Share

Kabanata 7

Author: Lord Leaf
Nang makitang kinukutya si Charlie ng kanyang mga magulang, nagbuntong-hininga si Claire at sinabi, “Pa, Ma, huwag niyong sisihin si Charlie para dito. Ito ang aking ideya. Ayoko nang maliitan nila ang ating pamilya. Hindi pa ba sapat ang pagdudusa natin sa mga nagdaang taon?”

Sinabi nang ina ni Claire, “Kahit na, hindi mo dapat kinuha ang ganitong gawain. Hindi lang ikaw, kahit pa pumunta ang iyong lola, hindi siya papansinin!”

Mayroong mapait na ngiti si Charlie habang pinakikinggan ang pagtatalo. Pupusta siya na ang kanyang mga supladong biyenan ay hindi maniniwala na siya ang totoong nagmamay-ari ng Emgrand Group.

Sa sandaling ito, mayroong katok sa pinto.

“Papunta na…”

Naglabas nang malalim na bugtong-hininga si Elaine habang siya ay naglakad sa pinto at binuksan ito.

Nilipat ni Charlie ang kanyang tingin sa pinto at nakita ang isang batang lalaki na may suot na Armani habang nakatayo sa pinto. Ang lalaki ay kahanga-hanga at kaakit-akit na may relong Patek Philippe sa kanyang pulso, na mukhang apat na milyong dolyar ang halaga.

Tumili nang sabik si Elaine, “Aba, Wendell! Bakit ka nandito?”

Ang lalaki ay si Wendell Jones, ang batang lalaki mula sa pamilya Jones na walang tigil ang paghabol kay Claire.

Ngumiti si Wendell at sinabi, “Tita, narinig ko ang negosasyon ni Claire at Emgrand Group, nandito ako para bigyan siya ng kaunting ideya.

“Hala, ikaw talaga ang tagapagligtas ng aming pamilya!”

Sobrang nasabik at nanginig si Elaine at tumingin siya sa kanya nang malambing na para bang nakatingin siya sa kanyang manugang na lalaki. Agad niya siyang pinapasok sa bahay at sinabi, “Wendell, maaari mo bang tulungan si Claire na makuha ang kontrata sa Emgrand Group?”

Tumango nang may magalang na ngiti si Wendell. Talagang hindi niya pinansin si Charlie, tinrato siya na parang langgam. Naglakad siya diretso kay Claire at sinabi nang marahan, “Claire, bakit hindi mo sinabi sa akin ito? Malaking bagay ito. Gayunpaman, huwag kang mag-alala, may connection ang aking pamilya sa Emgrand Group. Kakausapin ko ang aking ama, tignan natin kung paano ka namin matutulungan dito.”

Sa totoo lang, hindi talaga maimpluwensya ang tatay ni Wendell tulad nang sinasabi niya, gusto niya lang makuha ang puso ni Claire kaya niya ito sinabi.

Alam ni Claire na may gusto sa kanya si Wendell, kaya sinabi niya nang walang interes, “Wendell, salamat sa mabait mong alok, pero salamat nalang, ako na ang maghahanap ng paraan.”

Napanganga si Elaine sa gulat at sinabi, “Claire, baliw ka ba? Mabait at mapagbigay na si Mr. Jones upang bisitahin ka at tulungan ka, paano mo nasabi ang mga ganyan?”

Nanatiling tahimik si Claire, ngunit tinanong ni Charlie nang nakakaintriga si Wendell, “Mr. Jones, nauusisa ako, paano mo matutulungan si Claire? Sobrang laki ng Emgrand Group at sa tingin ko ay wala ka masyadong impluwensya sa kanila, tama? At ngayon sinasabi mo na mayroon kang paraan upang tulungan si Claire na makakuha ng kontrata?

Nanuya nang mapanghamak si Wendell at sinabi, “Anong nalalaman mo? Matagal nang nagtutulungan ang pamilya Jones at Emgrand Group. Ngayon, ang aming pamilya ay makakakuha ng isang-katlo sa dalawang bilyong dolyar na proyekto! Bago yon, kakausapin ko ang aking ama na magbigay ng sampung milyong dolyar bilang isang pangalawang kontrata para kay Claire – Tapos ang usapan, hindi ba?”

Nasorpresa si Charlie, “Aba! Hindi ko alam na may malapit na ugnayan pala ang pamilya Jones at ang Emgrand Group!”

Nanuya si Wendell. “Syempre! Alam ito ng lahat sa Aurous Hill!”

Pagkatapos ay masungit niyang tinignan si Charlie at sinabi, “Charlie Wade, bibigyan kita ng payo. Ang isang palaka sa loob ng balon na tulad mo ay dapat nang iwanan si Claire. Ang isang walang pag-asang lalaki na tulad mo ay hindi siya mapapasaya, magiging pabigat ka lang.”

Malamig na sinabi ni Claire, “Pasensya na, Mr. Jones, hindi ko kailangan ang tulong mo at paki-ingatan ang mga sinsabi mo!”

