Pagkatapos magtanghalian, si Jacob, ang biyenan na lalaki ni Charlie, ay nakabihis na nang maayos at sinabihan si Charlie, “Hey, bilisan mo na at maghanda ka na, gagamitin natin ang bago nating kotse at pupunta sa Antique Street. Isang shop doon ang nakakuha mula sa ibang bansa ng isang kiln vase mula sa Tang Dynasty at gusto ko itong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pa, magsisimula ka nanaman sa antigong bagay ulit? Wala tayong masyadong pera at marangyang libanagan iyan ngayon.”Walang kasanayan si Jacob sa pagpapalago ng pera pero nangangarap siya sa mga plano niyang yumaman nang mabilis. Mahilig siyang pumunta sa Antique Street para sa pag-asa na makakuha ng isang bihirang piraso ng antigo sa mababang presyo, ngunit sa mga nakaraang taon, ang mga karanasan na nakuha niya lamang ay panloloko.Kailangan niyang huminto nang ilang panahon ngunit ngayon, hindi lamang siya bumalik sa kanyang hilig ngunit nangati na rin ang mga kamay niya.Nainis si Jacob sa sinabi ni Charlie na may mabut
Galit na pinadyak ni Raymond ang kanyang paa. “Biyenan mo siya, hindi ba?”Tumango si Charlie. “Oo, biyenan ko siya, pero siya ang nakasira, hindi ako. Hanapin mo kung sino ang responsable sa pagkabasag ng pasilyo. ‘Hanapin mo ang totoong salarin, huwag mong idamay ang kanilang pamilya’—narinig mo na ba ang kasabihan na ito?”Ang dugo ni Raymond ay kumukulo, pero pinag-isipan niya ang sinabi ni Charlie at napagtanto na tama siya.Kung lalabas ang balita na humihingi siya ng bayad mula sa inosenteng tao, madudumihan ang reputasyon ng Vintage Deluxe.Kaya, inutusan niya ang mga lalaki na nasa tabi niya, “Ikaw, ibalik mo ang matandang lalaki dito!”Kumulot ang mga labi ni Charlie sa isang tahimik na ngisi habang pinapanood ang mga lalaki na hinahabol ang matandang lalaki.Sa totoo lang, kaya niyang gamitin ang kanyang card at tapusin na ‘to, pero masyado itong madali para sa kanyang walang hiyang biyenan na lalaki, hindi ba?Mas mabuti pa na magdusa ang matandang lalaki at matuto s
Sabik at sobrang saya, mabilis na nilagay ni Charlie ang Apocalyptic Book sa kanyang bulsa, ngunit ang libro ay agad na naging pulbos at naglaho sa hangin.Himala, ang bawat salita sa libro ay malinaw na tumatak sa utak ni Charlie.Sa sandaling ito, si Jacob, na tumakbo na parang isang duwag, ay marahas na hinuli ng ilang malalaki at malalakas na lalaki at hinagis pabalik sa shop.Kung titingnan ang kanyang malaki at namamagang mga pisngi, napagtanto ni Charlie na siguradong nabugbog siya bago siya binuhat pabalik dito.Naramdaman ni Charlie na ang kaawa-awang hitsura ni Jacob ay sobrang nakakatawa at kawili-wili.Gaano kangahas ang matandang ito na gawin siyang hantungan ng sisi pagkatapos mapasok sa gulo! Ang kaunting bugbog ay kailangan bilang parusa sa kanya upang matutunan niya ang leksyon niya.Si Jacob ay nasa isang partikular na nakakatakot at nakayayanig na posisyon ngayon. Dahil sa kanyang desperado na pagtakas kanina, labis siyang humihingal na parang aso, sinusubukan
Tumango si Charlie. “Paano kung naayos ko ito?”Suminghal si Raymond. “Kailangan kong tanungin ang mga tagatasa. Kung sasabihin nila na naayos mo ang karamihan sa pinsala, papakawalan ko kayong dalawa!”“Sige!” Tumango si Charlie. “Isa itong kasunduan!”Mabilis siyang tumalikod sa gagawin niya at tahimik na sinimulan ang kanyang trabaho. Kinuha niya ang eskoba at gumuhit ng balangkas ng pasilyo sa papel ng bigas ng tsino.Pagkatapos, kinatok niya nang magaan ang itlog upang gumawa ng isang maliit na bukasan, sinawsaw ang kanyang hintuturo upang kumuha ng puti ng itlog, pinunas ito sa isang piraso ng pasilyo, at idinikit ito sa modelo ng papel. Pagkatapos, inulit niya ang parehong proseso sa sumunod na piraso, at iba pa, hanggang ang modelo ng papel ay unti-unting nabalot ng mga piraso ng pasilyo...Ang lahat ay tahimik na nanonood habang pinipigilan ang kanilang paghinga sa takot na magambala nila ang kanyang proseso ng pag-aayos.Mabilis na lumipas ang kalahating oras.Nang tu
