Share

Kabanata 8

Author: Lord Leaf
Kinabukasan, dinala ni Claire ang dokumento na puno ng panukala na hinanda niya buong gabi at pumunta sa opisina ng Emgrand kasama si Charlie.

Habang nakatayo sa harap ng 100 na palapag na gusali, biglang naramdaman ni Claire na ang kanyang puso ay malalim at walang laman.

Paano makikipagtulungan ang isang kamangha-manghang kumpanya tulad ng Emgrand sa pamilya Wilson? Hindi pa sinasabi na naghahangad sila ng tatlumpung milyong dolyar na kontrata.

Ito ay parang isang pulubi na lumapit sa isang mayaman na lalaki upang manghingi ng tatlumpung milyong dolyar na barya. Talagang katawa-tawa.

Gayunpaman, nangako siya sa kanyang lola at tinanggap ang hamon sa harap ng lahat, kaya dapat niya itong gawin kahit anong mangyari…

Nang maramdaman ang kanyang pagkabalisa, hinaplos nang malmabing ni Charlie ang kanyang ulo at sinabi, “Mahal, huwag kang mag-alala, magpatuloy k lang, kaya mo yan. Magtiwala ka sa akin.”

Nalulungkot na nagbuntong-hininga si Claire at binulong, “Sige, sana nga! Hintayin mo ako dito.”

Huminha siya nang malalim at pumasok sa pinto.

Habang pinapanood siyang pumasok, tinawagan ni Charlie si Doris.

“Doris, paakyat na ang aking asawa upang kausapin ka. Alam mo na dapat ang gagawin!”

“Opo, Mr. Wade. Huwag kang mag-alala, pagbibigyan ko ang lahat ng hiling ng iyong asawa.”

“Siya nga pala, narinig ko na mayroong malapit na koneksyon ang Emgrand Group at ang pamilya Jones. Totoo ba ito?”

“Opo, marami nga tayong ginawang proyekto kasama sila, mga tapos at nagpapatuloy. Gusto nila muli na makipagtulungan sa atin para sa bagong malaking proyekto at nagpasa na sila ng mga panukala at mga materyales upang masuri ko. Gayunpaman, nasa iyo ang pagpapasya, Mr. Wade.

Malamig na sinabi ni Charlie, “Hindi ko gustong maging parte ang pamilya Jones sa mga bagong proyekto o kahit anong proyekto sa hinaharap.”

“Opo, sigurado. Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang inutos niyo!”

***

Samantala, naglakad si Claire sa opisina ng Emgrand Group at naghintay ng kanyang paghirang. Hindi niya alam kung si Doris Young, ang vice-chairman ng kumpanya ay gusto siyang makita.

Hindi matagal, isang kaaya-aya na babaeng kawani ang lumapit sa kanya at nagsimula, “Hi, ikaw po ba si Miss Claire Wilson? Hinihintay ka na ni Miss Young sa kanyang opisina, pakisundan po ako.”

Tumango nang walang imik si Claire. Naghihintay siya sa linya upang gumawa ng paghirang, paano nalaman ni Miss Young na nandito na siya at tinawag na agad siya?

Maaari bang alam ni Doris Young na siya ay darating?

Wala naman itong katuturan… paano siya nakilala ng isang kilalang indibidwal tulad ni Doris Young?

Kahit na hindi niya ito malaman, mas ayos na kunin niya ang pambihirang pagkakataon na binigay sa kanya. Mabilis niyang sinundan ang kawani at direktong hinatid sa opisina ni Doris.

Tumayo si Doris sa kanyang upuan at magalang na binati si Claire. “Hi, Miss Wilson, ako si Doris Young, ang vice-chairman ng Emgrand Group, nalulugod akong makilala ka.”

Kaunting kinabahan si Claire nang makilala ang pinakasikat na negosyanteng babae sa Aurous Hill. Siya ay nagsalita, ang kanyang boses ay nanginig na may pagkabalisa pero mahinahon pa rin, “Hello, Miss Young, salamat po at binigyan mo ako ng oras. Nandito po ako upang kausapin ka tungkol sa proyekto sa hotel. Kahit na ang Wilson Group ay hindi kasing lakas at kasing sikat ng ibang kumpanya, masisiguro ko na nagsusumikap kami at nagtatag ng isang napaka-positibong reputasyon sa panloob na disenyo at dekorasyon sa industriya!”

Binigay niya ang dokumento at nagpatuloy, “Miss Young, ito ang portpolyo ng Wilson Group, pakitignan po.”

Ngumiti nang marahan si Doris at kinuha ang dokumento sa kanya. Pagkatapos ng isang maikling sulyap, agad niyang sinabi, “Miss Wilson,

“Talaga? Totoo po ba?” Natunganga si Claire sa gulat. Bakit sobrang bilis at maayos nito? Parang napakadali naman, hindi ba?

