Share

Kabanata 4

Author: Lord Leaf
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Charlie si Doris.

Inaamin niya na si Doris ay isang napakaganda at nakakaakit na babae!

Siya ay humigit-kumulang dalawampu’t pito o walong gulang na may payat ngunit malaman na katawan, nakakaakit na itsura, at mayroong napaka-mature at marangal na pag-uugali.

Habang nakaupo sa harap ng mesa ni Doris, nagsimula si Charlie, “Hindi ako madalas pupunta sa opisina, kaya gusto kong alagaan mo ang kumpanya para sakin. At saka, pakitago ang aking tunay na pagkakakilanlan sa publiko.”

Alam ni Doris na si Mr. Wade, na nakaupo sa harap niya, ay nagmula sa pambihirang pamilya Wade. Para sa isang kilalang pamilya tulad ng sa kanila, ang Emgrand Group ay isa lamang pangkaraniwang negosyo, kaya normal lang sa kanya na hindi ito pamahalaan. Kaya naman ay mabilis niyang sinabi, “Sige po. Mr. Wade, sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, at tutulungan po kita.”

Sa sandaling ito, isang sekretarya ang kumatok sa pinto at sinabi, “Miss Young, isang lalaking tinatawag na Gerald White at ang kanyang nobya ay nandito para makita ka.”

Agad na sinabi ni Doris, “May VIP ako ngayon dito, hayaan mo sila maghintay.”

Tinanong ni Charlie, “Kilala mo si Gerald White?”

“Ang pamilya ni Mr. White ay isa sa ating mga kasosyo at maraming malaking proyekto nila ay may kinalaman sa ating kumpanya. Sinabi nila na pupunta sila rito upang kausapin ako, ilang beses na rin sila pumunta rito.

Sinabi ni Charlie sa malamig na tono, “Simula ngayon, ang Emgrand Group ay hindi na makikipagnegosyo sa pamilya White. Itigil lahat ng ginagawa at pinaghahandaang proyekto. Kung ang pamilya White ay kikita pa rin ng kahit singko sa ating kumpanya, hindi kita kailangan bilang isang vice-chairman!”

Gulat na gulat si Doris sa isang saglit, iniisip na may isang tao mula sa pamilya White ang nagpagalit sa taong ito. Kaya, masigla siyang tumango at sinabi, “Mr. Wade, Wag kang mag-alala, uutusan ko na ang aking mga tauhan na itigil ang lahat ng kooperasyon sa pamilya White!”

Tumango nang masaya si Charlie at sinabi, “Sabihin mo sa kanila na ang Emgrand Group ay hindi interesado na makipagtulungan sa mababang basura, pagkatapos ay sabihin mo sa mga guwardya na palayasin sila.”

***

Sa labas ng opisina, balisang naghihintay sina Gerald at Wendy.

Palaging nais ng pamilya White na maging susi sa pakikipagtulungan sa Emgrand Group, kaya gusto niyang bumuo ng isang magandang relasyon kay Doris Young at palapitin ang ugnayan ng pamilya niya.

Pero nangyari ang hindi inaasahan. Lumapit ang sekretarya ni Doris sa kanila kasama ang maraming guwardya.

Tinanong nang nalilito ni Gerald, “Hi, maaari ko bang malaman kung pwede na naming makausap si Miss Young?”

Malamig na tumingin sa kanya ang sekretarya at sinabi, “Pasensya na, sinabi ng aming vice-chairman na ang Emgrand Group ay hindi na interesado makipagkooperasyon sa mababang basura tulad mo. Simula ngayon, ititigil na namin ang lahat ng proyekto ng pamilya mo!”

“Anong sinabi mo?!”

Napanganga si Gerald sa sobrang gulat ang ang kanyang panga ay halos mahulog na sa lapag. Bakit parang pamilyar ang sinabi niya?

Ah, tama! Sinabi ni Charlie ang parehong bagay noong kami ay nasa paradahan!

Anong ibig sabihin ni Doris Young? Balak niya ba talagang itigil lahat ng pakikipagtulungan kasama ang pamilya White?

Naramdaman ni Gerald ang pagdaloy ng dugo sa kanyang ulo, sumasabog sa loob.

Anong nangyari?

Ititigil lahat ng proyekto?

Malaking bahagi ng kita ng pamilya White ang nagmula sa pakikipagtulungan sa Emgrand!

Kung puputulin ng Emgrand Group ang ugnayan, hindi ba’t ibig sabihin nito na ang buong kayamanan ng pamilya nila ay mababawasan ng kalahati?

Hindi, hindi niya matanggap ang malupit na katotohanan. Isinigaw niya, “Gusto kong makausap si Miss Young! Gusto kong tanungin siya sa personal!”