Nagulantang si Raymond!Kailanman ay hindi niya naisip, kahit sa kanyang panaginip, na ang pasilyo ay magbabago at magiging mas mahalagang kayamanan pagkatapos ayusin gamit ang ilang itlog!Tinuro niya si Charlie at sinabi, “Miss, ito ang lalaking umayos ng pasilyo…”Habang sumulyap si Jasmine kay Charlie, hindi niya maiwasang isipin kung paano nalaman ng isang batang lalaki ang matagal nang nawawalang pamamaraan ng pag-aayos ng isang kultural na relikya!Sa kabila ng kanyang pagdududa, nakapaglas siya ng isang magalang na ngiti at tinanong, “Hi, ako si Jasmine Moore. Paano dapat kita tawagin? Maaari ko bang malaman kung kanino mo natutunan ang pamamaraan ng pag-aayos ng relikya?”Si Jacob, na nanginginig pa rin sa gilid, ay nagulantang nang marini ang pangalan ni Jasmine Moore.Ang pamilya Moore!Ang pamilya Moore ang pinakamataas na pamilya sa Aurous Hill! Ang kanilang impluwensya ay hindi maikukumpara sa mga matataas na pamilya ng Eastcliff, pero sa Aurous Hill, sila ang nasa
Tumango si Charlie. “Naiintindihan ko.”Ang matandang lalaki ay naglabas ng isang malalim na buntong hininga, ibinulong niya, “Kung alam ko lang na may ganito kang kasanayan, hindi sana ako susugod sa’yo! Ngayon, hindi lang ako sobrang napagod, nasampal pa ako nang ilang beses! P*cha, malas naman!”Nagpatuloy siya, “Namumula pa rin ba ang mukha ko?”Sumagot si Charlie, “Kaunti.”Nagreklamo muli ang matandang lalaki. “Sabihin mo sa ina mo na nauntog ako sa poste kung itatanong niya.” Nang dumating siya sa bahay, agad na pumunta si Charlie sa supermarket upang bumili ng mga pagkain at gumawa ng hapunan para sa pamilya.Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang asawa, si Claire Wilson, kung sakaling may gusto siyang kainin. Gayunpaman, may plano pala siya sa paparating na proyekto kasama si Doris Young sa gabing iyon, kaya inimbita niya si Claire upang maghapunan sa Emgrand Group.Nang marinig ang sinabi niya, sinubukan din ni Doris Young at sinabi, “Sir, ang proyekto ay isinasag
Pagdating sa Silverwing Hospital, makikita si Douglas na nakahiga sa isa sa mga kama sa may ward, nababalot ng gasgas at sugat. Mayroon din siyang cast sa kanyang kanang binti, at mukha siyang miserable. Hindi maiwasang makiramay ni Charlie. Ang lalaking ito ay niloko, nasira ang puso, at ngayon ay nababalot ng sugat.Nang makita ang pagdating ni Charlie, ang mga namamagang mata ni Douglas ay napuno, luha ang dumadaloy sa kanyang mga pisngi na parang isang ilog. “Charlie…” Napahagulgol sa iyak si Douglas.Mabagal siyang nilapitan ni Charlie at sinabi nang malambot, “Ayos lang yan, isa lang siyang asong babae, hindi siya karapat-dapat.”Nagpatuloy si Douglas, “Niligawan ko siya nang tatlong taon, halos itapon ko na ang dignidad ko sa basurahan para sa kanya! Pakiramdam ko ay isa lang akong mababang aso na nakakapit sa lahat ng makakaya ko, pero ngayon, napagtanto ko na wala akong kahit ano sa simula palang…”Tila ba nabubulunan si Douglas sa kanyang luha. “Hindi lang gustong makip
Galit na sinabi ni Lily. “Itigil mo na ang kalokohan na ito. Ang restaurant ay walang kinalaman sa iyo. Huwag kang umasa na babayaran kita ni singko! Ang painting ay pagmamay-ari ng restaurant, kung hindi mo ibibigay iyon ngayon din, tatawagan ko ang pulis at idedemanda ka sa pagnanakaw!”Si Jerome, na nakatayo sa tabi ni Lily, ay kinutya rin. “Makinig ka, bata. Pinapayuhan kita na makipagtulungan ka sa amin. Ang koneksyon ko sa Aurous Hill ay isang bagay na hindi mo gustong subukan, hindi ba? Kung hindi mo ibibigay ang painting, kailangan ko lang bisitahin ang public security bureau at ikukulong ka agad nila! Sa halagang iyon, makukulong ka sa pinakamababang sampung taon!”Ang mga luha ni Douglas ay dumaloy na parang ulan, at tinanong niya si Lily, “Wala akong ginawa kundi kabutihan sa iyo sa mga nakaraang taon, binigay ko sa’yo ang lahat ng mayroon ako! Ayos lang kung hindi mo talaga ako mahal, pero bakit mo kailangang gawin sa akin ‘to!?”Naglabas nang malamig na hagikgik si Lily