Sinabi nang nakangiti ni Doris, “Syempre. Inaamin ko na hindi nga tugma ang pangangailangan at kwalipikasyon namin sa Wilson Group, ngunit mataas ang tingin ng chairman namin sa iyo at handa ka niyang pagbigyan.”

“Ang iyong chairman?” Sinabi ni Claire sa nagulat na tono, at tinanong, “Maaari ko bang malaman kung sino ang iyong chairman?”

Ngumiti nang kaunti si Doris. “Ang aming chairman ay si Mr. Wade mula sa Eastcliff.”

“Mr. Wade?”

Nagkunot ang noo ni Claire sa lito. “Sa tingin ko ay wala akong kilala na may apelyidong Wade bukod sa aking asawa.”

Tumango nang marahan si Doris. Sinabi ni Charlie na hindi dapat ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan, kaya iyon lang ang kanyang masasabi.

Bukod kay Charlie Wade, walang kilala si Claire na may apelyidong Wade, ngunit hindi niya maiisip na ang kanyang walang kwentang asawa, na ampon, ay ang Mr. Wade na tinutukoy ni Doris.

Pagkatapos ay dinagdag ni Doris, “Miss Wilson, nakita ko sa iyong panukala na ang kasunduan ay tatlumpung milyong dolyar?”

Tumango nang may pagkabalisa si Claire at tinanong nang nahihiya, “Masyado po bang malaki?”

Ngumiti si Doris at sinagot, “Ah hindi, mas kaunti nga ito sa ginugol namin.”

Nagtanong nang nagtataka si Claire. “Ano po ang ibig mong sabihin?”

“Sinabi ng aming chairman na taasan ang badyet sa animnapung milyong dolyar.”

Sa gitna ng pag-uusap, kinuha ni Doris ang kontrata at binigay kay Claire. “Tignan mo, plinano namin nang maaga ang kontrata na animnapung milyong dolyar. Kung wala kang problema dito, pwede na nating pirmahan ang kontrata.”

“Huh? Ito…”

Nakatunganga si Claire at nakatulala.

Hindi niya inaasahan na ang Emgrand Group, na parang hindi maabot sa paningin ng Wilson Group, ay maghahanda na kaagad ng kontrata!

Bukod dito, ang halaga ay dumoble!

Ang layunin ni lola sa proyekto ay 30 milyong dolyar, ngunit nakasulat sa kontrata na 60 milyong dolyar ang nakatala!

Bigla niyang naalala ang seryoso at tapat na mukha ng kanyang asawa noong pinilit siya na tanggapin ang gawain sa pagpupulong ng pamilya noong nakaraang gabi.

Bakit siya kumpiyansa?

Noong sila ay nasa harap ng Emgrand Group, siya ay nagdududa at pisimista, ngunit mukha siyang positibo at malakas ang loob.

Maaari bang alam niya talaga ang kakalabasan?

Sino siya…
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joseph Buemia
pwd sa page 256
goodnovel comment avatar
Lorena Teric
bakit naman ganito bigla lang n wala ang I storey n ito malapit konang m tapos laki n ng gastos ko nito tapos balik n nman ako s ompisa kakainis nman...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5980

    Napalundag si Tody at sinubukan umiwas nang isuot ng isang lalaki ang lubid sa leeg niya, pero agad niyang isinantabi ang ideya nang maalala niya ang isa pang opsyon na binanggit ni Charlie.Tiningnan ni Charlie si Tody na may lubid na sa leeg at malamig na sinabi, "Ikaw ba ang sisipa sa upuan, o gusto mo na tulungan ka nila?"Alam ni Tody na ito na ang katapusan niya, kaya napayuko siya habang umiiyak. "M-Mr. Wade, pakitulungan ako..."Napangisi si Charlie at umiling. "Hindi. Ang mga tulad mo ay hindi karapat-dapat na ako pa ang pumatay."Pagkatapos, tiningnan niya ang lalaking dumating kasama ni Tody kanina at walang emosyon na tinanong, "Ikaw ang kanang kamay ng Desperados, tama ba?""Opo, Mr. Wade." Mabilis na tumango ang lalaki at maingat na sumagot, "Ako si Angelo Blount, ang kanang kamay ng Desperados—"Tumingin siya saglit kay Tody at nagmamadaling nagpatuloy, "Pero! Hindi ako katulad ni Tody. Wala siyang konsensya at sobrang brutal. Ilang beses ko na siyang pinayuhan, pe