Malamig na tumingin lamang ang sekretarya sa kanya. “Pasensya na, hindi ka kakausapin ni Miss Young at hindi ka na rin maaaring pumunta rito!”

Sumigaw nang may pagkadismaya si Gerald, “Niloloko mo ba ko? Matagal na kaming kasosyo sa negosyo ang Emgrand, hindi siya ang magdedesisyon sa pagtigil ng lahat ng aming proyekto nang ganun-ganun lang! ‘Wag mo kaming pakialaman!”

Hindi pinansin ng sekretarya ang kanyang pagsigaw at humarap sa mga guwardya na nakapaligid sa kanya, “Palayasin sila!”

Mabilis na kumilos ang pinuno ng seguridad sa kanila. Sinunggaban niya ang pulso ni Gerald at binaluktot ito sa likod niya.

Napasigaw si Gerald sa sakit at malamig na nagsalita si Captain Cooper, “Bilisan mo at umalis na kayo rito! Kung gagawa kayo ng gulo sa Emgrand Group, babaliin kita sa dalawa!”

“Guwardiya ka lang, sino ka para sigawan ako? Hindi mo ba ako kilala?”

Sinampal siya agad ni Captain Cooper sa mukha at sumigaw, “Sino ka sa harap ng Emgrand Group?”

Naramdaman ni Gerald ang pag-init ng kanyang mukha dahil sa sampal. Sasabog na dapat siya sa galit nang tumunog ang kanyang telepono.

Tumatawag ang ama niya.

Nang sinagot niya ang tawag, isang galit na sigaw ang umalingawngaw mula sa kabilang dulo ng linya. “Bastardo! Anong ginawa mo? Gustong itigil ng Emgrand Group ang lahat ng proyekto sa atin! Sino ang ginalit mo?”

Umangal nang malungkot si Gerald, “Hindi, Pa, hindi yan totoo, wala akong ginalit. Pumunta lang ako rito para kausapin si Miss Young, pero hindi ko pa nga siya nakakausap…”

Sumigaw uli ang ama ni Gerald. “Sinabi ng mga tao sa Emgrand Group na tinigil nila ang pakikipagkooperasyon sa atin dahil sayo, ang mababang basura! Ikaw ang dahilan kung bakit may malaking pagkawala ang ating pamilya! Bilisan mo at bumalik ka na, ipaliwanag mo ito sa iyong lolo!”

Hawak ang telepono habang nakatulala, pilit na hinatid palabas ng Emgrand Group sina Gerald at Wendy.

Biglang lumitaw ang mukha ni Charlie sa kanyang isipan. Bigla siyang humarap kay Wendy at tinanong, “Wendy, dahil ba ito sa iyong talunan na pinsan? May kinalaman ba siya sa Emgrand Group?”

“Huh?” Malinaw na nagulantang si Wendy sa tanong ni Gerald. Nang inisip niya ang pangyayari, mukha ngang may kinalaman ito sa talunan, pero isa siyang talunan!

Kaya, umiling siya at mahigpit na sinabi, “Hindi, talagang imposible na may kinalaman siya sa Emgrand Group. Ni hindi nga siya kwalipikado para linisin ang kanilang banyo!”

“Tama ka…” Tumango nang manhid si Gerald. Yumuko siya nang malalim nang maisip ang galit niyang ama. “Kailangan kong umuwi agad…”

Hindi nagtagal, ang balita na inalis ang pamilya White sa Emgrand Group ay kumalat sa Aurous Hill.

Walang may alam kung ano ang dahilan, pero sigurado sila na ginalit ng pamilya White ang Emgrand Group.

Sa sandaling ito, ang pamilya White ay tila ba wala ng kwenta.

Ang kanilang buong kayamanan ay lumiit nang mas malaki pa sa kalahati. Bago ito mangyari, sila ay malapit na sa tugatog ng social ladder sa kanilang lungsod, pero pagkatapos ng pangyayari, agad silang bumagsak ng maraming antas at naging segunda klase sa lipunan.

Nanginginig sa galit si Lady Wilson nang marinig ang balita.

Gusto niyang ihinto ang kasunduan na pagpapakasal ni Wendy kay Gerald, pero kahit pagkatapos ng terminasyon, mas prominente pa rin ang pamilya White sa pamilya Wilson at hindi niya kayang mawalan ng mga ugnayan, kaya matitiis niya lamang ito sa ngayon.

***

Samantala, sa opisina ni Doris, napahanga si Charlie at nasiyahan pagkatapos marinig ang proseso. Lubos niyang hinahangaan ang kanyang mabilis at mahigpit na tugon.

