Mag-log inNag-aalala si Yoshitaka na lalo siyang mamaliitin ng anak niya, lalo na at hindi pa rin niya alam kung sino talaga si Charlie at ano ba talaga ang ginagawa niya.Langit lang ang nakakaalam kung agad siyang dudurugin ng lalaking iyon kapag sumobra siya.Dahil alam niyang wala ma siyang pagpipilian, tumango siya kay Charlie. "Huwag kang mag-alala, Mr. Wade! Sisiguraduhin kong mawi-wire ang pera kapag natapos na ito!""Uh-huh," walang ganang sumagot si Charlie bago humarap kay Tanya. "Dalawang beses na kitang iniligtas ngayon. Dahil sampung concert ang nakuha ko noong una, hindi ba dapat gawing dalawampu iyon ngayon?"Tumango si Tanya nang walang pag-aalinlangan. "Oo, Mr. Wade. Kung dalawampu ang gusto mo, dalawampu iyon. Wala rin akong problema kahit mas marami pa ang hilingin mo."Binigyan siya ni Charlie ng malaking thumbs-up. "Mabilis kang umintindi at desidido ka. Pinapahalagahan ko iyon, kahit hindi ko masabi ang pareho para sa iba."Namula si Yoshitaka sa kahihiyan dahil hala
Bilang isang global investor, hindi lang kayang maglabas ng Mitsui Group ng 5 billion nang madali—sigurado rin silang tuloy-tuloy silang kikita mula rito.Kung gagawin ni Yoshitaka ang gusto ni Charlie, ibig sabihin ay isusuko niya ang 780 million US dollars at halos ibibigay na lang iyon nang libre… at iyon ay kung perpekto niya lang magagawa ang lahat ng hinihingi niya, kung hindi ay aabot sa 5.78 billion dollars ang kabuuang lugi niya.Iiyak sana si Yoshitaka kung pwede lang—bilang negosyante, kita lang ang mahalaga sa kanya, at likas na sa kanya na sulitin ang bawat deal. Kahit may malulugi man, sisiguraduhin pa rin niyang pinakamaliit lang ang mawawala sa kanya.Kaya sinabi niya kay Charlie, "Mr. Wade, maimpluwensya at mataas ang reputasyon ng Mitsui Group namin. Wala ka talagang dapat alalahanin. Susundin ko nang eksakto ang lahat ng utos mo…"Tumango at nagkibit-balikat si Charlie. "Sige, pinagkakatiwalaan kita. Gaya ng sinabi ko, mababawi mo ang pera mo kung walang magiging
Habang nagfa-fangirl si Tanya kay Charlie, parehong gulat at ginhawa naman ang nararamdaman ni Yoshitaka nang makita niyang kontrolado ni Charlie ang lahat.Napabuntong-hininga siya sa ginhawa at nag-thumbs-up kay Charlie habang sinasabi, "Napakagaling noon, Mr. Wade! Walang laban ang mga sanay na samurai na iyon!"Tiningnan siya ni Charlie at malamig na sinabi, "Ikaw ang bahala sa mga bangkay. At tandaan mo, linisin mo ito nang maayos at huwag mag-iwan ng kahit anong bakas… O kung meron man, siguraduhin mong hindi iyon matutunton pabalik sa akin at magdudulot ng hindi kailangan na problema sa akin. Naiintindihan mo?"Sinulyapan ni Yoshitaka ang mahigit isang dosenang bangkay na nakahandusay sa paligid at parang sumakit agad ang ulo niya.Hindi naman sa hindi pa nakakapaglinis ng bangkay ang kumpanya niya—pero hindi pa sila nakakaranas ng ganoon karami nang sabay-sabay.Mas problema pa iyon dahil nasa gitna sila ng abalang lungsod tulad ng Tokyo.Pero nangako na ang anak niya kay
Napansin ng samurai na nakapagpalakas ng loob ng mga kasama niya kanina na muli na namang nagiging hindi mapakali ang mga ito, kaya sumigaw siya, "Mga ginoo! Ano ba tayo kundi mga alipin ng kapalaran ng mga pamilya natin?! Isang beses lang natin kailangan magtagumpay, at mabubuhay na sila nang masaya habang-buhay! Ano pa ang dapat nating katakutan—argh! Ang mga mata ko!!!"Nasa kalahati pa lang siya ng pagsasalita nang biglang dumilim ang paningin niya kasabay ng matinding sakit.Nang kapain niya ang mukha niya, naramdaman niyang may dalawang matigas na plastic tube na nakabaon sa mga eye socket niya!Halos lumakas na sana ang loob ng ibang samurai at handa nang sumama sa isang desperadong pagsugod, pero ang pampalakas ng loob na sigaw na iyon ay naging hiyaw ng sakit.Pagharap nila sa samurai, natakot sila nang makita ang dugo na umaagos mula sa mga eye socket nito habang ang mga sigaw niya ay nakakakilabot pakinggan!Sobrang karumal-dumal ng eksena kaya napaduwal si Yoshitaka ha