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5979

    Ang matatag pero malupit na mga salita ni Charlie na walang emosyon ay kumalat sa buong silid na parang isang matalim na patalim, kaya nangilabot ang lahat. Mas lalo pang natakot si Tody.Ayaw niyang mamatay, at lalong ayaw niyang mamatay ang pamilya niya tulad ng mga taong pinatay niya dati. Sa ngayon, sobrang nainis siya sa sarili niya dahil humingi pa siya ng katarungan mula kay Charlie. Ito na ang pinaka-nakakahinayang at pinakabobo niyang desisyon sa buhay.Habang nakaluhod sa sahig at basang-basa ang mukha sa luha, nagmakaawa si Tody na patawarin siya ni Charlie, pero hindi siya pinansin ni Charlie.Dahil wala siyang narinig na sagot mula kay Tody, sinabi ni Charlie, "Sige, kung ayaw mong pumili, ako na lang ang magdedesisyon para sa'yo."Pagkatapos, bumaling siya kay Porter na nasa tabi niya. "Piliin mo ang unang opsyon. Siyasatin mo muna nang mabuti bago gawin, at kumuha ka ng video habang ginagawa mo ito. Gusto kong ipakita ito sa kanya para malasahan niya ang sarili niyan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5978

    "Ano?" mariing sagot ni Charlie. "Gusto mo akong maging patas, hindi ba? Kung ganoon, kailangan ko ring maging patas! Kailangan kong hilingin sa'yo na maging patas ka rin sa mga taong tinrato mo nang hindi makatarungan. Bakit hindi mo matanggap iyon?"Pagkatapos ay bumaling siya kay Porter at idinagdag, "Ah, oo nga pala, Porter, habang iniimbestigahan mo ang nakaraan ni Tody, alamin mo kung nanakit siya ng mga inosenteng pamilya ng kanyang mga kaaway at kakompetensya. Patitikim natin sa kanya ang sarili niyang gamot. Kung pumatay siya ng asawa ng ibang tao, papatayin natin ang kanya. Kung pumatay siya ng anak ng iba, papatayin natin ang kanya. Patas lang, hindi ba? Iyon naman ang hinihingi niya.""Opo, Sir!" matiyagang tugon ni Porter. "Huwag po kayong mag-alala, Mr. Wade. Iimbestigahan ko ito nang mabuti."Namutla ang mukha ni Tody nang marinig ito, at halos nanginginig na nang marahas ang mga kalamnan sa mukha at mga paa't kamay niya.Mula sa grupo ng mga taong nakagapos, may isa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5977

    Agad na tumango si Porter at sinabi, "Masusunod!"Itinuro ni Charlie si Angus at sinabi kay Porter, "Simula ngayon, kung may mangyaring kahit ano sa kanya, natural man o hindi, patayin mo agad ang lahat ng mga taong ito!"Napuno ng pagkabigla ang silid nang marinig ng mga tao ang sinabi ni Charlie. Sunod-sunod ang ungol nila, halatang mariin ang pagtutol sa desisyong iyon.Napangisi si Charlie at nagpatuloy, "Dahil pinag-uusapan natin ito nang sama-sama, hindi natin sila pwedeng pigilang magsalita." Lumingon siya kay Porter at iniutos, "Alisin mo ang busal nila. Pakinggan natin ang sasabihin nila."Tumango si Porter, iginalaw ang kamay bilang hudyat sa mga tauhan niya, at lumapit para tanggalin ang mga bagay na nakasiksik sa bibig ng mga gangster."H-Hindi makatarungan 'yan!" Sa sandaling natanggal ang busal, sumigaw ang isang lalaki sa galit. "Paano kung namatay siya dahil lang sa isang aksidente? Bakit kailangan kaming patayin dahil lang doon?!""Tama siya!" Sunod-sunod ang tan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5976

    Galit na galit ang mga gangster na ito kanina, pero pagkatapos magsalita ni Porter, nagsiksikan sila at nanginig nang todo sa takot.Napangisi nang may pangungutya si Charlie habang pinapanood ang takot na takot na itsura nila. Palaging bastos at mayabang ang mga gangster na ito. Ngayon, sa wakas, natakot sila nang husto.Ang pinakamabisang paraan para harapin ang mga masasamang puwersa na ito sa United States ay ang lokohin sila. Kailangan mong labanan ang mga may kutsilyo gamit ang baril at maging mas nakakakaba kaysa sa kanila.Bukod pa riyan, wala talagang moralidad ang mga taong nasa ganitong uri ng trabaho. Mas mahigpit na alituntunin ang moralidad kaysa sa batas. Lahat ng ilegal ay lumalabag sa moralidad, ngunit hindi lahat ng lumalabag sa moralidad ay ilegal.Bawat sentimong kinikita ng mga gangster na ito ay galing sa paglabag sa batas. Para sa kanila, walang halaga ang moralidad dahil kahit ang batas ay hindi nila siniseryoso. Kaya naman, ang pinakamabisang paraan para ha