Nagsalita siya nang may masayang ngiti, “Doris, mahusay ka, magaling ang ginawa mo. Simula ngayon, doble na ang sahod mo.

Napanganga si Doris sa pagkagulat. Tumayo siya at yumuko nang magalang. “Salamat po, Mr. Wade!”

Tumango si Charlie at nagpatuloy, “At saka, gusto kong gumawa ka ng dalawang anunsyo.”

“Sige po, ipagpatuloy niyo lang po.”

“Ang unang anunsyo ay ang pag-iba ng may-ari ng Emgrand Group at ang nominasyon ng bagong chairman, ngunit huwag mong ibunyag ang aking pagkakakilanlan. Sabihin mo lang na tinatawag siyang Mr. Wade.”

“Ang pangalawa ay ang anunsyo na ang Emgrand Group ay mamumuhunan ng dalawang bilyong dolyar upang magtayo ng isang six-star hotel sa Aurous Hill, at pagpapahayag ng pag-alok sa mga kasosyo. Ang mga kumpanya ng konstruksyon at panloob na disenyo sa buong siyudad ay maaaring mag-alok!”

Ang pangunahing negosyo ng Wilson Group ay ang panloob na disenyo at konstruksyon. Ang matandang babae ay nangangarap na makasakay at makapaglayag sa Emgrand. Kung sino man ang mananalo sa alok ng Emgrand Group ay siguradong magiging pinakahahangad na tao sa kumpanya.

Ngayong siya na ang nagmamay-ari ng Emgrand Group, dapat niyang bigyan ng matamis na parte ang kanyang asawa.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maski siolav
Balik nabalik ulit sa kabanata 1 pag nag close ka tapos pag open mo ulit kinabukasan balik sa kabanata 1..
goodnovel comment avatar
Gerald A. Policarpio
dika marumong magbasa
goodnovel comment avatar
Gerald A. Policarpio
hahahaha lolo mo white ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6143

    Pagkatapos magpahayag ni Keith, agad na sumang-ayon si Christian, "Kung may matibay na ebidensya na si Charlie, sinusuportahan ko rin iyon!""Oo, Pa!" tumango si Kaeden. "Buong-buo ang suporta ko sa desisyon mo."Naramdaman ni Merlin ang pag-aalala ni Keith kaya napailing siya at sinabi, "Suportado rin kita, pero kapag nangyari na ang lahat, magiging ayos lang ba si Lulu? Baka magalit siya kay Charlie?"Kumaway lang si Keith. "Hindi ganyan kamangmang ang pamilya natin. Mauunawaan niya iyon."Pagkatapos ay mariing sinabi ni Keith, "Pero bukod kay Charlie, tayong apat lang ang dapat na makaalam tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng ito, kahit ano pa ang maging reaksyon ni Lulu, huwag na huwag na natin itong babanggitin. Ililihim natin ito habambuhay."Sabay-sabay na tumango ang tatlo.Walang salitang kasunduan ang pinakamainam para sa ganitong sitwasyon.Sandaling natahimik si Keith, pagkatapos ay marahang pinunasan ang luhang dumaloy sa gilid ng mga mata niya. Matapos nito, sumago

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6142

    Kinuha ni Charlie ang file at pinag-aralan ito. Ang pangalan ng pasyente ay Joel Carr. Na-admit siya sa ospital matapos masagasaan ng sasakyan, at nagtamo ng maraming pasa at mabababaw na sugat. Pero wala namang pinsala sa mga buto o kalamnan niya, kaya mukhang hindi naman malala ang kalagayan niya.Lumingon si Charlie kay Pitt at nagtanong, "Hindi naman malala ang kondisyon niya. Hindi ba’t hindi na siya kailangan i-admit? Hindi ba sapat na i-obserbahan lang siya sa ER?"Napasinghap si Dr. Pitt at agad na nagpaliwanag, "Baka hindi niyo po alam, pero assistant ni Mr. Zekeiah Cash ang pasyente. Sikat si Zekeiah sa New York, at miyembro ng pamilya Acker ang asawa niya. Siya mismo ang tumawag sa hospital director para ipalipat ang pasyente sa ward sa 17th floor para doon gamutin.""Anong sabi mo?" napakunot-noo si Charlie. "Si Zekeiah Cash? Asawa ni Lulu Acker?""Oo!" tumango si Dr. Pitt.Pinisil ni Charlie ang kamao niya at nagngalit ang mga ngipin.Mukhang ang tatlong tao sa Ward