Natulala si Wendell at sinabi nang hindi makapaniwala, “Claire, tinutulungan kita, bakit mo pa rin kinakampihan ang talunan na ito? Bakit mo siya pinoprotektahan?”

Sinabi ni Claire sa seryosong tono, “Hindi siya talunan, siya ang aking asawa!”

Isang mapanglaw na ulap ang dumaan sa mukha ni Wendell. Siya ay nagalit, “Sige! Yan ang gusto mo, bahala ka! Gusto kong makita kung paano mo ito maaayos! Huwag kang iiyak sa akin dahil hindi kita binigyan ng pagkakataon kapag nabigo ka!”

Pagkatapos, tumalikod si Wendell, dinabog ang pinto, at umalis.

Hinabol nang mabilis ni Elaine si Wendell, pero wala na siya. Galit niyang sinampal ang kanyang mga hita, tinuro ang ilong ni Charlie, at sumigaw, “Ikaw! Gaano ka kangahas! Ano pang ibang gagawin mo bukod sa pagiging pabigat kay Claire? Mabait na magbibigay ng tulong si Mr. Jones pero tinaboy mo siya!”

Sinabi nang walang ekspresyon ni Chaarlie, “Ina, puro salita lang siya. Hindi nga siya makakuha ng kontrata sa Emgrand, paano niya tutulungan si Claire?”

“Kalokohan!” Pinagalitan ni Elaine, “Anong alam mo, ignorante kang tanga! Ang pamilya Jones ay kayang kumuha ng isang-katlo sa dalawang bilyong dolyar na kontrata!”

Hindi nagpahayag ng damdamin si Charlie ngunit sa kanyang puso, siya ay nakangiti habang iniisip, “Hindi ko alam kung gaano makapangyarihan ang pamilya Jones, pero alam ko na ang aking Emgrand Group ay hindi na magkakaroon ng anumang koneksyon sa kanila! Kahit na nagtulungan sila sa maraming proyekto dati, simula ngaayon, lahat ng ito ay ipapatigil na!”

Syempre, hindi nababasa ni Claire ang isip ng kanyang asawa. Humarap siya sa kanyang ina at sinabi, “Ma, huwag mong sisihin si Charlie. Hintayin mo lang na makabalik ako sa Emgrand Group!”

“Hah!” Nagbuntong-hininga si Elaine dahil sa pagkadismaya, ang pakiramdam niya ay hindi patas ang panginoon sa kanya. Pinakasalan niya ang isang walang kwentang lalaki, habang ang kanyang anak na babae ay pinakasalan ang mas walang kwentang lalaki!

Ano bang nagawa niya para magkaganito!
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhanzy Pepito
hay naku.......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6143

    Pagkatapos magpahayag ni Keith, agad na sumang-ayon si Christian, "Kung may matibay na ebidensya na si Charlie, sinusuportahan ko rin iyon!""Oo, Pa!" tumango si Kaeden. "Buong-buo ang suporta ko sa desisyon mo."Naramdaman ni Merlin ang pag-aalala ni Keith kaya napailing siya at sinabi, "Suportado rin kita, pero kapag nangyari na ang lahat, magiging ayos lang ba si Lulu? Baka magalit siya kay Charlie?"Kumaway lang si Keith. "Hindi ganyan kamangmang ang pamilya natin. Mauunawaan niya iyon."Pagkatapos ay mariing sinabi ni Keith, "Pero bukod kay Charlie, tayong apat lang ang dapat na makaalam tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng ito, kahit ano pa ang maging reaksyon ni Lulu, huwag na huwag na natin itong babanggitin. Ililihim natin ito habambuhay."Sabay-sabay na tumango ang tatlo.Walang salitang kasunduan ang pinakamainam para sa ganitong sitwasyon.Sandaling natahimik si Keith, pagkatapos ay marahang pinunasan ang luhang dumaloy sa gilid ng mga mata niya. Matapos nito, sumago

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6142

    Kinuha ni Charlie ang file at pinag-aralan ito. Ang pangalan ng pasyente ay Joel Carr. Na-admit siya sa ospital matapos masagasaan ng sasakyan, at nagtamo ng maraming pasa at mabababaw na sugat. Pero wala namang pinsala sa mga buto o kalamnan niya, kaya mukhang hindi naman malala ang kalagayan niya.Lumingon si Charlie kay Pitt at nagtanong, "Hindi naman malala ang kondisyon niya. Hindi ba’t hindi na siya kailangan i-admit? Hindi ba sapat na i-obserbahan lang siya sa ER?"Napasinghap si Dr. Pitt at agad na nagpaliwanag, "Baka hindi niyo po alam, pero assistant ni Mr. Zekeiah Cash ang pasyente. Sikat si Zekeiah sa New York, at miyembro ng pamilya Acker ang asawa niya. Siya mismo ang tumawag sa hospital director para ipalipat ang pasyente sa ward sa 17th floor para doon gamutin.""Anong sabi mo?" napakunot-noo si Charlie. "Si Zekeiah Cash? Asawa ni Lulu Acker?""Oo!" tumango si Dr. Pitt.Pinisil ni Charlie ang kamao niya at nagngalit ang mga ngipin.Mukhang ang tatlong tao sa Ward