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5975

    Hindi susuko ang mga lider na ito kay Charlie kahit pa patayin niya si Antonio sa harap nila ngayon. Maaaring magkunwari silang sumusunod para lang mabuhay. Pero pag nakatakas sila mula sa impyernong ito, ang una nilang gagawin ay bumalik—may dalang mga baril at tauhan—para patayin si Charlie.Bukod pa roon, sinabi ni Charlie na kailangan nilang sumuko sa Oskian Gang at ibigay ang kita nila sa grupo. Ibig sabihin niyon, makakaalis sila rito nang buhay, hindi ba?Hindi sila natakot sa ganitong sitwasyon, dahil alam nilang makakaligtas pa rin sila sa huli. Ang kailangan lang nila ngayon ay maghintay ng tamang pagkakataon para gumanti.Kaya palihim nilang pinagtawanan ang alok ni Charlie, pero dahil may takip ang mga bibig nila at nakagapos sila, nagkunwari na lang sila na walang pakialam.Pero si Charlie, wala siyang pakialam sa mga reaksyon nila. Ngumiti siya nang mapang-uyam at nagpatuloy, "Makinig kayong mabuti. Simula bukas, bawat isa sa inyo ay kailangang magkaroon ng full-time

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5974

    Nagulat ang lahat habang pinapanood si Antonio, hindi nila maintindihan kung ano ang ginagawa niya at bakit ganoon ang kilos niya.Nang makalundag si Antonio at makita na ang ibabang bahagi ng katawan niya, saka lang nila napansin na nawawala ang isa niyang paa.Mas nakakagulat pa ang itsura ng sugat niya. Parang hindi pa ito nalilinis o naasikaso. Sariwa pa ang dugo at talagang nakakasindak tingnan.Matagal nang nawala kay Antonio ang dating karisma at presensya ng isang mafia boss.Para mabawasan ang galit ng mga tao sa kanya, tinanggal ni Antonio ang kanyang sombrero pagkatapos ng matinding pagsisikap na makalundag paakyat sa second floor.Lalong hindi nakapagsalita ang mga tao sa nakita nila. Wala na ang parehong tainga ni Antonio, ang naiwan lang ay mga duguang pilat.Makikita sa mga matitinding sugat ni Antonio na dumaan siya sa malupit na pagpapahirap. At sa puntong ito, malinaw na sa kanila na may ibang tao ang nanloko sa kanila para pumunta roon at gapusin sila.Sa oras

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5973

    Alam ni Aman na ang pagpapatawad ni Charlie sa kanya ay isa nang uri ng pagbabayad ng kabutihan sa kasamaan. Sa ganitong sitwasyon, ang pinakamabuting gawin niya ay tanggapin na lang kung anong ibinibigay at huwag nang subukang makiusap pa. Kung hindi, baka magbago pa ang isip ni Charlie at mas malala pa ang ipataw sa kanya.Wala siyang nagawa kundi sabihin kay Charlie, “Mr. Wade, huwag kayong mag-alala. Pagdating ko sa Syria, sisikapin kong makipagtulungan nang mabuti kay Commander Hamed at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko…”Tumango si Charlie nang may kuntento at ngumiti, “Magaling, magaling. Mr. Ramovic, isa kang taong may prinsipyo. Kakaunti na lang ang mga tunay na ganyan sa lipunan ngayon.”Pagkasabi niyon, tumingin si Charlie sa oras at sinabi kay Porter, “Porter, maliwanag na at halos lahat ay narito na. Ayusin mo na ang barko tapos umakyat ka sa itaas para bigyan sila ng matinding babala. Pagkatapos noon, maaari ka nang maglayag kasama sila palabas ng United States.”Tu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5972

    Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung ako ay may kaalaman tulad mo, ginaya ko na ang paraan mo at pinapatay na kita gamit si Antonio.”Habang sinasabi iyon, tumingin si Charlie kay Antonio at tinanong siya, “Antonio, may alok ako sa iyo. Kung papatayin mo si Aman, hahayaan kitang manatili sa New York at ipagpatuloy ang pamumuno sa pamilya Zano. Ano sa tingin mo?”Nang marinig ito ni Antonio, wala na siyang pakialam kung totoo ang sinasabi ni Charlie o hindi. Agad siyang sumagot nang walang pag-aalinlangan, “Mr. Wade! Basta’t bibigyan mo ako ng baril, dudurugin ko agad ang ulo ni Aman hanggang maging tumpok ng karne ito!”Namutla ang mukha ni Aman.Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi ni Charlie. Sa huli, siya rin naman ang unang nagbalak na gamitin si Antonio para patayin si Charlie ilang oras pa lang ang nakalipas. Kung gagamitin din ni Charlie ang parehong paraan laban sa kanya, tiyak na mamamatay siya sa kamay ni Antonio.Nang makita ni Charlie ang takot sa mukha ni Aman, n

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status