Share

Kabanata 6498

Author: Lord Leaf
Wala kahit sino maliban kay Raymond ang nag-akalang ganito kabilis papayag ang lahat sa kasunduan.

Buong-buo ang tiwala niya sa sariling paningin niya at lalo na pagdating sa pagsusuri ng halaga.

Sigurado siya na kapag nasuri nila ito nang maayos, kahit sino sa mga kolektor na kayang maglabas ng 20 million ay hindi palalampasin ang ganitong pagkakataon.

Dahil, napaka bihira ng pagkakataon na makakuha ng bagay na mas mataas pa ang tunay na halaga kaysa sa presyo na ibinayad.

Sa katunayan, nang marinig ng siyam pang kolektor na bibilhin iyon ng unang kolektor, hindi na iyon nakakagulat kahit na nanghina pa ang loob nilang lahat.

Hinawakan nilang lahat ang bronze sculpture—alam nilang sulit talaga iyon sa halagang iyon.

Pero wala pang mas nagulat kaysa kay Trippy.

Mukhang nagulantang talaga siya, ang mata niya halos mahulog na habang nakatitig sa bronze sculpture, paulit-ulit na tinatanong ang sarili ng parehong tanong.

Talaga bang 20 million ang halaga ng basura na iyon? Paano?!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6498

    Wala kahit sino maliban kay Raymond ang nag-akalang ganito kabilis papayag ang lahat sa kasunduan.Buong-buo ang tiwala niya sa sariling paningin niya at lalo na pagdating sa pagsusuri ng halaga.Sigurado siya na kapag nasuri nila ito nang maayos, kahit sino sa mga kolektor na kayang maglabas ng 20 million ay hindi palalampasin ang ganitong pagkakataon.Dahil, napaka bihira ng pagkakataon na makakuha ng bagay na mas mataas pa ang tunay na halaga kaysa sa presyo na ibinayad.Sa katunayan, nang marinig ng siyam pang kolektor na bibilhin iyon ng unang kolektor, hindi na iyon nakakagulat kahit na nanghina pa ang loob nilang lahat.Hinawakan nilang lahat ang bronze sculpture—alam nilang sulit talaga iyon sa halagang iyon.Pero wala pang mas nagulat kaysa kay Trippy.Mukhang nagulantang talaga siya, ang mata niya halos mahulog na habang nakatitig sa bronze sculpture, paulit-ulit na tinatanong ang sarili ng parehong tanong.Talaga bang 20 million ang halaga ng basura na iyon? Paano?!

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6497

    Dahil wala na siyang maipintas sa sagot ng air stewardess, ngumuso si Elaine. “Sige, sabihin mo na lang sa management na ayusin pa ang first-class cabins ninyo. Baka pwede ring gumawa ng premium-class o kung ano, dahil kaya naman naming bayaran iyon.”Mabilis na sinabi ng air stewardess, “Ipadadala po namin agad sa management ang mensahe ninyo.”Tumango si Elaine na halatang kuntento at iniwasiwas ang kamay niya. “Ayos. Balik ka na sa trabaho mo.”Kita ang pag-gaan ng loob ng air stewardess habang yumuko siya nang magalang. “Palagi po kaming masayang maglingkod sa inyo.”Pagkaalis ng air stewardess, tinanong nang nauusisa ni Jacob si Elaine, “Ganoon ba talaga kaganda ang private jet?”Umirap ang mata ni Elaine. “Hindi mo ba nakita ang mga pinost ko sa chat group?”“Hindi masyado,” mabilis na sagot ni Jacob.Handa na sana siyang pagalitan ni Elaine dahil hindi siya interesado, pero dahil maayos na sila ngayon at ayaw na niyang patulan ang maliliit na bagay, suminghal siya. “Tanda