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6141

    Sinabi ni Ruby na si Mr. Chardon ang pinakamalakas sa apat na Earl.Pero kahit na hindi siya nagpakamatay, hindi pa rin niya kayang tapatan si Charlie.Kaya malinaw na kay Charlie kung gaano kadali para sa kanya ang patayin si Mr. Zorro.Pero iba ang may plano, at iba rin ang pagkakaroon ng tamang pagkakataon para maisakatuparan iyon.Alam ni Charlie na mahirap patayin si Mr. Zorro habang nasa New York.Ang makipaglaban sa gitna ng isang abalang lungsod ay mas makakasama kaysa makakabuti. Baka nga bago pa niya mapatay si Mr. Zorro, nai-broadcast na ito nang live sa internet.Kaya hindi matalinong hakbang ang direktang harapin si Mr. Zorro.Bukod pa rito, hindi niya rin maaaring gamitin ang Reiki para patayin ito agad sa isang iglap.Malamang na magdulot ito ng matinding kaguluhan at mga kakaibang balita kung biglang tamaan ng kidlat ang Manhattan Hospital at may isang tao roong mamatay.Ibig sabihin, kailangan niyang makaisip ng paraan para patayin si Mr. Zorro nang walang aba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6140

    "Maabswelto?" tanong ni Charlie. "Kung ganoon, gaano katagal bago matapos ang lahat?"Sagot ni Julien, "Kailangan pa rin ng court hearing bilang bahagi ng proseso. Sa normal na sitwasyon, matagal iyon, pero dahil malaki ang naging epekto ng kasong ito, gusto ng judicial department na maresolba agad. Pinipilit din ng tatay ko na ituring ito bilang special case, kaya magpapadala ang korte ng New York ng team ng mga hukom sa ospital para magsagawa ng hearing at doon na rin ibaba ang hatol. Aalis sila sa loob ng ilang oras, at kung isasama ang lahat ng kailangang oras, matatapos ito mga lima pang oras mula ngayon, mga alas-siyete ng gabi."Nakahinga nang maluwag si Charlie nang marinig iyon.Kailangan pa ni Fleur ng hindi bababa sa sampung oras bago makarating. Kung maabswelto si Raymond sa loob ng tatlong oras, makakaalis na sila agad ng United States. Ipapabalik niya si Raymond sa Oskia, at hindi na maglalakas-loob si Fleur na habulin sila.Sa totoo lang, kahit habulin pa sila ni Fle

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6139

    Sa Ward 02, 03, at 04, may tig-aapat na ahente sa bawat kwarto, habang sa Ward 1701, bukod kay Raymond, may anim na ahente na mahigpit na nagbabantay sa kanya.Bukod pa roon, lahat ng ahente ng FBI ay may dalang mga totoong bala. Kapag may biglang sumugod babarilin nila agad ito nang walang pag-aatubili.Kapag may nangyaring putukan, siguradong lalala ang sitwasyon.Wala namang alitan si Charlie sa FBI, at ayaw din niyang atakihin nang walang awa ang mga ahenteng nagbabantay kay Raymond, kaya kung gagamit siya ng dahas sa ganitong sitwasyon, magiging imposible na ang solusyon.Pero wala ring matinong paraan kung magiging mahinahon lang siya.Hindi naman pwedeng sabay-sabay niyang manipulahin ang halos dalawampung tao, hindi ba?Kahit mapatakas pa niya si Raymond, magiging wanted siya. Ayon mismo kay Raymond, mas gugustuhin pa niyang mabulok sa kulungan kaysa maging isang wanted na kriminal.Habang naguguluhan pa si Charlie sa kung anong dapat gawin, biglang may lumabas na mensah

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6138

    Alam ni Charlie na mas low-profile na ngayon ang Qing Eliminating Society, kaya hindi niya inasahang makakasalubong niya sila sa biyahe niya ngayon sa New York.Pero ngayong bagong dating pa lang siya sa 17th floor ng Manhattan Hospital at may sugatang miyembro ng Qing Eliminating Society na agad na inilipat roon, imposibleng nagkataon lang iyon.Pakiramdam ni Charlie, si Raymond ang pakay ng Qing Eliminating Society, at ang dahilan kung bakit nila siya lalapitan ay dahil sa Four-Sided Treasure Tower.Mahinang sinabi ni Charlie sa sarili niya, "Sinabi sa akin ni Vera na nabanggit ni Marcius sa ama niya ang Four-Sided Treasure Tower, kaya malamang alam ni Fleur ang tungkol dito. Malamang siya lang din ang tanging tao sa Qing Eliminating Society na nakakaalam ng tunay na pinagmulan ng tore. At ngayong tinututukan na ng society ang lugar na ito, sigurado akong utos ito ni Fleur."Dahil dito, naging mas maingat si Charlie.Alam niya na bukod kay Fleur, may tatlong elder at isang earl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status