Nang magsimulang sumugod ang mga samurai, inakala nilang sina Charlie at ang iba pa ay mga biktima lang na nasa awa nila. Kaya ang mga nasa unahan ay nakatuon lang sa paghiwa sa kanila at pagkuha sa ulo ni Tanya, habang iniisip naman ng mga nasa likuran kung ilang hiwa pa ang idaragdag nila sa mga bangkay para ipakita ang kalupitan nila.Kaya wala ni isa sa kanila ang nag-akala na ang inaakala nilang walang kalaban-laban na biktima ay lalaban nang ganoon kabagsik at agad na makakapatay ng walong tao sa isang iglap!Mas lalo pa silang natakot nang makita na dilat pa rin ang mga mata ng mga patay nilang kasamahan habang may iba’t ibang cosmetic item na nakabaon sa mga ulo nila.Ang mga ninja ang pinakamahusay pagdating sa paggamit ng mga patagong armas, paghahagis ng shuriken mula sa manggas nila, at pagpatay sa maraming walang kamalay-malay na biktima.Pero kahit ganoon, dalawang shuriken lang ang kayang ihagis ng isang ninja sa pinakamainam na sitwasyon—isa mula sa bawat manggas, i
Pagkatapos, sa isang pitik ng pulso niya, lumitaw sa pagitan ng mga daliri ni Charlie ang lahat ng cosmetic items na kinuha niya kanina.Kasabay nito, nakalapit na sa kanila ang mga samurai, habang itinaas ng mga nangunguna ang kanilang mga katana para sa malakas na pag-atake.Nanginginig sa galit si Yoshitaka, pero paurong siyang umatras, balak magtago sa dressing room.Kahit alam niyang hindi mapipigilan ng kahoy na pinto ang katana ng mga samurai, sigurado siyang mas mabuti pa ring mabuhay ng kahit isang segundo pa.Pero pagkapagbukas niya ng pinto, agad siyang hinawakan ni Kokomi nang mahigpit at kinaladkad pabalik sa grupo habang malamig na sinasabi, "Sobra mo na kaming ipinahiya ngayong araw, Papa. Magpakita ka naman ng dignidad kapag kailangan!"Nagalit si Yoshitaka. "Dignidad? Anong dignidad?! Malapit na tayong pagpira-pirasuhin!"Doon biglang umugong nang malakas ang hangin habang kumikislap ang matatalim na talim ng bawat katana, kumikinang sa ilaw ng kisame sa nakakasi
Binugbog din si Jessica hanggang sa naging magulo na ang buhok niya at tumabingi na ang bibig niya. Hindi mapigilang sumigaw ni Jason sa sakit.Pagkatapos silang bugbugin, inutusan ni Luke ang mga security guard na itapon sila palabas ng exhibition hall.Nakahandusay si Jason sa konkretong sahig haban
Sobrang putla at gulat si Elaine. Sinabi niya, “Ah, ayos lang ako, masakit lang nang kaunti ang ulo ko. Sinuri na ako ng doktor at sinabi niya na ayos lang ako, pero ang ama mo… bumangga ang truck kung nasaan siya…”Umiyak siya nang malakas.Malaking bagay sa kanya na marahil ay permanenteng maging qu
Kinakabahan si Claire habangp pinapakinggan niya ang pagtatalo nila at sumingit, “Mr. Murray, maraming tulong si Charlie sa bahay. At saka, pakitawag akong Miss Wilson. Ang pagtawag sa unang pangalan ko ay hindi propesyonal.”“Ano naman ang ginagawa niya sa bahay? Pupunta sa pamilihan? Magluluto? Mag
“Salamat sa iyong pagsusumikap, doktor,” sinabi agad ng di gaano katandang lalaki. Pagkatapos, nagmamadaling inimbita ni Reuben sina Anthony at ang apo niya na umupo at uminom ng isang tasa ng tsaa.Pagkatapos ng ilang sandali, kinuha ng dalaga ang mga karayom bago niya kinuha ang isang tasa ng tsaa







