulat ako agad sa iyo pagdating ko sa Aurous Hill."Bahagyang tumango si Charlie at sinabi, "Kapag nakabalik ka na sa Oskia, magiging bago ang simula mo. Bibigyan ka ni Helena ng pansamantalang pagkakakilanlan sa Europe. Pagdating mo sa Aurous Hill, ipapagawa ko sa iba ang bago mong pagkakakilanlan—isang taong hindi kailanman umalis ng Oskia at may malinis na pinagmulan."Napabuntong-hininga si Charlie bago nagpatuloy, "Kahit pa binawi na ng mga Roth

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6223

    Nakangiting sinabi ni Charlie, “Pagkatapos mong makipagkasundo kay Harrison, kailangan mong ipakiusap sa kanya na pumayag sa isang karagdagang kondisyon.”“Ano iyon?” tanong ni Helena.“Papangakuin mo siya na huwag sabihin kahit kanino ang tungkol sa pill, kahit sa mga anak niya. Kung may magtanong kung bakit siya biglang gumaling, dapat ipilit niya na isa itong himala at nagpakita ang Diyos para iligtas siya. Kailangan niyang ibigay ang ganitong sagot kahit sino pa ang magtanong.”At sa puntong iyon, dagdag ni Charlie, “Sabihin mo sa kanya na mayroon kang mas mabuting elixir. Kung kailangan niya ito, maaari mong pag-usapan ang presyo basta pumayag muna siya sa karagdagang kondisyon.”“Sige, Mr. Wade,” tumango si Helena. “Tatatandaan ko ito.”Nagpatuloy si Charlie, “Siya nga pala, pagkatapos maayos ng lahat, sabihin mo sa kanya na naantig ka sa pagmamahal ni Julien sa kanya, kaya nagdala ka ng ganito kahalagang gamot para tulungan si Julien na magkaroon ng mas magandang impresyon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6222

    Tinapos ni Charlie ang tawag nang magpahayag si Julien ng taos-pusong pasasalamat sa kanya. Pagkatapos, nakipag-usap siya kay Helena kung paano nila bibigyan ng reality check si Julien kinabukasan ng umaga.Dahil hindi matatapos ang pagbisita ni Helena sa Canada sa loob pa ng dalawang araw, may medyo maluwag siyang oras. Bukod pa rito, inanunsyo na rin niya noon na siya ay may sakit, kaya hindi masyadong siksikan ang schedule niya sa Canada.Libre si Helena sa umaga bukas, ngunit may meeting at pagbisita siya sa hapon.Kaya maaari siyang umalis patungong New York ng alas-siyete para makipagkita kay Harrison at makabalik ng tanghali.Hindi mahirap ang gagawin niya sa pakikipagkita kay Harrison. Maaari niya itong matapos sa loob ng kalahating oras.Mula nang maranasan ni Charlie ang galing ng AI model noong nakaraan, nahumaling na siya sa bagong teknolohiyang ito.Hindi pa niya maisip kung saan magagamit ang AI ngayon, ngunit inaakala niyang magiging napakalaking tulong ito para sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6221

    Masigasig si Helena at maging ang pagpunta mula Canada para dalawin si Harrison ay balak niyang gawin. Tiyak na may sarili ring konsiderasyon ang royal family, kaya inakala ni Harrison na ang Nordic royal family ay umaasa ring mapalapit sa pamilya Rothschild.Alam ni Julien na malapit na niyang opisyal na pamunuan ang pamilya, kaya inisip niyang makakadagdag sa kanyang reputasyon ang pagdating ni Helena sa ganitong pagkakataon. Kaya agad niyang sinabi, “Sige, Pa. Kakausapin ko si Queen Helena at aalamin ko ang schedule niya.”“Magaling,” tumango si Harrison. “Ipapaubaya ko na ito sayo…”-Pagkaalis ni Julien sa silid, agad niyang inutusan ang mga doktor na ayusin ang pagpupulong at ihanda ang silid para rito. Samantala, pumasok siya sa isang bakanteng kuwarto, isinara ang pinto, at tinawagan si Charlie.Pagkasagot ng tawag, narinig mula sa kabilang linya ang boses ni Charlie, “Julien, nakita mo na ba ang ama mo?”“Oo, nakita ko na!” masayang sagot ni Julien. “Mr. Wade, parang man

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6220

    Napahinto ang tibok ng puso ni Julien habang pinapakinggan niya si Harrison na pautal-utal magsalita.Sa nakalipas na dalawang araw, nakakaramdam siya ng pagkabalisa at inis kay Charlie dahil nagamit siya para traydorin si Harrison at ang kanilang pamilya. Pero sa sandaling ito, hindi niya maiwasang maging mapagpasalamat kay Charlie.Napabuntong-hininga siya at naisip, ‘Grabe, ang galing talaga ni Charlie. Lahat nangyayari ngayon ay ayon sa plano niya!’“Pagkalabas ng balitang bumalik na sa Oskia ang tore, talagang nagkasakit si Papa at nawalan ng gana para ipagpatuloy ang pamumuno sa pamilya. Nawalan din ng pagkakataon ang mga kapatid ko at mga anak nila na makagawa ng kahit ano sa bagay na ito. Bilang panganay at orihinal na tagapagmana, natural lang na ako ang pumalit sa kanyang posisyon!”“Perpekto? Aba, sobrang perpekto! Gaano kaya kaganda kung kahit kalahati lang ng galing ni Charlie ay nakay Royce?”Kahit puno ng pananabik, nanatili si Julien sa kanyang magalang na tindig a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6219

    Sa isang banda, gusto ng mga patriyarka na ipasa sa kanilang mga tagapagmana ang posisyon bilang pinuno ng pamilya balang araw. Pero sa kabilang banda, sinusubukan nilang ipagpaliban nang matagal hangga’t maaari ang pamana para hindi agad maupo ang mga tagapagmana sa posisyon.Bukod pa roon, ayaw nilang magpakita ang mga tagapagmana ng kahit anong kasabikan o inaasahan sa pagmamana ng posisyon, at lalong ayaw nilang magkaroon ng anumang pang-aagaw ng kapangyarihan bago pa man ito maipasa.Kung nagpakita si Julien ng kahit kaunting tuwa o kasabikan nang purihin siya ng kanyang mga kapatid, siguradong magagalit nang husto si Harrison at mapupuno siya ng galit at poot laban sa kanya.Pero, nalampasan ng reaksyon ni Julien ang kanyang inaasahan, at para sa kanya, halos perpekto ito.Dahil sa payo ni Charlie, nakapagpigil si Julien ng sarili, at nang pumasok siya sa silid at makita si Harrison sa kama, agad niyang ibinaba ang kanyang labi at nagpakita ng malungkot na anyo.Habang may l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status