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6141

    Sinabi ni Ruby na si Mr. Chardon ang pinakamalakas sa apat na Earl.Pero kahit na hindi siya nagpakamatay, hindi pa rin niya kayang tapatan si Charlie.Kaya malinaw na kay Charlie kung gaano kadali para sa kanya ang patayin si Mr. Zorro.Pero iba ang may plano, at iba rin ang pagkakaroon ng tamang pagkakataon para maisakatuparan iyon.Alam ni Charlie na mahirap patayin si Mr. Zorro habang nasa New York.Ang makipaglaban sa gitna ng isang abalang lungsod ay mas makakasama kaysa makakabuti. Baka nga bago pa niya mapatay si Mr. Zorro, nai-broadcast na ito nang live sa internet.Kaya hindi matalinong hakbang ang direktang harapin si Mr. Zorro.Bukod pa rito, hindi niya rin maaaring gamitin ang Reiki para patayin ito agad sa isang iglap.Malamang na magdulot ito ng matinding kaguluhan at mga kakaibang balita kung biglang tamaan ng kidlat ang Manhattan Hospital at may isang tao roong mamatay.Ibig sabihin, kailangan niyang makaisip ng paraan para patayin si Mr. Zorro nang walang aba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6140

    "Maabswelto?" tanong ni Charlie. "Kung ganoon, gaano katagal bago matapos ang lahat?"Sagot ni Julien, "Kailangan pa rin ng court hearing bilang bahagi ng proseso. Sa normal na sitwasyon, matagal iyon, pero dahil malaki ang naging epekto ng kasong ito, gusto ng judicial department na maresolba agad. Pinipilit din ng tatay ko na ituring ito bilang special case, kaya magpapadala ang korte ng New York ng team ng mga hukom sa ospital para magsagawa ng hearing at doon na rin ibaba ang hatol. Aalis sila sa loob ng ilang oras, at kung isasama ang lahat ng kailangang oras, matatapos ito mga lima pang oras mula ngayon, mga alas-siyete ng gabi."Nakahinga nang maluwag si Charlie nang marinig iyon.Kailangan pa ni Fleur ng hindi bababa sa sampung oras bago makarating. Kung maabswelto si Raymond sa loob ng tatlong oras, makakaalis na sila agad ng United States. Ipapabalik niya si Raymond sa Oskia, at hindi na maglalakas-loob si Fleur na habulin sila.Sa totoo lang, kahit habulin pa sila ni Fle

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6139

    Sa Ward 02, 03, at 04, may tig-aapat na ahente sa bawat kwarto, habang sa Ward 1701, bukod kay Raymond, may anim na ahente na mahigpit na nagbabantay sa kanya.Bukod pa roon, lahat ng ahente ng FBI ay may dalang mga totoong bala. Kapag may biglang sumugod babarilin nila agad ito nang walang pag-aatubili.Kapag may nangyaring putukan, siguradong lalala ang sitwasyon.Wala namang alitan si Charlie sa FBI, at ayaw din niyang atakihin nang walang awa ang mga ahenteng nagbabantay kay Raymond, kaya kung gagamit siya ng dahas sa ganitong sitwasyon, magiging imposible na ang solusyon.Pero wala ring matinong paraan kung magiging mahinahon lang siya.Hindi naman pwedeng sabay-sabay niyang manipulahin ang halos dalawampung tao, hindi ba?Kahit mapatakas pa niya si Raymond, magiging wanted siya. Ayon mismo kay Raymond, mas gugustuhin pa niyang mabulok sa kulungan kaysa maging isang wanted na kriminal.Habang naguguluhan pa si Charlie sa kung anong dapat gawin, biglang may lumabas na mensah

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6138

    Alam ni Charlie na mas low-profile na ngayon ang Qing Eliminating Society, kaya hindi niya inasahang makakasalubong niya sila sa biyahe niya ngayon sa New York.Pero ngayong bagong dating pa lang siya sa 17th floor ng Manhattan Hospital at may sugatang miyembro ng Qing Eliminating Society na agad na inilipat roon, imposibleng nagkataon lang iyon.Pakiramdam ni Charlie, si Raymond ang pakay ng Qing Eliminating Society, at ang dahilan kung bakit nila siya lalapitan ay dahil sa Four-Sided Treasure Tower.Mahinang sinabi ni Charlie sa sarili niya, "Sinabi sa akin ni Vera na nabanggit ni Marcius sa ama niya ang Four-Sided Treasure Tower, kaya malamang alam ni Fleur ang tungkol dito. Malamang siya lang din ang tanging tao sa Qing Eliminating Society na nakakaalam ng tunay na pinagmulan ng tore. At ngayong tinututukan na ng society ang lugar na ito, sigurado akong utos ito ni Fleur."Dahil dito, naging mas maingat si Charlie.Alam niya na bukod kay Fleur, may tatlong elder at isang earl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status