MasukTahimik lang si Charlie, pero marami siyang iniisip.Ayaw niyang makita si Raymond na napapahiya sa bulok na lugar gaya ng Antique Street sa Aurous Hill—lalo na’t isa siyang bayani na handang isugal ang buhay para makipagkita sa pamilya Rothschild at makuha ang Four-Sided Treasure Tower.Kaya ang una niyang naisip ay tawagan si Don Albert at sabihing bantayan nang mabuti ang Antique Street, para maagapan agad ang anumang gulo bago pa man makalapit ang mga mangsasabotahe kay Raymond.Pero alam din ni Charlie na siguro ay tatanggihan ni Raymond ang proteksyon. Sanay na kasi siyang humarap sa panganib at may tapang na lumaban pa sa mga Rothschild. At dahil Aurous Hill lang ito, alam niyang kaya ni Raymond ayusin ang mga ganitong problema, alo na kung simpleng grupo lang ng mga manggugulo.Kaya matapos mag-isip, nagpasya si Charlie na huwag muna makialam. Manonood na lang siya sa gilid habang hinahayaan si Raymond na harapin ang mga tao sa Aurous Hill. Hangga’t hindi lalampas sa limita
"Ano?!" siingaw ni Jacob nang sabik habang biglang tumayo. "Talagang magbubukas ng negosyo sa Aurous Hill ang bastos na iyon? Ano, nagsawa na na ba siyang mamuhay nang marangya sa ibang lugar?"Sa isip ni Jacob, dalawa lang ang pwedeng dahilan kung bakit bumalik si Raymond sa Aurous Hill.Una, baka sobrang yumaman siya at bumalik lang para magbukas ng tindahan sa Antique Street, para maibalik ang kaunting dangal matapos siyang tanggalin sa Vintage Deluxe.Ang isa ay ang kabaligtaran—baka nagkaproblema rin siya sa ibang lugar at wala nang ibang magawa kundi bumalik sa Aurous Hill para maghanapbuhay.Kung ito ang una, wala na siyang pag-asa sa paghihiganti.Pero kung ang pangalawa, iba na ang usapan!Samantala, sumagot si Zachary, "Sa totoo lang, hindi ko pa siya nakita sa personal. Pero ayon sa natanggap kong tip, hindi maganda ang kalagayan niya sa ibang lugar, dahil medyo maliit lang ang negosyo na balak niyang buksan."Tumawa agad si Jacob. "Hahaha! Ganoon ba… Siguro pumalpak
Napangiwi si Claire at nagreklamo, “Gaya ng sinabi mo, hindi ko na sasabihin kay Mama para sa kapayapaan ng pamilya. Pero alam mo na hindi mo na dapat ulit gawin iyon!”Paulit-ulit na tumango si Jacob habang nangangako. “Huwag kang mag-alala—hindi ko na uulitin iyon.”Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone niya sa mesa, at nang tingnan niya, nakita niyang si Zachary ang tumatawag.“Kakaiba,” binulong niya sa sorpresa. “Matagal na niya akong tinataguan, tapos tatawag siya ngayon?”Nagulat din si Charlie.Dahil matapos umalis ni Zachary sa Antique Street at magsimulang tumulong sa mga negosyong hindi kanais-nais ni Don Albert, wala na dapat siyang dahilan para tawagan pa si Jacob.Kaya bakit siya tumatawag ngayon?Nalito rin si Jacob, pero sa huli ay sinagot din niya ang tawag.Sa kabilang linya, magalang na bumati si Zachary, “Mr. Wilson? Ako ito—si Zachary. Naalala mo pa ba ako?”“Kalokohan,” singhal ni Jacob. “Paano naman kita makakalimutan eh ang dami na
Samantala, sa Thompson First, ang pamilya nilang apat ay tahimik na kumakain ng hapunan nang sabay-sabay sa unang pagkakataon.Habang sina Charlie at Claire ay hindi naman nag-aaway, sina Jacob at Elaine naman ay laging nagtatalo o nag-aasaran, kaya laging tensionado at alanganin ang pakiramdam sa paligid ng mesa.Pero sa pagkakataong ito, hindi sila nag-away, at parang wala rin silang galit sa isa’t isa.Hindi lang basta tahimik ang hapunan—si Elaine ay hindi na rin masyadong mautos, at tumutulong pa siya maglagay ng pagkain sa plato ni Jacob, pinatitikim siya ng kung anu-ano, na para bang bigla siyang naging pinakamabait na asawa.Dati, si Jacob ay laging may tingin ng paghamak kay Elaine, madalas pang magreklamo kung bakit daw ang isang kagaya niyang mahusay na lalaki ay walang mabuting asawa.Pero sa kalagayan niya ngayon, tanggap na niya nang lubos ang sarili niyang sitwasyon.Kaya naman makatwiran rin na hindi siya magustuhan ni Matilda sa kalagayan niya ngayon, at nakakama
Nagngalit ang ngipin ni Mick. “Letse, totoo iyon. Mahirap lokohin ang mga mata ni Raymond—kailangan talaga ang pinakamagaling na tao para maloko siya.”Pagkatapos, bumuntong hininga siya. “Kung may kayang gumawa nito, si Zachary Evans iyon! Parang Diyos siya dati pagdating dito!”Tumango ang empleyado. “Tama, perpekto ang mga replica niya… Pero malaki na ang posisyon ng lalaking iyon ngayong nagtatrabaho na siya para kay Don Albert, at hindi tayo makakahingi ng tulong sa kanya!”Umiling si Mick. “Hindi, ayos lang. Medyo malapit kami sa isa’t isa. Tatawagan ko siya ngayon.”Kinuha niya agad ang cellphone niya at tumawag.Noon ay mapagkumbaba si Zachary sa harap ni Mick, pero ngayon, mas mataas na nang sobra ang ranggo niya kumpara sa kanya.Takot na magmukhang bastos, magalang siyang bumati kay Zachary sa sandaling sinagot niya ang tawag, “Hello, Zachary! Ako ito, si Mick Crane!”“Uh-huh,” sagot ni Zachary na tila walang gaanong emosyon, bago tinanong nang mausisa, “Bakit mo ako
Siguro nga ay maraming taon na nagtrabaho si Raymond sa ibang bansa at bihasa siya sa mga antique, pero medyo kulang pa rin siya pagdating sa mga pagbabasa ng nakatagong intensyon ng iba.Tinanggap niya nang literal ang sinabi ni Mick at agad na umiling, “Hindi, huwag mo na gawin iyan. Wala akong balak bumalik dito para magtrabaho, kaya huwag mo rin akong banggitin kay Ms. Moore.”At hindi tulad ni Mick na nagsasabi ng kabaligtaran ng nasa isip niya, totoo ang sinasabi ni Raymond.Siyempre, hindi naniwala si Mick kay Raymond, inakala pa nga niyang sinungaling si Raymond tulad niya.Habang paulit-ulit na sinasabi ni Raymond na ayaw niyang bumalik sa Vintage Deluxe, lalong naniwala si Mick na gusto niya.Kaya nagtanong siya kahit halata alam na ang sagot, “Ano naman ang balak mong gawin ngayong bumalik ka sa Aurous Hill?”“Matagal na akong naglalakbay, kaya napapagod na rin ako,” inamin ni Raymond. “Balak kong magtayo ng maliit na negosyo dito sa Aurous Hill, malamang dito sa Antiq