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6496

    Habang salitan na pinag-aaralan ng sampung kolektor ang bronze sculpture, sina Jacob at Elaine naman ay sumasakay na sa kanilang flight.Dahil first-class ang lipad nila, may prayoridad sila sa ibang pasahero at dumaan sila sa hiwalay na plug door papunta sa first-class section.Napakalaki ng kapasidad ng Boeing 777, at pwedeng ikabit ang malapad na eroplano sa espesyal na double corridor bridge kung saan hiwalay na sumasakay ang first class at business class mula sa economy class.Dahil magkadugtong ang mga terminal ng economy at business class, nakalampas sina Elaine at Jacob sa first-class terminal nang walang abala, pero higit sa dalawang daang tao ang nakapila sa economy class.Habang naglalakad pa, lingon nang lingon si Elaine kay Jacob at sinabi niya, “Ang sarap siguro maging mayaman! Dati pumipila rin tayo katulad nila, tapos higit trenta minutos pa bago makasakay.”“Sa first class, kahit nasa iisang eroplano lang tayo, hindi natin kailangang makihalo sa mga commoners. May

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6495

    Samantala, matapos ipaliwanag ni Raymond ang mga patakaran, binuksan niya ang pinto at inimbitahan ang lahat na pumasok sa Treasure Measure.Hindi naman ganoon kalawak ang loob, pero mukha pa ring maluwag ito dahil halos walang laman sa loob—hindi rin ito masikip kahit may tatlumpung tao.Pagkatapos, kinandado ni Raymond ang pinto mula sa loob at sinabi, “Nakikita ko sa mga mukha ninyo na mga beterano tayo rito, kaya sigurado akong alam ninyo ang patakaran sa pagsusuri: bawal kumuha ng litrato o video. Maraming salamat.”Totoo, maraming patakaran sa ganitong libangan, at ang pinakamahalaga ay ang paggalang sa kahilingan at privacy ng nagbebenta.Habang nakikinig ang mga collector, alam nila na nagbebenta si Raymond pero ayaw niya na masyadong mabunyag ang pagkakakilanlan niya sa publiko.Tumango silang lahat, at iyong may mga hawak na cellphone ay agad itong nilagay sa bulsa.Pagkatapos noon, inilabas ni Raymond ang bronze sculpture na dala niya, dahilan para mapataas ang kilay n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6494

    "Ayos!" Halos napatakbo si Trippy sa tabi ni Raymond, parang batang sabik na sabik sumunod.Mga tatlumpung tao na ang naghihintay sa harap ng Treasure Measure. Dumating ang mga collector nang magkakasama, dalawa o tatlo kada grupo, at lahat ng sampung numero ay nakuha na.Bago pa man dumating si Raymond, sinilip na muna niya ang mga mukha ng mga collector sa security camera, at napabuntong-hininga siya sa ginhawa nang walang pamilyar na mukha siyang nakita.Matagal na siyang nagbebenta ng mga antique galing sa Oskia sa ibang bansa, kaya natural lang na may mga kakilala siyang elite collector sa bansa.Alam din niyang sobrang taas ng pamantayan ng mga iyon, at ang gusto nila ay halos perpektong mga piraso. Kaya ang bronze sculpture na halos tuluyang nawala na ay siguradong hindi nila papansinin.Pero medyo nag-aalala rin siya na baka may ilan sa mga kakilala niyang elite collector na nalulugi na at bumababa ang pambili. Kung sakaling magkaroon pa sila ng interes sa bronze sculpture

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6493

    Ngumisi si Trippy. "Ibig kong sabihin, tingnan mo lang ang stall ko—imposible na magkaroon ako ng negosyo rito. Bakit hindi mo ako payagan na makita ang item mo? Gusto ko lang makita kung gaano sila ka-interesado. Gusto ko talagang matuto at mapaangat ang laro ko."At parang nag-aalala na baka tanggihan siya ni Raymond, agad niyang idinugtong, "Huwag kang mag-alala—nangangako ako na mananatili lang ako sa isang sulok at manonood lang."Ngunit agad na naisip ni Raymond na siguradong may nagpadala kay Trippy para manmanan siya.Wala ring pinagkaiba kung si Mick, Jacob, o Zachary man iyon—magkakasabwat naman silang lahat, kaya kung alam ng isa, alam din ng tatlo.Likas na tsismoso talaga si Trippy. Kung papayagan siyang masaksihan ang buong proseso, siguradong malalaman ng buong Antique Street sa lalong madaling panahon.Sa totoo lang, kailangan niya ng isang katulad niya ngayon, at si Trippy pa mismo ang lumapit sa kanya.Nang maisip iyon, ngumiti si Raymond. "Sige, sumama ka kung

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status